CHAPTER 7

1833 Words
Alas-siyete na ng umaga nang magising si Erika. Mahigit isang linggo na siyang sa Laguna mula nang pumunta siya rito, ang in-applyan niyang trabaho ay hindi pa rin tumatawag sa kanya kung kaya't nag-iisip siyang mag-apply na lang sa ibang kumpanya. Kailangan kasi bago dumating ang bayaran sa bahay ay may trabaho na siya kung hindi baka pulutin siya sa kalsada. Hindi pa naman siya puwedeng bumalik sa kanila dahil siya ang umalis. Bumangon siya at pumunta ng banyo. Ngunit bago siya makarating ng banyo madadaanan niya ang kusina. Napansin niya ang pagkain na nakatakip sa lamesa. Tiningnan niya iyon at nakita niyang may pritong itlog sa lamesa. Marahil niluto 'yon ni Marie. Si Marie lang kasi ang pang-umaga sa mga kasama niya sa apartment lahat sila pang gabi. Kaya siguradong mamaya pa makakauwi ang iba niyang kasamahan. Dumiretso siya sa banyo upang maghilamos pagkatapos ay kumain na siya ng almusal. Pagkatapos ay nilinis na rin niya ang apartment ang kuwarto nila ni Marie. Nang matapos niyang linisin ang apartment dumating naman ang mga ka-boardmate nila. "Wow! Ang sipag mo naman," papuri sa kanya ng mga ito. Isang tipid na ngiti ang naging tugon niya sa mga ito. Pagkatapos ay bumalik siya sa kuwarto upang i-check ang cellphone niya. Pagbukas niya ng cellphone niya nakita niya ang mga text na galing kay Fat ang ex-girlfriend ni Marie. Simula nang gamitin ni Maria ang cellphone niya pang-text sa ex-girlfriend nito hindi na siya tinigilan i-text ni Fat. Naging textmate silang dalawa. Minsan pa nga ay pumupunta pa si Fat sa boarding house nila upang bisitahin si Ericka. May unknown number ang nag-text sa kanya, kaya naman binuksan niya ang mensahe at binasa niya ito. "Start na ako bukas! Yes!"" Napatalon pa siya sa tuwa. Matagal na kasi niyang hinihintay ang text na iyon. Hinintay niya mag alas-tres ng hapon dahil pupunta siya sa kabilang apartment upang ipaalam sa bestfriend niyang si Tina ang good news. Nang sumapit ang alas-tres ng hapon ay tumakbo siya papunta sa kabilang apartment eksakto naman na karating lang ng kaibigan niyang si Tina. "Tina!" halos tumalon sa tuwa si Ericka habang papapit siya rito. Nakasuot pa ng company uniform si Tina dahil kararating lang niya galing trabaho, walong oras lang kasi ang pasok nito ngayon kaya alas-tres ng hapon ay nasa boarding house na ito. Salubong ang kilay ni Tina nang lingunin siya. Hindi mawala ang ngiti ni Ericka habang papalapit dito. "Ano 'yon?" tanong niya. "Tumawag na sa'kin ang in-applyan kong trabaho. Start na ako bukas." wika ni Ericka. "Mabuti naman teka, nandoon pala sila Marie at Fat 'diba? tanong ni Tina. Tumango si Ericka. "Oo, okay naman na ang dalawa." "Okay na kasi ginawa kang mighty bond ni Fat?" taas kilay ni Tina. Hindi kasi lingid dito na palaging magka-text si Ericka at Fat madalas rin itong pumupunta sa boarding house nina Ericka at Marie para dalawin si Ericka ni Fat. "Friends lang kaming dalawa parang tayo 'diba nagpupuyat din naman tayo minsan kapag nagkaka-text," ani Ericka. "Tayong dalawa mag-bestfriend. Hindi tayo talo dahil ayoko ng babae. Si Fat tomboy 'yon at ikaw bisexual. May tendency na magkagusto kayo sa isa't-isa. Sinasabi ko sa'yo Ericka. Bago ka sumubok sa babae subukan mo muna ang lalaki baka confusing ka pa may lunas pa 'yan," ani Tina. "Ano 'to sa'kit kailangan ng lunas?" biro niya sa kaibigan. "Sampalin kita sa kagagahan mo! 'wag mo akong inisin!" pasigaw na sabi ni Tina Pumasok ito sa loob ng kuwarto at nagbihis ng damit habang si Ericka ay naghihintay sa labas kay Tina. Nang matapos magbihis si Tina ay nagluto ito ng pansit canton upang meryenda nilang dalawa. "May balita ka ba sa inyo?" tanong ni Tina. Umiling siya at pagkatapos ay muling sumubo ng pansit canton bago nagsalita. "Galit sila sa'kin." Tipid niyang sagot. "Hindi ko naman kasi alam kung ano'ng pumasok sa isip mo, kung ako sa'yo sinunod mo na lang magulang ko," ani Tina. Sumimangot si Ericka. "Ikaw itong magulo, noong una suportado ka sa desisyon ko bakit ngayon biglang nag-bago ang isip mo?" "Kasi naman masyado kang marupok. Naiinis ako sa'yo ginagawa ka na ngang panakip-butas hindi mo pa halata. Dapat hindi mo tini-text si Fat." "Wala naman kaming ginawang masama, kaibigan lang talaga kami ni Fat. Wala akong nararamdaman para sa kanya," wika niya. "Wala pa sa ngayon pero sa susunod meron na 'yan. Kung ako sa'yo Ericka tigilan mo na 'yan makikipag-text kay Fat, mas gusto kong sa lalaki ka na lang magka-gusto kaysa kay Fat." Natahimik siya sa sinabi ni Tina. Kapag kasi kinotra niya ang sinasabi nito hindi sila matatapos sa usapan kilala kasi niya ang kaibigan at alam niyang kapag nasa katwiran siya hindi ito magpapatalo. Pagkatapos ng kanilang meryenda nanood sila ng palabas sa tv. Ngayon na lang ulit siya nagkaroon nakapanood ng tv dahil sa boarding house nila ay walang telebisyon. Pauwi na siya ng boarding house nang marinig niyang may tumatawag ng pangalan niya. "Ericka!" Narinig niyang tawag mula sa kanyang likuran. Nang lingunin niya nakita niya si Fat na nakangiti at may bitbit na maliit na box. Huminto siya sa paglalakad at pagkatapos ay lumapit ito sa kanya. Nakaramdam siya ng kaba nang magkatitig silang dalawa. Fresh na fresh ang itsura ng mukha niya, amoy na amoy rin niya ang gamit nitong pabango. "Saan ka pupunta?" tanong niya. Kumamot sa ulo si Fat sabay yuko. "Sa inyo," "Ah, tara doon sa boarding house," pagkatapos naglakad siya papunta sa boarding house. Sumunod naman si Fat sa kanya. Wala pa si Marie sa boarding house nang dumating silang dalawa. Ipinatong ni Fat ang box sa ibabaw ng lamesa. "Bibili ako ng soft drinks." pagkatapos ay lumabas ito upang bumili ng softdrinks. Sinilip niya ang laman ng box at nakita niyang yema cake ang laman. Gusto sana niyang buksan nagdadalawang isip lang siya dahil ayaw niyang pangunahan si Fat. Ilang saglit pa may bitbit na itong dalawang malaking bote na softdrinks. "Buksan na natin," sabi nito. Inalis ni Fat ang laman sa box at nakita niyang yema cake ang laman. Bigla siyang natakam dahil paborito niya ang pagkain na iyon. "Paborito ko ito 'diba?" tanong ni Fat Tumango siya. "Kaya pala tinatanong mo na kung ako ang paborito kong pagkain. Teka? binili mo ba ito para sa'kin?" paniniguro niya. Tumango ito pagkatapos nag slice ng yema cake. At nagsimula na silang kumain dalawa. "Papasok ka na bukas 'diba?" tanong niya. Tumango siya. "Paano mo nalaman hindi ko naman sinabi sa'yo," sabi niya. "Tinanong ko sa kakilala ko na nag-hired sa'yo," "Wow! salamat." "Sabay na tayong pumasok bukas pareho naman tayo ng kumpanyang pinapasukan," wika ni Fat. "Sige, para alam ko na rin kung saan ako maghihintay ng shuttle." sabi niya. "Sige," pagkatapos pinagpatuloy namin ang kinakain namin. Saglit lang siya sa boarding house ni Ericka dahil matapos nilang kumain ay umalis na rin ito Gabi pa lang ay ihinanda na niya ang gagamitin niya sa pagpasok bukas. Maaga siyang natulog at hindi na niya namalayan si Marie na makauwi. ********** Alas-tres ng madaling araw tumunog ang alarm niya. Bumangon siya upang mag-init ng tubig at magluto ng almusal nilang dalawa ni Marie. Pang-umaga rin kasi ito. Kumain muna siya ng nang almusal pagkatapos ay naligo na siya at nag-ayos ng sarili. "Aja! Kaya mo 'yan!" Kausap niya sa sarili. Nilapatan lang niya ng lip gloss ang labi niya pagkatapos nag polbos siya ng mukha. Ilang saglit pa tumawag na si Fat sa kanya at nasa labas na ito ng apartment nila. "Good morning," nakangiting bungad ni Eriack kay Fat. "Good morning, Miss beautiful," sabay kindat nito sa kanya. Hindi niya napigilan ang ngumiti rito dahil sa ginawa niya. "Ang aga mo mambola wala pa akong pera. Saan ang daan natin?"wika ni Ericka. "Doon tayo maglalakad," sabay turo nito sa daan na nasa unahan nila. "Dito lang ang shuttle?" tanong niya kay Fat nang matanaw niya ang shuttle bus. Tumango si Fat. Pagkatapos nagulat si Ericka nang hawakan ni Fat ang kamay papasok sa loob ng shuttle. Gusto sana niyang bitawan ang kamay nito ngunit nahihiya siya. Mag-katabi silang dalawa sa upuan. Sa tuwing nagdidikit ang balat nila may kung anong kaba ang nararamdaman ni Ericka kaya naman ipinikit niya ang kanyang mga mata hanggang sa namalayan na lang niya na nakatulog na siya. Nang magising siya ay nakasandal na ang ulo niya sa balikat nito. "Sorry, sabay angat niya ng ulo. "It's okay, matulog ka lang," sabi nito. "Okay na ako," tipid niyang sagot. "Pupuntahan kita mamaya kapag oras ng lunch break," sabi nito. "Ikaw ang bahala." Tipid niyang sagot. "Ericka, 'diba sabi mo wala kang boyfriend?" tanong ni Fat. Nakatingin ito sa kanya. Bigla siyang kinabahan sa sinasabi nito alam na alam kasi niyang may gusto itong sabihin sa kanya. Tumango siya. "Wala pa nga bakit?" "Pumapatol ka ba sa tomboy?" tanong nito. Hindi kasi niya sinabi na siya ay bisexual kapag nag-uusap sila sa cellphone "Depende kung magkakagusto ako." Sagot niya. Ngumiti si Fat. "Subukan kong manligaw sa'yo," sabi niya. Ang bilis-bilis ng t***k ng puso niya. "Ikaw ang bahala," labas sa ilong niyang sabi rito. Hindi siya nahirapan na puntahan kung saan ang papasukan niyang departamento dahil hinatid na siya ni Fat. Alam na alam kasi nito ang pasikot-sikot sa loob ng kumpanya. "Sino 'yan Fat?" Tanong ng babae. "Joy, trainee mo si Ericka." "Girlfriend mo?" tanong ng babae. "Sana—kung papayag siya," sabay tingin kay Ericka. Umiwas naman ng tingin si Ericka dahil namumula ang mukha niya. "Huwag kang maniniwala diyan, babaero'yan," sabi ni Joy. Tumawa si Fat. "Ako nga palagi ang iniiwan e" "Ay sus! Iwan mo na sa'kin ang trainee ko, ako na ang bahala sa kanya," sabi ni Joy. "Ingatan mo 'yan mamahalin ko pa 'yan," sabay alis ni Fat. Kahit baliwalain ni Ericka ang sinabi ni Fat lihim pa rin natutuwa ang puso niya. "Pasok na rin ako kitakits mamaya," nakangiting sabi ni Fat. "Sige, salamat." sagot niya. "Maupo ka muna diyan hintayin natin ibang kasama mo," sabi ni Joy "Salamat po, " sagot niya. Tumango siya at naghintay ng ibang kasamahan niya pagkatapos lang ng kalahating oras dumating ang iba niyang kasamahan. Higit sa sampo ang kasama niya sa orientation. Habang nakikinig siya sa trainor nila panay naman ang hikab niya ngunit pinipilit lang niyang magising upang may matutunan siya. Sa maghapon niya sa kumpanya hindi niya nakita kahit sa breaktime si Marie. Si Fat lang ang palaging dumadalaw sa kanya. Unti-unti na siyang nasasanay sa presensiya ni Fat maging ang paghawak nito sa kamay niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD