NOAH: ABALA ako sa trabaho ng nag-ring ang cellphone kong nasa ibabaw ng mesa. Napahilot ako sa kilay na inalis ang reading glasses ko at saglit ipinahinga ang mga mata kong kanina pa nakababad sa laptop at mga papeles sa harapan ko. Napahinga ako ng malalim na makitang si Marga ang caller. Tinatamad na sinagot ko itong inilapat sa tainga ang cellphone. "Marga?" pagsagot ko na naisandal ang likuran kong nangangawit na kanina pa nakaupo sa swivel chair ko. "Babe? Can you come over here?" humihikbing saad nito na ikinagising ng inaantok kong diwa. "Hey, what's wrong, huh? Bakit ka umiiyak?" nag-aalalang tanong ko na napatayo at iniligpit ang mga papeles sa mesa ko habang nakaipit sa balikat ko ang cellphone padikit sa tainga ko. "Noah, please? Puntahan mo naman ako oh? Namamanhid na n