Chapter 6

2297 Words
NAPATIGIL si Simon James sa saglit na pagkatunganga. Malalim siyang napabuntong-hininga nang makitang patuloy na naglakad ang babae palapit sa kaniya. "Oo nga pala, Mr. De Guzman, pinaghanda ko po kayo ng agahan. Tyaka ito po, gamot sa hangover." Tiningnan ni Simon James ang fruit juice na naroon sa tray tyaka bumaling naman ang tingin niya sa pagkain, simpleng breakfast lang. "So… I will be having breakfast in bed now?" walang emosyong tanong niya. Hindi niya pa ito nararanasan sa buong buhay niya. "Kung hindi po kayo komportable, Sir—Mr. De Guzman… pwede naman pong dalhin na lang natin sa dining area. Kung okay lang sa inyo." Napakunot-noo si Simon James tyaka kinuha ang isang bacon at isinubo iyon. Napatango-tango siya nang malasahan ang pagkain. "I'm fine here," sabi niya tyaka ngumiti. "Thanks." Ngumiti lamang si Maureen sa kaniya. Nagpatuloy naman siya sa pagkain, tyaka niya napansin na nakatingin lang ang babae sa kaniya kaya tiningnan niya ulit babae. "Have you eaten your breakfast?" tanong ni Simon James sa babae. It was so rude of him not to ask her before he dig in. "Ay okay lang ako, Sir. Doon na lang ako kakain sa kusina." "You can just get your food and join me here," sabi ni Simon James sa babae. Naging aligaga naman ang babae. Nakita niya ang matinding paglunok ni Maureen. "S-sige po, Sir—Mr. De Guzman pala." Tumango si Simon James at nakita niyang lumabas sa kwarto ang babae. Napabuntong-hininga siya tyaka muling tiningnan ang tray ng pagkain. Inilagay niya 'yon sa bedside table at umalis siya sa kama at tiningnan niya ang sarili sa salamin. Ilang sandali pa ay pumasok muli si Maureen sa kaniyang kwarto dala ang isang tray ulit na may pagkain din. Nilingon siya ni Simon James, "There you are… let's eat." Bumalik si Simon James sa pagkakaupo sa kama. Iminuwestra naman ni Simon James ang kabilang side ng malapad na kama at doon nahihiyang umupo si Maureen. Sabay silang kumain ngunit namutawi ang katahimikan sa buong paligid. Pareho silang abala sa pagkain, ngunit paminsan-minsan ay napapasulyap si Simon James sa dalaga. "So… where are you going after here?" tanong ni Simon James. Nag-angat ng tingin ang dalaga at tiningnan siya, "Sa… condo ko, S-sir. Kailangan ko pong pumasok sa opisina ngayon dahil siguradong knock out si Boss Amo." "I thought you didn't sleep last night?" patanong na sabi ni Simon James sa babae. He seemed concerned about the woman. Iniisip niya lang na kung siya nga, kapag nakukulungan ng tulog ay hindi nakakapagtrabaho ng maayos, paano kaya kapag wala talagang tulog? Naiilang na ngumiti si Maureen. "Sanay na po ako, Sir." "Hindi ka na sana pumayag sa utos ni Zkat Aidenry na samahan ako para nakatulog ka." "Actually, Sir…" Nahihiya itong ngumiti sa kaniya. "Counted ni Boss Amo as my overtime ang pagsama ko po sa inyo rito. Pumayag po ako kasi kailangan ko rin po ng extra income. May mga bayarin po kasi sa school ang mga kapatid ko." Natigilan si Simon James. Naalala niya ang sinabi ni Zkat kagabi tungkol sa sekretarya kung gaano ito kasipag at katiyaga. "I believe you're earning enough being a secretary to Zkat?" sabi ni Simon James. He didn't feel disappointed that Maureen was paid to take good care of him, he totally understands her that she needs extra income, napahanga pa nga siya sa tiyaga ng dalaga, besides she deserves the pay. Hindi birong mag-alaga ng lasing. "Malaki naman po ang sinasahod ko kay Boss Amo, Sir," nakangiting sabi ni Maureen. "Pero apat po kasi ang kapatid ko na nag-aaral po sa first year college eh. Private college pa po dahil wala sa public college or state university na nandoon sa probinsya namin ang course nila." Mahinang natawa si Simon James, "Sabay-sabay sila sa college? How was that even possible? Are they quadruplets?" "Ay, hindi po, Sir!" mahinang natawa si Maureen. Unti-unti nararamdaman ni Simon James na nagiging komportable na ito sa kaniya. "Patigil-tigil po kasi sila sa pag-aaral, Sir. Kaya noong nakaluwag-luwag, pinagsabay ko na sila ng pag-aaral, eh nagkataon na pareho sila ng level, kaya nagkasabay-sabay na po sila. Pero iba-iba naman po ang kurso nila, Sir." Napatango-tango si Simon James. "So, I assume that you're the eldest child?" "Yes, Sir, opo," nakangiting sabi nito. "I see. Madaldal ka pala," sabi ni Simon James bigla. Hindi niya rin sinasadyang mapuna, akala niya kasi ay tahimik at mahiyain ang babae base sa ilang beses nilang pagkikita, ngayon ay nakikita niyang nagiging komportable ito, dumaldal rin ito. Nahihiyang ngumiti ang babae sa kaniya. "Don't get offended," mabilis niyang dagdag. "That's better." Tahimik lang na ngumiti ang babae. Natapos sila sa pagkain at nagpresenta si Maureen na siya na ang magdadala ng kanilang pinagkainan sa kusina. Pumayag naman si Simon James dahil kating-kati na siyang maligo dahil hindi niya gusto ang amoy ng alak sa kaniya. "Maureen?" tawag niya nang palabas na ito sa kwarto. Napalingon ang babae sa kaniya ulit. "Sir?" "Ihahatid na kita sa condo mo," sabi ni Simon James at hindi na hinintay pa ang babaeng magsalita. Dumiretso na siya agad papasok sa banyo upang makaligo na. Kailangan niya ring pumunta sa bahay ng kaniyang matalik na kaibigan upang sunduin ang mga anak niya. Nagsisisi tuloy siya na nagpakalasing siya nang sobra kagabi, baka hinahanap na siya ng mga anak niya sa oras na 'to, kung sa bagay ay naroon naman si Thamara para alagaan at asikasuhin ang mga anak niya pero nakaramdam na siya ng hiya para rito. As much as he wants to let his children feel a motherly love, he also doesn't want to let his children get more attached to the woman they once looked up to as a mother figure. Alam niyang kahit ilang beses niyang pinaalalahanan simula pa lang ang mga anak niya na pansamantala lamang ang pananatili ni Thamara noon sa kanila, alam niyang napamahal na ang mga ito sa babae. Who wouldn't be? Thamara is a wife and mother material, he couldn't blame his children who are obviously thirsty for a motherly love. Kung siya nga ay nagkagusto kay Thamara kahit anong pigil niya, paano pa ang mga anak niya na marurupok pa at sabik sa pagmamahal ng isang ina? Matapos niyang maligo ay nagbihis siya ng puro itim na outfit. Black jogger pants, black shoes, black hoodie. Alam niyang mainit sa Pilipinas, pero may aircon naman halos lahat ng napupuntahan niyang lugar at mas komportable siya sa ganoong suot. His skin is so white that it looks more feminine than manly, kaya rin hindi siya ganun kakomportableng ibalandra ang balat niya, napaghahalata lalo na hindi siya purong pinoy. Ang kaniyang ama ay half American at half Filipino. Ang ina niya naman ay half Japanese at half American. Kung tutuusin, one-forth lang ang dugo ng Pilipino na nananalaytay sa kaniya pero gustong-gusto niyang manatili sa bansa. He wants to fit in, but his physical feature is very different lalong-lalo na ang kaniyang asul na mga mata. Kasalukuyan niyang sinusuklayan ang buhok niyang medyo mahaba na ang nasa tuktok ngunit malinis ang pagkakagupit sa gilid at likod, itim ang totoong kulay ng kaniyang buhok gaya ng kung anong meron ang kaniyang ina, ngunit naisip niyang mas bagay sa kaniya ang kulay brown gaya ng kaniyang ama kaya madalas niyang pakulayan ang buhok niya. Back when he was younger, teenage days to be exact, a lot of girls admired his eye color. He's that happy-go-lucky student pero masama siyang magalit at kinakatakutan rin sa buong campus noon. Mas marami ang takot sa kaniya kumpara sa mga taong gusto siya lalo at alam ng halos lahat kung gaano kalaki ang impluwensya ng pamilyang kinabibilangan niya. Napabuntong-hininga na lamang siya habang binalikan ang mga alaala sa isip niya. Nang makuntento na sa kaniyang itsura, tyaka niya kinuha ang cellphone na nasa bed-side table at ang susi ng kaniyang sasakyan na siya mismo ang gumawa. Iyon ang kaniyang negosyo, gumawa ng mga sasakyan at magbenta ng iba't-ibang sasakyan, JaRon Wheels is the brand name of his cars, halos lahat yata ng klase ng sasakyan, luxury cars o sports cars, four-setter, six-setter, eight-setter, name it. JaRon was from his sons name, Ja from Jake and Ron from Tyron. Wala na siyang maisip na iba, 'yon na lang dahil mas makahulugan. Hilig na talaga niya ang sasakyan noon pa man. Thanks to his friend, Zkat Aidenry who suggested him to take Mechanical Engineering, he had a background knowledge for his business na nagsimula lamang sa pagbebenta ng gears, carwashing at pag-aayos ng mga sasakyan. Yes, Simon James de Guzman's JaRon Wheels started from that very small business kahit pa sobrang yaman na niya. He was a self-made billionaire of his own, he started from scratch and didn't use his parents' influence to start right at the top of the business industry. Dahan-dahan niyang hinulma at inukit ang sarili niyang pangalan sa industriya, at doon siya mas lalong nakilala hindi bilang anak ni Simeon de Guzman at Jamila de Guzman na mga business tycoon, kundi bilang si Simon James de Guzman, ang CEO at may-ari ng kaniyang sariling kompanya na JaRon Wheels. Ngayon ay may kaliwa't kanan na rin siyang investments sa iba't-ibang kompanya, he's holding small and big stocks to other companies and that helps him earn more making him a dollar multi-billionaire at his early age. Asawa na lang talaga ang kulang sa kaniya, wala nang iba pa. Pero ang yaman at kapangyarihan niya rin mismo ang nagtataboy ng mga babae sa buhay niya. They're all afraid to risk, masyadong malaking tao si Simon James, masyadong mapanganib ang madikit sa kaniya. Lumabas si Simon James sa kaniyang kwarto, tamang-tama dahil nagtagpo sila ni Maureen sa labas. Hindi nakatakas sa paningin niya ang pasimpleng pagkatigil nito at saglit na pagtingin sa kaniya mula ulo hanggang paa ng babae. Napatikhim siya upang mawala ang nakakailang na pakiramdam sa paligid, kaya bahagyang bumalik sa mundo ang sekretarya ng kaniyang kaibigan. "Ready?" tanong niya. Tumango naman ang babae at naiilang na ngumiti. Tumango si Simon James at nauna nang naglakad. "Let's go, baka marami ka pang gagawin sa trabaho." Naramdaman niya naman na sumunod ang dalaga. Nang makababa siya sa unang palapag ng kaniyang bahay, nakita niya ang mga kasambahay na nagbubulongan, parang may pinag-uusapan. Nang makita siya ng mga ito, agad itong naghiwa-hiwalay at bumati sa kaniya na tango lang ang naging tugon niya. Nilingon niya naman si Maureen na nakasunod sa kaniya, nang makalapit na siya sa main door, siya mismo ang nagbukas ng pinto at sinenyasan si Maureen na mauna nang lumabas tyaka naman siya sumunod. Nauna na naman siyang naglakad patungo sa garahe kung nasaan ang kotse niya. Pinagbuksan niya ng pinto sa front seat ang sekretarya, nahihiya pa itong pumasok. "Thank you po," mahinang sabi nito. Umikot si Simon James at pumasok na sa sasakyan, inayos niya ang kaniyang seatbelt at nilingon niya si Maureen na ikinakabit rin ang seatbelt nito. "Paano nga pala tayo nakauwi rito? You drove?" tanong ni Simon James. Umiling si Maureen at ngumiti, "Hinatid po tayo ng driver ni Boss Amo, Sir." Napatango-tango si Simon James, Boss Amo sound weird on his ears lalo pa't ang paraan ng pagkakabigkas ni Maureen noon ay para bang tambay sa kanto ang tinutukoy. Maybe they're that close that Maureen even made a nickname for Zkat. Bahagya siyang umiling upang mawala 'yon sa isip. It sounds like he was being nosy of someone else's life and that's not him. Nasa gitna na siya ng pagda-drive habang itinuturo naman ni Maureen ang daan nang sumagi sa isip niya na baka may asawa o kasintahan ang sekretarya na maari niyang madatnan doon sa condo na magiging dahilan pa ng gulo, kaya napatanong siya. "Maureen… who are you living with in your condo?" Lumingon ang sekretarya sa kaniya at dahan-dahang umiling. "A-ano po ang ibig niyong sabihin?" "I mean… maybe you have a husband, a partner, boyfriend? I'm just making sure that no one will get mad and I'm not driving someone else's girlfriend to her home. Gusto ko lang makaiwas sa gulo," simpleng paliwanag ni Simon James. Mahina namang natawa si Maureen. "Wala po, Sir. Wala akong oras sa gano'n. Kaya nga ako tinutukso ni Boss Amo eh, 'di ba?" Napakunot-noo si Simon James, naalala niya nga rin ang mga biro ng kaibigan na nawala sa isip niya bago siya nagtanong. "How about family?" Umiling naman ang sekretarya. "Oh… you mean you're single and you're living here alone?" tanong niya habang nasa kalsada nakatutok ang atensiyon niya. "Opo," tipid na sagot nito. "I see," napatango-tangong sabi ni Simon James. "How about a child? Do you have a child?" biglang dagdag na tanong niya, hindi niya rin alam kung bakit naisama 'yon. Ngunit nilingon niya ang dalaga, napansin niya na parang nanigas ito sa kinauupuan nito. "Wala?" tanong ni Simon James. "Oh well. You told me that you don't have time for boyfriends, so I assume, wala—" "Meron po," mahina nitong sagot na ikinaawang ng labi ni Simon James. Maureen may look simple, pero sa itsura niya, hindi siya mukhang may anak. She even looks like an innocent woman who knows nothing about nasty stuff. "Oh… where is your child now then? Sinong nag-aalaga sa kaniya? Ilang taon na siya ngayon?" tanong niya pa. Hindi na makatingin ang babae sa kaniya, nasa kamay na lang ito nakayuko habang pinaglalaruan nito ang sariling mga kamay. Parang hindi rin ito komportable sa kanilang pinag-uusapan. Akala niya nga ay hindi ito sasagot kaya naman nagulat siya nang ilang minuto lang ay nagsalita ito. "Thirteen years old… lalaki," mahina nitong sambit, halos manginig pa ang boses. "Ahm—n-nasa tatay niya siya ngayon, wala sa puder ko. Doon na siya lumaki… di ko kasi siya kayang… b-buhayin."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD