"MAURICE!" masayang tawag ni Maureen sa anak nang makita niya itong naglalaro ng skate board sa loob ng gate kasama ang kapatid. Linggo ngayon kaya walang pasok sa trabaho at balak niya talagang ibuhos lang ang buong araw na ito para sa kaniyang anak. Napansin niyang natigilan ang bata, nakatalikod sa kaniya kaya nakita niya ang paggalaw ng balikat nito na para bang humugot ng napakalalim na hininga. "Maam, bawal po kayo dito," narinig niyang sita ng guard na naroon aa guard house. Nilingon niya ito at nginitian. "Tinitingnan ko lang naman po sila, Kuya!" nakangiting sabi niya. "Bawal po talaga, Maam," sabi nung guwardiya. "Umalis na lang po kayo, baka kami pa po ang mapahamak dahil sa inyo." "Kilala po nila ako, Kuya!" pamimilit niya. Desperado talaga siyang makita ang anak, seryoso