"PUPUNTA ka rin ba sa party ng mga anak ni Zkat, Maureen?" tanong ni Simon de Guzman kay Maureen habang nasa trabaho sila sa opisina sa bahay, mamaya na ang party kaya naman hindi na nila gaanong pinoproblema ang mga sarili, half day lang ang trabaho nila ngayon ayon sa sinabi ng boss niya kahapon. "Opo, Boss," sagot ni Maureen. Wala naman talaga siyang balak pumunta dahil nahihiya siya pero wala siyang pagpipilian. "Personal akong sinabihan ni Boss Amo, alam niyo naman po 'yon, kapag hindi ako pupunta baka sa susunod na pagkikita namin ay talakan lang ako nang talakan." Mahinang natawa ang kaniyang amo sa kaniyang sinabi. Natawa rin si Maureen nang maalala ang ilang selebrasyon sa buhay ng kaniyang amo na inimbita siya ngunit hindi siya pumunta, at no'ng magkita nga sila ulit sa trabaho