JENELYN: TAHIMIK kaming dalawa na nagpapakiramdaman habang nandidito sa tapat ng condominium building kung saan ako tumutuloy. Mabuti na lang at may nakuha kaagad akong magbabantay kay baby Noel kaya nakapasok ako ng trabaho. "Uhm, sige mauna na ako," malamig kong saad na nagtanggal ng seatbelt. Akmang bababa na ako ng kotse nang hawakan nito ang kamay kong ikinatigil kong napalingon dito. Malamlam na ang mata nitong napatitig sa akin na mababasaan ng halo-halong emosyon. "Sorry kanina, Jen. Hindi ko sinasadyang masigawan ka. Pero. . . pwede bang makiusap?" maalumanay nitong saad na ikinatango ko lang. Napahinga ito ng malalim na hinaplos ako sa ulo na pilit ngumiti. "Hwag kang naglalalapit sa lalakeng 'yon, hmm?" "Bakit? Sino ba siya?" tanong ko. Muli itong napahinga ng malalim