Chapter 5

2181 Words
Lumipas ang ilang araw at natagpuan ang sasakyan sa isang liblib na lugar sa Laguna kaya agad ni-report ni Denise ito at tinawagan ang babaeng nag-report para mapuntahan niya ito sa himpilan dahil dinala ng mga patrolman ito sa amin. "Maraming salamat!" sambit sa amin ng babae matapos namin maghintay ng ilang oras. Masayang-masaya ito kahit naghintay siya sa pagdating ng kanyang sasakyan. Kinuhaan siya ni Denise ng ilang litrato para may proweba na nalutas ang kasong ito. "Dagdag puntos na naman sa grupo natin ito," bulong ni Denise sa akin nang makaalis na ang babae. Ngumiti ako sa sinabi niyang iyon at labis rin akong nagagalak dahil sa pagkalutas ng kaso. Pero sa lahat ng nangyari ay may isang bagay pa rin ang bumabagabag sa aking kalooban. Si Genro. Tiningnan ko ang aking cellphone para malaman kung may mensahe na naman galing sa kanya at hindi naman ako nagkamali. Iniba ko na lang ang takbo ng isip ko at nagpokus sa mga trabaho ng araw na iyon dahli ayokong may natatambak kaming gawain. Pag-uwi ko sa aming bahay, bumugtong-hininga na lang ako dahil sa mag-isa na naman akong kakain at matutulog sa gabing ito. Habang nagluluto ng aking hapunan, naisip kong tingnan ang aking cellphone at tawagan muli si Genro. Nag-ring lang ito ng ilang beses pero sumuko na rin ako ng hindi niya sinasagot ang aking tawag at isang text muli ang natanggap ko. Sinasabi niya lang na busy siya kaya hindi na ako nangulit pa dahil wala sa personalidad ko ito. Nagtatampo na ako ng husto sa kanya dahil palagi nang ganoon ang kanyang ginagawa at naninibago ako ng sobra dahil sa mga pinapakita niya. "Kailan ka uuwi?" tanong ko sa kany habang nakahiga sa aming kama at humihinga ng malalim. Hinigpitan ko ang kapit ko sa aking cellphone habang naghihintay ng sagot galing sa kanya. "Hindi ko alam," iyon lang ang natanggap ko galing sa kanya. Labis na akong nakakaramdam ng halo-halong emosyon. Inis, tampo at pag-aalala sa nangyayari sa aking kasintahan. Kinabukasan ay nagpaalam ako kay Denise na may lalakarin ako sa umaga at tanghali na ako makakarating sa opisina at sumang-ayon namansiya sa akin. Nakasibilyan ako ng araw a iyon at nagtungo ako sa eskwelahan kung saan nagtatrabaho si Genro. Nais kong tanungin ang kanilang punong taga-pamahala kung bakit pinahintulutan nila ang matagal na pagbalik ng aking kasintahan. Pinakita ko sa guwardiya ang sagisag ng aking pagiging pulis at sumaludo siya sa akin tapos ay hindi na masyadong nagtnaong tungkol sa pagkatao ko. Wala nang tao sa hallway ng paaralan dahil lahat ng mga estudyante ay nasa kanilang mga silid at nakikinig sa kanilang mga guro. Nasa pangatlong palapag ang opisina ng kanilang punong-guro at agad ko naman nahanap iyon dahil sa nakalagay na signage ng pinto. Kumatok ako ng tatlong beses at inilagay ang mga kamay ko sa aking bulsa at umatras ng kaunti sa pinto. Nararamdaman ko sa suot kong sandals ang sumisingaw na lamig ng aircon galing sa siwang ng pinto at nagdulot ito ng labis na ginaw sa aking paa. Ilang sandali pa ay bumukas ang pinto at tumambad sa akin ang isang babaeng may katandaan at nakasuot ng salamin na makapal. Puro puti na ang kulay ng kanyang buhok at bakas sa kanyang mukha ang senyales ng katandaan. Simula ulo hanggang paa ang naging pagtingin niya sa akin pero binaliwala ko iyon at ngumiti sa kanya. "Good morning," bati ko sa kanya at ngumiti. Lumakad siya ng kaunti at sinara ang pinto ng kwarto. "Ano pong mapaglilingkod ko sa inyo? Magulang po ba kayo ng isa sa mga estudynte?" tanong nito sa akin at ngumiti na rin. "Hindi po, Ma'am. Kasintahan ko po si Genro. Gusto ko lang po sanang itanong sa inyo kung ano ang balita sa aking boyfriend?" tanong ko sa kanya at nakita kong nag-iba ang reaksyon ng kanyang mukha at may bahid ng pagkainis. "halika sa loob, Ma'am?" tanong nito. Nakalimutan kong banggitin ang aking pangalan kaya nilahad ko ang aking kamay. Malugod naman niyang tinanggap iyon. "Ako nga po pala si Alexa Roxas," pagpapakilala kosa kanya at hindi ko na binanggit ang aking posisyon. Binuksan niya muli ang pinto at nauna siyang pumasok. Nanatili siyang nakatayo sa tabi ng pintuan habang hinihintay akong makapasok. Ginala ko sa loob ng kwarto ang aking paningin. May cabinet siya doon at may libro sa loob. May lamesa rin, nasa ibabaw nito ang isang desktop computer, ilang mga papel at sa harapan ng lamesa ay may dalawang upuan na magkaharap. "Please sit down," utos nito sa akin at agad naman akong tumalima. Nakita ko sa lamesa ang kanyang pangalan katabi ang posisyon niya. Umupo siya sa harap ko at matalim akong tinitigan. "Kailan niyo pa po nakausap si Sir Genro?" tanong nito sa akin at tumikhim muna ako bago nagsalita. "Kahapon po." "Tatapatin na kita, Miss Roxas. Nagkaroon kami ng problema tungkol sa kasintahan niyo. Matapos ang seminar nila sa Batangas ay hindi na ito bumalik dito. Dalawang araw ang lumipas ay nag-resgn ito bilang isang Student Teacher." Nagulat ako sa sinagot niya sa akin. Walang nasasabi sa akin si Genro na nag-resign siya. Dahil sa sinabi niya ay kumabog ng husto ang t***k ng aking puso. "Nag-resign? Pero wala siyang nababanggit sa akin tungkol doon at ayon sa kanya ay na-extend ang seminar kaya hindi siya makakauwi." Hindi siya sumagot pero may kinuha siya sa kanyang drawer. Isang cellphone iyon at isang papel. Inabot niya sa akin ang papel at agad kong binasa ang nakasulat doon. Ang resignation paper ni Genro. Base sa pagkakasulat, alam kong siya iyon at nakita ko pa sa baba ang pirma nito. Napasinghap ako at tinakpan ang aking bibig gamit ang aking kamay. Naisip ko na may nangyaring masama na kay Genro dahil sa biglang pagkawala nito. Pumasok rin sa isip ko ang balita tungkol sa mga NPA na nagtatago sa isang lugar sa batangas at marahil, naging bigtima na nila si Genro. "Ito ang sinabi niyang mensahe ng pag-resign pero inutusan ko siyang magpadala rin ng isang liham kung sigurado na siya sa desisyon niya," sabi pa nito sa akin at nilahad ang cellphone niya. Nanginginig ang aking kamay habang kinukuha ko iyon. "Magre-resign na po ako. Yung magiging allowance ko po ay gusto kong ibigay niyo sa aking kasintahan." Napaluha na ako ng mabasa ko iyon at binawi naman agad ng principal ang kanyang cellphone. "Ayos ka lang po ba?" tanong nito sa akin at tumayo siya. Narinig ko ang pagbula ng water dispenser pero hindi ko nagawang sundan ang kinatatayuan niya. Inabot niya sa akin ang isang baso ng tubig at walang pagdadalawang - isip kong ininom iyon. Gumagaan ng kaunti ang aking pakiramdam ng sandaling iyon. Pinunasan ko ang luha na dumaloy sa aking pisngi at humingang malalim. Nang naging maayos na ang aking pakiramdam ay muli kong hinarap ang principal. "Magpapaalam na po ako," sabi ko sa kanya at hindi ko na hinintay pa ang kanyang sasabihin. Patakbo ang nagng lakad ko makaalis lang sa paaralan na iyon. Maging ang guwardiya ay hindi ko na nagawa pang kausapin. Ang alam ko lang ay kailangan kong humingi ng tulong para mahanap si Genro. Ilang sandali ang lumipas ay nakarating na ako sa lugar na gusto kong puntahan. Ang tahanan ni Spiel. Humahangos pa ako ng makarating ako sa kanilang bahay at nagmamadali akong kumatok. "Sino yan!" sigaw ni Margery. Hindi ko na nagawang sumagot at kumatok ako muli. Kailangan kongmakausap agad si Spiel at wala akong oras nasasayangin. "Sandali lang!" narinig ko ang padabog na sigaw ni Margery at nang buksan niya ang pinto, pinupunasan niya pa ang kanyang kamay. Nagulat siya ng makita ako doon. "Nasaan si Spiel?" tanong ko sa kanya. Kumunot ang kanyang noo nang sabihin ko iyon sa kanya. "Pumasok ka na muna," sabi niya sa akin at alam kong iniisip niya na may problema kaya hindi na siya nagtanong at pinapasok ako. Nang makapasok ako ay agad siyang umakyat sa pangalawang palapag ng kanilang bahay. "Love! Nandito si Alexa at hinahanap ka!" sinundan niya ng pagkatok ang sinabi niyang iyon at napahawak ako sa aking dibdib dahin nakakaramdam na naman ako ng pagkabalisa at takot. Nang bumaba ang mag-asawa ay pinunasan ko ang mga luha ko. Mabagal ang naging pagbaba ni Spiel sa hagdan ng sandaling iyon dahil sa nagtataka siya sa presensya ko. "Anong meron, Alexa?" matikas niyang tanong sa akin at tumabi sa sofa na kinauupuan ko. "Si Genro, ilang araw na siyang hindi umuuwi," sagot ko sa kanya at pinatong niya ang kanyang siko sa hita niya tapos singhap naman ang naging reaksyon ni Margery dahil sa sinabi ko. "Nasabi mo na ba ito kay Roger?" tanong niya sa akin pero umiling lang siya at gumuhit ang pagtataka sa kanyang mukha. "Kukuha muna ako ng maiinom niyo," sabi ni Margery at sinundan ko siya ng tingin habang naglalakad patungo sa kanilang kusina. "Ngayon ko lang nalaman na nawawala siya. Nagkakausap naman kami pero sa pamamagitan lang ng text. Pinuntahan ko ang paaralan kung saan siya pumapasok pero ang sabi sa akin ng principal ay nag-resign nasiya," sabi ko pa sa kanya at tumango-tango lang siya sa akin. "Kumalma ka muna. Hintayin mo ko," sabi sa akin ni Spiel at umalis na siya sa kinauupuan niya. Siya naman pagdating ni Margery. Kinuha ko ang baso ng juice na hinanda niya at ininom ko iyon. "Huwag kang mag-alala, tutulungan ka ni Spiel at pati ang iyong Ama," sabi niya sa akin at gumaan ang loob ko sa sinabi niya. Hindi ko ugaling humingi ng tulong pero kung para sa kaligtasan ni Genro o kung sino pang malapit sa akin ay ibabasura ko ang prinsipyo kong ito. Bumaba si Spiel at nagpalit lang siya ng kasuotan. Kinuha niya ang nakasabit na susi sa tabi ng pinto at nagpaalam sa kanyang asawa dahil magtutungo kami sa opisina ni Papa. Habang nasa byahe at tahimik lang kaming dalawa. Wala ako sa wisyo para makipagkwentuhan sa kanya dahil si Genro lang ang tumatakbo sa isip ko. Kung kamusta ba siya, kumain o kung ano pa. Hindi pa rin ako makapaniwala na nalinlang ako ng kung sino mang tao ang gumagamit sa numero ni Genro. Kampante ako na ligtas siya dahil nakakausap ko siya pero ang totoo, hindi na pla ligtas ang kalagayan niya. Nang makarating kamis gate ng kampo ay binuksan lang ni Spiel ang bintana ng kanyang sasakyan tapos ay sumaludo na sa kanya ang guwardiya saka kami pinatuloy. Nakahanap naman agad ng paparadahan si Spiel at agad akong bumaba ng kanyang sasakyan. May katandaan na rin si Spiel kaya naging mabagal na ang paglalakad niya. Hinintay ko siya sa isa pang gate para mauna siyang maglakad kaysa sa akin. Inayos koang aking kompustura at ayokong makitaan ako ni Papa ng kahinaan. Alam ko sa sarili ko na mareresolba rin ang krimen na ito. "Spiel, napasugod ka!" bati sa kanya ni Papa at nang lumitaw ako galing sa likod ni Spiel ay nagulat siya. Inayos niya ang kanyang uniporme tapos ay naglakad papunta sa amin. "B-bakit kasama mo si Alexa?" tanong nito at garalgal ang kanyang boses ng magsalita siya. Tuluyan na akong lumapit sa kanya at niyakap siya. "Papa, si Genro...." "Nawawala si Genro at ilang araw na," dugtong ni Spiel sa sasabihin ko at kumalas ako sa pagkakayakap kay Papa. Pinaupo muna nila ako sa sofa tapos ay sila ang masinsinang nag-uusap. Palingon-lingon sa akin si Papa habang nag-uusap sila ni Spiel at gano'n rin ang ginagawa ko. May lungkot sa kanyang mga mata at nagulat ako ng hampasin niya ang kanyang lamesa at gait na galit ng sandaling iyon. Napaikwas ako dahil sa ginawa niya. Iilang beses ko pa lang nakikita na galit si Papa kaya hindi ako sanay sa reaksyon niyang gnito. "Kumalma ka, Roger at huwag mong dagdagan pa ang pagkataranta ng anak mo," awat sa kanya ni Spiel at tumayo ito para bigyan ng maiinom na tubig si Papa. "Anak, huwag kang mag-alala at maayos natin ang problemang ito. Marami tayong koneksyon, makakahingi tayo ng tulong kahit saan pang lugar iyan," sabi sa akin ni Papa at kahit ayokong humingi ng tulong ay tumango ako sa knya. Kinuha niya ang kanyang cellphone at may tinawagan na kung sino. Nakatingin lang sa kanya si Spiel ahabang ginagawa iyon. Nagtataka naman ako kung sino ang kinakausap niya. "Kumpadre, sana matulungan mo akong mahanap ang taong iyon. Magpapadala ako sayo ng litrato para sa pagkakakilanlan ng taong iyon," sabi ni Papa sa kausap at binaba ang kanyang cellphone. "Bukas ay babyahe tayo papunta sa Batangas at iimbestigahan natin ang nangyari," sabi sa akin ni Papa pero iyon ang isa sa mga ayaw kong mangyari o gawin niya. "Ayoko! Gusto kong mag-isang ayusin ang problemang ito," sagot ko sa kanya pero umiling si Papa at hinampas ng mahina ang lamesa niya. "Eto na naman ba tayo, Alexa? Ibaba mo ang prinsipyo mong iyan," sabi sa akin ni Papa pero alam kong hindi siya papayag na hindi masunod. Iyon ang isa sa mga ugaling namana ko kay Papa. Ang pagiging matatag sa lahat ng desisyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD