Chapter 29

2194 Words
Habang mag-isa akong kumakain ng hapunan ay tumawag sa akin si Denise. Alam kong nag-aalala siya sa akin kaya siya napatawag pero hindi ko gustong may makausap sa ngayon. Sobrang gulo ng isip ko pero ang tanging malinaw sa akin ay kailangan ko si Genro ngayon. "Ayos ka lang ba?" tanong niya sa akin at binitawan ko ang hawak kong kubyertos. Napatitig na lang ako sa lababo habang mag-kausap kami. "Oo," matipid kong sagot at huminga ng malalim. Ang totoo ay hindi ako maayos dahil sa nararamdaman kong lungkot. Naninibago ako dahil nasanay akong kasabay kumain si Genro simula ng gumising ako galing sa coma. "Mabuti naman. Bukas, papasok ka ba?" "Oo." "Sige, mag-iingat ka palagi." Nilapag ko na ang cellphone sa tabi ko at nagpatuloy sa pagkain. Wala akong gana nang gabing ito pero pinilit kong kumain para makapag-isip ng maayos. Bago ako natulog, gumawa muna ako ng voice record bilang paghahanda kung sakaling makalimutan ko ang lahat ng impormasyon na nalaman ko. Kinabukasan, nasa kusina ako habang pinakikinggan ang nai-record ko kagabi. Tahimik akong kumain at nag-ayos at paglabas ko, nakatayo na sa tapat ng pinto si Spiel. "Good morning," bati niya sa akin at nilahad ang kanyang kamay na para akong isang prinsesa. Mabagal akong nagkalad patungo sa kotse niya at kusang sumakay doon. Napansin ko sa aking tabi ang isang malaking box na puro folder at papel ang laman. Sumakay na rin agad si Spiel sa kotse niya at binuksan ang makina ng kotse. "Ito na ba ang hinihingi ko sayo?" tanong ko sa kanya at kinuha ko ang isang folder na may nakasulat na 'Balistic Report' at iba pang mga kaso na naresolba ng aking Ama. "Yes. Ipasok na muna natin iyan sa bahay mo bago tayo magpunta sa himpilan," sabi niya sa akin at muli siyang lumabas ng kotse at kinuha iyon. Sumunod naman ako sa kanya para pagbuksan siya ng pinto. Pinatong niya lang sa sala iyon at muli na kaming lumabas. "Nasa interrogation room na si Aero," sambit nito sa amin pagkapasok namin sa himpilan. "Kayo na muna ang magtanong sa kanya dahil may meeting pa ako," sagot niya at tumango si Denise. Nagpatuloy na si Spiel papasok sa isang kwarto at nagkatinginan naman kami ni Denise. Wala akong alam sa itatanong ko sa kanya maliban sa kung bakit niya ginawa iyon kay Genro. Tahimik sa kwartong iyon at may isang malaking salamin sa harapan kung saan nakaupo si Aero katabi ang isang matandang lalaki na tingin ko ay abogado niya. Nakangisi si Aero at pinatong sa lamesa ang kanyang kamay na may posas. Kumindat siya na parang nang-iinis pa pero hindi ko iyon pinansin at tumabi kay Denise. "Nasaan ang mga anak mo?" paumpisang tanong ni Denise at nilahad ni Aero ang kanyang kamay para sabihin na hindi niya alam. "Hindi ko alam. Buong gabi akong nandito at wala pa akong nagiging bisita," sagot niya kay Denise at kinuyom ko ang aking kamao. Impsibleng wala siyang alam dahil nagawa niya kaming matunton. Hinampas ko ang lamesa sa pamamagitan ng kamay ko at napatingala sa akin si Aero. "Bakit mo sinaksak ang sarili mong anak?" tanong ko sa kanya at pinangdilatan ko siya ng mata. Napalingon ako sa pinto dahil sa biglang may kumatok. Pumasok si Spiel at may dala siyang envelop. Hindi siya nagsalita kung ano ang ginagawa niya sa loob at naglakad papunta sa harapan ni Aero. Tumikhim siya tapos ay kinuha sa loob ng envelop ang ilang mga litrato. Isa-isa niyang inilapag ang mga iyon sa lamesa at tumitig kay Aero. "Kilala mo ba ang mga taong ito?" tanong niya kay Aero at wala siyang sinagot kung hindi ang pagsandal lamang ng kanyang likod sa upuan. "Uulitin ko, kilala mo ba ang mga taong ito?" galit na tanong ni Spiel at nagtaas-baba ng ulo si Aero. "Spiel, wag ka ng magpaligoy-ligoy pa. Mga kapatid natin ang mga iyan, bakit kailangan mo pang itanong sa akin?" sarkastiko niyang sagot at hinilamos ni Spiel ang kanyang kamay sa baba at bibig niya. "Aminin mo na ikaw ang pumatay sa mga taong iyan!" sigaw niya at hinampas ng abogado ang lamesa bilang pagtutol sa tanong ni Spiel. "Sandali lang!" saway nito kay Spiel. Naglakad palayo si Spiel kung nasaan sila Aero at hinilot ang kanyang sentido. Mukhang hindi aamin si Aero sa mga kasalanan niya at gusto pa nitong nakikita si Spiel na nahihiarapan. "Ako na lang ang nag-iisang maaaring magsampa ng kaso sayo. Kung sasabihin mo kung nasaan ang mga anak mo, ipapasara ko ang kaso," sabi ni Spiel sa kanya na siyang kinagulat ko. Napatingin rin sa kanya si Denise dahil hindi makapaniwala sa kasunduan na gustong mangyari ni Spiel. "Sinabi ko na, hindi ko alam kung nasaan ang mga anak ko!" sagot ni Aero at huminga ng malalim si Spiel. "Makipagsundo ka na lang, kapalit ng kalayaan mo!" iritableng sagot ni Spiel at tumawa lang si Aero sa sinabi niya. "Kasalanan niyo kung bakit nakawala ang mga anak ko, hindi niyo binabantayan ng maayos!" natatawang sagot niya at nakaramdam ako ng pagkainis dahil pinaliligoy niya pa ang usapan. "Kasabwat mo ang mga anak mo!" sagot ni Denise at bumulong si Aero sa kanyang abogado at tumango-tango ito. "Gusto lang makipag-usap ng kliyente ko sa mga taong may kinalaman sa kaso, Miss Villafuerte, maaari bang iwanan mo muna kami?" magalang na sinabi ng abogado at parang nakaramdam ng hiya si Denise dahil doon. "Sige na, Denise at kami na ang bahala dito," sabi sa kanya ni Spiel at kahit ayaw nitong umalis ay sumunod na lang siya. Sumunod sa paglabas ni Denise ang abogado na labis kong pinagtataka. "Ngayon, sabihin mo sa amin ang totoo?" utos ni Spiel at napatingin ako kay Aero na naging seryoso na ang kanyang mukha. "Delikado ang mga anak ko, Spiel. Kailangan nila ang tulong mo," matigas na sabi ni Aero sa kanya at napatingin sa akin. "May kinalaman ka dito, Alexa. Kung ano ang natatandaan mo, mahalagang bagay iyon," usal niya sa akin at nakaramdam ako ng pagkataranta dahil sa sinabi niyang pagkakasangkot ko sa isang bagay. "Sabihin mo, Alexa. May nalalaman ka ba?" tanong naman sa akin ni Spiel at nagpalipat - lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. "Ang nalalaman ko lang, ayon kay Denise, naging biktima ako ng kidnapping at si Genro ang nagligtas sa akin," tugon ko sa kanila at nagkatingin naman silang dalawa. "Hindi ka ba nagtataka kung bakit o paano ka napunta doon gayong malayo ang bahay-bakasyunan niyo?" tanong ni Aero sa akin at umiling ako. Dahil sa sakit na mayroon ako ay mahirap talaga akong makaalala ng mga bagay-bagay. "Hindi siya nakakaalala dahil sa kalagayan niya," makahulugang sagot ni Spiel sa kanya at napayuko siya dahil doon. "Pinilit ng anak ko para gumaling ka para malinis ang pangalan namin sa pagkakasangkot sa krimen... na dahil sayo," sagot ni Aero. Pinahinto na siya ni Spiel sa pagsasalita. Tumayo na si Spiel at kinuha ang mga litratong nilapag niya kanina tapos ay inakay ako papalabas ng interrogation room. "Denise, gumawa ka ng report para mapunta sa paglilitis ang kaso ni Aero. Hindi siy apumayag sa kasunduan at kailangan niyang dumaan sa tamang proseso ng batas," utos ni Spiel kay Denise habang patuloy pa rin siyang nakahawak sa akin at hinila ako papunta sa kanyang silid. "Kung gusto mong malaman ang katotohanan, kailangan mong makumbinse si Aero para sabihin kung nasaan ang kanyang mga anak, lalong - lalo na si Eva," singhal niya sa akin at napaatras ako. "Bakit hindi ikaw ang gumawa? Unang - una pa lang ay alam mong naakasama ko na silang dalawa sa iisang bubong pero bakit hindi ka gumawa ng aksyon para hulihin sila?" galit kong tanong sa kanya at napatingala na lang siya. "Ginawa ko silang pain para makapunta dito si Aero," mahina niyang sagot. "Para saan?" nagtataka kong tanong sa kanya. Mukha talagang desperado na siyang mahuli ang tatlong iyon. "Hindi lang ikaw ang naghahanap ng hustisya, Alexa. Mas maraming pinatay na mahahalagang tao sa akin si Aero kumpara sayo," sabi niya at natahimik na ako sa sinabi niyang iyon. Hindi bababa sa pito ang mga taong pinatay ni Aero ayon sa mga litratong pinakita ni Spiel kanina. "Hustisya? Pero kanina, handa ka ng ipasara ang kaso para lang malaman kung nasaan ang mga anak niya," sagot ko sa kanya at nasampal ko siya dahil sa napagtanto kong bagay. "Hindi ako makakapayag na may gawin kang masama kay Genro," nanggigigil kng sabi sa kanya at agad ko siyang nilayuan. "Dadalahin na namin sa maximum security si Aero at kailangan sumama ni Alexa sa paghahatid, dahil hiling iyon sa kanya," sabi ni Denise at sumunod naman ako. Ako ang naglagay ng posas kay Aero at hinihigit ko siya papunta sa sasakyan. Hindi naman siya pumapalag sa ginagawa ko kaya hindi ako nahirapan pasakayin siya sa sasakyan. Matapos namin isakay si Aero at nagsimula ng paandarin ng pulis ang sasakyan. May sariling dinadaanan ang mga pulis para makaiwas sa atensyon ng mga tao. Isang lugar iyon na puro talahib at wala kang makikitang kahit sino na pwedeng umusisa sa kung ano o sino ang mga dumadaan. Maya-maya pa, may isang matanda ang tinatawid ang kanyang kalabaw, dahilan para humarang ito sa daanan namin pero nang inihinto namin ang sasakyan, biglang nagsilabas ang mga taong nakasuot kagaya ng sa mga magsasaka at may armas ang mga ito. Nakita kong pinalibutan nila ang sasakyan namin at pilit binubuksan ng isang lalaki ang pinto kung saan kami nakaupo ni Aero. Nakatutok ang armalite sa akin at sumesensyas siya na pagbuksan ko siya ng pinto. "Buksan mo ang pinto kung gusto mong makaligtas dito. Sinabi ko na sayo, kailangan mong mamili. Ang buhay ng isa o ang karamihan," sigaw sa akin ni Aero at napilitan akong abutin ang pinto at buksan ito. Hinila ng isang lalaki si Aero at tinago nila agad ito sa talahiban kaya sinundan ko sila at naramdaman ko na lang ang bigla kong pag-angat kasabay ang init sa aking likod. Hindi pa ako nakakabawi sa pagkakatalsik ko ng maramdaman ko ang dalawang kamay sa ilalim ng aking balikat at hinihila ako palayo sa lugar na iyon. "Alexa!" narinig kong sigaw ni Denise kaya nagpumiglas ako pero tinakpan agad ang bibig ko at dahil na sa gitna kami ng talahiban ay hindi niya ako nakita. Habang tumatawid kami sa talahiban na iyon, naramdaman ko na lang na itinatali ng mga ito ang aking kamay at nang makarating kami sa kabilang dulo, may mga itim na sasakyan ang naghihintay sa amin doon. Naunang sumakay si Aero at ako ang isinunod nila. Magsasalita sana ako pero nilagyan ni Aero ng tape ang aking bibig pero agad rin niyang inalis iyon. Inutusan niya ang lalaki para magsimulang magmaneho. Nakita kong gusto akong lagyan ni Aero ng takip sa mata pero huminto siya at biglang tumawa. "Oo nga pala, kahit makita mo ang daan kung saan tayo pupunta, hindi mo na matatandaan oras na magising ka," sabi niya sa akin kaya hinayaan niya na akong makita ang tanawin. "Bakit mo ba ginagawa to?" tanong ko sa kanya pero hindi niya ako pinansin at nilabas ang kanyang cellphone para sabihin na papunta na siya. Buong pwersa kong tinataas ang aking binti para makalaban kay Aero pero ng mapansin niya ito, sumenyas siya sa lalaking nasa harapan at lumapit ito sa akin, naramdaman ko na lang na may tinusok siya sa aking balikat. "Anong ginawa mo sa akin?" nanghihina kong tanong sa kanya at naramdaman ko ang pamimigat ng aking katawan. "Tinurukan kita ng sedative. Huwag kang mag-alala, mamanhid lang naman ang katawan mo," mahinahon niyang sagot sa akin at pakiramdam ko, tumatalab na sa akin ang gamot dahil makapal na ang pakiramdam ko sa aking binti at hindi ko na magawang igalaw ang aking dila para makapagsalita. Nakasandal na lang ako at iniayos ni Aero ang aking posisyon para makita ko pa rin ang tanawin. Naluha na lang ako dahil sa nangyari sa akin. Pakiramdam ko ay katapusan ko na talaga ng mga sandaling iyon. Huminto ang sasakyan sa gilid at bumaba si Aero. Kasunod niya ang ilang mga lalaki at pumasok sa talahiban. Ilang minuto rin silang nagtagal bago lumabas at nanglaki ang mga mata ko ng makita ko kung sino ang kasunod niya. Si Genro at si Eva. Sinilip muna ni Genro ang bawat sasakyan na parang may hinahanap siya. Nang makita niya ako, agad niyang binuksan ang pinto at ngumiti siya ng makita ako. Napaatras ako dahil pakiramdam ko ay may gagawin siyang masama sa akin. Hinawakan niya ang aking pisngi para iparamdam na hindi ako dapat matakot sa kanya. Alam kong wala siyang kasalanan sa nangyari pro nakakaramdam pa rin ako ng takot. Pinatalikod niya ako at nakitang nakatali ang aking mga kamay kaya inalis niya ito at sumakay na siya sa sasakyan. Sinandal niya ang aking ulo sa balikat niya at pinanood lang niya ang mga kasamahan ng kanyang Ama na sumakay sa sasakyan. Kasunod ay si Aero. Napapagitnaan nila ako kaya sobra-sobrang takot ang nararamdaman ko ng sandaling iyon dahil wala akong magawa habang nasa gitna ng dalawang tao na hindi ko alam kung ano ang tumatakbo ang isip.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD