"I already made my decision," sabi ni Simon James sa kausap, seryoso at mababa ang tono ng kaniyang boses. "I'll give you a chance to meet my son." Napasinghap si Maureen, napatakip sa bibig at emosyonal na napatango sa kaniya. "Salamat! Salamat, Sir." Tumango si Simon James. Ngayon ay nandito sila sa kompanya ni Zkat, sinadya niya talagang puntahan ito dito dahil wala naman siyang ibang paraan para makausap ito. "I can't say when and where. Hindi ko pa masasabi sa 'yo ngayon. I have to talk to Jake first para hindi naman siya mabigla sa pagkikita niyo." Sunod-sunod na tumango ang babae, emosyonal pa rin dahil sa kaniyang naging desisyon, emosyonal dahil naiiyak sa sobrang sayang nararamdaman. "I'll give you the chance and I'll talk to him first but don't expect me to manipulate my so