bc

The Billionaire Single Dad

book_age18+
53.1K
FOLLOW
278.8K
READ
billionaire
one-night stand
second chance
drama
bxg
lighthearted
single daddy
office/work place
realistic earth
engineer
like
intro-logo
Blurb

Warning: This story may contains topic and scenes that may not be suitable for readers below 18 years old. Read at your own risk.

FILIPINO | COMPLETE | R18+

Simon James de Guzman, a mechanical engineer, a very successful businessman, an heir to billions and a father of two amazing sons. He is one of the hottest successful business man in the industry. Ngunit bakit nga ba sa edad niyang 31-years-old ay hindi pa niya naranasang maikasal?

Handa na siyang tanggapin na tatanda na siyang binata na may dalawang anak matapos niyang maihatid sa altar ang fiancee ng kaniyang matalik na kaibigan na inibig niya rin.

Not until the maid of honour in the wedding of his best friend caught his eyes, Maureen Ariya Enriquez, the trusted secretary of his best friend. Her beauty looks danger as he found himself trying to talk to her. Ngunit bakit nga ba pakiramdam niya'y hindi 'yon ang una nilang pagkikita? Something is familiar with his best friend's secretary.

Sino nga ba ang babaeng ito at ano ang magiging papel nito sa buhay ni Simon James at ng kaniyang mga anak? May kinalaman ba ito sa kaniyang nakaraan na nakalimutan niya na sa maraming taon na nagdaan?

Disclaimer

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, songs, and incidents are either product of author's imagination or used in fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is/are purely coincidental.

chap-preview
Free preview
Prologue
"ANAK? Are you sure about this?" tanong ng ina ni Simon James sa kaniya habang nag-uusap sila sa pamamagitan ng video call. Siya ay abala sa paghahanda para sa kasal niya dapat, ngunit ang plano niya ay ang best friend niya ang ikakasal sa kaniyang bride. Sa makalawa na 'yon mangyayari and he want it to be perfect. It's been years, matagal-tagal niya ring pinangalagaan ang kaniyang fiancee na nauna naman talagang naging fiancee ng best friend niyang naaksidente. "Mom, I proposed marriage to Thamara not because I want her to be my wife. Nagpropose ako upang mabakuran ko siya habang hindi pa siya kayang bakuran ni Zkat." Si Zkat Aidenry Lee (Skat/Scott Ay•den•ri Lee) ay ang best friend niya mula pa noong high school. Marami-marami na rin ang kanilang pinagsamahan, malaki na rin ang utang na loob niya rito. Hindi sila madalas magkita dahil hindi naman siya nagpapakita rito ngunit alam niya ang nangyayari sa buhay ng kaniyang matalik na kaibigan. Zkat and Thamara Clarisse Villanueva were bound to get married but Zkat got involved into a car accident na naging sanhi ng pagkawala ng memorya nito at hindi na maalala nito ang fiancee. Him, being the good best friend, the missing in action, kinupkop niya si Thamara na noon ay buntis sa kambal nitong mga anak kay Zkat upang masiguro niyang ligtas ang mag-iina ng kaniyang best friend. It was a tricky move but he thought it was wise. "Anak, may karapatan ka namang ilaban si Thamara. Remember that she is your fiancee now," sabi ng kaniyang ina. Gusto rin kasi ng kaniyang mga magulang si Thamara para sa kaniya. She was caring, hindi lang sa kaniya kundi pati na rin sa mga anak niya. Siya lang 'yong babaeng walang anumang balak na konektado sa kayamanan niya. She was the most genuine person he knew. Sayang lang dahil ito ay para lamang sa kaniyang best friend. "Mom, Thamara is for Zkat. As much as I want her to stay with me for my kids, gusto ko rin maging masaya ang best friend ko, tyaka halata naman na hanggang ngayon mahal pa ni Thamara si Zkat. Ayaw ko ring ikulong siya sa isang kasalan na alam kong hindi naman talaga siya sasaya," sabi niya pa. Kung naramdaman niya lang sanang minahal siya ni Thamara nang higit sa pagmamahal bilang isang kaibigan, baka ilaban niya pa si Thamara. But it was crystal clear that Thamara still loves Zkat, napilitan nga lang itong pumayag sa alok niyang kasal dahil noong mga panahong 'yon, hindi na nito inisip na muling magtatagpo ang landas nila ni Zkat. Binigyan lamang ni Thamara ng pagkakataon ang sariling magmahal muli. Na-appreciate niya ang pagsubok nitong mahalin siya, pero hindi nga naman mapipilit ang pusong magmahal. "You're such a strong and selfless person, Anak. I'm proud na napalaki ka namin ng ganyan ng iyong Daddy," naluluhang sabi ng kaniyang ina na mahina niyang ikinatawa. "Pero sayang din si Thamara, Anak. Sa lahat ng babaeng dumaan sa buhay mo, siya lang yung tumanggap sa 'yo nang buo at nagmahal sa mga anak mo." "Sayang nga," sabi ni Simon James. Nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga. "Pero hindi lang naman 'yon ang mahalaga, Mom. Mahal niya nga ang mga anak ko, mahal niya ba ako?" Mapakla siyang natawa. "Hayaan mo, Anak. Humanap ka na lang ng babaeng mamahalin, 'yong hindi na pagmamay-ari ng iba." Tumango si Simon bilang pagsang-ayon. "Tyaka, tingnan mo nga ang sarili mo, tumatanda ka na pero wala ka pa ring asawa. Kailangan mong bilisan ang pag-aasawa, mamamaalam na sa kalendaryo ang edad mo." "Baka kaya hindi pa ako binibigyan ng asawa dahil baka hindi pa ako handa, Mommy. There's a right time for that. Balang araw ay makakakilala din ako ng babaeng ihaharap ko sa altar na handang tumanggap sa akin at sa mga anak ko." "Tama ka d'yan. Oh sige na. Mag-iimpake pa kami ng Daddy mo para makauwi na kami d'yan sa Pilipinas." "Sige, Mommy. Ingat kayo d'yan ni Dad. I love you both." "I love you too. Pakisabi sa mga apo namin na mahal namin sila." "Opo." Pinatay niya ang kaniyang laptop matapos ang tawag na 'yon tyaka siya tumayo sa kaniyang swivel chair. Gusto niyang bisitahin ang best friend niya ngayon, ngunit galit na galit pa rin si Zkat sa kaniya. Pinapalabas niya kasing itutuloy niya ang kasal nila ni Thamara. Of course, gusto niya lang bw*sitin ang kaniyang kaibigan para mas matuwa ito sa araw ng kasal nito. Maski nga si Thamara ay walang alam sa plano niya. It will be a total surprise for the both of them. Imbes na pumunta sa kaniyang best friend, napagdesisyonan niya na lang umuwi upang makita niya ang mga anak. Tunog pa lang ng kaniyang kotse papasok ng gate ng kaniyang bahay ang narinig ng kaniyang mga anak at nag-uunahan na ang mga ito upang salubungin siya kasama ang mga anak ni Thamara at Zkat na kambal. Nakakatuwang isipin kung paano nagbago ang buhay niya nang maging isa siyang ganap na ama. Ang oras na inilalaan niya noon sa kaniyang pag-iinom at pagbabarkada ay ibinubuhos niya na lamang sa kaniyang anak. He was a wild party freak during his teens. Hindi niya nga inakalang magkakaroon siya ng anak nang ganoon kaaga ngunit nang makarga niya ang kaniyang anak sa unang pagkakataon, doon lamang siya nagising. Inalok niya agad ng pagsasama ang ina ng panganay niya maski hindi pa man naipa-DNA test ang bata. Ngunit umalis rin agad ang ina ng anak niya. Hindi naman maipagkakailang anak niya nga ang kaniyang panganay, kuhang-kuha nito ang kulay ng kaniyang asul na mga mata. Para siyang nananalamin sa nakaraan tuwing tinitingnan niya ito lalo na ngayong malaki na ito. Wala siyang kaalam-alam noon kung paano maging ama sa kaniyang anak, maski pagpapatahan lang ay wala siyang alam. Inilihim niya pa 'yon sa kaniyang mga magulang sa takot na baka hindi matanggap ng mga ito ang kaniyang anak. Mabuti na lamang malawak ang pang-intindi ng kaniyang mga magulang, tinanggap nila ang anak niya at hinayaan siyang bigyan ito ng kanilang pangalan. It was a mistake, aminado siya doon. Kaya ginawa niya ang lahat upang maging mabuting ama sa kaniyang anak na si Jake. Para niya lang mga kapatid ang mga anak niya sa agwat ng edad nila ngunit nagsisikap siyang magabayan nang tama ang paglaki ng kaniyang mga anak. Ngayon ay 13 years old na si Jake Tyron de Guzman, ang panganay niyang kuhang-kuhang ang hitsura niya. At si Tyron Jale de Guzman naman ay 8 years old na. Magkaiba ang ina ng mga anak niya. Pero pantay ang pagmamahal niya sa mga ito. Maski ang mga anak ni Thamara at Zkat na ama rin ang turing sa kaniya ay pantay ang trato niya rito. "Daddy!" tuwang-tuwang tawag ng kaniyang bunso. "You're so early!" "Daddy has nothing to do in the office, Anak. Kaya umuwi ako nang maaga," sabi niya at hinalikan ang noo ng mga anak niya. "Daddy, where's Mama?" tanong ng anak ni Thamara sa kaniya. "Up, please!" Natawa siya at kinarga si Ayesha. "Mama is busy pa taking good care of Papa Zkat, Anak. Habang wala pa si Mama, Daddy will be the one to cook muna," biro niya. "Ahh, I'm not going to eat dinner if you'll cook, Daddy," nakangusong sabi ni Tyron. "I like it better. Better than Mama's cooking!" matinis na sigaw ni Ayesha na ikinatawa niya. "Alright. We'll just order some food, and I'll cook for my princess," aniya at hinalikan ang pisngi batang babae. Pumasok sila sa kabahayan at doon sumalubong sa kaniya ang pakalat-kalat na mga laruan ng mga anak niya. Halos manlumo siya nang makitang parang binagyo ng laruan ang sala ng kaniyang bahay. Malalim siyang napabuntong-hininga at nakaisip ng kundisyon upang mailigpit ang mga kalat. "Daddy will let you eat ice cream, only if the house is clear from any mess caused by your toys!" Dahil sa sinabi niya, nag-unahan ang mga bata sa pagligpit ng mga nakakalat na mga laruan. Napangiti naman siya nang makitang kumuha ng walis at dustpan ang mga ito upang linisin lalo ang sala. Ngunit hindi niya rin maiwasang hindi makaramdam ng lungkot. Ilang taon niya ring nakasama si Ayesha at Aiden na tinuring niya ring mga anak. Siguradong mami-miss niya ang kakulitan ng mga ito lalo na si Ayesha. Iniisip niya na lang na 'yon ang nararapat. Masyado niyang mahal ang mga ito kaya hahayaan niya itong makasama ang tunay nilang ama. Siguro ang pag-aasawa ay hindi pa talaga para sa akin ngayon. Napabuntong-hininga siya. Balik buhay single dad na naman tayo, Simon James. Kayang-kaya mo 'to, ngayon pa bang malalaki na ang mga anak mo?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
139.0K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
181.5K
bc

His Obsession

read
90.2K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
80.1K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
28.0K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
11.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook