ABOT langit ang kabang nararamdaman ni Maureen habang nasa banyo siya at ginagamit niya ang nabiling pregnancy test sa botika. Nanginginig ang kaniyang mga kamay at dahan-dahan niyang iniangat ang pregnancy test kit. Pigil hininga niya 'yong tiningnan. Gano'n na lang ang naging pagsinghap at paghagulhol niya nang rumehistro sa kaniyang isip ang nakita. Dalawang pulang linya, malinaw na malinaw 'yon, tama ang hinala niya, nagdadalang-tao siya. Napatakip siya aa kaniyang bibig, nanginginig habang umiiyak at nakaupo doon sa bowl. Hindi niya maintindihan ang kaniyang nararamdaman, halo-halo ang emosyon, ngunit lamang ang takot at pag-aalala. She's just eighteen years old, kapag naipanganak niya ang kaniyang anak, nineteen years old pa lamang siya. Ano ang ipapakain at isusuporta niya sa kan