bc

YOU CHANGED MY LIFE (COMPLETE)

book_age16+
1.9K
FOLLOW
6.9K
READ
sex
family
inspirational
drama
twisted
Writing Challenge
LGBT+ Patimpalak sa Pagsulat
gxg
transgender
illness
like
intro-logo
Blurb

Hindi tanggap ng magulang ni Ericka na isa siyang bisexual dahil do'n. Lumayas siya sa kanila at naghanap ng ibang trabaho. Nakilala niya si Alexandra isang lesbian. Ang taong minahal niya ng sobra. Nang malaman ng magulang niya na nakipagrelasyon siya sa lesbian. Itinakwil siya ng mga ito. Napilitan siyang makipaghiwalay kay Alexandra nang magkasakit ang kanyang tatay. Dahil do'n pikit mata niyang tinupad ang kagustuhan ng magulang niya na magkaroon siya ng anak at asawa.

Ano'ng naghihintay kay Ericka sa pagkakaroon niya ng pamilya? May pag-asawa pa kayang magkabalikan si Alexandra o mananatili ito sa kanyang asawa?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
"ERICKA!" Biglang lumingon si Ericka sa kaibigan niyang si Tina. Nasa loob sila ng Classroom habang nakatingin siya sa kaklase niyang si Lisette na nakikipag-usap sa isa nilang kaklase nilang lalaki. Nakakunot pa ang noo niya."Bakit?" tanong niya. "Kanina ka pa nakatingin sa kanilang dalawa crush mo ba si Ben?" tanong nito. Ibinaling niya ang tingin sa kaibigan. Ang akala kasi nito ay may gusto siya sa kaklase nilang lalaki ngunit ang hindi nito alam may gusto siya kay si Lisette, wala naman kasing nakakaalam na siya ay bisexual. "Nakatingin lang, crush ko na agad si Ben? hind ba pwedeng si Lisette ang crush ko?" Wika niya. Kahit kasi sabihin niya ang totoo sa kaklase niya na crush niya si Lisette, walang maniniwala sa kanya, dahil kung titingnan ang pisikal na itsura ni Ericka hindi mapagkakamalang bisexual siya. Malaki ang kangyang dibdib at maganda hubog ng kanyang katawan at nabiyayaan din siya ng magandang mukha, madalas nga siyang nagiging muse sa kanilang paaralan. "Gagu! Ano ka tomboy?" Nakataas pa ang kilay nito sa kanya. "Oo." sagot niya. Nakipagtitigan ito sa kanya pagkatapos nagulat siya nang bigla nitong dakmain ang kanyang dibdib. "Tang ina mo! Bakit mo dinakma?!" Galit niyang sabi sabay hawak sa dibdib niya. "See? Sa laki ng dede mo walang maniniwalang tomboy ka, mas mukha pa nga akong tomboy sa'yo. Bakit kasi hindi mo aminin na may gusto ka kay Ben," sabay tingin nito kay Ben. Umiwas ng tingin si Ericka kay Tina at binuklat ang libro na nasa harapan niya. "Wala akong gusto sa kanya," "Aysus! Ayaw mo'ng aminin na crush mo si Ben, crush lang naman," "Bahala ka nga sa buhay mo," wika ko. "Umamin ka na kasi ilang araw na lang graduate na tayo, walang masama kung aamin ka na crush mo si Ben," wika ni Tina. "Oo na! Crush ko na siya," sigaw niya. Nagulat na lang si Ericka nang makita niyang nakatingin sa kanya ang mga kaklase niya. Umiwas siya ng tingin sa mga ito. Nakalimutan niyang nasa loob pala sila ng classroom nila. Siniko siya ni Tina. "Aamin ka rin naman pala pinatagal mo pa," panunukso nito. Hindi na kumibo si Ericka sa pang-aasar ng kaibigan niya, siguro nga mas maganda na lang na isipin ng mga ito na may gusto siya kay Ben kaysa malaman nilang may gusto siya kay Lisette. Maghapon ang naging praktis nila sa graduation kaya naman pagod na pagod ang buo niyang katawan. Sinundo siya ng kanya kuya Leo sa school, dahil may motor ito. Si Ericka ang nag-iisang babae sa tatlong magkakapatid at siya ang bunso, ang panganay niyang kapatid na lalaki ay may sarili ng pamilya, dalawa na lang silang walang asawa. Dahil siya ang bunso sa magkakapatid siya ang pinaka-paborito sa lahat maging ang mga kapatid niyang lalaki ay paborito siya kaya naman masyadong over protective ang mga ito sa kanya. Kaya madalas siyang hinahatid at sinusundo sa tuwing papasok siya sa school. Nasa sala siya ng kanilang bahay habang nanonood ng paborito niyang anime, kasama niya ang kanyang kapatid na lalaki. Nang marinig niyang dumating ang kanyang Papa. "Linda, nakauwi na ba si Ekay?" tanong ng Tatay niya sa kanyang Nanay nasa balkonahe ng kanilang bahay. Tumayo si Ericka upang mag-mano sa kanyang Tatay. "Mabuti na lang at nandito ka na Ekay, may sasabihin ako sa'yo," wika ng kanyang Tatay. Tumingin si Ericka sa kanyang Nanay bago muling ibinaling ang tingin sa kanyang Tatay. "Ano po 'yon, Tay?" tanong niya. "Malapit na ang flores de mayo sa ating lugar, napagdesisyunan namin na ikaw na lang ang mag reyna Elena," wika ng kanyang Tatay. "Ayuko po, pwede naman sa ibang mga dalaga n'yo na lang dito sa baryo natin ibigay ang pagiging reyna elena ," pagtutol ni Ericka. Hindi kasi siya mahilig magsuot ng gown at maglagay ng kolorete sa mukha. Nais pa niyang magsuot lang ng pantalon at t-shirt. Nagsalubong ang kilay ng kanyang Tatay. "Hindi maari, may sponsor na ng damit na gagamitin mo, isa pa, ako ang kapitan ng baranggay. "Ekay, pagbigyan mo na ang iyong Papa," sabad ng kanyang Mama. Huminga siya ng malamin. Kahit naman ilang beses siyang tumutol sa mga ito, ang kagustuhan pa rin ng kanyang Tatay ang masusunod. "Wala naman akong magagawa kung hindi ang sumunod," malungkot niyang sagot. "Mabuti naman, oo nga pala nakapag-entrance exam ka na ba sa school na papasukan mo?" tanong ng kanyang Tatay "Opo," "Mabuti naman, gusto ko ang kunin mong kurso ay Nursing," "Criminology po ang gusto kong kunin," tipid niyang sagot. "At bakit naman 'yon ang gusto mo'ng kunin? Hindi mo 'yon kakayanin. Bagay sa'yo ang maging Nurse," "Gusto kong maging pulis," Salubong ang kilay ng kanyang Tatay. "Hindi maari! Gusto kong maging Nurse ka!" sigaw ng kanyang Tatay Yumuko si Ericka at nanahimik, mas lalo niyang nararamdaman na hindi siya malaya. Maganda ang kanilang pamumuhay ngunit kahit gano'n ramdam pa rin ni Ericka ang lungkot. "Arnulfo, Hayaan mo'ng si Ekay ang pumili ang kurso niya," wika ng kanyang Nanay "Ayoko! Hindi ko gusto ang kursong iyon para lang 'yon sa mga lalaki, mahirap ang training do'n, babae iyang anak mo mahihirapan iyan," Tumingin ang kanyang Papa sa kanya. "Ekay, hindi kita pag-aaralin ng kolehiyo kung ang kukunin mo'ng kurso ay criminology," warning ng kanyang Tatay. Tumalikod ito sa kanila at umalis. Hinamas ng kanyang Nanay ang likod niya upang pakalmahin siya. "Pagbigyan mo na ang iyong Tatay, concern lang siya sa'yo," ani ng Nanay niya. Pinahid niya ang kanyang luha sa kanyang mga mata gamit ang kanyang kamay. Pagkatapos ay bumalik sa sala. Pakiramdam ni Ericka na sa loob siya ng isang rehas at nakakulong at walang kalayaan. Lalayas na lang ako pagkatapos kong maka-graduate. *********** NAGDADALAWANG isip si Ericka na pumasok sa loob ng female comfort room dahil naroon si Lisette at nagpapalit ng damit. Napansin naman siya ni Lisette kaya tinawag siya. "Uy! Pumasok ka na," nakangiti niyang sabi. Nakayuko si Ericka nang pumasok sa loob ng comfort room at pumasok siya sa loob ng cubicle upang umihi. "Ericka, patulong naman," narinig niyang sigaw ni Lisette. Lumabas siya ng cubicle at nakita niya si Lisette na naka-bra na lang. Bigla siyang umiwas ng tingin dito. Hindi kasi niya mapaliwanag ang kanyang nararamdam dahil nakakaramdam siya ng init sa katawan ang kanyang dibdib ay bumibilis ang t***k. Tinapik siya sa balikat ni Lisette. "Hoy! Bakit ka nakatalikod? Ngayon ka lang ba nakakita ng naka-bra?" Natatawang sabi ni Lisette. Humarap pa ito sa kanya. Tumango siya rito at muling yumuko. Nagulat siya nang kunin ni Lisette ang kamay niya at ilagay sa dibdib nito. Daig pa niya ang napaso sa ginawa nito. "Tingnan mo nga ang liit-liit ng Dede ko," wika niya. "Uy! Gago!" sambit ko nang hawakan nito ang dibdib niya. "Swerte mo naman ang laki ng dibdib mo, gusto ko ganyan kalaki," wika nito. Napalunok siya sa ginawa nito, kung alam lang ni Lisette ang nararamdaman niya marahil baka hindi nito gagawin ulit iyon. "Tulungan mo akong pumili ng magandang damit, kabibili ko lang kasi nito." Inangat nito ang plastik bag na may lamang damit. Tumango siya rito, sa dami ng estudyante sa school bakit siya pa ang narito sa harapan ni Lisette. Hindi niya tuloy magawang tumingin sa tuwing hinuhubad nito ang damit. "Ano bagay ba?" tanong nito sa kanya. Tumango siya. "B-Bagay lahat," nauutal niyang sabi. "Salamat," sabay ngiti nito pagkatapos ay lumabas na ito sa comfort room. Huminga siya ng malalim pagkatapos humarap sa salamin. Pulang-pula ang kanyang mukha na parang kamatis. Naghilamos siya ng mukha bago lumabas ng comfort room at pagkatapos bumili siya ng malamig na tubig, pakiramdam kasi niya ay uhaw na uhaw siya. Habang nakaupo silang dalawa ni Tina sa ilalim ng puno ng mangga. Nakita niyang papalapit sa kanila si Ben at ang dalawa nitong kaibigan. Siniko siya ni Tina habang nakatingin sa grupo ni Ben. Si Ben ang escort niya sa lahat ng subjects niya, siya kasi ang muse ng lahat ng subjects nila. Noon pa man silang dalawa na ang palaging pinagla-love team ng mga kaklase niya ngunit hindi niya ito pinapansin. "Hi, Ericka!" nakangiting bati sa kanya ni Ben. Narinig niya ang hiyawan ng mga kaklase niyang nasa paligid lang nila at nagpapahinga. Binigyan kasi sila ng thirty minutes break ng principal naman bago magpraktis ulit. Napasimangot siya. Kung siguro si Lisette ang lumapit sa kanya mas matutuwa pa siya, nagkaka-crush din naman siya sa lalaki pero hindi kay Ben, hindi niya gusto si Ben kahit mabait ito at matalino. Tumingin lang siya rito at hindi nagsalita. "Hi, raw Ericka," wika ni Tina na parang uod na nilagyan ng asin sa sobrang kilig. Mas kinikilig pa ito kaysa sa kanya. "Hello," sapilitan niyang sagot. Nagtilian ang mga estudyante na tila nanonood ng live love story bagay na hindi niya gusto kaya sumimangot siya. "Pwede patabi sa upuan?" wika ni Ben. Ang lapad ng ngiti nito idagdag pa ang pantay-pantay ng ngipin niya pwede nga itong mag-model ng toothpaste. "Ikaw bahala," sagot ko. "Thanks!" sabay niya upo nito sa katabi niya. "Saan university ka mag-aaral?" tanong nito. "Hindi na ako mag-aaral ng college," pagsisinungaling niya, hindi siya tumitingin kay Ben habang nakikipag-usap mas pinagmamasdan pa ni Ericka ang mga estudyanteng nakatingin sa kanila. "Hmm… sayang naman," wika niya. "Okay lang 'yon," tipid niyang sagot, ang totoo kasi ayaw na niyang pahabain ang pag-uusap nilang dalawa. Kung pwede nga niya itong tarayan ginawa na niya. "Wala ka ba'ng pangarap?" muli nitong tanong. Doon niya ito tiningnan. Bigla siyang napa-isip, Ano nga ba ang pangarap ko? "Siyempre may pangarap ako," "Anong pangarap mo?" "Pangarap kong maging malaya ang ipakita ang tunay na ako," sagot niya. "Ang labo naman," wika ni Ben. Hindi kumibo si Ericka, hindi naman talaga nila maiintindihan ang pangarap niya, dahil alam naman nilang kahit sabihin niya ang totoo walang maniniwala. Pangarap kong tanggapin ang totoong ako ng mahal ko sa buhay, ng taong nasa paligid ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Greek Badass' Addiction

read
58.6K
bc

Senorita

read
13.2K
bc

The Mystique Kingdom

read
36.2K
bc

Taming His Heart

read
46.5K
bc

Traded

read
84.7K
bc

For the Love of Hannah (Hating Mr. Right)

read
182.8K
bc

THE ELUSIVE BADBOY

read
37.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook