Chapter 2

2436 Words
NAKAPAMULSA ang isang kamay ni Simon James habang ang isa naman ay nakahawak ng wine glass. Kanina niya pa pinagmamasdan ang babaeng nakakuha talaga ng atensiyon niya mula pa kanina. Sumisimsim siya ng mamahaling wine habang pinagmamasdan nang mabuti ang babae at hinahalungkat sa isip kung kailan at saan niya nga ba nakita ang babaeng 'yon. Bukod pa doon, napansin niyang kanina pa nakatingin ang babae sa kaniyang mga anak na nasa iisang mesa lang, nagtatawanan at naglalaro. Masyadong abala ang lahat sa selebrasyon, nasa dance floor ang bagong kasal kaya nga nagtataka siya na imbes sa bagong kasal dapat ang atensyon ng babae, ngayon ay nasa mga anak na niya. Ilang metro din ang layo ng babae mula sa mesa kung nasaan ang mga anak niya. She was also sipping some wine next to a business table. He cleared his throat before he decided to go near her and approach her, hindi na nakapagpigil pa. "Do you need something from my kids?" tanong niya nang makalapit sa babae. Gano'n na nga siguro katutok ang babae sa mga anak niya dahil halos mapatalon ito nang magsalita siya at hindi napansin ang paglapit niya. Ang mga mata nito ay nanlaki nang magtama ang paningin nila. Simon James put his wine glass on the same table where the woman's wine glass is also placed, they are now sharing a table. "Wala." Nag-iwas ito ng tingin. Naging malikot ang mga mata nito. She looked tense, he can feel that she is nervous and anxious, he wonders why. Lumaki siyang inaaral kung paano mangilatis ng tao kaya sa unang tingin pa lang, alam niyang hindi na komportable ang babae sa presensya niya. Mas lalo tuloy nabuhay ang interes niya para makilala ang babae. "That blue-eyed kid…" Simon James slightly pointed at Jake Tyron, his eldest. "That's my first born." Nahihiyang lumingon ang babae sa kaniya. Bumuntong hininga siya at sinalubong ang tingin ng babae. "The tall one next to my first born is my second child…" aniya. Hindi niya rin alam kung bakit niya ba sinasabi ang mga 'yon, hindi naman nagtatanong ang babae. Pero mukha kasing interesado ang babae eh. "The two younger kids, they're Zkat and Thamara's children, but they're also my kids. I bet you're watching them because you find them adorable." Ngumiti ang babae. Hanggang ngayon, ramdam niya pa rin ang pagkailang nito. "I'm Simon James de Guzman," kusa niyang pagpapakilala sa sarili kasabay ng paglahad ng kamay. "And you are?" Tiningnan ng babae ang kaniyang kamay na naghihintay. Nakita niya ang pag-aalinlangan nito sa pagtanggap ng kaniyang kamay at sa pagsagot sa kaniyang tanong. "Do you have a name, Miss?" he didn't mean to smirk but he did. Nakita niyang matinding napalunok ang babae, tinanggap nito ang pakikipagkamay niya, at habang hawak niya ang kamay nito, naramdaman niya agad ang gaspang ng palad nito, it was very rare for him na makatagpo ng babaeng hindi malambot ang kamay maliban na lang sa mga kasambahay nila. Namangha siya. She must be so hardworking, that's impressive. Naramdaman niya rin ang panginginig nito at ang lamig ng mga palad nito, pati ang pintig sa pulsuhan nito ay ramdam na ramdam niya. Nagbitaw na lang sila ng kamay, hindi pa sinabi ng babae ang pangalan nito. Of course, he knew her name, he just wanted to hear it from her, he did not want to appear strange to the woman if she found out that he knew her name kahit di naman ito nagpakilala sa kaniya. "May I know your name, Miss?" tanong niya sa babae. Kaswal ang pakikitungo niya, ayaw niyang mailang lalo ang babae, hindi niya gustong isipin nito na nilalandi niya ito dahil hindi naman talaga. "Maureen…" tipid na sabi nito. "A-ahm… s-secretary ako ng groom." Napatango-tango si Simon James sa babae tyaka ngumiti. "Nice to meet you then, Maureen." Tumingin lang sa baba ang babae. Hindi alam ni Simon James kung likas lang ba talaga itong mahiyain o talagang sa kaniya lang ito nahihiya. Pakiramdam niya tuloy ay may nangyari sa kanila noon na hindi maganda dahilan para ganun na lang ang babae kung maabala sa presensya niya. The name really sounds familiar, pero hindi niya alam kung saan at kailan niya ito narinig. Ang mukha rin ng babae ay naaalala niya ngunit malabo at hindi siya sigurado. Hindi na siya nagsalita pa, pakiramdam niya ay hindi rin naman interesado ang babae. Kaya naman, binitbit niyang muli ang kaniyang wine glass at nakihalo na sa mga bisita na naroon na pinapanood ang bagong kasal na sumasayaw. The guests were taking turns in pinning bills on the clothes of the newlywed couples during their galahan or prosperity dance. Biglang nagsigawan at nagpalakpakan ang mga bisita sa pagkamangha nang tumayo si Jason Axe Lee, ang kuya ng groom at naglagay ng cheque na ang bulong-bulongan ay milyon raw ang halaga. Sunod-sunod naman ang paglapit ng mga tao sa bagong kasal, nagsabit ng mga perang papel. Napangiti naman si Simon James nang malingunan siya ng kaniyang matalik na kaibigan. Kinuha niya ang kaniyang cheque na nasa bulsa ng kaniyang suit sa loob at siya naman ang lumapit. "Di mo naman na kailangan 'to, alam ko naman na handa ka sa pag-a-asawa ninyong dalawa," sabi niya kay Zkat. Tinapik niya ang balikat nito at isinabit ang cheque sa damit ni Thamara. Nagpalakpakan ang mga tao, narinig niya pang nagpasimunong magbiro ang isa sa mga bisita na naroon na kaibigan ng kapatid ni Zkat, kung hindi siya nagkakamali, Keeran Alonzo ang pangalan. After the reception, imbes na umuwi na sa bahay nila ang bagong kasal, dumiretso si Zkat at Thamara sa bahay ni Simon James dahil kailangan na nilang asikasuhin ang mga gamit ng mga bata at ni Thamara upang makalipat na. Nalulungkot man si Simon James dahil napamahal na rin ang mga bata sa kaniya, alam niyang wala rin siyang karapatang pigilan sila. Ilang taon na ng buhay ng mga bata ang nahiram niya sa kaniyang kaibigan. It's about time to let go and let the real father become the father of the twins. Nag-usap na rin si Simon James at Zkat, naghingian ng tawad sa mga nangyari nitong mga nakaraan at nagkapatawaran rin naman sila. Kung pinairal niya ang kaniyang pagkamakasarili, alam niyang hindi rin sila magiging masaya ni Thamara at mawawalan pa siya ng isa sa pinakamatalik niyang kaibigan. "Tol, alis na kami. Maraming salamat," emosyonal na sabi ni Zkat sa kaniya, kanina pa ito paulit-ulit sa pagpapasalamat sa kaniya. Lumapit ito sa kaniya at niyakap nang mahigpit. "Ingat kayo. Ingatan niyo ang isa't-isa," sabi niya pa. Lumapit rin si Thamara, umiiyak at niyakap siya. "Thank you… I owe you a lot. Thank you so much." Ngumiti lang si Simon James, pinikit saglit ang mga mata. Kailanman ay hindi niya ito nakasamang matulog sa iisang kama na silang dalawa lang, hindi niya ito nagalaw dahil alam niya ang limitasyon niya, ngunit ang puso niya ay hindi niya napigilang tumibok para rito. Pero hindi iyon kasama sa plano niya, kung mahal niya si Thamara, mahal niya rin ang kaniyang matalik na kaibigan. He loves them both and they make a great pair. Hindi bale na, makakatagpo naman siya ng babaeng para sa kaniya, iyon na lang ang kaniyang iniisip. At kung hindi, may mga anak naman siya, marami rin siyang pagkakaabalahan habang wala pa siyang asawa. Kung hindi man niya mararanasang maikasal sa isang babaeng mahal na mahal niya, masaya na siya sa buhay niya bilang isang single dad. Sa sumunod na araw, tila naging normal lang sa kaniya ang takbo ng mga araw. Balak niyang bumalik na sa Japan sa susunod na linggo para asikasuhin doon ang negosyo niya. May katungkulan pa ang kaniyang panganay na anak sa kanilang organisasyon kaya hindi rin ito pwedeng manatili sa Pilipinas nang permanente. Masyadong komplikado ang pananatili nila rito sa Pilipinas, maraming death threats silang natatanggap. Sa sobrang taas ng antas ng pamumuhay nila at dahil sa matagumpay nilang negosyo at karera, marami ang gustong humila sa kanila paibaba. Simon James can't get close to people outside the organization, maaari itong maging kahinaan niya, but Zkat was an exception, he may not be part of that kind of organization, he may have the most peaceful life even though he also belongs to an elite family, pero ayaw niyang bitawan ang pagkakaibigan nila, kaya naman palihim niya itong pinapabantayan sa mga tauhan niya, 'yon din ang dahilan kung bakit alam niya ang mga nangyayari sa kaniyang kaibigan kahit hindi sila nagkikita. Their friendship is strong enough, matibay ang pundasyon, kaya kahit dekada man ang kanilang pagkikita, walang nagbabago. Iyon ang pinanghihinayangan niya, alam niyang makakatagpo pa siya ng babaeng kagaya ni Thamara, iyong para talaga sa kaniya… pero ang makakilala ng kaibigan na kagaya ni Zkat na tanggap siya nang buong-buo at kailanman hindi siya tatalikuran, 'yon ang mahirap. He has the most difficult life, iilan lang talaga ang makakaintindi at makakatanggap sa kaniya. Sa silaw ng kapangyarihan na nakadikit sa pangalan niya dahil sa kanilang kayamanan at koneksiyon, kahit siguro ang mga gold digger ay hindi makakayanang manatili sa buhay niya. "Daddy? Babalik pa ba sila Mommy Thamara rito?" tanong ng kaniyang bunso habang nasa hapag sila isang umaga. Pinaintindi niya na sa mga anak niya ang lahat pero naiintindihan niya ang kaniyang bunso na magtanong. "Siguro… bibisita lang sila, Anak," sagot niya. "Sinabi ko na sa inyo di ba? Mommy Thamara is Papa Zkat's wife now… they have to live together, they're family." "Aren't we family too?" inosenteng tanong ni Tyron sa kaniya. Ngumiti si Simon James nang pilit para sa anak. "We will miss Mommy Thamara's cooking, Dad," dagdag pa ng kaniyang bunso. "Sana bumalik na lang sila dito. Don't you like her to be your wife, Dad?" Umiling si Simon James, malalim na bumuntong-hininga at tiningnan ang anak. Hindi niya na lang sinagot, ayaw niyang kung ano pang masabi sa anak. "Finish your meal, Son. Daddy needs to work today, I will have a business meeting with Papa Zkat. Sila Yaya na muna ang kasama niyo dito, okay? Kapag may kailangan kayo, wag kayong lalabas ng bahay na walang kasamang guards, okay? Always bring your phones with you and the watch that I gave to you." Simon James gifted his sons wristwatches that has a tracker in it so he can track their location whenever they're not together. Gusto niya lamang mapangalagaan ang mga anak habang magkakalayo sila kahit pa alam niya nang may kakayahan na ang panganay niyang anak para protektahan ang kaniyang sarili. MATAPOS ang kanilang agahan, agad tumulak si Simon James patungo sa kompanya ng kaniyang kaibigan na si Zkat. Hindi dito sa Pilipinas nakabase ang negosyo niya na mga sasakyan kaya't wala siyang sariling building para sa kaniyang kompanya sa bansa, pero may opisina naman siya sa kompanya ng kaniyang ama lalo't COO siya rito. The business that he was offering Zkat before was for his father's company. He reached out to Zkat para maging daan 'yon ng muling pagpapalapit niya ng mundo nila Thamara at Zkat. Now that his plans were successful, he wants to continue the deal with his best friend, of course he wants to know how good his friend is. He wants to experience being his business partner first hand. Kaya naman hindi siya nagdalawang-isip na bisitahin ang kaibigan upang mapag-usapan na nila ang kanilang negosyo. Hindi ito ang unang beses na pumunta siya sa opisina ng kaibigan, kaya naman alam na niya kung saan niya ito pupuntahan. "Good morning," bati niya sa babaeng nasa labas ng opisina ni Zkat, hindi na siya nagulat pa nang makita roon si Maureen, hindi ito nakakuha ng atensiyon niya noong unang pagpunta niya rito sa kompanya dahil abala siya noon sa kaniyang cellphone at hindi niya gaanong tiningnan ang sekretarya noon. Ngunit ngayon, ang buong atensiyon yata ni Simon James ay nakatuon sa babae, naroon na naman ang isip niyang pilit inaalala kung kailan at saan niya nakita ang dalaga. "G-good morning, Sir," the woman greeted him back, trying her best to be firm and formal. "Nand'yan ba si Zkat?" tanong niya. The woman looked at him quickly. "Hindi pa po dumating si Boss, Sir… m-may appointment po ba kayo?" "There's no need for that… he's expecting my presence today," sabi niya pa sa babae na hindi inaalis ang titig niya rito. Simon James bedded a lot of women before… he's not sure if this woman is one of those, but he's sure that with her pretty face, he'll be able to remember her, pero wala talaga, it seemed to blur in his mind. "Gano'n po ba, Sir?" halos mautal nang sabi ng babae. "S-Sa… loob na lang po kayo maghintay." "Sure," sabi niya ni Simon James kasabay ng pagngiti. Pumasok silang dalawa sa opisina ng CEO, si Zkat Lee. Si Simon naman ay agad umupo sa visitor's chair na naroon. "I'll wait for him here… thank you," aniya na puno ng pormalidad. Ngunit gulong-gulo rin ang isip. "Gusto niyo po ba ng… maiinom, Sir?" Tiningnan ni Simon James ang babae habang nakatingin ito sa kaniya ngunit halata ang pagkailang. "Tubig… water will do. Thank you." Tumango ang sekretarya at akmang aalis na ngunit ang bumabagabag sa isipan ni Simon James ang nagtulak sa kaniya upang biglaan niyang hawakan ang kamay ng sekretarya at hilain pabalik sa kaniya. Naramdaman niya ang gulat ni Maureen nang makita niyang manlaki ang mga mata nito. "S-Sir?" kabadong tanong nito, ramdam ni Simon James ang bilis ng t***k ng puso sa paghawak niya ng palapulsuhan nito. "Nagkita na ba tayo dati?" mahinang tanong ni Simon James, nakakunot-noo habang matiim ang tingin niya sa sekretarya. "You seemed very familiar to me… nagkita na ba tayo dati?" The woman suddenly averted her gaze, hindi talaga ito makatingin sa kaniya. "You're talking to me… it'll be rude if you'll keep on looking at something else, Miss Secretary," aniya gamit ang kalmadong boses. "H-hindi pa," biglang sagot ng babae. Tyaka ito napalunok at tiningnan siya sa mga mata. "H-hindi po kita kilala, Sir… h-hindi niyo rin po ako kilala." Lumaban si Simon James sa tinginan nila sa mata. "Are you sure?" Tumango ang babae sa kaniya at pilit na ngumiti tyaka nag-iwas ng tingin. "Alright," Simon James said and smiled, he sounded and looked convinced. "Nice to meet you then." The secretary just nodded her head and finally left telling Simon James that she'll just get the water that Simon wants. Nang makaalis ang babae, doon pa lamang napangisi si Simon James, dahil alam niyang may mali… alam niyang may hindi sinasabi ang babae… at sisiguraduin niyang… malalaman niya 'yon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD