TAHIMIK lang na nakatayo si Maureen sa labas ng gate ng bahay ni Simon James at tinatanaw niya ang likod ng sasakyan na palayo nang palayo. Hindi niya alam kung anong mararamdaman, kung malulungkot ba dahil hindi naman tinanggap ng kaniyang anak ang kaniyang inihandang agahan o matutuwa dahil kahit papaano ay nakita niya ito sa malapitan—sa ilang hakbang na layo—hindi gaya ng palaging nararanasan niya noon na ilang metro ang layo nila na halos hindi na niya makita nang malinaw ang mukha nito. Seeing her child that grew well without her, she can't help but feel the pain and regrets. Nagsisisi siya na hindi niya man lang ito nasaksihang lumaki. Hindi man lang niya narinig nang unang beses itong magsalita. Hindi man lang niya naranasan na hawakan ito at alalayan habang natututo itong maglak