"MAU! What are you doing here?" tanong ni Hailey sa kaniya nang lapitan niya ito sa parking lot, napalingon-lingon pa ito sa paligid. "Magagalit sa 'kin sila Maine kapag nakita nila tayong magkasama!" "Wala na akong maisip na pwedeng makatulong sa 'kin, Hailey, parang awa mo na, tulungan mo naman ako," nagmamakaawang sabi niya sa dating kaibigan. "Ano ba 'yon? Kailangan mo ng pera?" tila nagmamadali na makaiwas sa kaniya si Hailey. Binuksan nito ang kotse at kinuha ang bag nito at kumuha ito ng ilang piraso ng perang papel. "Here, take it. Please wag mo akong lalapitan dito sa school!" "Hailey, hindi 'yan!" sabi niya. "M-may kilala ka bang Simon de Guzman?" Natigilan ang babae nang mabanggit niya ang pangalan. "Why?" tanong nito, "Why are you looking for him? He's a bad boy! Bad news