Chapter 3

1011 Words
Habang naghahanda na ako para pumasok sa trabaho ay nag-text sa akin si Genro para sabihin na nasa byahe pa rin sila at hindi na muna siya makakapag-text muli dahil binabasa niya ang portfolio na binigay sa kanya ni Brian para sa mga tatalakayin sa seminar na iyon. Nag-reply na lang ako na walang problema at wag niyang kakalimutan ang pagkain niya. Matapos ko iyon i-send ay nagbihis na ako tapos ay naghanap na ng taxi na masasakyan para ihatid ako sa himpilan. Pagkadating ko doon, sinalubong ako ng bati ng mga ka-trabaho ko at pagpasok ko sa aking opisina, nandoon na agad ang assistant kong si Denise at inaayos ang kanyang working station. "Good morning, Ma'am Alexa!" bati nito sa akin. Nakatitig siya sa akin tapos ay sumaludo ako sa kanya saka siya nagbalik sa paglilinis niya. Nagtungo na ako sa aking table ko at binuksan ko na rin ang desktop computer ko tapos ay nag-ayos na rin ng aking table. "Ma'am, ito na po yung mga police report kahapon na natapos kong i-review," sabi sa akin ni Denise at nilapag niya ang ilang mga folder sa table ko. Madalas na pinapagawa ko kay Denise ay magbasa na siya agad ng iba't - ibang dyaryo at maghanap siya ng mga krimen na may kabuluhan para iyon ang gagawaan ko ng aksyon. Dito kasi sa amin ay mabilis makakuha ng kaso at kung minamalas ka o kung mabagal maghanap ay tanging mga report na lang ng barangay ang mapupunta sa inyo. Uso sa amin ang kompetisyon para tumaas ang ranggo. Kailangan kong magsikap sa pagtatrabaho dahil nagkaroon ng isyu sa naabot kong posisyon nung nakaraang taon. Alam kasi nilang anak ako ng isa Police Captain. Nang mapatunayan ko ang kakayanan ko, ginawaran ako ng posisyon bilang isang Police Lieutenant. Dahil sa pagtaas ng aking posisyon ay gano'n rin ang nangyari kay Denise. Police Major Sergeant na siya at naging mas pinagbuti pa namin ang aming pagtatrabaho. Nang matapos ako sa pag-aayos ay binasa ko na agad ang mga binigay ni Denise sa akin. Karamihan sa mga ito ay konektado sa kidnappingp ero hindi naman iyon sakop ng aming departamento dahil Anti-hijacking, Anti-Carnapping, Cyber Crimes at mga kaso tungkol sa NPA ang kaso na hinahawakan namin. Nilagpasan ko ang mga ito hanggang sa napukaw ng aking atensyon ang kaso sa isang lugar sa Batangas. Maraming tao ang nawala sa isang lugar doon at ang mga kaso pala ng kidnapping ay ang mga taong nawawala sa mga lugar na iyon. Sa Lipa Batangas ang lugar na iyon at alam kong kilala ang bayan na iyo sa pinamamahayan ng mga NPA kaya nakuha nito ang aking atensyon. Hindi ko na namalayan ang oras at nalaman kong break na nang mag-text sa akin si Genro para paaalalahanan ako kumain. Huminga akong malalim at inayos ang aking sarili tapos ay tumayo saka lumapit kay Denise. Bukod kasi sa pagiging assistant ko ay naging matalik na kaibigan ko na rin siya. Nakahanda na pala siya at hinihintay na lang ako sa pag-aaya ko sa kanya. Nang dumating kami sa canteen ay marami ng tao doon. Limitado lang kasi sa isang oras ang breaktime namin. Isa sa training namin ay ang pagigingmahigpit sa oras. "Mukhang blooming ka yata, Ma'am?" bati sa akin ni Denise habang nasa table na kami at maswerte na nakahanap pa ng mauupuan sa dami ng kumakain doon. Tuwing breaktime lang ay saka kami nakakapag-usap ng ganito dahil pag nasa loob ng opisina, isa sa mga batas ko ay puro trabaho lang ang pag-uusapan. May oras para sa kwentuhan at walang puwang iyon kapag nasa trabaho. "Ay ewan!" masaya kong sabi sa kanya at tanging pagtawa agad ang sagot niya sa akin. Hindi na iba ang ganitong usapan kapag si Denise ang kasama ko dahil open-minded naman siya pagdating sa mga usapang may kamunduhan. May asawa na si Denise at dalawang anak. "Nadiligan ba, matapos ang engagement?" sunod niyang tanong at ngumisi na lang ako tapos ay naramdaman ko ang pag-init ng aking pisngi. Alam kong litaw ang pamumula ng aking mukha dahil doon at tinuro ni Denise ang mukha ko tapos ay ngumisi. "Huwa ka ngang maingay, nakakahiya at baka may makarinig," sagot ko sa kanya at nagsimula na kaming kumain. Hindi na maalis sa isip ko ang nangyari bago umalis si Genro kaninang umaga at ramdam ko pa rin sa bakas ng aming mga galaw. Habang naglalakad kami pabalik sa opisina ay binati muli ako ng mga ka-trabaho ko na hindi nakadalo sa engagement ko. Ngumiti naman ako sa kanila at nang makapasok na ako sa opisina ay nagbalik na sa trabaho ang aking kaisipan. "Denise, gusto kong maghanap ka ng mga impormasyon tungkol sa kaso ng pagkawala ng mga tao sa Batangas," sabi ko sa kanya at kumunot ang kanyang noo. "Uunahin ko ba iyon kaysa sa mga kasong hindi p natin natatapos lutasin?" tanong niya sa akin at tumikhim ako. "Kung kaya nating mapag-sabay, gawin natin. Nasa Batangas ngayon si Genro at nadadaan sa highway ang lugar na nasa report na pinasa mo," sagot ko sa kanya at kahit alam kong may koneksyon sa personal kong buhay ay naisip ko na hindi lang si Genro ang maaaring mapahamak at maaaring ang mga kasamahan na rin niya ay posibleng maging biktima. "Dahil ba kay Genro kaya gusto mong unahin ito?" alam kong tatanungin na sa akin ni Denise iyon pero umiling ako saka pinatong sa lamesa ang aking isang kamay bilang tungkod sa harapan niya. "Hindi lang naman si Genro ang pupunta sa seminar na iyon dahil imbitado ang iilang mga guro galing s iba't-ibang lugar," mariin kong sagot sa kanya at tinaasan ko siya ng kilay. Alam niyangseryoso na akosa sinasabi ko at may katotohanan naman ang sinabi ko. Tumango na lang siya sa akin at alam kong may biro pa siyang sasabihin pero mas mabuti na hindi niya na iyon ituloy dahil alam niyang mas uunahin ko ang kaligtasan ng karamihan kaysa sa aking sariling pamilya. Bumalik na ako sa aking table at pinagpatuloy ang pagbabasa ng kaso na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD