Chapter 4

2005 Words
"Dadaanan kita mamaya pag-uwi. Tapos na ang seminar mamayang lunch time," sabi sa akin ni Genro at ngumiti ako ng umagang iyon. Tatlong araw na at ito ang araw ng pagkatapos ng kanilang seminar. Sobrang nasiyahan ako ng umagang iyon at nagkaroon ako ng positibong pakiramdam at magaan ang aking kondisyon ng araw na iyon. Tinapos ko na ang paghahanda ko para makapasok at nang makarating ako sa opisina ay gano'n na rin ang naging routine namin. Nagulat na lang ako ng nakaupo si Spiel sa table ko. Palipat-lipat ang tingin ni Denise sa akin at sa pwesto ni Spiel na tila nagtataka dahil nandoon ito. Kahit ako ay nagtataka rin dahil wala naman usapan kung ano ang mayroon. "Anong ginagawa mo dito?" tanong ko kay Spiel at may tonong parang isang kaibigan lang ang ginamit ko dahil iba ang tingin niya ng oras na iyon. Binigay niya sa akin ang isang papel at binasa ko iyon. Isa iyong letter na nagsasabing hindi ako maaaring manghimasok sa kaso ng ibang himpilan dahil sila na ang bahalang humawak sa kasong iyon. Kinuyom ko ang aking kamay at hindi ko alam kung bakit nakarating sa kanila ang pagsasaliksik ko kaya tumingin ako kay Denise at inirapan ko siya dahil kaming dalawa lang ang nakakaalam tungkol doon. "Sure," iyon lang ang tangi kong nasagot sa kanya at tumayo na si Spiel at lumabas ng opisina ko. Hinarap ko naman si Denise at tinungkod ang kamay ko. "Anong nangyari? Bakit nakarating sa kanila ito, Denise?" tanong ko sa kanya at may galit sa tono ng aking boses. "A-Ah kasi, naisip kong tumawag sa kanila at magtanong tungkol doon," sagot niya sa akin at yumuko. Naiintindihan ko naman dahil malayo ang lugar na iyon at walang ibang paraan para malaman ang nangyayari sa lugar na iyon tungkol sa kaso kung hindi ang pagtawag sa himpilan nila at magtanong. "Sige at ayoko na lang ituloy ang kaso na ito," sabi ko sa kanya at nakaramdam na ako ng pagkainis ng araw na iyon. Kung gaano kaganda ang araw ko kaninang umaga ay mabilis na nasira dahil sa nangyari. inalis ko na lang ang atensyon ko sa nangyari na iyon at binasa ang mga nakaraan kong kaso. May iilan pa rin na hindi nareresolba lalo na sa mga kaso ng Carnapping. Matitinik ang mga tao pagdating sa pagnanakaw ng sasakyan. "Anong bagong balita?" matabang kong tanong kay Denise habang nagppatuloy sa pagbabasa. Isa sa mga kasong tinututukan ko ay ang mga Carnappers na umaatake sa Airport at ilang mga lugar dito sa Metro Manila. Karamihan ay sa Edsa ang lugar na talamak ang mga ito at madaling-araw kung umatake. Nagbigay na ako ng babala noon na kung ganitong oras ay huwag na magbyahe pero may iilan talagang hindi marunong sumunod. Wala naman akong magawa dahil karamihan sa kanila ay may hinahabol na mga oras at kailangan talagang madaling-araw kung magbyahe. Magsasalita na sana si Denise ng makatanggap kami ng tawag. Sinagot agad iyon ni Denise at pinakiramdaman ko lang ang tawag. Naging seryoso ang pagsagot ni Denise dito at may sinusulat pa siya sa papel niya. Tinuon ko ang atensyon ko sa kanya hanggang sa ibaba niya ang tawag. "Ngayon-ngayon lang, may nag-report ng kaso. Isang pekeng test drive daw tapos ay tinakas ang sasakyan," sabi sa akin ni Denise at pinaghanda ko na siya para puntahan ang lugar na iyon. Malapit lang sa himpilan ang lugar ng pinangyarihan kaya mabilis naman kaming naka-responde. Pagdating, may iilan na mga tao ang nakapalibot sa isang babaeng nakaupo sa kalsada at pinapakalma ng ilang mga traffic enforcer. Humahagulgol siya ng mga sandaling iyon. Agad namin pinatabi ang mga tao at nilapitan ang babae. "Ano ang nangyari?" tanong ko sa kanya at natigil siya sa pagbulahaw at pinunasan ang kanyang mukha na basang-basa sa pagluha niya. Tinungga niya muna ang tubig bago siya nagsalita. "May nag-book kasi sa akin, car for rent daw at byaheng Baguio. Tatlo sila. Isang babae at dalawang lalaki. Ang babae ang nasa tabi ko at ang dalawa naman ay nasa likod," sagot nito sa akin at sinusulat ni Denise ang mga sinabi nitong importanteng detalye. "Nung nasa highway na kami, pinatabi ng babae ang sasakyan at kukuha lang daw siya ng pang-down p*****t sa akin pero ang nilabas niya sa kanyang bag ay isang baril," dagdag niya pa at tumango ako sa kanya. "Natatandaan mo ba ang itsura at pangalan ng mga ito? Pwede ka ba namin anyayahan sa himpilan para ma-report agad ang kotse mo bilang missing car?" tanong ko sa kanya at tumango naman siya. Mabagal siyang tumayo at inalalayan namin siya pasakay sa sasakyan. Pinapakalma naman siya ni Denise sa loob ng kotse habang nagmamaneho ako. Nang makarating kami sa himpilan ay dumiretso kami agad sa opisina. Si Denise ang nag-interview sa babae at pinapanood ko lamang sila. Sa isip ko, mabuti ay hindi siya sinaktan ng mga ito at walang kagalos-galos na natamo sa mga taong iyon. Inumpisahan ni Denise ang pagtatanong tungkol sa impormasyon ng babaeng iyon at sinulat niya sa kanyang notebook ang mga sagot. Matapos ay pina-describe ni Denise ang sasakyan, pati ang plate number ay kinuha nito. Nang makuha ni Denise ang mga impormasyon na iyon ay nagsimula na siyang nagtanong tungkol sa pinaka-umpisa ng pangyayari. Ayon sa mga sagot niya, hiningian niya ng mga valid ID ang babae bilang pagkakakilanlan at nang masiguro niyang legit ito, pumayag na siya sa kanilang transaksyon. Hindi niya lang inakala na may mga kasama itong dalawang lalaki dahil wala sa usapan nila iyon. "Kailan mo pa nakilala ang mga iyon?" tanong ko sa kanya at dahilan para matahimik sila ni Denise. Lumapit ako sa kanila at tumabi kay Denise. "One week lang po. Nag-chat po ang babaeng kausap ko na nahanap niya sa f*******: ang aking negosyo na rent car," sagot niya sa akin at kinuyom ng marahan ang mga kamay. Halata sa kanya ang takot ng sandaling iyon. "Natatandaan mo pa ang itsura ng mga taong iyon?" tanong ko sa kanya at sunod-sunod ang kanyang pagtango. Nang sandaling iyon, iniwanan ko na muna sila muli ni Denise at pinagpatuloy niya ang pagtatanong. Nang makuha ni Denise ang impormasyon ay lumabas ito at binigay sa Sketch Artist ng himpilan kaya naiwan kaming dalawa ng babaeng iyon. Ginala nito ang kanyang mata sa palibot ng opisina ko. Nagtataka ako sa kanya ng mga sandaling iyon at may kung anong hindi ko pa malaman ang tungkol sa kanya. "May mga pagkakakilanlan ka ba diyan?" tanong ko sa kanya at inilabas nito ang kanyang isang Company ID. Tinitigan ko ito at binalik sa kanya. "Maaari ko bang makita ang Driver's Licence mo?" tanong ko sa kanya pero kinagat nito ang kanyang labi. "Hindi ko po dala, nasa sasakyan pong nanakaw," sabi niya sa akin at tumango ako. May mga tao rin naman kasing iniiwanan na lang doon ang ID na iyon. Ilang sandali pa ay bumalik na si Denise. "Tatawagan na lang po namin kayo oras na magkaroon na kami ng lead tungkol sa kaso niyo. Kasalukuyan na pong pinakalat ang pagkawala ng inyong sasakyan," mahinahon na sabi ni Denise sa babae. Humawak ang babaeng iyonsa kamay ni Denise at parang natataranta na naman siya. Inaalis ni Denise ang kamay nito pero sadyang paulit-ulit ang pagkapit nitosa aking assistant. "Ma'am, sana po mabalik pa sa akin ang kotse kong iyon," nakakaaawang sabi nito sa amin. Hindi man sigurado kung maibabalik namin iyon pero gagawin namin ang lahat para ma-resolba ang kasong ito. "Gagawin po namin ang lahat para sa kaso niyo," maingat na sagot ni Denise. Isa sa mga turo ko sa kanya ay huwag na huwag mangangako na mareresolba ang kaso pero gawin ang lahat para maayos ito. Umalis na ang babaeng iyon kaya bumalik na ako sa aking table at si Denise naman ay nag-umpisa na sa paggawa ng report tungkol sa kasong iyon. Nagkaroon na ako ng pagkakataon para matingnan ang aking cellphone ng sandaling iyon. Ilang minuto na lang ay breaktime na at saktong binabasa ko ang ilan sa mga message doon ay nag-text si Genro sa akin. "Nasa byahe pa kami," sabi nito sa akin at tinago ko na ang cellphone at nilapitan ko si Denise. "Ituloy mo na lang yan mamaya at kumain na tayo," sabi ko sa kanya at tumango siya tapos ay kinuha ang ilan sa mga mahahalaga niyang gamit saka siya tumayo. Ni-lock niya ang pint ng opisina tapos ay nagtungo na kami sa canteen. Kinapit ni Denise ang anyang kamaysa braso ko at ngumiti nang mapatingin ako sa kanya. "Pasensya na talaga dahil sa pagtawag ko sa himipilan nila. Hindi ko naman kasi alam na ayaw pala nilang makipagtulungan pagdating sa trabaho," malungkot na sabi ni Denise sa akin. "Hayaan mo na iyon. May mga gano'n talagang pangyayari dahil gusto rin nilang bumango ang kanilang mga pangalan," sagot ko sa kanya at parang may kung ano siyabng naisip ng mga sandaling iyon. Tahimik lang siya habang kumukuha kami ng pagkain at nang makaupo na kami, saka siya nagpatuloy sa pagsasalita. "Bakit hind ka kaya humingi ng tulong kay Spiel?" bulong ni Denise sa akin at sinamaan ko siya ng tingin. Alam n alam niyang ayaw kong humihingi ng tulong tungkolsa aking trabaho. Padabog kong binaba ang kutsara ko at tinitigan ko siya. "Alam mo naman na hinding - hindi ko gagawin iyan," sagot kosa kanya at napatingin ako sa ilang mga kumakain doon dahil baka narinig nila ang sinabi ni Denise at magkaroon na naman ng usap-usapan tungkol sa akin. "Alam ko naman iyon, pero, ay bahala na nga. Kumain na lang tayo," sagot niya sa akin at nagpatuloy na sa pagkain. Hindi na rin ako nagsalita pa nang sabihin niya iyon sa akin. Nang malapit na ang uwian ay muli kong tiningnan ang aking cellphone at naghihintay sa text ni Genro. Sa mga oras na iyon, dapat ay nasa bahay na siya dahil dalawa hanggang tatlong oras lang naman ang byahe galing sa Batangas. "Hindi na kita masusundo at na - extend ang seminar," sabi niya sa akin at nadismaya naman ako sa sinabi niyang iyon. Huminga akong malalim at parang nabagsakan ng mundo habang inaayos ko ang mga gamit ko. Hindi ko na lang pinahalata kay Denise iyon dahil pagod na rin ito sa trabaho. Nang makabalik ako sa bahay, tinitigan ko muli ang aking cellphone pero wala ng mensahe galing kay Genro kaya naisip kong mag-text na rin sa kanya para paalalahanan siyang huwag kailimutan maghapunan at mag-iingat palagi. "Ikaw rin," iyon lang ang tanging nasagot niya at nagtaka ako dahil alas otso na ng gabi. Wala ng seminar ng ganitong oras. Hindi ako nakuntento sa kanyang sagot kaya naman naisip kong tawagan siya. Binababaan niya ko at sampung beses na akong sumubok tumawag sa kanya pero kahit isa doon ay wala siyang sinagot sa akin. Nakaramdam ako ng pagkainis dahil hindi naman gano'n sa akin si Genro pero sa kabilang banda, maaaring may ginagawa lang siya at ayaw niyang magpa-istorbo ng gabing iyon. Kahit naman magkasama kami, kapag gagawa ito ng kanyang Lesson Plan ay mas gusto niyang hindi siya istorbohin at mag-focus sa pagsusulat o kaya ay kapag gagawa ito ng kanyang gagamitin sa kanyang pagtuturo, kagaya ng pagsusulat sa Manila Paper ay nagkukulong ito sa kanyang kwarto. "Binabasa ko ang portfolio ng seminar para sa susunod kong pupuntahan," sabi nito sa akin at hinayaan ko na lang siya saka naisip na magpahinga. Sinara ko na ang mga pinto at bintana tapos ay nagtungo sa aking kwarto. Nakatingin lang ako sa kisame at naluluha ng mga sandaling iyon. Hindi kasi ako sanay na mag-isa sa bahay. Naninibago ako sa mga gabing wala si Genro sa tabi ko. Tumagilid na lang ako at nakita ko ang picture namin dalawa kaya kinuha ko ito at tinitigan ng mabuti. Sobrang saya namin doon, iyon kasi ang litrato kung saan muli kaming nagkita matapos ang ilang taon ng pagkakahiwalay namin. Niyakap ko ang frame na iyon at binalikan ko ang pangyayaring iyon hanggang sa makatulog na ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD