NOAH: ILANG minuto akong natulala dito bago natauhan sa sinaad nito. "Jen, ano ka ba? Hwag mo namang siraan si Marga. How can she do that, huh? Ni hindi nga makatayo 'yong tao eh. Please? Hwag mo naman siyang pagbintangan ng bagay na napaka imposibleng magagawa niya," pagalit ko dito na ikinakurap-kurap nitong tila hindi makapaniwala sa narinig. "Noah, nagpapatawa ka ba, huh? Nakikita mo ito?" anito na galit na rin sabay turo sa sugat nito sa ulo. "Ito ang magpapatunay ng sinasabi ko sa'yo. At bakit ko naman siya sisiraan sa'yo? Hello, masama na ang ugali niya. Kung hindi ka naniniwala sa akin na niloloko ka ng bruhang Marga na 'yon? Bahala ka sa buhay mo. Bayagan kitang Madrigal ka eh," inis nitong asik na pabalang naupo na inirapan ako. "Jen, please? Ang aga-aga pa. Ayokong mag-away