"MISS, ano pong kailangan niyo?" tanong ng guwardiya sa kaniya nang makita siyang pumasok sa isang pangmayaman na gusali—ang Calm Comfort Towers— habang bitbit niya ang kaniyang natutulog na anak. Nilakasan niya ang kaniyang loob, para sa anak niya rin naman ito kaya kahit mabigat sa kaniyang loob ay kailangan niya iyong gawin. "Ah… kaibigan po ako ni Simon de Guzman," sabi niya sa guwardiya. Tiningnan siya ng guwardiya. Alam niyang pamilyar siya sa guwardiyang ito. Alam niya, kahit nagmamadali siya noon ay namumukhaan siya nito. Hindi ito ang unang beses na tumapak siya sa loob ng magarbong gusali na ito. Alam niya dahil sa lugar na ito siya tumakbo palayo sa takot noong magising siya sa isang kwarto nang nakahubad at ang bumungad sa kaniya ay isang lalaking nakahubad rin at mahimbing