HABANG naghihintay siya ng tawag ng kumpanyang pinapasukan niya sa trabaho ay inubos niya ang kanyang oras sa paglilinis ng bahay ng kanilang boarding house, hindi naman kasi maselan ang mga ka-boardmate niya pagdating sa mga gamit nito. Isa pa, bago siya nagpa-alam maglinis ng kanilang kuwarto ay nagpaalam muna siya sa mga ito. Natuwa naman ang may ari ng apartment nila nang makita siyang naglilinis ng boarding house. Dahil isang beses lang pahinga ng mga ka-boardmate niya hindi na nito nagagawang maglinis ng bahay.
"Kumusta ang buong araw mo?" tanong ni Tina sa kaibigan niyang si Ericka. Nang umuwi kasi ito galing trabaho ay agad itong pumunta sa katabing boarding house kung saan naroon ang kaibigan niya.
Nakaupo silang dalawa sa sofa. Wala pa ang ibang kasama ni Ericka sa boarding house kaya silang dalawa ang mag-kasama ngayon.
"Ayos naman, nagpa-medical na ako kanina," sagot ni Ericka.
"Mabuti naman kung gano'n, sana makapasok ka na para naman magawa mo na ang gusto mo," ani ni Tina, tumayo ito upang kumuha ng tubig.
Tumingin si Ericka kay Tina. "Tina may tatanong ako sa'yo?"
"Ano? Type mo ako? sorry ka lalaki gusto ko," biro nito.
Inirapan ni Ericka si Tina. "Hindi 'yon hindi tayo talo assumera ka! Ang tatanong ko ay tungkol kay Marie, tomboy pala ang jowa niya. Nakita mo na ba ang jowa niya?"
Tinitigan ni Tina di Ericka. "Bakit mo tinatanong? Type mo si Marie?"
Sumimangot si Ericka. "Tinatanong ko lang kasi curious ako sa kanya kasi maganda siya pero ang jowa niya ay tomboy,"
"Ikaw nga ang laki ang dede mo pero bisexual ka sayang ka rin," sagot ni Tina.
Marahang hinampas ni Ericka sa braso si Tina. "Bakit ba ang boobs ko pinagdidiskitahan mo, naiinggit ka ba sa boobs ko?"sabay irap niya.
Napahawak si Tina sa braso niya. "Aray! ang sakit ng hampas mo!" inis na sagot niya.
"Bakit kasi pinag-iinitan mo boobs ko inaano ka ba nito?" wika ni Ericka.
"Totoo naman kasi malaki boobs mo, kung sa'kin napunta 'yan jusko lagi ako naka-fitted na damit. Try mo mag-boyfriend ng lalaki malay mo naman ma-in love ka." Ani Tina.
Saglit na natahimik si Ericka. "May point ka diyan, bakit hindi ko subukan na mag-boyfriend 'yung hindi ako inuutusan ng magulang ko kung sino ang gugustuhin ko," sabay tingin niya sa kaibigan.
Napakumpas pa ito ng kamay dahil sa naginh sagot niya."Tama 'yan subukan mo lang pero 'wag mo'ng pilitin, malay mo kapag nalaman ng ng pamilya mo na may boyfriend ka patawarin ka nila." Wika ni Tina.
"Hayaan mo kapag may nagka-gusto sa'kin at type ko sasagutin ko," ani Ericka.
"Tama 'yan 'wag kanang sumawsaw sa relasyon ni Marie. Magulo na nga silang dalawa e,"
"Lagi sila nag-aaway?" tanong niya
Tumango si Tina. "Oh, 'diba ang tsismosa ko, si Marie rin ang nagku-kwento sa'min. Selosa ang tomboy niyang jowa. Kaya ikaw lumayo-layo ka kay Marie baka makatikim ka ng suntok ng jowa no'n," wika ni Tina.
"Okay," sagot niya.
"Wala ka ba'ng pa-meryenda sa bisita mo? Libre mo naman ako ng turon at softdrink," ani Tina.
Tumayo si Ericka at lumabas ng boarding house upang bumili ng turon at softdrink. Malapit lang kasi ang tindahan ng meryenda sa inuupahan niya. Bago pa siya makauwi nakita niya si Marie na papauwi ngunit na-iilang siyang lapitan dahil may kasama ito. Kung hindi siya nagkakamali ito ang sinasabi ni Tina na jowa ni Marie. Bihis lalaki kasi ito at gupit lalaki. Hindi niya tinawag si Marie kung kayat sinundan lang niya ito hanggang sa makapasok sila sa loob ng appartment. Sinalubong naman siya ni Tina at hinila palabas.
"Bakit?" tanong niya.
"Doon na lang tayo sa boarding house ko kumain ng meryenda," wika ni Tina.
Wala sa loob ni Ericka na sumunod kay Tina at pagkatapos doon nila pinagsaluhan kainin ang meryendang binila niya.
Ayon kay Tina. Kanina pagpasok daw ni Marie sa boarding house. Sinenyasan siya nito na umalis. Napansin daw nito na namumula ang mga mata ng jowa ni Marie baka raw umiyak ito.
"Palagi ba silang ganyan?" tanong niya.
Tumango si Tina habang ngumunguya ng turon. "Huwag natin silang pag-usapan, kumain ka na ng meryenda," sinimsim pa nito ang softdrinks.
Nang tingnan ni Ericka ang turon na binili niya ay iisa na lang ito. "Muntik mo ng maubos." sabay iling niya.
"Kaya kainin mo na dahil baka ako pa kumain niyan sabihin mo matakaw ako," sabay ngiti nito.
Inirapan niya ang kaibigan pagkatapos kinain niya ang binili niyang turon. Anim na piraso ang binili niyang turon at isang litro na softdrink ngunit ang natira sa kanya ay iisa na lang.
"Salamat sa concern, sobrang nakaka-touch muntik na akong maiyak, sarcastic niyang sabi. Pagkatapos ay kinain niya ang turon na nag-iisa na lang.
Tumawa ng malakas si Tina. "Welcome," biro sagot nito.
Inabot siya ng alas-siyete ng gabi sa boarding house ng kaibigan niyang si Tina. Pagkatapos ay umuwi na rin siya sa boarding house niya. Pagdating niya doon ay naabutan pa rin niyang umiiyak ang jowa ni Marie. Habang si Marie ay nasa loob ng kuwarto nila at sarado ang pinto. Hindi malaman ni Ericka kung saan siya susuot. Hindi kasi siya makapasok sa loob ng kuwarto nila dahil sarado ang pintuan.
"Marie, kausapin mo naman ako, mag-usap tayo," naririnig niyang sabi ng kasintahan nitong tomboy. Bakas ang garalgal na boses nito na halatang kanina pa ito umiiyak.
Nasa kusina siya at naghihintay na buksan ni Marie ang pinto. Ilang saglit pa, lumapit sa kanya ang jowa ni Marie.
"Hi," malungkot nitong sabi.
Tipid siyang ngumiti. "Hello," sagot niya.
"Kausapin mo naman si Marie, Miss para sa'kin." sabi nito.
"Baka magalit sa'kin si Marie. Ayoko makialam sa inyong dalawa," wika ni Ericka.
Batid kasi niyang kapag nakialam siya ay baka pati siya ay madamay kaya mas gugustuhin na lang niya na manahimik. Isa pa, bago pa lang siya sa apartment na iyon.
"Sige na Miss kausapin mo na siya," lumuluhang sabi ng kasintahan ni Marie.
Bumungtong-hininga si Ericka. "Susubukan ko," wika niya.
Tumayo siya upang katukin si Marie sa loob ng kuwarto nila ngunit hindi siya nito pinagbuksan. Muling bumalik si Ericka sa kusina upang balikan ang kasintahan ni Marie.
"Ayaw niyang buksan, hindi ko na pinilit dahil baka sa'kin naman magalit,"wika niya.
"Pwede ba'ng mamayang gabi kausapin mo siya sabihin mo mahal na mahal ko siya at kaya lang ako nagseselos dahil ayokong mawala siya sa'kin," may luha sa mga mata nito habang kinakausap siya.
"Sige," tipid niyang sagot.
Nakaramdam siya ng awa sa kasintahan ni Marie. Ngunit hindi naman niya magawang tulungan ito.
Tipid itong ngumiti. "Salamat," sabi nito at pagkatapos ay umalis na ito.
Limang minuto ang lumipas ay tinawag niya si Marie at tinanong kung nakaalis na ang kasintahan nito. Nang sabihin niyang umalis na ay pinagbuksan na siya nito ng pintuan.
"Mabuti naman umalis na siya, ang kulit niya sabi nang ayoko na sa kanya," sabi ni Marie.
"Ang sabi niya, kaya daw siya nagseselos dahil mahal na mahal ka raw niya,"
"Ayaw lang niyang aminin sa sarili niya na may iba na akong mahal, ayoko na talaga sa kanya,"
"Dapat kinausap mo siya ng maayos para tigilan ka na niya," ani Ericka.
Umupo si Marie sa gilid ng kama at hinawakan ang braso niya. "Ericka, ikaw na lang kaya ang pumalit sa'kin gawin mo'ng texmate si Fat, marupok naman iyon kaya madali' iyon ma-in love," wika ni Marie.
"Bakit ako?" tinuro pa niya ang kanyang sarili.
"Sinagot ko na ang manliligaw ko lalaki kanina. Sabi ni Fat noon, kapag may nanligaw akong lalaki at gusto ko, handa raw siyang magparaya pero kanina sinabi kong may lalaki akong mahal. Tumutol siya, ayaw niyang makipag-hiwalay. I-text mate mo siya para matuon ang atensiyon niya sayo,"
Saglit na nag-isip si Ericka. "Pag-iisipan ko pa. "Sabi niya.
Ngumiti si Marie. "Salamat,"
Pagkatapos nilang mag-usap ay kumain na silang dalawa at pagkatapos ay natulog na silang dalawa.
*******
Nagigising si Ericka sa lakas ng boses ni
Marie dahil may kausap ito sa cellphone niya. hindi siya bumangon dahil ramdam na ramdam niya ang antok. Ngunit napilitan siyang bumangon upang mag-init ng tubig at para makapag-kape.
"Marie, papasok ka ba sa trabaho?" tanong ni Ericka.
Tumango ito. "Oo, "
"Coffee for you" sagot niya.
Agad naman ininom ni Marie ang kapae pakalipas ng isang oras ay umalis na ito. Muli siyang humiga sa kama ngunit hindi pa niya naipipikit ang mga mata niya biglang tumunog ang kanyang cellphone
"Hello, Ericka."
Kumunot-noo si Ericka. Hindi kasi niya kilala ang tumatawag sa kanya.
"Sino 'to?" tanong niya.
"Ex-girlfriend ni Marie, si Fat."
Nakaramdam ng kaba si Ericka dahil sa sinabi nito. Marahil binuksan ni Marie ang cellphone niya kagabi noong mahimbing ang tulog niya. Sinadya talagang gamitin nito ang numero ng kanyang cellphone.
"Bakit ka napatawag?" tanong niya.
"Gusto ko lang mag-pasalamat sa'yo dahil sa advice mo kagabi. Gumanda ang pakiramdam ko."
Saglit siyang napaisip sa sinabi nito ngunit agad din naman niyang nahulaan ang sinabi nito. Gusto sana niyang sabihin na hindi siya ang kausap nito kagabi, ngunit hinayaan na lang niya ito.
"Walang anuman," sagot niya.
"Next time na lang kita ililibre dahil busy ako ngayon, sa ibang araw na lang,"
"Walang problema," sagot niya.
"Papasok na kasi ako sa trabaho kahit mahirap, kailangan mag-move on,"
Humingan ng malalim si Ericka. "You deserve someone better,"
"Wow! English!" sabay tawa nito sa kabilang linya
"Napulot ko lang 'yon sa daan kagabi," sagot niya.
Humalakhak ito sa kanya. "Swerte," sabi pa nito. Sige, papasok na ako. Tatawag na lang ako sa'yo mamaya,"
"Sige, bye!" sagot ni Ericka.
Simula ng araw na iyon palagi na silang dalawa na magka-text or chat kahit mapuyat silang dalawa.