"EWAN ko sa 'yo, wala akong maalala d'yan sa sinasabi mo," napipikon nang sabi ni Simon James. "May hangover pa ako, wag mo 'kong pinapahula, Tol."
"Eh ayaw ko din naman diretsahang sabihin sa 'yo," sabi ng kaniyang kaibigan. "I want you to find it out yourself, James. To make it fair with my secretary."
"Grabe ka! Nagseselos na ako sa sekretarya mo. I'm your best friend let me remind you," nanunumbat kunyaring sabi niya.
Humagalpak lang ng tawa ang kaniyang kaibigan. "If you're just trying to manipulate my emotions, James, hindi na gagana sa 'kin 'yan."
"Edi hindi!" sabi niya pa. Sa huli ay tumawa lang rin naman siya, umiling dahil wala talaga siyang maisip o maalala tungkol kay Maureen.
Binalikan niya pang muli ang mga alaala niya sa Club Lavista, isang exclusive club na madalas niyang puntahan noon kapag gusto niyang magsaya, pero sa dami ng pagkakataon na pumunta siya doon, hindi niya na maisa-isa. Most of the memories are even blurry that he seems unsure if it really happened or didn't.
"Matulog na muna ako," sabi ni Simon James nang maramdaman lalong bumigat ang kaniyang ulo dahil sa iniisip. "May kwarto rin ba ako dito?"
Nakangising tumango ang kaniyang kaibigan. "Nasa second floor, unang pinto na makikita mo na pinakamalapit sa hagdan."
"Okay, thanks, Aidenry-Babe."
"G*go ka talaga!"
Tumawa lamang siya at umakyat na sa hagdan patungo sa second floor ng bahay ng kaniyang kaibigan. Hindi na siya nagulat na naglaan ang kaniyang kaibigan ng kwarto para sa kaniya, si Zkat din naman ay may kwarto doon sa bahay niya na mismong pinaokupa niya kay Thamara noong sila ang nagsasama sa iisang bubong.
Tiningnan niya ang kaniyang kwarto, naglalaro sa kulay na abo at itim ang dingding, iyon ang gusto niya. Napakapanlalaki ang desinyo no'n bagaman kulang pa sa gamit. May isang malaking wooden cabinet, para sa kaniyang damit, isang malapad na kama na tingin niya ay pandalawang tao, may bedside table, lampshade at meron ding flat screen TV, syempre hindi mawawala ang banyo at air-conditioned din.
Napangiti si Simon James, alam na alam ng kaniyang kaibigan ang mga gusto niya. Hinubad niya ang kaniyang T-shirt tyaka siya pabagsak na dumapa sa kama, pati ang lambot ng kaniyang kama ay naaayon rin sa gusto niya. Pinikit niya kaagad ang kaniyang mga mata at ilang sandali pa'y hinila na siya ng antok.
BANDANG alas tres na nang magising si Simon James. Nabawasan na rin ang sakit ng kaniyang ulo at pagkahilo. Agad siyang bumangon at tiningnan ang loob ng kaniyang wooden cabinet na naroon.
Hindi na rin siya nagulat nang makitang may mga damit na doon, mga bago pa at base sa amoy nito at kalidad ng tela, alam niyang di pa 'yon nagagamit. Kumuha siya ng isang itim na T-shirt, sweat pants, boxers at isang pares ng itim na medyas.
Pumasok siya sa banyo at nakita niya kung gaano 'yon kalinis sa kulay na itim, it looks more elegant and he likes it. Agad siyang nag-shower at ginamit ang shower gel na naroon na gusto niya rin ang amoy.
Pagkatapos niyang maligo ay agad niyang tinuyo ang kaniyang sarili gamit ang tuwalya tyaka niya isinuot ang mga bagong damit at humarap sa salamin upang tuyuin ang kaniyang buhok.
Pati paborito niyang pabango ay narito, hindi nakalimutan ng kaniyang kaibigan, parang dito talaga siya nakatira, walang nagbago sa kaniyang routine dahil lahat ng kailangan niya ay narito, wala na siyang hahanapin pa.
"Tol," tawag niya sa kaibigan na naroon sa sala nanonood ng TV mag-isa. "Nasaan ang mga bata?"
"Buti gising ka na, aba, bagong ligo ah!" puna ng kaniyang kaibigan. "Nagustuhan mo ba 'yong mga nilagay ko doon? Iyon pa rin ba ang mga hilig mo?"
"Yeah," tipid niyang sagot. "Thank you, Tol. Ang mga bata? Nasaan?"
"Nandoon sa kusina, nagmi-merienda," sabi ng kaniyang kaibigan.
"Kailangan na namin umuwi, may tatapusin pa akong trabaho sa bahay," sabi niya sa kaniyang kaibigan. Dahil buong araw siya halos nanatili dito, hindi nabawasan ang loads ng trabaho niya na dapat sana ay nabawasan na ngayon dahil ibang trabaho na naman ang dadagdag kinabukasan. Iniisip niya pa lang ang trabaho ay pagod na siya.
"Gano'n ba?" sabi ng kaniyang kaibigan. "Mamaya na lang, dito na kayo maghapunan."
"Tol, magpapaampon na lang kami sa 'yo," sabi ni Simon James sabay tawa. "Hindi na. Doon na sa bahay. Nasaan ba ang asawa mo?"
"Nandoon sa dining kasama ng mga bata," sabi ng kaniyang kaibigan. Tumayo ito mula sa pagkakaupo sa sofa at lumapit sa kaniya. "Tara, gutom na rin ako."
Sabay silang pumunta sa dining area ng bahay ng kaniyang kaibigan. Hindi na siya nagtaka na ganoon kaganda ang bahay ng kaniyang kaibigan. Alam niya ang kakayahan at talento nito bilang isang engineer. Ito mismo ang engineer ng bahay na ito, at tumulong na rin sa architect para maisagawa ang gusto nitong disenyo ng bahay.
Balak nga niyang magpagawa muli ng bahay kapag siya ay nag-asawa. Ngunit tila malabo pa 'yon mangyari kaya hindi niya pa binabanggit sa kaniyang kaibigan.
"Love, uuwi na raw sila James," sabi ng kaniyang kaibigan sa asawa nito nang makarating sila sa dining.
Binalingan naman siya ni Thamara, "Mamaya na. Dito na kayo maghapunan, Simon James."
"Naku, hindi na," tanggi ni Simon James. "May trabaho pa akong dapat asikasuhin. Maaga rin ang alis ni Jake bukas para sa training niya sa motocross."
"Gano'n ba?" nalulungkot na sabi ni Thamara at lumipat ang tingin nito sa kaniyang mga anak. "Bumisita kayo ulit dito, ha? Please, Simon James."
"Sure," sabi ni Simon James nang nakangiti. "Wag kang mag-alala, babalik kami para makigulo ulit. Salamat nga pala sa pag-aalaga sa mga anak ko habang wala ako."
"You're welcome, natutuwa nga akong nandito sila. Tyaka tama lang din na lumabas ka at magsaya paminsan-minsan."
Ngiti lang ang naging tugon ni Simon James sa sinabi ni Thamara. Maya-maya pa ay tuluyan nang nagpaalam si Simon James at ang kaniyang mga anak na nauwi pa sa pag-iyak ni Ayesha at ilang ulit niya pang pinangakuan na babalik sila upang bumisita na naman.
NANG makarating sila Simon James sa kaniyang bahay na tahimik, nakaramdam na naman siya ng lungkot para sa kaniyang mga anak na walang ibang pinagkakaabalahan.
"I'll just go try to review my lessons," sabi ng kaniyang panganay at di na hinintay pa ang kaniyang pagsang-ayon. Nilingon niya naman ang kaniyang bunsong anak.
"How about you, Tyron?" tanong niya. "Anong gagawin mo ngayon?"
"I'll go play games in my tablet," sabi nito sa kaniya. "You still have work?"
"Yes, Son," sabi niya at ginulo ang buhok ng kaniyang bunsong anak. "Kung may kailangan kayo kumatok lang kayo doon sa opisina, okay?"
"Okay, Dad. Thank you," sabi nito at nauna nang umakyat patungo sa kwarto nito sa ikalawang palapag ng kanilang bahay.
Hindi naman ganoon kalaki ang kanilang bahay, tama lang para sa maliit na pamilya, elegante nga lang ang desenyo kaya mamahalin. Kaya naman gusto niyang kapag nagpakasal siya ay magpatayo siyang muli ng bagong bahay kung saan magkakasya ang pamilyang gusto niyang buohin.
Dumiretso siya sa kaniyang opisina na naroon sa bahay. Napabuntong-hininga siya nang makita ang kaniyang mesa na punong-puno ng pinagpatong-patong na folders at kung anu-ano pang papel. Hindi pa kasama d'yan ang mga documents na babasahin niya na naroon sa kaniyang laptop.
Bago siya nagsimulang magtrabaho, kinuha niya muna ang cellphone at tinawagan ang isa sa kanilang mga kasambahay para hatiran siya ng kape. Noon ay hindi nakakalimot si Thamara na dalhan siya ng merienda tuwing dito siya nagtatrabaho. Si Thamara ang kaniyang naging sekretarya at alagang-alaga siya nito lalo na sa pagkain at maiinom.
Ngayon na wala na si Thamara at tuluyan nang tumigil sa trabaho nito sa kaniya bilang sekretarya, hinahanap-hanap niya ang klase ng pag-aalaga nito sa kaniya.
Speaking of… naalala niyang kailangan niya nga pala ng bagong sekretarya. Kailangan niyang tawagan ang kaniyang ina para doon, ito ang pumipili ng kaniyang sekretarya, sinisiguradong matuwid ang magiging sekretarya niya at hindi tatanga-tanga na paglalandi lang ang nasa isip.
Before Thamara, marami na ang naging sekretarya niya na tanging paglalandi lang ang nais at inaakit pa siya pero matibay siya at hindi naaakit sa tukso kapag nasa trabaho. He is professional that he never mix business with pleasure, naniniwala kasi silang malas 'yon sa trabaho at negosyo.
"Hello, Anak?"
"Mom?" tawag niya nang makita niya sa screen ng kaniyang laptop ang kaniyang ina, sinagot na nito ang kaniyang pagtawag.
"Oh, why did you call?"
Napangiti siya. "I miss you, Mommy."
Napangiti ang kaniyang ina sa kaniyang sinabi. Malapit talaga siya sa kaniyang mga magulang, lalaking-lalaki nga siya pero nagiging malambot siya at malambing kapag ina na ang kaharap niya.
"I miss you too, Baby."
Agad sumama ang mukha niya nang marinig ang tawag ng kaniyang ina sa kaniya. Hanggang ngayon ba naman?
"Oh, bakit ganiyang ang itsura mo?" natatawang tanong ng kaniyang ina.
"Mommy, di na ako baby. Literally I'm not a baby anymore. Ang dapat mong tinatawag niyan ay ang bunso ko."
"Hayaan mo na ako, Anak," sabi nito at tumawa. "Oh, bakit ka nga pala napatawag?"
Napanguso si Simon James at bumuntong-hininga. "I need a secretary. Iyong kasing galing ni Thamara."
"Ano?" tanong ng kaniyang ina kasabay ng pagtawa. "Anak, Thamara is one of a kind, wala ka nang mahahanap na katulad niya. I told you to not let go of her, didn't I?"
Napadaing si Simon James at napamasahe sa kaniyang noo. That's the last thing he would want to think about right now, ayaw niyang makaramdam ng pagsisisi sa kaniyang ginawa dahil alam niyang iyon ang mas makakabuti.
"Mom, can you just please get me a new secretary?" tanong niya sa mahinahong boses ngunit medyo napikon na.
"Sure, Anak," nakangiting sabi ng kaniyang ina. "Balitaan kita as soon as makahanap ako ng gaya ng gusto mo."
"Thank you, Mom," walang ganang sabi niya. "Sige na, marami pa akong trabaho. Uuwi rin kami sa Japan, pero mukhang hindi rin kami magtatagal d'yan. May coming race si Jake, kailangan niyang mag-training sa stunts."
"Sige, Anak. Mag-iingat kayo d'yan. Wag mong pababayaan ang mga anak mo, okay?" paalala ng kaniyang ina.
"Thank you, Mommy. Mag-ingat rin kayo ni Dad. Don't worry, Jake and Tyron are doing good with me. I love you, pakisabi rin kay Dad."
"I love you too, Anak," sabi ng kaniyang ina.
Nang matapos ang kanilang tawag ay nakarinig siya ng katok sa pinto ng kaniyang opisina. Si Manang Tersing pala, ang mayordoma.
"Sir, heto na po ang kape niyo."
"Salamat, Manang," sabi niya sa mayordoma. "Ang mga bata po pala, pakitanong kung anong gusto nilang merienda. Kumain naman na po sila, pero baka may gusto pa silang kainin."
"Sige po, Sir."
"Salamat," sabi niya na hindi na tiningnan ang mayordoma at nagpatuloy siya sa kaniyang ginagawa, narinig niya na lamang umalis si Manang Tersing.
Hindi pa man siya nangangalahati sa kaniyang kape, muli niyang narinig ang katok sa kaniyang opisina at ilang sandali pa'y pumasok ang dalawa niyang anak.
Napatigil siya sa kaniyang ginagawa.
"Dad, pupunta muna kami sa park," sabi ng kaniyang bunso. "I'll practice driving a bike."
Tiningnan ni Simon ang oras sa screen ng kaniyang laptop. Alas kwatro na at ilang minuto na lamang para mag-alas singko.
"Okay, take care," nakangiting sabi niya. Hindi naman siya gano'n kahigpit sa kaniyang mga anak total malapit lang din naman ang park na pinupuntahan ng mga anak niya sa kanilang village.
"Thanks, Dad," nakangiting sabi ng kaniyang bunso at patakbong lumapit sa kaniya at niyakap niya at hinalikan ang pisngi. "We'll be back."
"Susunduin ko kayo doon pagkatapos nitong ginagawa ko."
"Okay."
Binalingan niya ang kaniyang panganay na anak na nakatingin lang sa kanila at walang emosyon ang mukha, madalas talaga ganito ang kaniyang anak. Palibhasa maagang namulat ang mga mata nito sa katotohanan sa buhay kaya madalas itong seryoso at mabilis na nag-mature.
"Take care of your brother, call me if something happens."
"Copy," sabi niya. "Tyron, let's go."
Umalis ang kaniyang mga anak at siya naman ay bumalik sa trabaho. Minadali niya ang ginagawa hanggang sa tuluyan niya nang naubos ang kape niya at nakabasa na siya ng limang reports mula sa iba't-ibang branches ng car delearship at mga kompanyang sinu-supply-an niya ng mga sasakyan.
Of course, for his business he needs car delears, at dahil nga high quality ang kaniyang mga sasakyan, in-demand ito at marami ang nag-aangkat sa kaniya. May iba naman na direktang umo-order sa kaniya. His company even makes costumized or limited edition car designs na madalas talamak rin sa car racing.
If the price is right, Simon James company can give cars with the most satisfying look.
Nang matapos siya, agad niyang niligpit ang mga naging kalat niya sa mesa at agad siyang umalis upang puntahan ang kaniyang mga anak. Lalo't kani-kanina lang ay nakatanggap na naman siya ng text mula sa kaniyang tauhan na may babae na naman daw na nanonood sa kaniyang mga anak.
This time, hindi na siya gaanong nag-alala dahil sinabi naman ng kaniyang tauhan na ang babaeng ngayon ay ang mismong parehong babae noong nakaraan—si Maureen.
At nakita nga niya ito sa parehong bench. Parang naulit lamang ang nangyari noong nakaraang araw.
"Watching my children again, I see," sabi niya nang mapunta siya sa likod ng babae.
Mabilis na lumingon ang babae sa kaniya at nagulat ito kaya napatayo.
"P-pasensya na. Wala akong intensiyon na masama, Sir," sabi nito na natataranta.
Hindi sumagot si Simon James at umupo na lamang siya sa bench at nilingon niya ang babae na nakatayo at nakatingin sa kaniya.
"It's okay," sabi niya. Ayaw niya nang mag-isip pa ng masama tungkol sa babae, pinag-aalala niya lamang ang sarili niya sa wala. "They're fun to watch right?"
"O-Opo… n-nakakatuwa ang mga anak niyo, Sir. Pasensya na po talaga."
"Maupo ka," sabi niya at tinapik pa ang upuan sa tabi niya na kanina ay inuupuan nito. Agad naman nitong sinunod ang sinabi niya.
"Naaalala mo ba ang anak mo sa anak ko?" biglang tanong niya. Iyon lang kasi ang unang ideyang pumasok sa isip niya. Magka-edad naman si Jake at ang sinasabi nitong anak nito, parehas pang lalaki, iyon lang ang nakikita niyang dahilan kung bakit pinapanood nito ang kaniyang anak.
"Pasensya na po, Sir," sabi nito at tumayo. "Kailangan ko na pong umalis."
Nagmadali itong umalis, patakbo pa. Nagtataka naman si Simon James kung bakit ito umalis palayo. Tuloy ay pinag-isipan niya kung may masama ba siyang nasabi.
Siguro ay hindi lang siya komportableng pag-usapan ang anak niya, sabi niya sa sarili.
Napabuntong-hininga siya at tumayo na at akmang pupuntahan na ang mga anak nang marinig niya ang kaniyang cellphone na mag-ring, nakalimutan niyang i-vibrate.
"Gaston?"
"Master," tawag nito sa kabilang linya. "I'm here in your house and I have an important report regarding your last order."
Napabuntong-hininga si Simon James. Sa wakas ay mabibigyang linaw na ang katauhan ng sekretarya sa kaniyang isip.
"Okay, I'll be there in five or ten."
Binaba niya ang kaniyang cellphone at pinuntahan na ang mga anak at niyayang umuwi, agad naman nakinig ang mga anak niya at nauna nang bumalik sa village sakay sa mga bike nito. Siya naman ay sumakay muli sa kaniyang sasakyan at bumalik sa kaniyang bahay.
Nadatnan niya nga ang kaniyang butler na naroon sa sala at hinihintay siya bitbit ang isang envelope. Tumayo ito nang makita siya at yumuko bilang paggalang.
"Let's talk in my office," sabi ni Simon James at nauna na siyang naglakad papunta sa opisina, sumunod naman ang kaniyang butler.
Nang makapasok sa opisina ay umupo siya sa kaniyang swivel chair at hinintay na makaupo si Gaston sa visitor's chair.
"So, what did you find out?" diretsahang tanong niya sa kaniyang butler.
"I was right that it was not my first time hearing the name of that woman, Master," sabi ng kaniyang butler. "I've found her file."
"And?"
"She is familiar because I already investigated her thirteen years ago," sabi ng kaniyang butler. "And I found out that I was right about the ideas in my mind as I went through her files."
"Ideas?" tanong niya ulit.
"Yes, Master. I already thought who she was the last time I went here. I didn't tell you because I was not sure… but now I'm sure about it."
Inilapag ni Gaston ang isang puting folder sa kaniyang mesa na nagmula sa hawak nitong envelope.
"So… who is she?"
"Don't you really remember, Boss?" tila nahihiwagaang tanong ng kaniyang butler kaya nabuhay ang kaba sa kaniyang dibdib.
Binuksan niya ang folder at naroon nga ang datas tungkol sa babae. Pamilyar nga 'yon at alam niyang hindi iyon ang unang beses na makita niya ang mga impormasyon.
Tiningnan niya muli ang kaniyang butler nang nakakunot-noo.
"I don't understand, Gaston," nakakunot-noo niyang sabi at nakangiwi, naguguluhan siya. "Who is she in my life… I'm confused!" he said frustatedly.
"Boss, she's Maureen Ariya Enriquez," sabi ng kaniyang butler na nagpatindi lang ng t***k ng puso niya, tila basat letra sa pangalan nito'y tumatak sa kaniyang isip. "And she is the mother of your first born child, Jake Tyron de Guzman."
Tila isang bomba ang sumabog sa kaniyang harapan at nagpaulit-ulit ang mga kataga sa kaniyang pandinig kasabay ng mabilis na t***k ng puso niya at tuluyang niyang nabitawan ang folder na hawak. Nagtayuan ang mga balahibo niya hanggang sa batok, tila natuyo bigla ang kaniyang dugo.
Tiningnan niya ang butler."You're kidding," hindi makapaniwalang sambit niya, dahan-dahan ngunit may diin.
Unti-unting nabuhay ang galit sa kaniyang puso para sa babae na basta na lamang nag-iwan sa kaniyang anak na para bang isa lamang tuta ito. At sunod-sunod na pumasok sa isip niya ang isiping may anak nga si Maureen gaya ng sinabi nito, lalaki at labing-tatlong taong gulang.
What the hell?! Sunod-sunod siyang napamura sa kaniyang isip, napasapo siya sa kaniyang noo. Bakit hindi niya iyong naisip?
"I'm sorry, Boss, but that was the truth," sabi ng kaniyang butler. "She is Maureen Ariya Enriquez, the first woman you asked the hand for marriage."