"TOL..." Napatayo si Simon James nang makita ang matalik na kaibigan na pumasok sa opisina nito matapos lang ang ilang minutong paghihintay.
Tama nga ang kaniyang desisyon, mas maayos na tingnan ang kaniyang kaibigan ngayon, mas bakas ang saya sa mga mata at mukha kumpara noong huli na hindi sila maayos.
They did a quick manly hug.
"What's up?" tanong nito matapos ang mabilis na yakap, umupo ito sa swivel chair at siya naman ay umupo rin sa visitor's chair kung saan siya nakaupo kanina habang naghihintay.
"Walang pagbabago," sagot niya. "I'm a bit stressed out… sobrang dami kong inaasikaso. Ikaw? Kamusta ka? Kayo ni Thamara at ng mga bata?"
Matunog na napabuntong-hininga ang kaniyang kaibigan. "We're happy," sagot nito ngunit hindi siya nito nakumbinsi.
Kilala niya ang kaibigan, alam niya kung kailan ito nagsasabi ng totoo at kung kailan ito nagsisinungaling. Alam niya kung kailan ito problemado o hindi. Hindi 'yon maitatanggi ng kaibigan sa kaniya.
"We can talk about it… wala pa yatang isang linggo mula noong kasal niyo, pero namomroblema ka na?"
Malungkot na ngumiti ang kaibigan, "I'm very much happy with my wife… I never regret marrying her… pero… nangangapa ako pagdating sa mga anak ko. I was ready to become a father years ago but I was expecting to father a baby, kaya naman nangangapa ako ngayon na malalaki na sila tyaka pa ako magpapakaama sa kanila… hindi ko nga sila kilala. Alam mo 'yon? It feels odd communicating with them nang hindi ko man lang nasaksihan ang paglaki nila."
Simon James felt guilty suddenly. Siya ang nagnakaw sa limang taon ng buhay ng mga anak ni Zkat Aidenry kaya naman hindi niya maiwasang mag-isip na siya ang dahilan kung bakit nararamdaman ito ngayon ng kaniyang kaibigan.
"But I'm trying…" Ngumiti ang kaibigan niyang muli. "Nand'yan naman si Thamara… lahat magagawa ko, makakaya ko basta kasama ko ang asawa ko."
"Tss…" Hindi napigilan ni Simon James ang pasimpleng reaksiyon kasabay ng pagtawa at aktong parang masusuka na. "Ang corny talaga ng mga in love."
Tumawa lang ang kaniyang kaibigan. Ilang sandali pa ay sumeryoso ulit ito. "Tol… Hindi ko alam kung paano ako makakabawi sa 'yo. I can't thank you enough for everything you've done for me."
Tumango lang si Simon James at ngumiti.
Ilang sandali pa ay natigil ang pag-uusap nila nang may kumatok sa pinto at bumukas 'yon tyaka pumasok si Maureen, ang sekretarya ni Zkat, dala ang dalawang tasa na sa tingin ni Simon James ay kape ang laman.
"Thank you, Maureen."
Naroon na naman ang mga mata ni Simon James na nakatuon sa sekretarya na halata ang hiya sa kaniya na hindi man lang siya halos matapunan ng tingin. Sobrang mailap yata ang babaeng 'to sa lalaki… o baka sa kaniya lang?
"Kapag may kailangan pa po kayo, Boss Amo, sa labas lang po ako," sabi nito kay Zkat.
Napansin ni Simon James ang mapaglarong ngiti sa labi ng kaibigan niya. Alam niyang nakita ni Zkat Aidenry ang kaniyang pagtitig saglit sa babae.
Akmang aalis na ang sekretarya ngunit nagulat si Simon James nang bigla itong tawagin ng matalik niyang kaibigan, mabilis na kinontrol ni Simon James ang ekspresyon sa mukha upang hindi mahalata.
"Maureen? Naipakilala na ba kita rito sa bisita ko? He was the best man sa kasal ko… and also my best friend."
Nag-iwas ng tingin si Simon James sabay buntong hininga. Batid niyang sinasadya ng kaniyang kaibigan na ipakilala sila sa isa't-isa. He get it, Zkat is playing the match maker's role… gumagawa ng barko si Zkat ngayon para sa kanilang dalawa ng sekretarya.
"Kilala na niya ako," sabi ni Simon James upang maiwasan ang pagkailang ng babae.
"Oh?" nanghahamon na ekspresyon ni Zkat sabay tingin sa kanilang dalawa. "Gaano kakilala?"
"Tigilan mo ako, Boss Amo ah?" kaswal na saway ng sekretarya na akala mo nakikipag-usap lang sa tropa. "D-di ako interesado sa iniisip niyo, Boss Amo!"
"Bakit naman hindi?" mapaglarong tanong ni Zkat sa sekretarya. "You're in the right age to start dating, Maureen… medyo huli ka na nga, tumatanda ka na!"
"Karera ba 'yan? Sakit sa ulo lang 'yan, Boss Amo. Marami pa akong pinaglalaanan ng oras na mas mahalaga kaysa sa date na 'yan," tatawa-tawang sabi nito. She seemed calm and casual talking with Zkat. "Speaking of date pala… bukas na po ang meeting niyo with an international forniture company."
"Okay," sagot ni Zkat. "Pero kalimutan mo muna 'yan. I want you to sit here… in front of my best friend."
"Boss?" Halos malaglag ang panga ng babae sa tindi ng reaksiyon nito.
"Maupo ka, Maureen—"
"Tol, you're making her uncomfortable," saway ni Simon James sa kaibigan. "I know her, she's Maureen, your secretary, 'di ba?"
Tumango ang kaibigan ngunit nakakaloko pa rin ang ngiti nito. Bigla itong bumaling kay Maureen. "Ikaw, Maureen? Kilala mo na ba siya?"
Nakita ni Simon James ang paggapang ng kaba sa mga mata nito at ang matindi nitong paglunok. Sumulyap ito saglit sa kaniya.
"Si… Simon de Guzman," sagot ng babae. "May anak na dalawa, bachelor at isang mechanical engineer."
Napangisi si Simon James, tila may alam ang babae tungkol sa kaniya sa paraan at tono ng pananalita nito. Ngayon ay sigurado na siya na nagkita na sila noon at nagkakilala.
"Babalik na po ako sa mesa ko, Boss," sabi ni Maureen sa kanila. Tumango naman si Zkat habang nakangisi at si Simon naman ay nakatingin sa kaibigan at sinusubukang basahin ang isip nito.
Nang tuluyang makalabas ang babae doon lamang umayos ng upo si Simon James upang bweltahan ng mga tanong ang matalik na kaibigan.
"She's really interesting," aniya bilang panimula. "Gaano na ba siya katagal na naninilbihan sa 'yo?"
Zkat smirked, then he took his cup of coffee and made a sip on it. Nanatili naman si Simon James na nakatingin sa kaibigan na para bang hinihintay niya ang sagot nito.
"Maganda ba?" may bahid ng nakakalokong tawa ang tanong nito. "Ilang taon na ulit ang anak mo, Tol?"
"Huh?" naguguluhang tanong ni Simon James. Ano nga ba namang kinalaman ang edad ng anak niya sa pinag-uusapan nila?
"Si Jake, ilang taon na 'ka ko," ulit ni Zkat.
Simon James shook his head and decided to answer his best friend, "Thirteen."
"Hmm…" Inilapag nito ang tasa ng kape. "If I'm not wrong, she's been working for me for twelve years more or less."
Napalabi si Simon James habang patango-tango. Ang hindi niya maintindihan ay kung bakit kailangan pang itanong nito ang edad ng kaniyang panganay na anak.
"Bakit? Tipo mo ba?" tanong ni Zkat Aidenry. "Kung gusto mo ilakad kita."
Simon James smirked and chuckled. "She's pretty… but I don't know her much. Baka kapag 'yan pa ang nakatuluyan ko, kakastiguhin pa ang mga anak ko. She looks… masungit."
Bumulalas ng tawa ang kaniyang kaibigan dahil sa kaniyang tinuran. Mukha ngang mailap at masungit ang dalaga, maganda nga ngunit sa itsura nito, halatang nangtataboy ng manliligaw. She's looking for a woman to love, the one who can love his children as well. Hindi naman sa hinuhusgahan niya ang babae, pero hindi niya pa ito kilala.
"Mabait naman 'yan, hindi magtatagal dito 'yan kung hindi siya mabuting tao," sabi ni Zkat Aidenry. "Isa pa, hindi 'yan pinagseselosan ni Thamara kahit na una ko pa 'yang nakasama at nakilala."
Simon James just nodded and didn't mind. Gusto niya na lang tanggalin sa isip niya ang sekretarya upang maipagpatuloy na niya ang pagtatalakay ng kung ano talaga ang gusto niyang mangyari para sa negosyo nila ng kaniyang matalik na kaibigan.
Natapos ang kanilang meeting at nagdesisyon na si Simon James na magpaalam.
"Mag-night out naman tayo kasama sila Ram," sabi ni Zkat nang matapos ang kanilang seryosong usapan. "Si Daryl ba? Wala kang balita sa kaniya?"
Daryl is also one of their friends, pero hindi alam ni Ram at Zkat na kilala na niya si Daryl bago pa man nabuo ang kanilang grupo noon. They're cousins. Daryl is one of the five successors of their organization, ngunit kumpara sa kaniya, mas seryoso ito sa posisyon kaya naman mas sunod-sunuran ito sa mga misyon na ibinibigay ng organisasyon nila.
Huli niyang kita rito ay noong naupo ang fifth royal blooded ng kanilang organisasyon bilang head. Mula noon ay hindi na niya ito nakita, masyado rin kasing magulo ang buhay nito kaya hindi na siya nagtataka kung bakit mailap ang lalaking 'yon kahit pa magkakaibigan sila.
"Let's just set a date for a night out," sabi na lang ni Simon James. "Baka iwan ko sa inyo ang mga anak ko kapag nangyari 'yon. I couldn't enjoy a night out with friends without making sure that my kids are well."
"Sure, sabihan ko si Thamara," nakangiting sabi ng kaibigan. "Oo nga pala, nami-miss na ng asawa ko ang mga anak mo. Ewan ko rin kung anong pinakain ng panganay mo kay Ayesha, banggit nang banggit ang anak ko kay Jake."
Mahinang natawa si Simon James. Noon pa man ay malapit na talaga sa isa't-isa ang kaniyang panganay na si Jake at si Ayesha. "They're that close, masyadong spoiled si Ayesha kay Jake, animo prinsesa kung ituring. Hayaan mo na, mabuti nga 'yon na malapit ang mga anak natin eh."
Matapos nang ilang sandaling paalam, tuluyan nang umalis si Simon James sa kompanya ng kaibigan. Dahil sa hindi naman sa Pilipinas naka-base ang kaniyang negosyo, hindi siya ganun kaabala, sa bahay na lamang niya ginagawa ang karamihan sa trabaho niya.
Kapag pumupunta kasi siya sa opisina, naiiwan lamang sa bahay ang isip niya dahil sa mga anak niya.
"Dad!" tawag ng kaniyang bunso sa kaniya nang makarating siya sa bahay.
"Hello, Son," nakangiting sabi niya at ginulo niya ang buhok nito tyaka hinalikan ang noo.
Ang mga mata nito habang nakatingin sa kaniya ay puno ng tuwa at paghanga. Hindi maipagkakailang naiiba ang itsura nito sa kaniya. Walang kahit ano sa itsura niya ang namana ng kaniyang bunsong anak. Maski ang ugali nito ay hindi namana sa kaniya.
Pero gayunpaman, nananatiling pantay ang pagmamahal niya para sa dalawa niyang anak… kahit pa ang bunso niya ay hindi naman talaga kaniya.
Tyron Jale de Guzman is not his, it was proven by the DNA paternity test. Pareho sina Jake at Tyron na ibinigay sa kaniya nang sanggol pa lang at pareho niyang ipina-DNA test pero hindi sila nag-match ni Tyron. Kahit gano'n, hindi niya nagawang abandunahin ang bata nang malaman niya ang katotohanan. Naisip niya na kung inabanduna na nga ito ng totoong ina at ama, sino pa ang tatanggap sa isang anghel na kagaya ni Tyron Jale. So, he decided to count him in as his son, at pantay ang pagmamahal niya para sa dalawa, hindi nga niya naiisip ang katotohanan sa pagkatao ng kaniyang bunso, pero batid niyang darating ang panahon na malalaman rin nito ang totoo.
"Dad, can we go to the park? Kuya said na he'll teach me how to drive a bike kasi," sabi ng kaniyang bunso.
"Where's your Kuya?" tanong ni Simon James.
"He's in the garage pa. He said na he'll teach me how to drive a bike muna bago ang dirt bike, Dad."
Ngumiti si Simon sa sinabi ng bunso. Jake really loves spoiling Tyron, or even Ayesha and Aiden. Natutuwa siya sa closeness ng mga anak niya.
"I have a lot of things to do pa. Mainit pa ngayon sa park. Why don't you just practice in the front yard, Son? Tapos kapag marunong ka na at hindi na mainit, doon na sa park?"
"Okay then," sabi ng kaniyang bunso na walang pagdadalawang-isip. "Thanks, Daddy!"
"You're welcome," nakangiting sabi niya sa anak. "Wag kayong lumabas sa gate. Never talk with strangers at wag kang lalayo sa Kuya mo, okay?"
"Okay. I'll call yaya muna for our snacks. Thank you, Daddy!"
Ngumiti si Simon James at hinalikan ang ulo ng anak bago ito hinayaan na umalis. Umakyat naman siya sa hagdan at pinuntahan ang master's bedroom upang makapagbihis.
Nang matapos ay bumaba siyang muli at dumiretso sa kusina upang sabihan ang chef na maghanda na ng pananghalian. Dahil wala na si Thamara sa bahay niya, kinailangan niyang mag-hire muli ng chef dahil hindi siya marunong magluto. Mas marami na rin ang katulong sa bahay upang mapanatiling malinis ang bahay.
When Thamara was still living with him, malinis ang kaniyang bahay, at wala siyang mahihiling pa dahil pati sa kusina ay magaling rin ito. He is missing that kind of care now that Thamara is no longer here. Iba nga talaga mag-alaga ang isang babae na wife material.
Nang maihanda ang pananghalian, agad silang nagsalong tatlo sa hapag. Nakita niya ang kaniyang mga anak na tinitingnan ang pwesto ni Thamara.
"I'm sorry," mahinang sabi niya, inunahan niya na agad. "I know how much you love Thamara… I know that you miss her. I'm sorry, I let you get attached to her."
Napanguso ang kaniyang bunso, "I miss her, Daddy. Can't we visit her? I really miss her cooking."
Simon James sighed. Kung makakahanap lamang siya ng babaeng pwede niyang mahalin, siguradong mapupunan no'n ang lungkot sa bahay niya.
Napailing siya upang mawala 'yon sa kaniyang isip.
"Tyron… she's not our mom, okay?" Jake said in a calm tone. "She's happy now with Ayesha and Aiden's real father… let's just be happy for her, okay?"
His first born really matured well.
"Okay," napipilitang sagot ng kaniyang bunso. Ngumiti na lamang si Simon James.
"Finish your food," sabi niya. "May klase pa kayo after lunch hindi ba? Mamayang hapon na lang kayo mag-bike, masyado pang mainit sa labas."
"Okay, Dad."
His kids are taking online class, home schooled ang mga anak niya dahil nga hindi sila napipirmi sa iisang lugar, mahihirapan lang ang mga anak niya kapag sa regular school niya ito pinapapasok.
Ang anak niyang si Jake ay nasa grade ten na ngayon bagaman trese anyos pa lamang. He was that advanced, nakapasa sa exam para mag-advance siya ng dalawang taon sa highschool. Hindi na nakapagtataka, hindi siya magkakaroon ng katungkulan sa kanilang organisasyon kung ultimo lamang ang kapasidad ng utak nito.
Nang masiguro niyang nasa klase na ang mga anak, tyaka naman siya pumasok sa opisina na nasa bahay niya lang at nagsimulang magtrabaho.
He was contacting a lot of people para humingi ng updates sa kaniyang negosyo.
Nasa kalagitnaan siya ng pagbabasa ng mga reports sa kaniyang laptop nang marinig niya ang katok sa pinto at pumasok ang kaniyang panganay.
"Dad, our class is done," sabi pa nito.
Sinipat ni Simon James ang oras sa kaniyang laptop at napagtanto na higit tatlong oras na pala siyang tutok sa trabaho.
"Nagmerienda na ba kayo?"
"Yeah," sagot nito sa American accent. "We'll just go to the park."
Simon James nodded. Hindi na rin siguro mainit sa labas kaya pumayag siya. "Enjoy. Take care of your brother."
"Hmm," sagot lang nito at tinalikuran na siya tyaka lumabas ng opisina niya. Napabuntong-hininga na lamang siya at kinuha ang cellphone upang tawagan ang kaniyang mga tauhan upang mabantayan ang kaniyang mga anak.
Ipinagpatuloy niya ang trabaho hanggang sa mangalay ang kaniyang likod kaya't napagdesisyonan niyang tumigil muna't magpahinga at puntahan ang mga anak sa park upang sunduin.
Simon James immediately went out of the house, jumped in the car and drove to the nearest park.
Ngunit hindi pa man siya nakakarating sa park, nag-ring ang kaniyang cellphone, ang tauhan niya ang tumatawag.
"Boss…"
"Yes?"
"May binabantayan kaming babae… kahina-hinala ang galaw. Nakamasid sa mga anak niya ilang metro ang layo."
Napakunot-noo si Simon James. Sino naman kayang babae 'yon?
Napabuntong-hininga siya at hindi napigilang mag-alala.
"Okay. Keep an eye on my children… I'm on my way."
Ibinaba niya ang cellphone, at sakto rin dumating ang text ng kaniyang tauhan sa eksaktong lokasyon ng babaeng tinutukoy nila. Kaya naman dumiretso siya doon. Ayaw niyang magpakompyansa, kaligtasan ng mga anak niya ang pinag-uusapan.
Ilang sandali pa ay namataan niya nga ang isang babaeng pasimpleng nakaupo sa bench, at sinundan niya ang direksiyon kung saan ito nakatingin nang matiim—sa mga anak niya.
Agad siyang bumaba ng sasakyan, ang isang kamay ay nakahandang humugot ng baril na nasa kaniyang tagiliran. Oras na kumilos ito ng masama ay hindi siya magdadalawang-isip na gumawa ng aksiyon. Hindi na bago ang ganitong senaryo, sa dami ng death threats sa kanila, tila normal na ito kaya gano'n siya kahanda.
"Why are you looking at my children like that?" he asked in his cold voice as soon as he got near the suspicious woman. Humigpit ang hawak niya sa baril na nakatago sa kaniyang pang-itaas ng damit.
Ngunit hindi niya inaasahan nang bigla itong lumingon sa kaniya, sa gulat ay umawang ang labi niya, para namang natuyuan ng dugo ang babae nang magtama ang paningin nila.
"Maureen?" gulat niyang sambit, hindi makapaniwala. Anong ginagawa ng sekretarya ng kaniyang kaibigan dito?