AKALA ni Maureen ay magiging maayos na ang lahat ngayon na alam na ng kaniyang ama. Oo, nagalit ito, nadismaya, ngunit sa huli ay sinuportahan pa rin siya nito sa mga plano niya. Kahit papaano ay gumaan ang kaniyang pakiramdam. Sa araw na 'yon ay sinabi niya ang kaniyang plano. Pagkapanganak niya ay iuuwi niya sa probinsya ang kaniyang anak. Saglit lamang na nanatili ang kaniyang ama sa Manila dahil may aasikasuhin pa raw ito sa bukid, pasadya lang talaga siya nitong dinalaw upang kamustahin lalo't ilang buwan na silang nagkita. Alam ng lahat na siya ang paboritong anak ng kaniyang ama, kaya naman hindi na nakakapagtatakang nag-ipon pa talaga ito ng pamasahe para lamang makita siya. Ngunit ang ikinakalungkot lamang ni Maureen ay imbes matuwa ang kaniyang ama sa muli nilang pagkikita, pag