CHAPTER 5
HINDI mapigilan ni Ericka ang tingnan ang kanyang cellphone habang nagtuturo sa unahan ang kanyang professor sa philippines history, sa tuwing naririnig niya ang pag-vibrate ng cellphone niya pasimple niya itong tinitingnan. Hindi kasi niya kayang dedmahin ang mga text sa kanya ng kaibigan niyang si Tina. Simula kasi nang ibigay nito ang numero ng bago nitong sim nagsimula naman ang pagtetext nilang dalawa. Kung dati puro sa pag-aaral ang kanilang topic ngayon ay kung ano-anong bagay na lang ang napag-uusapan nila.
Tina: Wala kang klase?"
Me: Meron, nasa klase ako now.
Tina: Tanga ka, makinig ka sa professor mo.
Me: Hayaan mo,hindi naman halata.
Tina: Hahaha! Gago, maya na lang ulit tatawag na lang ako kapag nakauwi ka na,"
Me: Wala ka pasok?
Tina: Restday ko.
Me: Matulog ka na diyan.
"Uy!"
Muntik niyang mabitawan ni Ericka ang kanyang cellphone nang sikuhin siya ng kanyang kaklase na babae. Tumingin siya sa unahan kung saan nagtuturo ang kanyang professor.
"Bakit?" tanong niya rito nang makasigurado siyang hindi siya nahalata ng professor niya na nagte-text during class.
"Kanina ka pa text nang text diyan, mahuli ka diyan," pabulong na sabi ng kaklase niya.
Pasimple niyang itinago ang cellphone niya sa pinakailalim ng kanyang bag at pagkatapos ay tumingin siya rito. "Hindi naman nahalata ni Ma'am," wika niya.
"Kaya nga 'wag ka na pahalata," sagot nito.
Tumango-tango siya pagkatapos nakinig na siya sa professor niya pagkatapos na lang ng subject niya siya magtetext sa kaibigan niyang si Tina.
"Tina, ano kaya kung maglayas ulit ako?" tanong niya sa kaibigan niya habang kausap niya ito.
"Bakit naman? Hindi mo na ba talaga kaya?"
"Nahihirapan na rin ako sa kursong kinuha ko baka bumagsak din ako, pagkatapos si Nanay palagi na lang niya pinipilit sa'kin si Ruben,"
"Ikaw ang magde-desisyon sa buhay basta kung anuman ang mangyari dapat handa ka, hindi kita pwedeng pangaralan kasi kahit ano'ng sabihin ko sa'yo, ang opinyon mo pa rin ang susundin mo," wika ni Tina.
"Mag-iipon na lang ako ng pera pagkatapos maghahanap ako ng trabaho may requirements pa naman ako," sabi niya.
Bumuntong-hininga si Tina. "Sige papautangin kita ng pera pamasahe mo doon ka muna sa dati kong katrabaho na nagboboard sa kabilang apartment para hindi ka mahanap ng Nanay mo,"
Lumiwanag ang mukha niya dahil sa tuwa. "Salamat Tina," sagot niya
"Basta siguraduhin mo ang desisyon mo na 'yan," pagpapaalala nito sa kanya.
"Oo, salamat."
"Sige, bukas padadalhan na kita ng pamasahe, sabihin mo lang kung kailan mo balak na umalis diyan," ani Tina.
"Salamat, Tina."
"Walang anuman, matutulog na ako maaga pa ako papasok bukas,"
"Sige, good night,"
Nang matapos silang mag-usap ni Tina. Isa-isa niyang inilagay sa bag niya ang mga requirements siya at isang pares na damit na pambahay at damit na pang-alis ang inilagay niya sa bag niya balak kasi niya na sa sabado na siya aalis sa kanila. Sasabihin na lang niya na may gagawin sila sa school. May tatlong araw pa siya para paghandaan ang paglalayas niya.
******
Kinabukas pagpasok niya sa school bitbit na niya ang ilang mga gamit. Nakiusap siyang ipatago sa kaklase niyang babae na nagboboard malapit sa school. Nag-iwan siya roon ng bag upang paglagyan niya ng gamit niya na dadalhin sa paglalayas. Nagpadala rin sa kanya si Tina ng pamasahe niya kaya naman pagsapit ng sabado ng umaga ay lumayas na siya na hindi alam ng kanyang magulang at kapatid ang muli niyang paglalayas. Nang umaalis na ang bus na sinakyan niya ay nagtext na siya sa kanyang magulang at kapatid at sinabi niya na maghahanap na lang siya ng trabaho dahil ayaw niya ng kursong 'yon. Hindi niya sinabi na bisexual siya dahil baka tama ang Nanay niya na naguguluhan lang siya sa kasarian niya dahil masyadong bago sa pakiramdam niya ito.
Nang magtext siya in-off niya agad ang cellphone niya upang hindi na siya guluhin ng mga ito.
"Bahala na." sambit niya. Habang nakatingin siya sa kalsada.
Gabi na nang makarating siya sa Manila sinundo siya ng kaibigan niya sa binabaan niyang bus at pagkatapos ay sumakay sila papuntang boarding house. Dahil kumpleto na sila Tina sa boarding house nila, doon siya pinatulog sa isang boarding house na dating ka-work ni Tina.
Isang kuwarto ang tinuluyan niya ngunit may dalawang double deck naman sa loob. Sa bawat double deck may naka-okupa.
"Dito ka na mag bed space, sinabi ko na sa may ari na mag-bed space ka na rito." wika ni Tina.
"Salamat,"
Inilagay ni Tina ang gamit niya sa taas ng second bed, iyon lang kasi ang bakante. Pagkatapos ay lumabas sila ng kuwarto. May kusina naman ang boarding house na iyon may lutuan pwedeng magluto basta kapag naubos ang laman ng gasul ay lalagyan ulit.
"Hintayin na natin ang kasama mo sa kuwarto pauwi na 'yon," wika ni Tina.
Tumango siya habang naghihintay silang dalawa, bumili si Tina ng noddles at niluto niya 'yon para may makain kaming dalawa. Ilang saglit pa pumasok ang isang maputing babae na nakasuot ng maong na pantalon at red blouse na branded ang tatak ng damit.
"Marie!" tawag ni Tina sa babae.
Ngumiti si Marie kay Tina at tumingin ito sa kanya. Yumuko siya nang tingnan siya nito, nakaramdam kasi siya ng hiya sa rito.
"Siya ba ang kaibigan mo na sinasabi mo?" tanong niya.
"Oo, siya si Ericka," sabay baling ni Tina ng tingin kay Ericka. "Ericka siya si Marina, siya ang isa kasama mo sa double deck.
Tumango si Ericka pagluway ngumito ito kay Marie. Tumugon naman ito sa kanya kung kaya't nakaramdam ng hiya si Ericka kay Marie.
"Maiwan na kita rito Ericka, matutulog na ako maaga pa pasok ko bukas,"
"Sasabay ako sa'yo mag-aapply na ako bukas," wika ni Ericka.
"Sa company ka na lang namin mag-apply hiring doon. Akong bahala magpasok sa'yo roon," wika ni Marie.
"Salamat," sagot ko.
"Sumabay ka sa'kin bukas sa pagpasok ko. Hindi na sasakay sa service namin para masamahan kita sa pag-apply," ani Marie.
"Salamat,"
"Ayun naman pala, sige na aalis na ako, matulog ka na diyan," pagkatapos ay lumabas na si Tina.
Pumasok na rin silang dalawa sa kuwarto. Si Marie ang nasa baba ng double deck at siya naman ang nasa itaas. Kumot lang ang dala niya kaya pinahirap siya nito ng unan. Mabuti na lang may wall fan hindi siya maiinitan.
Kinuha niya ang cellphone niya at binuksan niya iyon. Sunod-sunod na text ang dumating sa kanya. Lahat ng iyon ay text mula sa kanyang magulang at kapatid. Sa una ay nag-aalala ang mga ito sa kanya. Tinatanong kung nasaan siya ngunit sa huli sinabi ng mga ito na. 'Bahala na siya sa buhay niya at 'wag ng babalik sa kanila kahit kailan,'
Pumatak ang kanyang luha dahil sa nabasa niya ngunit wala siyang magagawa ginusto niya itong mangyari. Siguro sa ibang tao maling-mali ang ginawa niya ngunit para sa kanya gusto lang niyang sundin ang nais niya kung saan siya masaya at malaya.
********
Nagising siya sa tunog ng alarm clock ni Marie. Bumangon siya upang maligo. Paglabas niya nakita niya si Marie na nagluluto nag-iinit ng tubig at nagsasaing ng kanin.
Lumapit siya. "Ako na rito," wika niya.
"Sige na, ako na rito maligo ka na," sagot ni Marie.
Tumango si Ericka pagkatapos ay naligo na siya. Mabilis lang naman siyang maligo kaya natapos siya agad. Pagkapaligo niya si Marie naman ang naligo. Hinintay na lang niya ito sa kuwarto. Pagpasok nito sa kuwarto ay nagbihis na ito, medyo naiilang siya dahil nagbibihis ng damit si Marie sa harapan niya kaya naman ay tinuon niya ang kanyang tingin sa hawak niyang cellphone.
"Tara kumain muna tayo bago umalis maaga pa naman,"
"Sige, busog pa ako," sagot niya kahit ang totoo nagugutom na siya, nahihiya lang siyang kumain dahil hindi siya nakapag-ambag ng pambili. Bukod sa pinautang siya ni Tina ng pamasahe dinagdagan niya uli ito ng one thousand tapos may ipon pa siya kaya may panggastos naman siya kahit papaano.
"Huwag ka ng mahiya sa'kin. Mamaya ka na lang gumastos para sa pagkain, tara na kumain na tayo kailangan natin ubusin ang pagkain,"
Tumango siya at pagkatapos ay nagtimpla siya ng kape sa kanilang dalawa.
"Bakit ka umalis sa inyo?" tanong ni Marie.
"Gusto ko na kasing mag-trabaho. Ayoko rin ng kursong pinakuha sa'kin ng tatay ko, sobrang hirap,"
"Ano ba ang kurso mo?"
"Nursing, ang gusto ko sana criminology,"
"Ganyan din ang gusto ng kurso ng girlfriend ko," sagot ni Marie.
"Baka boyfriend," wika ni Ericka.
"Babae pa rin 'yon bihis lalaki lang,"
"Tomboy ang jowa mo?" tanong ni Ericka.
Tumango si Marie. "Oo, kasama ko siya sa trabaho, gusto nga niyang magkasama na kami sa bahay hindi lang ako pumayag,"
"Bakit naman?"
"Mahigpit kasi ang jowa ko baka maraming bawal sa'kin," sabay tawa niya.
"Okay," sagot niya.
Pagkatapos nilang kumain sabay silang umalis. Nag-commute sila para makarating sa company. Hindi siya pinagbayad ni Marie sa pamasahe. Ilibre na lang daw siya kapag may trabaho na. Nang makarating sila sa kumpanya kinuha ang resume niya at pagkatapos sinabi ni Marie na hintayin siyang tawagin. Hindi na niya muling nakausap si Marie nang pumasok na ito sa trabaho niya. Pagdating ng alas nuebe ng umaga ay tinawag na siya at interview siya pagkatapos niyang interview-in binigyan siya ng referral para sa medical. Libre ang medical kaya wala siyang ginastos bukod sa pamasahe niya. Pagkatapos niyang magpa-medical ay umuwi na siya at maghihintay na lang siya sa loob ng linggo na iyon.