"INGAT kayo," pormal na sabi ni Simon de Guzman nang makalabas silang lahat sa bahay. "Maureen, please take care of my kids. I know… Tyron is not part of your responsibility but I'm asking you to take care of him as well." Ngumiti si Maureen kay Simon de Guzman. "Wag po kayong mag-alala, Sir, tututukan ko po ang pagbabantay sa kanila, pangako." Tumango si Simon de Guzman bago nito binalingan ang mga anak. Si Maurice—Jake ay nakasuot ng puro itim na kasuotan, bagay na bagay at tumeterno sa mukha nitong tila ginamitan ng pambura dahil walang emosyon na nangibabaw doon. Ang mga mata nitong asul ay tila inaantok na habang nakatingin ito sa harap na para bang walang kwentang bagay ang nakikita nito. Si Tyron naman ay napakakulay ng suot nitong neon green na cargo shorts, puting sapatos at ang