Chapter 4

2290 Words
NAPABITAW si Simon James sa hawak na baril, ang kaninang pag-aalala at pagiging maingat sa posibleng mangyari ay napalitan bigla ng pagtataka. Hindi niya akalain na makikita ang sekretarya ni Zkat dito sa park malapit sa kanilang village. Ano naman ang ginagawa nito dito? May kalayuan ito sa kompanya ni Zkat… at bakit sa lahat ng pwede nitong pagkainteresan na tingnan ay ang mga anak niya pa? That was strange. Nagsimula nang kutuban lalo si Simon James. He started getting curious about this woman's identity. "What are you doing here?" he asked, trying to keep himself calm despite his suspicions. Tumayo ang babae at yumuko, tyaka tumingin muli sa kaniya para lamang mag-iwas muli ng tingin. "Magandang hapon po, Sir," magalang nitong bati sa kaniya. "Nandito po pala kayo." "Hmm," tumango si Simon James. "This is the second time I've caught you watching my kids… is that even a coincidence?" nagdududang tanong niya. "W-Wala po akong masamang intensiyon sa… s-sa mga anak niyo po, Sir!" aligaga at halatang kabado na depensa nito. "N-Natuwa lang po akong panoorin sila… h-habang nagpapahinga ako, Sir." Simon James took a deep breath, sinulyapan niya ang kaniyang mga anak na nagpa-practice pa rin mag-bike bago niya tiningnan muli ang sekretarya. "Saan ka ba galing at kailangan mo pang magpahinga dito imbes doon sa bahay niyo?" tanong niya sa dalaga. He is testing her now. Hindi naman siya madalas na masungit sa pakikipaghalubilo sa iba, pero dahil sa nararamdaman niyang pagdududa sa sekretarya ng kaniyang kaibigan, hindi niya magawang maging mabait. When it's about the safety of his kids, lahat yata ng kwento ay nababago, it's a different kind of story. "P-Po?" Simon James looked at the woman intently but coldly, his face is lacking emotions now. "Do I have to repeat my question?" "S-Sa trabaho po, Sir," sabi nito. "N-Nagpapahinga lang po ako dito, Sir… pumapasyal-pasyal lang." "I see." Napatango-tango si Simon James, nagpapanggap na kumbinsido. Humugot sita nang malalim na buntong-hininga. "I'm sorry, I'm just making sure that my children are safe. It's strange that someone is watching them from afar. You know, Miss Secretary, our family is receiving a lot of threats, at hindi ako pwedeng magpakakumpyansa lang." "N-Naiintindihan ko naman po, Sir… Maniwala po kayo, wala po talaga akong masamang intensiyon sa mga anak niyo. N-Nagkataon lang po na… na nakita ko po sila at naaliw ako sa kanila, Sir." Tumango si Simon James sa sinabi ng sekretarya. "Alright," sabi niya, hindi man lang nagbago ang reaksiyon sa mukha niya. "I hope you're telling the truth then." Tinalikuran ni Simon James ang babae at naglakad siya palapit sa mga anak niya at sinamahan niya na lang ang mga anak niya. Sa tindi ng panganib, hindi lang isa, dalawa o tatlong tao ang nasa paligid nila para magbantay sa kanila. Simon James has his own army to secure his and his family's safety. He even has snipers, to secure their safety from a distance, gano'n katindi ang siguridad nila ng kaniyang pamilya, hindi man nila nakikita o nakikilala ang mga ito dahil nagmimistulang normal na tao lang ang mga ito sa paligid, alam nilang hindi ito nawawala. Iyon laman ang tangi nilang paraan upang kahit papaano ay makapamuhay sila ng normal. LUMIPAS ang mga araw, walang nabago sa takbo ng kaniyang buhay bilang isang ama at isang negosyante. Ngunit hindi nawala sa isip niya ang sekretarya, gusto niya talagang malaman kung anong totoong intensiyon nito. Tila hindi siya matatahimik hangga't hindi niya nasisiguro na ligtas ang kaniyang mga anak. That's why when he had enough of thinking, he called Gaston, a private investigator, assistant, butler, personal bodyguard who worked solely for him since he was a teen. "Good morning, Master," bati nito nang makapasok sa kaniyang opisina. Kumpara noong huling kita niya rito higit isang buwan na ang nakalipas, napansin niya ang paggalaw ng katawan nito, tila tumaba. Halos ka-edad niya lamang ito, siguro ay buwan lamang ang pagitan ng edad nila. Akala niya nga noon ay wala itong balak mag-asawa dahil sa responsibilidad at obligasyon nito sa kaniya, but he was so happy to learn months ago that his butler was planning to settle down, at naganap nga ang kasal nito kamakailan lamang. "How are you?" he asked. Galing pa itong Japan. "I'm doing great, Master, thank you for blessing my marriage. I didn't expect that you would let me settle down for good," bakas ang saya sa mga mata nito at sa buong mukha. "It's your right to be happy, Gaston," nakangiting sabi ni Simon James. "Still… Thank you. I'm your slave, Master. Whatever you want me to do, I have to follow you," sabi nito sa kaniya na tila ba isa itong robot. "Enough," he said and shook his head. Umupo siya sa kaniyang swivel chair at pinaupo rin sa visitor's chair ang kniyang butler. "I called you to do something for me." "What is it, Master?" "I want you to investigate someone for me. Gusto kong malaman ang background niya, pangalan niya, natapos niya, pamilya niya, at kung saan siya nanggaling," seryosong sabi niya sa kaniyang butler. Nagtataka siyang tiningnan ng kaniyang butler. Nabasa niya agad ang iniisip nito sa pamamagitan lamang ng pagtingin sa mga mata nito. "I'm not attracted to her," pangunguna na niya sa kaniyang butler. "I don't like what you're thinking, Gaston!" Mahinang natawa ang kaniyang butler sa kaniya. "I beg to disagree, Master… I'm not thinking of anything. I'm only listening to you." Humugot nang malalim na buntong-hininga si Simon James. "I don't like her or something related to that, I want to make it clear to you." "Sure, Master," nakangiti nitong sabi kasabay ng pagtango. "I only want to know the truth behind her because… I caught her twice watching my children. I just want to make sure, nothing else, okay?" Tumango ang kaniyang butler bilang pagsang-ayon sa kaniyang sinabi. Napabuntong-hininga siya at nag-iwas na lamang ng tingin sa kaniyang butler. Natahimik silang dalawa pareho, hindi na niya alam kung ano pa ang sasabihin niya. It feels awkward, ngayon niya lamang napagtanto na parang sobrang defensive ang dating ng kaniyang tono at ang mga salitang kaniyang sinabi. Hindi niya naman sinasadya 'yon at wala siyang ganoong intensiyon pero pati siya ay nahihiwagaan kung bakit gano'n na lang siya kung magsalita. Tyaka pumasok sa isip niya ang imahe ng babaeng 'yon. Si Maureen. Hindi niya maintindihan kung bakit tila kay ganda ng pangalan nito sa kaniyang isip. Kung sabagay, totoong napakaganda nito kahit sobrang simple lamang, ang totoo ay ang pagiging simple nito ang nakadagdag sa natural nitong ganda. She has a jet black straight hair that she always ties, hindi niya pa nakikitang nakalugay ang buhok nito ngunit alam niyang bagsak ito at hindi kulot. Ang kulay rin ng balat nito ay hindi ganoon kaputi, hindi rin naman maitim ngunit bagay na bagay sa kaniya. She has an oval-shaped face, bilugan ang mga mata nito na kulay itim, may katangusan rin ang ilong niya, akala mo ay may lahing espanyol. Manipis lang na make up ang ginagamit nito sa mukha, sapat lang upang palitawin lalo ang natural nitong ganda. Bigla niya tuloy naisip ang kaniyang kaibigang si Zkat at napatanong siya kung paanong hindi ito nagawang magustohan ng matalik niyang kaibigan gayong ayon rito, mas nauna pang nakilala ni Zkat si Maureen kaysa kay Thamara. "So, can I get her name now?" tanong ng butler bigla matapos ang ilang minutong pananahimik na tila dinaanan sila ng anghel. Tyaka lamang bumalik sa katinuan si Simon James. "Si… Maureen… Maureen Enriquez." Biglang nagbago ang reaksiyon sa mukha ng kaniyang butler. Bigla itong ngumiwi kaya naman agad siyang nagtaka at napatanong, "What's your problem?" "Maureen? Maureen Enriquez, sounds familiar, Master. It seems like this is not the first time I've heard such a name." Napatiim ang tingin niya sa kaniyang butler. Bigla niya tuloy naisip na 'yon din ang naramdaman niya nang marinig ang pangalan na 'yon, kung gano'n rin ang nararamdaman ng kaniyang butler… maaaring tama nga siya na nakilala niya ang sekretarya ilang taon na ang nakakalipas. Ngunit… kung dati nga silang magkakilala, bakit ayaw magpakilala ng dalaga sa kaniya bilang isang dating kakilala? Hindi ba maganda ang naging tagpo nila noon? Hindi niya maintindihan. "I'm not sure…" nakakunot-noong sabi ng kaniyang butler. "But it feels like the name made me feel like this talk already happened, Master." Nabigla rin siya. Kagaya ng kaniyang butler, ganoon rin ang nararamdaman niya. "Do you have…" Simon James was hesitant to say it. "Do you have a record of the people I've told you to investigate for me?" "Uh—yes?" nagtatakang patanong na sabi ng kaniyang butler. "Why?" "Can you just check it first if you'll find a file under the same name?" sabi niya. "Do it… before you investigate her, okay?" Tumango ang kaniyang butler sa kniya bilang pag-sang-ayon. "Copy, Master." "Thank you," nakangiting sabi niya. Nang matapos ang kanilang pag-uusap ay nagpaalam rin kaagad ang kaniyang butler dahil wala naman na siyang ibang iuutos pa para rito. Pinagpatuloy naman niya ang trabaho niya sa loob ng kaniyang opisina at isinantabi muna ang sobrang daming iniisip. Hapon na nang matapos siya sa kaniyang ginagawa, nagpahatid lamang siya ng pananghalian sa kaniyang opisina. Ang mga anak naman niya ay abala sa klase at martial arts training. Tumayo siya sa kaniyang upuan at nag-unat-unat dahil pakiramdam niya ay namamanhid na ang kaniyang batok at likod. Pati ang mga mata niya ay humahapdi na dahil sa matagal na pagbababad sa harap ng laptop at computer monitor. Akmang aalis na siya sa kaniyang opisina nang biglang tumunog ang cellphone niya na naroon sa mesa. "Tol?" sagot niya sa kaniyang cellphone. Si Zkat ang tumatawag. "James, nakausap ko na si Ram, ayaw pumayag na sa Club Lavista tayo mag-inuman, alam mo naman, buntis ang commander niya. Sa condo na lang daw niya kung okay lang sa 'yo." Napakunot-noo siya. "Hindi ba tayo makakaabala sa kanila? Buntis ang girlfriend niya, okay lang ba 'yon?" nag-aalangang tanong niya. "Oo, okay lang. Di naman daw maselan ang pagbubuntis ni Ayana," sabi ni Zkat sa kabilang linya. "Okay, if that's so, walang problema sa akin," nakangiting sabi ni Simon James. "Iiwan ko na muna ang mga anak ko sa bahay niyo." "Sure," sagot ni Zkat. "Dumaan ka na lang dito, dito na tayo maghaponan, nagluluto ang asawa ko. Sabay na tayong pumunta kay Ram." "Sige." Matapos nilang maibaba ang tawag, agad lumabas si Simon James sa kaniyang opisina sa bahay at hinanap ang mga anak niya. Natagpuan niya ang mga anak niya sa labas ng bahay, nasa malawak na bakuran kasama ang martial arts instructor nila. "Dad!" tawag ng kaniyang bunso na unang nakapansin sa kaniya. Tango lang ang naging tugon ng kaniyang panganay sa kaniya. "Hindi pa ba kayo tapos?" tanong niya sa instructor. "Hapon na ah." "Tapos na po ang session namin kanina, Mr. De Guzman. Pinagbigyan ko lamang silang samahan dito." "Salamat," sabi ni Simon James. Binalingan niya naman ang mga anak niya. "Maligo na kayo, maglinis ng katawan at magbihis. Pupunta tayo sa bahay nila Papa Zkat niya." "Really?" matinis ang boses na tanong ng kaniyang bunso, bakas ang tuwa. "Yes!" "Sige na, maligo na kayo doon." Nagpasalamat siya sa instructor at niyaya niyang kumain muna ng merienda pero tumanggi ito at sinabing tapos na at kailangan na nitong umalis. Hinayaan niya na lamang ang instructor na umalis at bumalik na siya sa loob ng kaniyang bahay. Dumiretso siya sa kaniyang kwarto at mabilis na nag-shower para malinis ang katawan. Tyaka siya nagbihis ng polo at pants. Walang ibang kulay ang mga damit niya kundi itim, puti at kulay abo. Matapos niyang makaligo at makapagbihis, lumabas siya sa kaniyang kwarto at bumaba, nadatnan niya ang mga anak niyang bihis na bihis na. Kung anong ikinatingkad ng kulay sa damit na suot ng kaniyang bunso, ganun naman kadilim ang suot ng kaniyang panganay. Kulay mint green ang suot na T-shirt ni Tyron at kulay puting shorts at puting sapatos habang si Jake naman ay nakasuot ng puro itim na kasuotan, hindi na nakakapagtaka, ganun naman palagi ang kaniyang panganay. Agad silang nagpaalam sa mga kasambahay kung saan sila pupunta tyaka umalis na agad. Pumunta siya sa bahay ng kaniyang matalik na kaibigan. Hindi pa man nakakahinto ang kaniyang sasakyan, nakita na niya ang mga anak ni Thamara at Zkat na nag-uunahan para salubungin sila. "Sila Ayesha at Aiden, Daddy!" sabi ng kaniyang bunsong anak. Inihinto niya ang sasakyan sa tapat ng malaking bahay, hindi pa man siya nakakalabas, nauna nang bumaba ang kaniyang mga anak. "Kuya!" narinig niyang matinis na sigaw ng batang babae. Nakita niya ang pagyakap ng apat, kitang-kita ang pananabik na magkita-kita. Hindi na nga yata 'yon mawawala sa mga anak nila. "James!" tawag ni Zkat at sinalubong siya ng mabilis na yakap. Nakita naman niya ang maliwanag na ngiti ni Thamara, lumapit ito sa kaniya at niyakap siya nang mahigpit. Napangiti na lang rin siya, masaya siyang nakikita na masaya ang pamilya ng kaniyang kaibigan. Sumagi tuloy bigla sa isip niya kung kailan kaya siya magkakaroon ng katulad ng kay Zkat at Thamara. Kung wala siguro ang mga anak niya, sobrang lungkot siguro ng buhay niya ngayon. Pumasok sila sa loob, nakahanda na pala ang haponan. Nagkaroon sila ng masayang salo-salo. Hindi niya napigilan ang sariling makaramdam ng lungkot habang tinitingnan ang mga anak na masayang nakikipag-usap kay Thamara. Madalas mang tahimik at walang emosyon ang kaniyang panganay, nagbabago ito kapag si Thamara na ang kaharap. Tuloy ay napagtanto niya bigla. Pilitin man niyang ibigay ang lahat sa kaniyang mga anak… hindi niya maitatanggi na kailangan ng mga ito ng isang babae sa buhay nila na maituturing nilang ina na mamahalin nila, at magmamahal rin sa kanila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD