Chapter 1
JENELYN:
TAHIMIK akong nagmamasid sa mga tao sa paligid ko. Nasa Bar ako ngayon dahil kaarawan ng isa sa mga katrabaho ko sa Lander Thompson's Corporation. Hindi ako party goer na tao. Bahay at trabaho lang ang madalas na routine ng buhay ko dito sa syudad. Kahit na fiancee ko ang bigboss namin sa LTC na si Lander ay nagtatrabaho pa rin ako ng maayos.
Ayoko namang may maipintas sa akin ang mga katrabaho ko. Kaya lahat sila ay pinakikisamahan ko.
"Hey, sis. Hindi 'yan tinititigan lang, huh? Iniinom 'yan," natatawang pagsulpot ni Lucy na bestfriend ko.
Kitang tipsy na rin ito dahil kanina pa sila nag-iinuman ng mga kasama namin. Umakbay ito na dinampot ang shot ko na hindi pa nababawasan at nakangiting iniabot sa akin.
"Cheers?" anito.
Pilit akong ngumiti na inabot iyon. Kinuha naman nito ang kanyang shooting glass na sinalinan ng kanya at nakipag-toss bago inisang lagok iyon.
"What? Inumin mo kasi 'yan. Paano ka mag-eenjoy tonight na ultimo shot mo hindi mo iniinom?" natatawang saad nito na hindi ako sumabay sa tagay nito.
Alanganin akong ngumiti na inisang lagok ang shot kong ikinahiyaw pa nitong inakbayan ako. Mariin akong napapikit na parang masusuka sa sobrang pait ng lasa ng shot ko! Humagod din sa lalamunan ko ang kakaibang init nito na tila ikinagising ng dugo sa katawan ko! Uminit bigla ang katawan ko at parang nagnanais pa ng higit.
"See? C'mon, Jen. Nasa tamang edad ka na, noh? Dapat nga sinusulit mo na ang mga nalalabing sandali ng pagiging single mo dahil next week na ang kasal niyo ni boss," nanunudyong saad nito na muli akong pinagsalin ng alak sa baso.
Napangiti ako na binanggit nito ang nalalapit kong kasal next week. Tama naman siya. Ikakasal na ako next week sa bigboss namin! Isang taon na rin ang relasyon namin ni Lander at sa loob ng isang taong 'yon ay ni minsan hindi kami nagkaroon ng problema. Kaya naman kampante na akong magpatali sa kanya na walang pag-aalinlangan kong tinanggap ang offer niyang kasal sa akin.
"Hmm. . . ngiti ba 'yan ng kinikilig?" tudyo nito na mahinang ikinatawa kong napailing na tinanggap ang muling itinagay nito sa akin.
Abala naman ang ibang mga kasama namin sa dance floor. Halos lamunin na nga nila ang dancefloor na hindi sila umaalis alis doon.
"Salamat, Lucy. Mula noong bagong salta pa lang ako dito sa Manila ay ikaw na ang nakasama ko. Nakilala ko rin si Lander dahil sa'yo. Kaya sobrang salamat talaga sa lahat ng naitulong mo sa akin. Hayaan mo, kapag ikaw naman ang nangailangan ng tulong ko? Tutulungan kita maski ano pa 'yan," nakangiting saad ko na napaparami na rin ng naiinom.
Matamis naman itong napangiti na sumandal sa balikat ko habang nakayakap sa braso ko.
"Kapag ba may hininga ako sa'yo, Jen. . . ibibigay mo kaya?" tanong nito na nakasandal sa balikat ko.
"Oo naman, Lucy. Para na kitang kapatid. Sa dami ng utang na loob ko sa'yo ay hindi kita matatanggihan maski ano pa 'yan," nakangiting sagot ko.
"Are you sure. . .maski ano?" ulit nitong tanong na tumuwid ng upo at pinakatitigan ako sa aking mga mata.
"Oo naman. Bakit, may maitutulong na ba ako sa'yo, hmm?" tudyo ko na ikinangiti nitong inisang lagok muli ang shot nito.
Sumilay ang pilyang ngisi sa mga labi nito na ikinataas ng kilay kong nangingiting nakamata lang din dito.
"May naiibigan akong guy sa trabaho natin, Jen. Matagal ko na siyang gusto. Actually. . . matagal na rin namang may namamagitan sa amin. Pero hindi niya ako gusto eh. Gusto niya lang ang katawan ko kapag kailangan niya ng paglalabasan ng init niya. Tingin mo, paano ko kaya siya makukuha ng tuluyan sa nobya niya?" saad nito na ikinatigil kong binundol ng kakaibang kaba sa dibdib.
"Teka, may girlfriend na kamo si guy?" paninigurong tanong ko ditong tumango-tango.
Awang ang labi na napatitig ako dito. Kung titignan ko kasi si Lucy ay napaka flawless nitong babae. Na para siyang si Maria Clara sa generation natin. Mabuti siyang kaibigan at napaka professional din niya sa trabaho. Matalino din siyang babae at may pagka-conservative nito kung manamit. Sa galaan man o sa trabaho. Napakaganda at sexy din naman niya kaya marami din ang nanliligaw sa kanya sa kumpanya. Pero wala naman akong alam na kinaka-date nito exclusively.
"Pero. . . bakit siya pa? I mean, may girlfriend na siya. May nagmamay-ari na sa kanya, Lucy. Marami naman d'yang iba, ano ka ba?" pagalit ko ditong mahinang natawa na napailing.
"I'm just kidding, Jen. Nagbibiro lang ako. Hayaan mo, kapag may kailangan na ako sa'yo ay sasabihin ko." Pambawi nito na ikinahinga ko ng maluwag.
"Umayos ka nga. Hindi nakakatuwa 'yang biro mo, ha? Saka. . . hindi kita masosoportahan kapag nang-agaw ka ng pag-aari ng iba kahit bestfriend kita. Ayaw kong kunsintihin ka kung sakali. Kasi ayokong mapahamak o makarma ka pagdating ng araw. Sabi ko naman sa'yo, Lucy. Para na kitang kapatid. Kaya hindi ko hahayaang mapahamak ka, hmm? Hwag sanang sasama ang loob mo sa akin," maalumanay kong saad na ikinangiti nitong kinuha ang kamay ko.
"Bestfriend nga kita, Jen. Salamat, huh?"
"Ikaw pa ba?"
ILANG oras din kaming nag-solo ni Lucy na umiinom sa table namin. Hanggang sa hindi ko na namamalayan ang mga nangyayari sa paligid ko. Hindi ko na rin ma-control pa ang sarili ko.
"Restroom na muna ako, Lucy. Nahihilo na ako eh," lasing kong saad na tumayo.
"Kaya mo ba? Samahan kita?" tanong nito na inalalayan akong muntikang matumba.
Napahagikhik ako na tumuwid ng tayo kahit para na akong mabubuwal.
"Kaya ko. Ako pa ba? Saglit lang," slang kong sagot na pinilit maglakad ng diretso kahit parang naglilingkisan na ang mga binti ko na hindi ko mailakad ng maayos.
Naniningkit ang mga mata kong hinahanap ang daan pagawi ng restroom. Maingay, magulo, at siksikan na rin ang mga tao dito sa loob ng Bar. Naghahalo-halo na nga ang amoy ng pabango, alak at usok ng sigarilyo dito.
"Nasaan na ba 'yon?" tanong ko na pilit minumulat ang mga mata.
Pasuray-suray na rin akong naglalakad ng hallway patungong restroom na hindi ko marating rating!
"Ayt! Putek naman ohh!" tili ko na napasubsob ako ng sahig na natapilok ako sa taas ng sandal ko. "Lintek naman oh. Hwag naman kayo manulak," reklamo ko na tinanggal ang sandal ko.
Halos gapangin ko na ang hagdanan paakyat dahil hindi na kaya ng mga tuhod kong tumayo. Nanginginig na ang mga ito at para na akong mabubuwal. Natatakot naman akong mabagok ako.
"Nasaan na ba kasi ang banyong 'yan. Punyeta naman oh. Wiwiwi lang naman ako at sasabog na ang pantog ko. Tang-inang buhay 'to," reklamo ko na patuloy sa paggapang paakyat ng hagdanan. "Huh? Nasaan na ba ako?"
Naniningkit ang mga mata ko na iginala ang paningin dito sa floor na inakyatan ko. Maraming silid ang nasa kaliwa't kanan na gawa sa salamin ang dingding.
"VIP," basa ko na naituro ang mga silid na nakahilera. "Ang sosyal naman ng restroom dito. VIP? Ano 'yan? Ginto ba ang iihi dito?" natatawang saad ko na naglakad palapit sa mga silid.
Naniningkit ang mga mata ko na isa-isang binubuksan ang mga sliding glass door na madaraanan ko. Pero halos lahat ay naka-lock. Hanggang marating ko ang pinakadulo at sa wakas ay hindi ito naka-lock!
"Ang pantog ko sasabog na," lasing kong saad na pumasok ng silid at ni-lock ang pinto.
"Fvck! Sweetheart. What took you so long? Kanina pa ako dito," saad ng baritonong boses na bigla na lamang akong niyapos na isinandal ng dingding at. . . nilakumos sa mga labi ko!
Namimilog ang mga mata na hindi ako makakilos. Napaka agresibo kasi ng halik na ginagawad nitong halos higupin na ang buong labi ko! Mahigpit akong napakapit sa laylayan ng polo nito na nangangatog ang mga tuhod.
Gusto ko lang namang magwiwi. Bakit dakmaan ng ganap at shemay ko po! Bakit ang sarap naman niyang humalik! Ang bango-bango pa niya na napakalalim ng baritonong boses nito. Pilit kong iminumulat ang mga mata ko na inaaninag ito. Pero dahil nakapatay ang ilaw na tanging ang mga ilaw sa labas lang ang sumisilip dito ay bulto lang niya ang naaaninag ko.
"S-sandali-oohhh!"
Napaungol ako na kinarga ako nitong pasaklong sa kanya. Awtomatikong napayapos ang mga binti ko sa kanyang baywang at napayakap sa kanyang batok. Patuloy naman ito sa mapusok niyang pang-aangkin sa mga labi ko na tila uhaw na uhaw! Dama kong nangangapal na ang mga iyon sa tindi niyang humalik!
Nakakadarang, nakakatangay ng katinuan at nakakabuhay ng init ng dugo ang halik nitong mapang-angkin! Unti-unting namigat ang paghinga at talukap ng mga mata ko na maramdaman ang paglapat ng likod ko sa malambot na kama kasabay ng pagpaibabaw nito.
Kahit nahihimigan ko na kung saan kami hahantong nito ay walang pagtangging nadarama ang puso at katawan ko. Para akong dinadala sa kaulapan na unti-unting nabubuhay ang kakaibang sensasyon sa aking dugo.
"Kung panaginip man ito ay ayoko ng magising," usal ko na ikinatigil nito sa pagsipsip sa leeg ko.
Pinagtapat nito ang mukha namin na malalalim ang kanyang paghinga. Napasapo pa ito sa pisngi ko na dama ko ang panunuot ng titig nito sa akin.
"Me too, sweetheart. Akala ko hindi mo na ako pupuntahan dito eh. Is this mean. . . you're choosing me against Lance, hmm?" anas nito na napapahalik sa mga labi ko.
Napapapikit ako na tumatama sa mukha ko ang mainit at kay bango nitong hininga. Naaamoy ko pa doon ang gamit niyang mouthwash at mint na kay bango nga naman. Ang sarap tuloy samyuhin ng hininga nitong tumatama sa mukha ko.
"Ano bang sinasabi mo?" anas ko na pilit inaaninag ito sa dilim.
"Damn, sweetheart. Bakit amoy alak ka, hmm? Uminom ka pa bago nagpunta dito?" anas din nito na muli akong siniil sa mga labi.
Napapikit akong unti-unting napatugon sa mga labi nitong salitang sinisipsip ang mga labi ko. Ngayon ay mas banayad na ang halik na ginagawad nito. Puno ng pag-iingat at may halong pagmamahal. Nagsimula na rin itong humaplos sa tagiliran ko hanggang dibdib ko na ikinauungol ko.
Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. Kahit may bahagi sa isipan ko na tumatanggi ay hindi ko na mapigilan pa ang sarili.
"Ooohhh--Sandali," awat ko na sa kamay nitong humaplos sa hita ko pataas sa aking kaselanan.
"C'mon, sweetheart. I'm pretty sure you'll like this," anas nito na tuluyang hinaplos ang kaselanan kong ikinanginig ng katawan kong tila nagustuhan ang paghaplos ng mainit at malaking kamay nito.
"H-hindi pwede. Oohhh, please? H-hwag," pagtutol ko na ibinababa nito ang panty ko!
Mariin akong napapikit na isang hila lang niya pababa ay naalis na kaagad ang panty ko. Kahit pinagdidikit ko ang mga hita ay kusa namang napapabuka ito sa kanyang paghaplos hanggang tuluyan niyang nasapo ang kaselanan ko at nilalaro-larong hinahagod-hagod ang c******s ko ng kanyang hinlalaki.
"Aahhh! Uhmm! N-no. . . s-stop, please?" pakiusap ko pero hindi ko naman masuway ang katawan kong magustuhan ang ginagawa nito.
Dumaosdos ito pababa sa paanan kong ikinasinghap ko na sumubsob lang naman ito. . . sa p********e ko! Namimilog ang mga matang napatunghay ako ditong nasabunutan siya sa ulo na may kariinan nitong sinipsipsip ang c******s kong ikinatitirik ng mga mata ko!
"Aahhh! Aahhh! Uhmm--tama na. H-hwag!" panay ang pag-angal ko pero mas lalo lang nitong dinidiinan ang pagsipsip sa c******s kong ikinahihiyaw ko!
NANGINGINIG ang katawan ko na parang tinakasan ako ng lakas na maramdamang may lumabas sa pwerta kong hinigop naman nito. Naghahabol hininga akong parang inaantok ang diwa na nanlupaypay maski mga braso ko.
"Damn, so sweet." Dinig kong anas nito.
Nanatili akong nakapikit. Kahit sumisigaw ang isip ko ay wala ng lakas ang katawan ko. Nanghihina ako na ultimo magdilat ng mga mata ko ay hindi ko magawa.
Naramdaman ko naman itong lumuhod na pumwesto sa gitna ng mga hita kong ikinalulunok kong nahihimigan ang binabalak nito.
"Panaginip lang ito, Jen. Panaginip lang," anas ko na naghahabol hininga.
"Urghh! s**t--putang ina naman ohhh!" hiyaw ko na parang binuhusan ng nagyeyelong tubig na maramdaman ang biglaang. . . pagpasok ng kung ano sa lagusan ko!
"Aahhh! Ang sakit! Hugutin mo!" hiyaw ko na napahikbi.
Damang-dama ko ang pagkakapunit ng balat ko sa loob na ikinagising ng lasing at inaantok kong diwa! Napatitig ako dito na hindi kumikilos. Tila nabigla rin sa paghiyaw ko. Napalakas ang paghikbi ko na magising ako sa realidad na. . . may katalik ako ngayon! At ang masaklap ay hindi siya ang fiancee ko!
"Fvck! You're a virgin?" usal nito na tila hindi makapaniwala at nanatiling nakabaon ang mala bakal nito sa tigas na kargada.
Sabay kaming napalingon sa may pinto na bumukas ang ilaw at nagkagulatan na may pumasok doong supistikadang babae na namimilog ang mga mata sa naabutan.
"N-Noah!? H-how could you. . . Why?" nauutal nitong tanong na rumagasa ang masaganang luha sa kanyang mga matang palipat-lipat ng tingin sa amin nitong lalakeng nakaibabaw sa akin!
"Marga? Oohh fvck!" bulalas nitong lalakeng nakapatong sa akin na bakas sa tono ang kagulatan at napaungol pang. . .sumabog siya sa loob ko!
"How dare you, Noah! Pinili kita pero ito lang ang ipapakita mo sa akin!? Magsama kayo ng putang 'yan!" singhal ng dalaga na tumakbo palabas ng silid.
"Marga, wait! Fvck!" bulalas nito na tarantang hinugot ang kahabaan at nagsuot ng boxer brief nitong hinabol ang dalaga.
Naiwan akong nakatulala na napahagulhol na lamang at niyakap ang sariling hubo't-hubad na mapatitig sa gitnang hita ko. Bakas sa kinahihigaan ko ang dugo at semilya ng lalakeng nakakuha ng virginity ko. Ni hindi ko siya kilala at maski mukha ay hindi ko nakita.
Lalo akong napahagulhol na mapatitig sa diamond ring na suot-suot ko. Wala na. Sa isang iglap ay nawalang parang bula ang virginity na iniingat ingatan kong bukod tanging maipagmamalaki ko sana kay Lander.
TULALA akong lumabas ng VIP room. Hindi na rin kasi bumalik pa ang walang hiyang lalakeng kumuha ng virginity ko. Kahit iika-ika akong maglakad ay pinilit kong makalabas ng Bar.
"Kuya, sa Thompson's condominium po," saad ko sa taxi driver na sinakyan ko.
Tumango lang naman ito na pinasilab na ang taxi. Mariin akong napapikit na naisandal ang katawan. Ang bigat pa rin ng katawan ko at dama ang pagkirot ng kaselanan ko. Muling nangilid ang luha ko na parang sinasaksak sa puso sa katotohanang. . . nakipagtalik ako sa ibang lalake gayong ikakasal na ako sa susunod na linggo!
Napalapat ako ng labi na pigil-pigil ang sariling mapahagulhol. Napahaplos ako sa diamond ring ko na hinagkan iyon.
"I'm so sorry, Lander. Hindi ko iyon sinasadya. Hindi ko sinasadya. Mapatawad mo sana ako," usal ko na impit na napahagulhol.
"Ma'am, okay lang po ba kayo?" tanong ni Manong driver na napapasilip ng rear view mirror.
Nagpahid ako ng luha na pilit ngumiti kahit huling-huli naman na ako nitong umiiyak.
"Okay lang po ako, Manong. Salamat," aniko.
Tumango-tango naman ito na napapasipol pa. Napabaling ako ng paningin sa bintana at nangunotnoo na mapansing. . . hindi dito ang daan patungong Thompson's condominium!
"M-manong, para na po dito!" natatarantang bulalas ko na napagpag pa ang salaming bintana ng kotse.
Lalo akong nagulantang na ngumisi ito at mas binilisan ang pagmamaneho!
"Manong, ihinto mo! Itigil mo ito!" sigaw ko na pilit binubuksan ang pinto pero ni-lock nito!
Para akong matatakasan ng bait na itinigil nito ang taxi at. . . sa lugar na walang katao-tao! Naigala ko ang paningin at nasa abandonadong building kami na wala ng kalapit na kabahayan! Wala na ring ibang sasakyan ang dumaraan na lalo kong ikinagimbal!
"Baba."
"A-ano?"
"Baba, Mis. Kanina pa ako natatakam sa'yo eh. Mukhang ang sari-sariwa mo pa naman," paanas nito na humithit. . . ng droga na nakalagay sa aluminum foil!
Para akong pinagsakluban ng langit at lupa sa mga sandaling ito! Taranta akong bumaba ng taxi na napatakbo. Pero dahil naka-high heels ako at madilim ay natapilok lang ako at sumubsob sa sementadong daan!
"Aahhh!" napahiyaw ako na may humablot sa buhok ko at halos kaladkarin na ako nitong makatayo!
"Bitawan mo ako! Bitawan mo ako! Tulong! Tulungan niyo ako!" pagsisisigaw ko na nagpapasaklolo kahit wala namang ibang tao sa paligid.
"Kahit mapaos ka pang magsisisigaw dito, Mis beautiful. Walang makakarinig sa'yo. Kaya kung ako sa'yo? Ibuka mo na lang ang hita mo at hayaan mo akong dalhin ka sa langit. Maglaro lang tayo ng sarap sarapan. Magugustuhan mo ito, pramis," parang hibang paanas nito na malakas akong itinulak sa gilid ng daan.
Napasubsob ako sa damuhan na impit kong ikinadaing na maramdaman ang pagkasugat ng balat ko mula sa mga talahib.
"H-hwag po, nagmamakaawa ako, Manong. Maawa po kayo. H-hwag niyo po akong halayin. Kunin niyo na po lahat ng meron ako dito. Hwag lang po ang katawan ko. Nagmamakaawa ako," nanginginig ang boses na pakiusap ko dito.
Ngumisi lang ito na kinalas ang kanyang sinturon na inilaglag ang pantalon kaya dumaosdos iyon sa kanyang paanan! Para akong matatakasan ng bait na napahagulhol at umiling-iling na nakatingala dito.
"Nagmamakaawa po ako," humahagulhol kong pakiusap.
"Hwag kang mag-alala, Mis. Titiyakin kong. . . masasarapan ka sa gagawin natin," paanas nito na napapadila pa ng labi!
Mariin akong napapikit nang hilahin nito ang binti ko na ikinatili kong nandidiring mahawakan nito!
"Hwag po! Bitawan mo ako! Tulungan niyo po ako! Diyos ko! Tulungan mo ako!" hiyaw ko na napahagulhol.
"Urghh! Putang ina! Sino ka ba!?"
Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib na napadaing ang lalake sa akmang pagdamba nito sa akin! Napadilat ako ng mga mata ko at sa liwanag na nagmumula sa bilog na buwan ay kitang-kita ko ang isang lalakeng naka-all black na may suot na helmet at walang kahirap-hirap nitong pinagsasapak sa mukha ang driver ng taxi!
Napaupo ako na inayos ang sarili ko na pinanood itong binugbog ang lalake hanggang tuluyan na itong mawalan ng malay na duguan ang mukha. Nangilabot ako na bumaling ito sa akin na lumapit.
"Hey, are you okay?" tanong nito na naglahad ng kamay.
Nangangatal ang kamay kong inabot ang kamay nitong nakalahad na inalalayan akong makatayo.
Napatitig ako dito na hindi ko naman mamukhaan dahil may suot na helmet. Pero kakatuwang naging panatag na ang loob ko na nandito ito. Naglahong parang bula ang takot ko maging ang panginginig ng katawan ko.
"Are you okay? Nagalaw ka ba niya?" ulit nitong tanong.
Umiling-iling ako na nanatiling nakakapit sa kamay nito.
"Oh, thanks God." Anas nitong napatango-tango. "Let's go, I'll fetch you home." Saad nito na hinila na ako sa kamay palapit sa ducati red motor nitong nakaparada sa gilid nitong daan.
Napapalunok ako nang sumakay ito sa bigbike motor nito na ini-start iyon. Naglahad ito ng kamay na sinenyasan akong sumakay na.
"Uhm. . . naka-dress ako, S-sir." Utal kong saad.
"Oh," napasinghap ito na hinubad ang suot na black leather jacket na iniabot sa akin. "Here, use my jacket to cover your precious legs," anito na napakalambing sa pandinig ko.
Nahihiyang tinanggap ko iyon na tinanggap ang kamay nitong nakalahad at naupo sa likuran nito.
"Wear this, young lady." Anito na iniabot ang isang helmet sa aking tinanggap ko matapos i-cover sa hita ko ang jacket nito.
"Hug me," anito na ikinasunod ko.
Nag-aalangan akong kumapit sa baywang nitong kinuha ang kamay ko na ipinulupot sa kanyang tyan! Sunod-sunod akong napalunok na parang lulukso na ang puso ko palabas ng ribcage nito na sobrang nakadikit na ako sa kanya. Tiyak akong damang-dama na nito ang dibdib kong nakalapat sa malapad niyang likuran.
"Fvck. So soft," anas pa nito bago pinaharurot ang motor na ikinahigpit ng pagkakayakap ko dito.
Mariin akong napapikit na para na kaming lumilipad sa bilis ng pagmaneho nito.
"Where do you live?" tanong nito na may kalakasan habang nasa kahabaan kami ng byahe.
"BGC po, Sir." Sagot ko na ikinatango-tango naman nito.
HABANG nasa byahe ay para akong nakalutang sa bilis ng patakbo nito. Nahihiya naman akong magreklamo lalo na't utang na loob ko sa kanya ang pagkakasagip ko ngayong gabi sa lalakeng muntikan akong hinalay!
Nangangatog ang mga tuhod ko na inalalayan nitong makababa sa kay taas niyang motor. Naigala naman nito ang paningin sa paligid na napatango-tango.
"Uhm, salamat po sa pagsagip sa akin kanina, Sir. Salamat din po sa paghatid sa akin. Para kayong anghel na pinadala ng kalangitan sa akin kanina para sagipin ako sa rapist na 'yon," pasasalamat ko dito na iniabot sa kanya ang helmet at jacket nito.
Inabot naman nito ang helmet na isinuot sa kanyang palapulsuan.
"It's small thing," anito na ipinasuot sa akin ang jacket nitong ikinalunok ko. "You can have that. A souvenir from your knight in shining armor tonight," saad nito na may halong paglalambing.
Nahihiya akong ngumiti dito na matiim na nakatitig sa akin. Hindi ko naman ito mamukhaan dahil may suot siyang helmet. Na tila walang planong ipakita ang mukha sa akin.
"S-salamat po ulit, Sir. Utang na loob ko sa inyo ang buhay at kaligtasan ko ngayong gabi," sagot ko na ikinatango-tango nitong hinaplos ako sa ulo.
"You're welcome. Anyway. . .are you still sore down there?" makahulugang tanong nito na bumaba sa gitnang hita ko ang mga mata.
"Po?"
"Ahem! Nothing. Umakyat ka na ng apartment mo," anito na napatikhim. Pilit akong ngumiti na napayuko dito.
"Salamat po ulit, Sir. Ahm, Jenelyn po pala," pagpapakilala ko na naglahad ng kamay dito.
Napababa naman ito ng tingin sa kamay kong nakalahad. Nahihiya akong akmang babawiin ang kamay ko na inabot nito at marahang pinisil na ikinalunok kong makadama ng kakaibang boltahe ng kuryente mula sa kamay nito kahit may suot pa siyang gloves.
"Okay. Tatandaan ko ang pangalan mo, Mis Jen." Anas nito na mabilis hinagkan ang kamay kong ikinasinghap ko na natulalang napatitig sa kamay ko.
Natawa naman itong napailing na hinaplos ako sa ulo.
"Umakyat ka na. Sa ganda mong 'yan ay tiyak na tatangayin ka na naman ng mga manyakis d'yan," natatawang saad nito na mahinang ikinatawa ko.
"Sige po, Sir. Salamat po ulit," saad ko na yumuko at pinihit na patalikod dito.
Napapalapat ako ng labi na yakap ang jacket nitong umakyat ng hagdanan paakyat sa floor ng apartment na nirerentahan ko. Pero nakakailang hakbang pa lang ako ay sumitsit itong ikinalingon ko dito.
"I'm N.M. At least you know my initial name," saad nito na sumaludo pa bago pinaharurot ang motor nito palayo.
Napangiti akong napasunod ng tingin dito hanggang mawala na siya sa paningin ko.
"N.M. . . ano kayang ibig sabihin no'n?" usal ko na umakyat na ng apartment ko na may ngiti sa mga labi.
KUNOT ang noo na pagbukas ko sa apartment namin ni Lucy ay wala pa rin ito. Magkasama kasi kami ni Lucy sa apartment. Kaya kami naging matalik na magkaibigan dahil halos 24/7 ay magkasama kaming dalawa. Sa trabaho man o dito sa tinutuluyan namin.
Naglinis na muna ako ng katawan kong nanlalagkit na nagbihis ng pantulog. Napahinga ako ng malalim na napasulyap sa wall clock namin. Mag-uumaga na rin pero wala pa rin si Lucy.
Dinampot ko ang cellphone ko na tinawagan ito habang nagkakape. Pero nakailang dial na ako sa number nito pero hindi naman siya sumasagot na ikinakunot ng noo ko.
"Nasa Bar pa rin kaya siya?" usal ko na ibinabang muli ang cellphone sa mesa.
Napasulyap naman ako sa diamond ring na suot ko na muling naalala ang nangyari sa akin kagabi sa Bar. Kung saan naipagkaloob ko sa isang istranghero. . . ang p********e ko.
Napahinga ako ng malalim na namuo na naman ang luha sa mga mata ko. Kung hindi lang dumating si N.M kagabi sa abandonadong lugar na 'yon ay baka pinagsawaan na ng rapist na driver ang katawan ko at baka patay na rin sana ako ngayon.
Nakagat ko ang ibabang labi na panay ang pagtulo ng butil-butil kong luha. Dahil sa pagwawalwal namin kagabi ay napahamak pa tuloy ako. Mabuti sana kung kay Lander ko naipagkaloob ang katawan ko. Pero hindi. Ni hindi ko nakilala ang lalake na nakaangkin sa akin.
Mariin akong napapikit na hinayaang umagos ang luha sa pisngi ko. Kahit sising-sisi ako sa nangyari ay hindi ko na maibabalik ang tapos na.
"I'm sorry, Lan. Sana mapatawad mo pa ako sa nagawa ko. Hindi ko 'yon sinasadya." Usal ko na inihiga na ang katawan sa mahabang sofa.
KINABUKASAN ay kinailangan ko pa ring bumangon ng maaga para makagayak papasok ng trabaho. Masakit ang ulo at buong katawan ko pero alam ko namang may mahalagang meeting si Lander sa mga investor nito ngayong araw. Kaya hindi ako pwedeng lumiban ngayon.
Napalingon ako sa silid ni Lucy na sinilip ito kung nakauwi ba.
"Lucy?"
Napakunot ako ng noo na wala ito dito. Naipilig ko ang ulo na isinaradong muli ang pinto ng silid nito na nagkibit balikat.
Habang pababa ng hagdanan ay hindi ko maiwasang masilaw ng liwanag na lalong ikinakikirot ng ulo ko dala na rin ng puyat at hangover.
"Jen? Papasok ka na ba?"
Napakurap-kurap ako na may tumatawag sa akin. Saka ko lang napansin si Sandro Alejandro na katrabaho ko sa LTC.
"Uhm, ikaw pala, San. Oo eh pero. . . naghihintay lang ako ng taxi," sagot ko na pilit ngumiti dito.
"Tara, sabay ka na sa akin," alok nito na nag-abot ng helmet sa akin.
"Uhm, hindi okay lang, San. Saka. . . alam mo namang pinag-iinitan ka ni Lander eh. Ayoko lang na pagselosan ka na naman no'n at pahirapan sa trabaho mo," sagot ko na alanganing ngumiti dito.
"Tss. Kung ayaw niyang sinasabay kita? Dapat araw-araw siyang nandidito na sinusundo ang fiance niya. Ano bang klaseng fiancee ang Sir Lander na 'yon? Hinahayaan ka lang mag-commute pero kung isabay ka ng ibang lalake ay kuda nang kuda," bulalas nito na ikinakamot ko sa ulo.
"Hayaan mo na. Boss pa rin natin siya. Sige na, may taxi na oh?" sagot ko na pinara ang paparating na taxi.
"Okay. Ingat, Jen." Kindat nito na muling nagsuot ng helmet nitong ikinangiti at tango ko.
"Salamat. Ikaw din," sagot ko na sumakay na ng taxi. "Manong, sa LTC po," saad ko sa driver na ngumiti at tumango.
Napahinga ako ng malalim na napatitig sa singsing ko. Kahit gusto kong magtapat kay Lander sa nangyari sa akin kagabi ay wala naman akong sapat na lakas ng loob na magtapat dito. Alam ni Lander na birhen pa ako kaya nga iniingatan niya ako at nirerespeto ang kagustuhan kong sa honeymoon namin ko ipagkakaloob sa kanya ang kalinisan ko.
Pero ngayon ay wala na. Isang lalake at isang beses lang nangyari 'yon pero pakiramdam ko ay ang dumi-dumi ko na. Hindi na ako birhen. At tiyak akong malalaman din niyang hindi na ako birhen sa oras na may mangyari na sa amin.
"Ma'am, nandidito na po tayo," magalang saad ng driver na ikinabalik ng ulirat ko.
Napapahid ako ng luha ko na humugot ng limangdaang piso sa wallet ko na iniabot dito.
"Salamat po, Manong." Saad ko na bumaba na ng taxi.
Ilang beses akong napahinga ng malalim na kinakalma ang puso ko bago ngumiting naglakad papasok ng TLC.
"Good morning, Ma'am Jen!" masiglang pagbati sa aking ng mga guard na pinagbuksan pa ako ng pinto.
Napangiti akong tumango sa mga itong nakangiti sa akin. Kilala na kasi ako ng lahat ng nandidito bilang fiancee ni Lander. Kaya naman mataas ang respeto ng mga ito sa akin sa takot nila kay Lander na mapagalitan sila o masisante sa trabaho kapag binastos ako dito.
"Magandang umaga din po," balik bati ko na napapayuko sa mga itong napangiti sa akin.
Napabuga ako ng hangin na tumuloy sa elevator. Kahit kabado ay kailangan ko na talagang magtapat kay Lander. Sa susunod na linggo na ang kasal namin. Ayoko namang paabutin pa sa honeymoon namin bago ako magtapat sa kanya.
Pilit akong ngumiti habang paakyat ang elevator na kinalululanan ko direkta sa opisina ni Lander. Kabado man ay pilit kong pinapatatag ang sarili.
Napatuwid ako ng tayo na bumukas ang elevator at pumasok ang ilan sa mga katrabaho ko.
"Oh, Jen. Himala yatang. . . hindi mo kasama si Lucy the linta," paismid na saad ni Dulce na kaibigan ko rin.
Pero hindi sila magkasundo ni Lucy at dahil si Lucy ang madalas kong kasama ay kusa itong umiiwas dahil nagkakabangayan lang silang dalawa. Parang mga aso at pusa na hindi magkasundo ang buntot. Prangka kasi si Dulce at ayaw ng pakeme-keme. Habang si Lucy ay may pagka maarte kaya hindi sila magkasundo.
"Uhm, hindi kasi siya nakauwi kagabi eh," sagot ko na tumabi ito sa akin.
"Hmm. . . hindi siya umuwi? So, kaninong lalake na naman kaya siya tumuloy ngayon?" saad nito na napapanguso.
"Hwag ka namang ganyan kay Lucy. Oo, maarte 'yon pero. . . matino siyang babae, Dulce." Saad ko na yumakap sa braso nitong napaikot ng mga mata.
"Hay naku, Jen. Ewan ko sa'yo. Binalaan na kita. Balibalita dito sa kumpanya na ilang beses ng nakikita ng mga katrabaho natin si Lucy na paiba-iba ng mga dini-date na matatandang mayaman. Kung hindi negosyante, mga kilalang pulitiko ng bansa. Sawsawan ng bayan ang lagusan ng kaibigan mong 'yan, noh? Ewan ko ba sa'yo kung bakit hindi mo makita-kita ang kulay niya," ingos nito na ikinailing ko na lamang na hindi na sumagot pa.
"Sige na, bye na muna, hmm? Kita tayo mamayang lunch break sa canteen," nakangiting saad ko na bumeso ditong nakabusangot na naman.
"Fine. Hindi ka na naman naniniwala sa akin," pagtatampo nito na nauna nang lumabas ng elevator at sa HR department sila nakabase.
Napahinga ako ng malalim na maiwan ng elevator paakyat sa opisina ni Lander. Ako kasi ang secretary nito kaya doon ako nakabase sa opisina niya.
Napabuga ako ng hangin na bumukas na ang pinto. Pilit ngumiti at umaktong normal na lumabas ng elevator.
"Good mor--" natigilan ako na may kasama kaagad dito si Lander na kaharap niyang nagkakape. "Good morning, babe, Lucy. Nandito ka na pala," saad ko sa mga itong napatayo.
Napalunok ako na binundol ng kakaibang kaba sa dibdib. Para kasing. . .maging ang mga ito ay nagulat na makita ako.