Chapter 31

2189 Words
Nasa loob lang ako ng kwarto at abalang magbasa ng libro nang biglang pumasok si Genro at amoy na amoy ko sa kanya ang alak. Pulang - pula na siya ng tumabi siya sa akin at gumegewang pa siya kahit nakaupo. Binitawan ko ang librong binabasa ko at lumapit sa kanya para bihisan siya. Iniangat ko ang damit niya pero pinigilan niya ang kamay ko. "Bakit mo ko hinubuharan! Wag mo kong pinagsasamantalahan ha, sino ka ba?" bnauutal nitong tanong sa akin at natatawa na lang ako. Para siyang bata kung magsalita kapag lasing. "Ako si Alexa," mahinahon kong sagot kaya naman hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at tinitigan ako. Umiling - iling siya ng mabagal pero muling tumitig sa akin. "Hindi ikaw ang asawa ko. Kung ikaw ang asawa ko, halikan mo ko!" paghahamon niyang sabi at inalis ko ang kapit niya sa aking mukha pero nagulat na lang ako ng bigla niya akong halikan at naging masiil ito. Nalalasahan ko ang mapait dahil sa alak at pinilit niyang buksan ang bibig ko. Hinayaan ko siya sa kanyang ginagawa at nang magsawa siya ay ni-lock ko ang pinto ng kwarto niya. Muli akong tumabi sa kanya habang nagsisimula na siyang magbihis. Matagal ko na rin hindi nararanasan ito at ngayon, makukuha ko nang hindi sapilitan si Genro. Muli niya akong hinalikan at sinimulan niyang alisin ang suot kong damit. Naging marahas ang ginawa ni Genro sa akin dahil kagaya ko ay sabik rin siya at ngayon, nasa ilalim pa siya ng espirito ng alak kaya mas naging mas sabik siya. Nagpakasawa siya sa paghalik sa aking leeg habang ang kamay ko ay mas dinidiin ang ulo niya sa akin. Umuungol siya sa bawat halik na ginagawa niya at iniangat niya ang aking balakang kaya nakaluhod ako sa kamay at nasa gitna ko siya. Bumaba ang kanyang halik sa aking dibdib at napatingala ako sa ginawa niya. Naramdaman ko sa aking likod ang pagtanggal niya ng aking pang-itaas na underwear. Labis na akong nalulunod sa ginagawa niyang yon hanggang sa pinasok niya ang kanyang kamay sa shorts ko at doon na siya nag-umpisang angkinin ang aking katawan. Pagkagising ko, malinaw sa isip ko ang lahat ng nangyari. Parehas kaming walang saplot at nasa ilalim ng kumot kaya bumangon ako at nagsuot ng pambahay dahil nakakaramdam ako ng pagkauhaw. Alas dos ng madaling araw iyon kaya dahan-dahan akong lumabas ng kwarto. Nakita ko sa singaw ng pinto ni Marga na may kulang pulang ilaw doon habang sa iba naman ay madilim. Tahimik akong bumaba kahit hindi ko pa kabisado ang bahay. Nang nasa kusina na ako ay pinakiramdaman ko ito at tinitigan mabuti ang bawat sulok. Nang makita ko ang ref, agad akong kumuha ng baso at nagsalin na ako ng tubig doon. Napasandal ako sa lababo habang umiinom ng tubig. Napatingin ako sa singsing na suot ko at naisip ko, sigurado na ab ako sa desisyon ko na pakasalan si Genro? Umupo ako sa lamesa at hinubad ko ang singsing para titigan itong mabuti. Habang tulala ako at nag-iisip, nagulat ako ng biglang bumukas ang ilaw at tumambad sa akin si Genro na tanging shorts lang ang suot. "Ayos ka lang ba?" tanong niya sa akin at agad kong sinuot ang singsing at tumingin sa kanya. "I'm good," sagot ko sa kanya at binuksan niya ang ref tapos ay siya naman ang kumuha ng tubig na maiinom. "Talaga? Tingin mo, hindi ko alam kung kailan ka nagsisinungaling?" sagot niya sa akin kaya kumunot ang aking noo ng titigan ko siya sa sinasabi niya. "Alam mo, talaga?" sagot ko at umupo siya sa harap dala ang isang baso ng tubig. "Hindi ka naman mahirap basahin at sa tagal na nating nagsasama, tingin mo, hindi ko pa rin alam kung ano ang nasa isip mo?" sagot niya sa akin at uminom na sa tubig niya. "Sa ngayon, naguguluhan ka at gusto mo ng mga kasagutan sa mg nangyayari, pero hindi mo magagawang hanapin ang sagot kung hindi babalik ang lahat ng memorya mo," sagot sa akin ni Genro at nagkatitigan lang kaming dalawa. Pinatong ko ang dalawang siko ko sa lamesa at napayuko. "Ayos lang kung nasa ganyang kalagayan ka, hindi naman ako nagmamadali na maalala mo ang lahat..." Huminga siya ng malalim at hinaplos ang aking braso. "Gusto kong pag-usapan ang tungkol sa kasal, Genro," sagot ko sa kanya at napangiti siya tapos ay hinaplos ang aking braso. "Anong gusto mong malaman tungkol doon?" "Papaano o saan mo kukunin ang mga papeles na kailangan kong ipasa? Paano kung mahanap tayo ni Spiel? Malinaw na kidnapping ang ginawa niyo sa akin kahapon," matigas kong tanong sa kanya at nagpangalumbaba siya dahil sa mga sinabi ko. "Hindi ba nagkaroon na tayo ng engagement party noon? Marahil hindi mo natatandaan pero lahat ay polido na. Tungkol naman kay Spiel, hinding - hindi niya tayo mahahanap dito at kung sa palagay mo ay kidnapping ang nangyari, marami kang pagkakataon kanina para umalis pero bakit hindi mo ginawa?" Hindi niya na hinintay ang sagot ko at inubos na ang tubig tapos ay nauna na siyang tumayo sa akin. Napasinghap ako at nilingon ko siya. "Madali ba talaga akong basahin?" "Alam mo, Alexa. Para ka kasing isang libro, madaling basahin. Pero hindi masamang bagay iyon. Ibig sabihin lang, isa kang totoong tao at isa iyon sa bagay na gustong - gusto ko sayo," sagot niya sa akin at pinatay niya na ang ilaw. Narinig ko pa ang mga hakbang niya. Nagpalipas pa ako ng ilang minuto sa kusina bago umakyat. Tulog na tulog na ulit si Genro kaya naman maingat akong tumabi sa kanya pero nagulat ako ng yakapin niya ako at isiksik sa tabi niya. Hinalikan niya pa ang noo ko bago ako tuluyang nakatulog muli. "Alexa," narinig kong tawag sa akin ni Genro at agad akong napabangon dahil sa tono ng kanyang boses. Pumupungay pa aking mga mata ng sandaling iyon. "Tumayo ka na diyan at isasama kita sa pupuntahan namin," sabi niya muli sa akin at hinawakan ang dalawang braso ko at pwersahan akong itinayo. Hinawi ko ang mga kamay niya at inayos ko na ang aking buhok. "Wala akong damit," pagmamaktok ko sa kanya. Lumabas siya ng kwarto at narinig kong tinawag niya si Tita Rion. Muli akong bumalik sa pagkakahiga at naramdaman ko na lang ang paglapat ni Genro ng damit sa aking paahan. "Ah, ayaw mo pang bumangon ah!" sabi niya at naramdaman ko ang pagbuhat niya sa akin. "Ano ba! Ibaba mo ko at kaya kong maglakad!" sigaw ko sa kanya pero hindi niya ginawa ang gusto ko. Hanggang sa makababa kami sa kusina ay buhat-buhat niya ako. Nasa kusina na si Tita Genesis at nagkakanaw ng kape habang si Tito Aero naman ay nakapatong ang ulo sa lamesa. "Gusto mo ba ng kape, Alexa?" tanong niya sa akin habang buhat pa rin ako ng kanyang anak. "Ma, ako na po ang magkakanaw ng kape namin. Asikasuhin niyo na lang si Papa at mukhang may hang-over pa," sagot ni Genro at binaba niya na ako. Agad naman akong umupo sa lamesa at tinititigan si Tito Aero nang biglang magmulat siya ng mata at masamang nakatingin sa akin. Kinilabutan ako sa tingin niyang iyon at nagbalik sa isip ko na isang kriminal ang nasa harapan ko. Nag-iwas na lang ako ng tingin. Nilapag ni Genro sa harapan ko ang baso ng kape kasabay ang pandesal at botelya ng peanut butter. Nang matapos kaming kumain ay nagsabi si Genesis na magsimula na kaming maglinis ng katawan dahil mag-aagawan kami sa banyo. Iisang banyo lang kasi ang mayroon sa bahay na iyon. "Sabay na kaming maliligo ni Alexa," sagot ni Genro sa kanya at agad ko siyang pinalo. Namula ako sa sinabi niyang iyon pero nagtawanan lang ang mag-ina dahil doon. "Nakakahiya ito," bulong ko pero ngumisi lang sa akin si Genro at nagtungo na siya sa kwarto para kunin ang mga damit namin. Nauna na akong pumasok sa banyo para makapag-ipon na ng tubig. Nang itapat ko ang aking kamay sa gripo ay naramdaman ko ang sobrang lamig ng tubig kaya agad akong nanglamig dahil doon. Kumatok si Genro sa pinto at agad ko siyang pinapasok. Nang nasa loob na kami, ni-lock niya ang pinto at agad naghubad at sunod-sunod nagbuhos ng tubig. Kahit sobrang ginaw ay tiniis ko na lang at nagmadali akong naligo. Dahil na rin may naghihintay pa sa amin para gamitin ang banyo. Naramdaman kong kinuskos ni Genro ang likod ko at maingat ang kanyang ginawa dahil sa paso na nandoon. Nakaramdam ako ng ginhawa sa ginawa niyang iyon at siya naman ang kinuskos ko ang likod. "Gustong - gusto kong matuloy ang kasal natin, sana hindi magbago ang isip mo," bulong sa akin ni Genro at muli na siyang nagbuhos ng tubig dahil may kumatok na sa pinto ng banyo. Isang dress ang pinasuot sa akin ni Genro para hindi matamaan ang sugat ko sa likod at lumabas na kami. Nakapatong sa balikat ni Tito Aero ang tuwalya habang nakangisi sa aming dalawa. "Baka gumawa pa kayo ng kababalaghan dito," pang-aalaska niya pero pinalo lang ni Genro ang braso ng kanyang Ama at hinigit niya na ako paakyat sa kwarto. Doon na lang ako nagpatuyo ng buhok at nagpalinga-linga ako sa paligid para maghanap ng suklay. "Tara," bulong sa akin ni Genro at sumilip muna siya sa labas tapos ay hinila ako papalabas. Sumenyas siya ng katahimikan at nagtungo kami sa kwarto ni Genesis. Binuksan niya ang drawer nito at nakita namin ang ilang mga gamit pangbabae. May suklay doon kaya agad kong kinuha at ginamit. Tapos ya inabot sa akin ni Genro ang isang lipstick at kinuha niya ang pabango saka tinapat sa ere bago nagsimulang magsaboy nito. "Anong ginagawa niyo dyan, ha!" nagulat kaming dalawa ng makita si Genesis at gulat na gulat rin siya sa aming dalawa. "Wala kasing gamit dito si Alexa kaya kinuha ko ang lipstick mo at ginamit ang pabango," sagot ni Genro at nakayuko lang ako dahil sa kahihiyan. Para kaming mga bata na nagialam sa gamit ng magulang dahil doon. Hindi na kami nagsalita pa at lumabas na kami sa kwartong iyon at bumaba para maghintay sa sala. Isang oras rin mahigit ang paghihintay namin bago sila natapos ang lahat. Isa-isa na kaming sumakay sa kotse. Ginamit nila ang dalawang sasakyan. Si Kasama ko sa sasakyan sila Tito Aero at Tita Genesis, nasa unahan sila at kami naman ni Genro ay nasa likod. "Nagpapasundo si Eva sa bungad," sabi ni Genro habang hawak ang kanyang cellphone. Tumango naman si Tito Aero dahil siya ang nagmamaneho ng sasakyan. Napansin ko na agad si Eva na nakatayo sa gilid at agad siyang sumakay. Napagitnaan namin si Genro nang sandaling iyon. Nauna namin pinuntahan ay ang sikat na fast-food sa Tagaytay at sa overlooking kami pumuwesto. Tuwang - tuwa si Marga at panay ang pagkuha niya ng litrato ng mga ulap na bumabalot sa kabundukan doon. Napansin ko na lang na panay ang pagkuha ni Genro sa akin ng litrato habang nakatingin ako kay Marga. "Ang ganda ng view," bulong nito at itinigil niya ang pagkuha ng litrato ng humarap na ako sa kanya. "Patingin!" sabi ko sa kanya pero iniiwas niya ang camera na hawak niya at tumawa. Napansin ko ang pag-irap sa akin ni Eva at iniba ang direksyon niya. Nag-uusap lang naman ang apat na matatandang kasama namin at mukhang masinsinan ito. Hinayaan ko na lang si Genro sa kanyang ginagawa dahil nakatutok na sa kanya ang lente ng camera at tumatabi sa akin. "Magpakuha ka na lang kaya ng litrato," bulong ko sa kanya at iniabot niya kay Eva ang camera saka ito inutusan na kuhaan kami ng litrato. "Ayoko!" matabang na sabi nito at sumimangot lang si Genro sa kanya kaya tinawag niya si Marga at inutusan itong kuhaan kami. Habang inaayos ni Marga ang pagkakahawak niya sa camera ay inakbayan ako ni Genro at nilapit ang ulo ko sa kanya tapos ay dinampian ako ng halik. "Nakuhaan naman ni Marga ng litrato iyon dahil tuwang-tuwa pa siya at kinikilig dahil sa ginawa ni Genro. Pinalo ko na lang ng patago ang binti niya at ininda niya naman ang sakit dahil sa parteng sinaksak siya ang tinamaan ko. "Sorry," bulong ko sa kanya at hndi niya na pinansin ang sinabi ko. Nag-yaya na si Tita Genesis papaalis at sumunod naman kaming lahat. Lumapit siya s akin at inagaw ako kay Genro. "Mamaya, bibili tayo ng wedding gown," bulong niya sa akin, nakangiti at binalik ako sa tabi ni Genro na nakangisi naman. Napakunot noo na lang ako dahil sa sinabi niyang iyon. Labis akong nakakaramdam ng hiya dahil sa gustong-gusto nila na matuloy ang kasal, habang ako ay nagdadalawang-isip pa rin. Sunod na pinuntahan namin ay ang Skyranch. Lahat kami ay pumasok doon pero si Marga lang ang labis na natuwa. Para sa kanya talaga nilaan ang araw na ito dahil minsan lang siya makapunta sa ganitong lugar. Nakaupo lang ako sa isang mini - park at pinagmamasdan sila. Hindi ko kasi gustong sumakay sa mga rides dahil may takot ako sa matataas na lugar.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD