Chapter 7

2303 Words
AFTER that seemed awkward talk, hindi na nagsalita pang muli si Maureen, gano'n din si Simon James, hindi na niya nagawa pang kausapin si Maureen tungkol doon, nararamdaman niya kasing hindi komportable ang sekretarya na pag-usapan 'yon. Nakaramdam lang si Simon James ng bigat sa paligid kaya naman ay ini-on niya ang speaker sa kotse at nagpatugtog na lamang siya. Medyo effective naman 'yon at naibsan kahit papaano ang mabigat na atmosphere. "Dito na 'ko, Sir. Salamat po," magalang nitong sabi, hindi man lang siya tiningnan. Tila bumalik ang dalaga sa dati nitong pakikitungo sa kaniya, naiilang. But Simon James was curious about her child. Ka-edad lang 'yon ng kaniyang panganay na si Jake Tyron, which means, she could be a teenage mom, maagang nagkaroon ng anak. What a coincidence, parehas pa talaga silang dalawa, parehas ng edad ang kanilang mga anak. "Thank you ulit, Maureen," sabi ni Simon James sabay ngiti. "Ingat ka." "Salamat po," tugon nito at tuluyan na ring umalis. Tinanaw muna ni Simon James ang sekretarya, pinanood hanggang sa makapasok ito sa building. Hindi naman ganoon ka-exclusive ang building na 'yon, kung hindi siya nagkakamali, it's the building that has a rent-to-own condo deals. Napailing na lamang siya tyaka bumalik sa pagda-drive upang doon naman sa bahay ng kaibigan niyang si Zkat siya mapunta. Susunduin niya ang mga anak niya at makikipag-usap na rin siya sa kaibigan kung bakit sumagi sa isip nito na sa lahat ng taong pwede nitong utusan ay ang sekretarya pa talaga ang naabala sa pag-aalaga sa kaniya. "Dad!" tawag ng kaniyang bunso nang makapasok siya sa bahay ng kaniyang kaibigan. Of course, as usual, he walked in the house like he lives there, gano'n nga siya kakomportable, gano'n rin naman si Zkat kapag dumadayo doon sa bahay niya, naghuhubad pa nga ito, naglalakad nang naka-boxers lamang sa loob ng kaniyang bahay noon. Nilapitan niya ang kaniyang mga anak, nasa sala, naglalaro sila ng chess. Ginulo niya ang buhok ng kaniyang mga anak, gano'n na rin ang kambal na sina Ayesha at Aiden at isa-isa niyang hinalikan ang mga ulo. "Good morning, where's your Mama and Papa?" tanong niya sa kambal. Lampas oras na ng tanghalian, imposible namang tulog pa si Zkat Aidenry. "Sa room," sabi ng bunso sa kambal, si Ayesha. "They're talking because Papa was drunk last night, Daddy." Umupo na lang si Simon James, mukhang may ideya na siya kung ano ang nagaganap ngunit ayaw niyang isipin, aside from it's awkward, it's also creepy and inappropriate to think about his best friend and Thamara doing the nasty. Lumapit naman si Ayesha, ang kaniyang prinsesa. "Daddy, I miss you!" nakangiti nitong sabi. Napangiti naman siya sa sinabi nito. Kaya kinarga niya ang bata at iniupo sa kandungan niya, niyakap naman siya nito nang mahigpit. "I missed you too, Princess. I love you," mahina niyang sabi. "You'll always be daddy's princess okay?" "I know," nakangising sabi nito, puno ng kompyansa. "Is my princess happy?" tanong niya sa tono na maiintindihan nang mas mabilis ni Ayesha. Gano'n siya nakikipag-usap sa mga bata, malambing. "Ah-huh," maarteng sagot nito. "I'm very happy because Mama is very happy and Papa is happy as well, but I missed you, Daddy… like so much!" Mahinang natawa si Simon James. Ayesha really is an adorable and amazing kid, she's cute and most of all, madaldal. Hindi kagaya ni Aiden na masyadong mahal ang salita, hindi gaanong nagsasalita. "Tol, nandito ka pala." Napalingon siya sa pinanggalingan ng boses ng kaniyang kaibigan. Nasa hagdan ito, pababa kasama si Thamara, magkahawak-kamay sila. "Wala bang hang-over?" "Masakit pa rin ulo ko," sabi niya. "Alin na ulo? Iyong sa taas o sa baba?" "Zkat!" Si Thamara na mismo ang sumita kay Zkat, ang bibig talaga nito minsan walang preno. "What? It's a harmless question, Love," palusot pa ng kaniyang kaibigan. "Di ba, James?" "May atraso ka pa sa 'kin," sabi ni Simon James tyaka ibinaba si Ayesha na nakakandong sa kaniya. Tuluyan naman nakalapit ang mag-asawa sa kaniya. Tumawa naman si Zkat, mukhang alam na nito ang tinutukoy niya. "Mamaya na 'yan, mananghalian na muna tayo," sabi ng kaniyang kaibigan. "Dito na kayo mananghalian, tamang-tama, magluluto kami ng asawa ko ngayon." Walang nagawa si Simon James kung hindi ang pumayag sa paanyaya ng kaniyang kaibigang matalik. Syempre naman alam niyang hindi ito papayag kung tatanggi siya, at ang mga anak niya naman ay parehong paborito ang mga luto ni Thamara. "Just make sure that you have a good explanation sa kalukuhan mo Aidenry," sabi niya, syempre biro niya lang, gusto lang niyang magtanong tungkol kay Maureen. "Ano ba 'yon, Love?" tanong ni Thamara kay Zkat. Ngumisi lamang ang kaibigan niya sa asawa nito at umiling. "Siguraduhin mo lang na wala kang ginagawang masama, Zkat Aidenry, ha?! Dahil kapag nalaman kong nagloloko ka, bahala ka talaga sa buhay mo!" "And I'm willing to take them back kapag nagloko ka, Tol," sabi ni Simon James nang pabiro pero totoo ang banta niya. Sinabihan na niya si Zkat na oras na masaktan niya si Thamara, handang-handa siyang saluin muli si Thamara gaya noong una niyang ginawa, pero sa pagkakataong 'yon, hindi na niya ibabalik pang muli ang babae sa kaniyang kaibigan. "Di ko na 'to sasaktan, James," tatawa-tawang sabi ni Zkat. "Di ba, Love?" "Siguraduhin mo lang," sabi ni Simon James kasabay ng pagtawa. "Hahanapan na lang kita ng pwede mong alagaan, wag na 'to, akin 'to eh," sabi ni Zkat at tumawa. "Ewan ko sa inyong dalawang magkaibigan, pareho yata kayong may sakit sa pag-iisip," sabi ni Thamara sabay irap at umalis patungo sa kusina. Mahina namang natawa si Simon James. "Ayaw mo ba doon sa babaeng pinasama ko sa 'yo kagabi?" tanong ni Zkat. "Bagay kayo, James." Pagak na natawa si Simon James at itinaas lamang ang gitnang daliri para sa kaibigan at umupo na siyang muli sa sofa. "Ayaw mo talaga?" Umiling si Simon James. "Hindi ko pa siya kilala, baka mamaya maltratuhin niya lang mga anak ko." "Kaya nga kikilalanin, hina mo naman!" sabi ng kaniyang kaibigan. "Baka naman gusto mong turuan pa kitang manligaw?" Sarkastikong natawa si Simon James sa kaibigan. "Ako? Tuturuan mo? Hirap na hirap ka ngang mapasagot 'yang asawa mo tapos tuturuan mo pa 'ko? Wag na!" "Grabe ka naman, James! Idaan mo sa love letters!" Ngumiwi si Simon James. Naalala niya lang 'yong kwento ni Thamara noon tungkol sa kanila ni Zkat na tuwing nakakatanggap daw si Thamara ng love letters ni Zkat ay minumura niya ito. That's not a good idea lalo pa't hindi smooth talker si Simon James, hindi siya mahilig sa pagsusulat. Hindi pa yata ipinapanganak ang babaeng magiging dahilan ng pagsusulat niya ng ganoon ka-corny na letters. "Dad, may ride pala kami bukas, practice ng stunt sa dirt bike," sabi ng panganay niya nang makaalis ang kaniyang kaibigan at wala na siyang kausap. "Walang makakasama si Tyron sa bahay." "Whole day ba?" tanong niya. "I guess? I just hope that the weather will be fine tomorrow, I don't wanna get messy," sabi ng kaniyang anak. "Though, it's fine if it'll rain, but not if it'll make the ground muddy." "May coming tournament ka ba? Anak, kailangan nating bumalik next week sa Japan," sabi niya sa kaniyang anak. Marami silang kailangan asikasuhin doon. "Let's just be quick in Japan, my race is important. I like it here better." simpleng sabi nito at tinalikuran na siya ng kaniyang anak. Napakunot-noo naman siya, bakit biglaan naman yata ang pagkagusto nito rito sa bansa, eh kahit kailan naman hindi ito nagrereklamo noon kahit saan niya pa dalhin. Tiningnan niya ang kaniyang anak. Hindi niya nga din maipagkakaila, taon-taon ay nadadagdagan ang edad ng kaniyang anak. Araw-araw ay marami itong nalalaman at natututunan, kaya siguradong sa edad niyang ito nagsisimula na siyang sumusubok na tumayo sa sariling mga paa at unti-unti ay baka hindi na siya nito kailanganin. "Jake!" Biglang nabalik sa katinuan si Simon James nang marinig niya ang sigaw ni Ayesha. "Ayesha?" tawag niya sa pangalan ng anak-anakan. "It's Kuya... Kuya Jake, Princess." Ngumuso ang batang babae. "Ops! Sorry, Daddy." Bumungisngis ito at binalingang muli si Jake. "Kuya Jake… read please?" Napangiti si Simon James nang makita niya ang anak na umupo sa sofa at tinanggap ang fairytale book na ibinigay ni Ayesha. Mabilis namang gumalaw ang batang babae at umakyat sa sofa at tumabi kay Jake. Natutuwa si Simon James sa closeness ng dalawa bagaman hindi tunay na magkadugo. Ito ang gusto niya, maging malapit ding magkaibigan ang mga anak nila ni Zkat at makakita rin ang mga anak niya ng pagkakaibigan na tunay gaya ng kung anong meron sila ni Zkat. Tahimik niya lamang pinapanood ang mga bata sa sala. Si Tyron at Aiden na ngayon ay naglalaro na ng mga iPad nila, at si Jake at Ayesha na nag-uusap tungkol sa librong pinapabasa ng huli. Nasa gitna sila ng ganoong senaryo nang bumalik si Zkat Aidenry. "James, halika na, luto na ang pananghalian," sabi ni Zkat. "Jake, Tyron, Aiden, Ayesha… hali na kayo." Tumango naman si Simon James at tumayo na sa kinauupuan. "Kids, wag niyong pinaghihintay ang pagkain." "Daddy! Look at my house in minecraft! Looks better than before right?" masiglang sabi ni Aiden at ipinakita ang tablet. Tiningnan naman 'yon ni Simon James. "Yes, good job! That's really nice, Aiden." Napatingin siya sa kaibigan nang mapansin niya ang pagtitig nito sa kanila. Tumikhim siya nang maramdaman na may mali sa paraan ng pagtingin ni Zkat, may halong dismaya at lungkot ang mga mata nito lalo na nang bumaba ang tingin nito kay Aiden. "Ipakita mo rin 'yan sa Papa mo," sabi ni Simon James. "He's a civil engineer, he's an expert in terms of buildings, Kiddo." Nakita naman ni Simon na tumango ang bata tyaka lumapit sa totoong ama nito at ipinakita ang gawang bahay sa iPad. Si Simon James naman ay pinilit na ang tatlong bata na tumayo na at pumunta sa dining. Nang makompleto sila sa dining area, agad silang nagsimula sa pagkain. Syempre, hindi nawala ang masaya nilang kwentuhan. "Kuya, I want that!" narinig niyang turo ni Ayesha sa fried chicken wings na naroon sa plato ng kaniyang panganay, nagtabi pa talaga ang dalawa. "Here, you can have it," walang pagdadalawang-isip na sabi ng kaniyang panganay. Pagdating talaga sa batang babaeng 'to, walang ibang ginagawa ang kaniyang anak kundi ibigay ang lahat ng gusto. "Let's share na lang… hati tayo," sabi ng batang babae. "Marami pa naman dito, Anak," singit ni Zkat sa usapan ng dalawa, "That's Kuya Jake's na, let Kuya Jake have it na lang?" "It's okay, Papa," sabi ni Jake sa natural na tono ng boses, malamig, walang kaemo-emosyon. "She can have it… it's her favorite." Nagpatuloy sila sa pagkain at sa kwentuhan, naging masaya ang kanilang pagkain ng tanghalian. Nang matapos ay nagpaalam si Thamara na pagsi-syestahin muna niya si Aiden at Ayesha, sumama naman si Tyron at Jake, nakumbinsi si Simon James ng kaibigan at ni Thamara na mamayang hapon na lang umuwi lalo't nag-e-enjoy pa ang mga bata. "Let's talk in the living room," sabi ni Zkat, tumango naman si Simon James. Tinawag ni Zkat ang mga kasambahay upang magligpit na ng pinagkainan tyaka sila pumunta sa living room. "Salamat nga pala kanina kay Aiden… pasensya ka na, hindi ko rin maiwasan makaramdam ng selos dahil sa pagiging malapit niyo." "It's okay, I understand," sabi ni Simon James. "Just give him time, unti-unti masasanay rin siya sa 'yo." "Salamat, James." Tumango siya. Tyaka niya naisip ang isa sa mga dahilan kung bakit siya nandito ngayon sa bahay ng kaniyang kaibigan. "Hoy, Tol, mukhang pinapalimot mo yata ako sa atraso mo sa 'kin," sabi niya sabay tawa at turo kay Zkat. "Magpaliwanag ka nga sa 'kin, bakit sa lahat ng tao, ang sekretarya mo pa talaga ang inabala mo para mag-alaga sa 'kin? Can you imagine my reaction seeing her entering my room with a freaking set of breakfast?!" "Hala, nag-breakfast in bed kayo?" nakakalokong sabi nito na alam na ni Simon James na puro malisya ang nasa isip nito. "G*go! Walang nangyari sa 'min!" sigaw ni Simon James. Tatawa-tawa naman ang kaniyang kaibigan. "At kung meron man, mapapatay talaga kita, binubugaw mo ako sa kung sinu-sino lang!" "Hoy! Hindi kung sinu-sino lang si Maureen ah. She's my loyal and hard working secretary. Tyaka pinaalagaan lang naman kita kasi lasing na lasing ka!" "Kahit na!" singhal ni Simon James. "Nakakahiya pa rin, Tol. T*r*nt*do ka talaga!" Tumawa lang ang kaniyang kaibigan. "Gusto ko lang naman maging match maker, mukhang magki-click kayo. Maureen deserves to be happy, you deserve to be happy, see? Walang masama do'n!" "Ewan ko sa 'yong lintik ka!" naiinis na sabi ni Simon James na tinawanan lang lalo ng kaibigan. "Hindi ko kilala ang babaeng 'yon. Dinagdagan mo lang ang iniisip ko. She's familiar to me but… I'm not sure when or where I saw her!" Humagalpak ng tawa ang kaniyang kaibigan, tila may alam ito. "Hindi mo ba talaga siya maalala? Not even a short memory? Kahit 'yong parang sa panaginip lang, wala?" Napakunot-noo ulit si Simon James habang tinitingnan ang kaibigan. "What do you mean?" "James!" Tumawa muli nang malakas ang kaniyang kaibigan. "Isipin mong mabuti, hanapin mo sa kasulok-sulokan ng isip mo ang pangalan niya. Ang mukha niya… ang tindig niya." Napangiwi si Simon James at dahan-dahang umiling. "Di ko talaga maalala. Sabihin mo na lang sa 'kin, bilis!" "Tol, it's not my story to tell. Kung gusto mo, find it out yourself, I respect you, but I also respect my secretary… tyaka sigurado naman ako maaalala mo rin siya." "Alam mo?" seryuso niyang sabi sa kaibigan. "Pinapasakit mo lang ang ulo ko, sana di mo na lang sinabi ang alam mo kung di mo naman pala bubuohing t*r*nt*do ka!" "Isipin mo, James… Maureen… Club Lavista… doon kayo unang nagkita…"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD