THIRD PERSON POV: MATAPOS magkausap at kumain si Haden at Noah ay nagpaalam na rin ito na babalik na ng headquarters nila. Napapanguso itong nakapamulsa na napapaisip sa sinaad ni Noah tungkol sa paratang ni Jen sa fiance nitong si Marga. "Hmm. . . something's fishy. Marga Smith. Nagpapanggap ka nga lang ba para mapanatili mo si Noah sa tabi mo?" usal nito na pinag-aaralan ang sitwasyon ng tatlo. Napatuwid ito ng tayo mula sa pagkaka sandal sa elevator nang tumigil na ito na tumunog. Kasunod ang pagbukas ng pinto. Akmang lalabas na sana ito na sakto namang papasok si Jen na katulad nito ay nagulat na makita si Haden. "Kuya! Palabas ka na ba?" tanong ni Jen na ikinangiti ni Haden na lumabas ng elevator at inakbayan itong inakay sa labas ng kumpanya. "Uhm, can I borrow you for a whil