Chapter 32

2221 Words
Matapos namin puntahan ang ilan sa mga tourist spot sa Tagaytay, nagpaalam na sila Rion dahil mauuna na silang uuwi. Ako naman, kasama ang sila Eva ay naghanap ng isang maliit na boutique. May naka-display na wedding gown doon at iyon ang nakapukaw sa atensyon ni Tita Genesis. "Maiwan na lang muna kayo dito dahil bawal mong makita ang suot ni Alexa," sabi ni Tita at kaming dalawa lang ang bumaba doon. Hindi na rin sumama si Eva dahil sa kawalan ng interest. "Alam mo dapat, nakahiwalay ka ng bahay eh. Kasabihan kasi iyon, bawal kayong magkita," sabi niya sa akin habang papasok kami sa boutique. Maaliwalas ang loob ng boutique. Sa bandang kaliwa, nandoon ang ilang mga dress na naka-hanger tapos ay may tatlong lamesa sa bandang dulo, sa kanan naman ay may isang makina-pangtahi. Sa likod ng tatlong lamesa ay may dalawang manikang may mga dress din. "Good morning po. Ano po hanap nila?" tanong ng isang matandang babae na may nakalaylay na medida sa balikat. May nakasuksok rin na salamin sa ulo nito at sinuot niya agad nang makita kami. "May binebenta po ba kayong mga wedding gown?" tanong ni Tita Genesis habang ako ay tinitingnan ang mga dress sa sulok. "Ay opo, para kanino po?" narinig kong tanong kaya agad akong lumapit kung nasaan si Tita Genesis. Napatingin sa akin ang matanda at pataas-baba ang mata niya. "Para sa kanya," sagot ni Tita Genesis at pinaupo kami ng matanda at iniabot ang isang catalogue. Puro wedding gown ang nandoon kaya agad kaming namili. Bumalik sa lamesa ang matanda at may sinulat siya. "Gusto ko po sana simple lang," sabi ko kay Tita Genesis dahil nasa pahina siya kung nasaan mga bonggang damit ang naka-display. Kaya binalik niya sa pahina kung saan simple lang ang disenyo. "Ayos na po ito sa akin." Tinuro ko sa kanya ang isang off-shoulder ang disenyo. Wala itong masyadong nakatahing mga bato sa damit tapos ay may slit ito sa kaliwang bahagi ng palda. Napukaw nito ang atensyon ko dahil sa elegante itong tingnan. "May napili na kami," sabi ko sa matanda at agad naman itong lumapit sa amin. Tinuro ko ang dress na gusto ko at inutusan na lang ng matanda ang kasamahan niyang kunin ang nasabing dress. "Gusto ko sanang bilihin ang dress na iyon, binebenta niyo po ba?" magalang na tanong ni Tita at ngumiti ng malapad ang matanda. "Opo, Ma'am. Nagbebenta rin po kami ng ilang mga dress dito. Sigurado po akong bagay na bagay ang dress, oras na masukat niyo na ito," sabi nito sa amin at tuwang-tuwa siya dahil doon. Ilang sandali pa ay lumabas na ang dalagang inutusan niya at pinatong ang malapad at puting kahon sa lamesa. Nakatupi ang dress doon at may kasama pang belo. Kinuha ito ng matanda at sinabit sa kanyang braso. "Tara dito, Ma'am at nang masukat niya ang damit. Tatiana, bumili ka ang makakain at ibigay mo kay Ma'am," utos nito at inabutan niya ng isang daan ang babae tapos ay lumabas na ito. Nagtungo kami sa isang dressing area at sinabit ng matanda ang damit sa isang hanger tapos ay sinara ang kurtinang harang nito. Humarap ako sa isang malaking salamin at pinagmasdan ang katawan ko. Huminga muna akong malalim at kinuha ang wedding dress. Tinapat ko sa katawan ko ito at naiisip ko na ang magiging itsura ko habang naglalakad sa simbahan suot ang damit na ito. "Kung kailangan niyo po ng tulong, tawagin niyo lang po ako," sabi nito at agad na akong nagtanggal ng damit. Nang maisuot ko ang dress, ahit hindi pa nakasara ang zipper nito sa likod ay labis na akong nasiyahan. Inipon ko ang aking buhok tapos ay iniangat ito. Naglaylay ako ng iilan sa bandang harapan para makita kung anong ayos ng buhok ang nababagay. "Ate, pwede pong pakisara ang zipper sa likod?" hinawi naman agad ng matanda ang kurtina at agad akong tumalikod. "Parang sinukat po sa inyo ang dress na ito, saktong-sakto lang po kasi," masayang sabi sa akin ng matanda at ngunmiti ako habang nakaharap sa salamin. Lumabas na kami ng lugar na iyon para ipakita kay Tita Genesis ang itsura ng damit kapag suot ko ito. Binitawan niya ang hawak niyang softdrinks at nanglaki ang mga mata ng makita ako. Labis ang kanyang pagkamangha dahil doon. "Napakaganda mong tingnan sa dress na iyan," sabi ni Tita Genesis at napayuko na lang ako tapos ay inayos ang palda nito. "Iyan na ang gusto mo talaga, Alexa?" tanong sa akin ni Tita Genesis at tumango ako. Nilabas niya ang kanyang wallet at bumalik naman ako sa dressing area para magpalit na suot. Nang makalabas ako, inayos ng dalaga ang damit tapos ay ang matanda at si Tita Genesis naman ang nag-usap. Nilabas ni Tita Genesis ang kanyang cellphone at narinig kong si Eva ang tinawagan nito para mamili na rin ng isusuot niyang gown. Muling namili ng dress ang mag-ina at ako, naghihintay lang sa kanila hanggang sa isang light blue na dress ang napili ni Eva at si Tita naman ay dirty white na gown. Nang sukatin niya ito at mas nagmukha siyang bata. Kitang-kita ang hubog ng kanyang katawan dahil sa hapit ang dress na ito at si Eva naman ay parang replika ng kanyang ina. Namangha ako sa kagandahan ng lahi nila. Parang pamilya ng mga Diyos at Diyosa ang kanilang itsura at hulma ng katawan. Ito siguro ang dahilan kung bakit nagustuhan ni TIto Aero si Tita Genesis dahil sa maganda at balingkinitan. Bukod sa katawan nito ay matatalino pa at mabuting tao ang mga ito. Kinuha na rin nila ang mga sinukat nilang damit at ang matandang babae ang nagdala nito sa kotse. Matapos ang bayad, binibitbit ko na ang kahon at lumabas na kami. Pagkapasok sa kotse, lumingon sa likod si Tita Genesis. "Dapat maghiwalay na muna kayo hanggang sa susunod na araw. Bawal akyong magkita bago ang kasal," muli niyang sabi sa amin at umirap lang si Genro. "Eh paano naman ang kalagayan ni Alexa, alam niyo naman na hindi siya nakakaalala, diba?" iritableng sagot ni Genro. "Eh di ikaw muna ang humiwalay, kami na ang bahala kay Alexa," sagot ni TIta Genesis at wala na siyang nagawa pa kung hindi ang pumayag. Sa isang magarbong restaurant kami naghapunan at binilhan na rin ni Tita Genesis ang kanyang kapatid dahil sa pagod daw nito ay hindi na nagawa pang magluto ng hapunan. Matapos namin kumain ay agad na kaming nagpahinga dahil sa pagod sa pagliliwaliw namin. Labis akong nanibago sa kwarto ni Genro at inisip ko na lang, ilang araw lang naman ay magkakasama na kami sa iisang bahay titira. Walang eksaktong araw na nabanggit kung kailan ang kasal pero tingin ko ay bukas na ito dahil pinaghiwalay na kami ngayon. Ang kasabihan na iyon ay posible lang kapag kinabukasan na ang kasal. Labis akong nakaramdam ng saya dahil napagtanto ko ang plano nila. Masigla ako ng umagang iyon at nang bumaba ako, naghahanda na ng almusal ang pamilya ni Genro. Ngumiti sa akin si Marga ng mapansin niya ako at tinawag ako para umupo sa hapagkainan. Kumpleto sila maliban kay Tita Genesis at Genro. Umupo na rin ako at nagsalin ng pagkain sa aking plato. "Umalis sandali si genesis at genro, may aasikasuhin lang," bungad sa akin ni Rion at napatango na lang ako. "Mabuti naman ay nababawasan na ang pagkalimot mo," sabi sa akin ni Eva at iyon ang unang beses na narinig kong pagkausap niya sa akin na walang bahid ng pagkairita. "Mabuti nga iyon para hindi na mahirapan si Genro sa akin tuwing umaga," sagot ko sa kanya at hindi na siya muli pang kumibo. Nang matapos akong kumain ay nagbalik na lang ako sa kwarto dahil wala naman akong maisip na pwedeng gawin doon. Ayoko naman umalis at maglibot sa paligid nito dahil baka atakihin ako bigla ng aking sakit at makalimutan kung sino ako. May nga ingay akong naririnig at parang nag-uutos ito kung saan dadalahin ang mga bagay-bagay kaya napatayo ako at lumabas ng kwarto. Sa pinakadulo nito ay may isang bintana kaya nagtungo ako doon at nakita ko ang ilang mga truck na naka-park sa tapat ng bahay. Nagbaba ang mga lalaking nakasakay doon ng mga upuan at lamesa tapos ay iniayos ito ayon sa kagustuhan ng isang babae. May pinirmahan si Genro tapos ay iniabot iyon sa isang lalaki tapos ay umalis na ito. Habang nag-aayos, dumating naman ang isang sasakyan at binati ng babaeng nagmamando kanina kung saan dapat ilagay ang mga upuan. Binaba ng binabae ang napakaraming bulaklak at nagtulong-tulong silang ayusin ang mga ito. May ilan na rin na nakaayos na bouquet. Ngayon talaga nila isasagawa ang kasal, hindi na rin ako nagulat pa dahil alam kong minamadali nila ang kasal. Nanatili na lang ako sa kwarto at naghihintay kung ano ang sunod nilang gagawin. Ilang oras rin akong nakahiga ng marinig ko ang pagkatok sa pinto. "Alexa?" Pwede mo ba akong samahan? May bibilihin lang ako," usal ni TIta Rion at pinagbuksan ko agad siya ng pinto. Nakangisi ito sa akin at nakabihis na. "Ay sandali lang po, hindi pa ako nakabihis. Wala rin po akong damit," mahina kong sabi sa kanya at hinila niya ako papunta sa kanyang kwarto. Nagsimula siyang kumuha ng damit doon at binigay sa akin. "Hintayin kita sa labas. Pwede mo rin gamitin ang ilan sa mga make-up ko," suwestiyon niya sa akin at lumabas na ng kwarto. Nakita ko sa cabinet niya at may malaking lamesa doon. Nakapatong rin ang mga kolorete sa mukha. Matapos kong magbihis ay naglagay lang ako ng lipstick at inayos ko ang aking labi bago lumabas. Magkasunod na kaming bumaba at walang bahid ng kahit anong paghahanda sa kasal nang pagmasdan ko ang buuan ng bahay. Sa ibang pinto kami dumaan at may nag-aabang na sasakyan doon. Pagpasok ko sa loob, nasa kotse na si Marga at ang kapatid nito tapos si Grant naman ay ang siyang magmamaneho. "Saan tayo pupunta?" tanong ko sa kanya at lumingon sa akin. "Mamimili kami ng dress na isusuot," sagot niya sa akin at tumango ako. Iba rin ang daan na tinahak namin, parang iniiwas talaga ako sa unahang bahagi ng bahay. "Nakahanap ka na ba ng pupuntahan natin?" tanong ni Grant kay Rion. Nag-angat ito ng tingin at pinakitang naghahanap pa siya sa kanyang cellphone. "Magmaneho ka na lang muna," sagot niya at naging abala na sa cellphone ito. Gustuhin ko man na sabihin kung saan kami bumili ng mga dress pero hindi ko matandaan ang lugar na pinuntahan namin. "Gumamit na lang kayo ng map sa cellphone," sagot ni Marga at kinuha ang cellphone ng kanyang Ina tapos ay nagsimulang mag-search sa direction map. Kusang nagsasabi ito ng direksyon kung saan dapat magpunta kaya sinundan ni Grant ang sinasabi nito. "Marga, tawagan mo nga ang Tita Genesis mo," utos nito sa anak at agad tumalima ang dalaga sa kanya. Napansin kong nang i-dial niya ang numero ni Tita ay binigay agad niya ang cellphone niya kay Tita RIon. "May mga ipapabili ka ba?" tanong nito at naghintay ng sagot. Tumango-tango ito ng ilang beses tapos ay pinatay na ang tawag at binalik kay Marga ang cellphone. Halatang-halata na sila sa mga kilos nila pero nagkunyari na lang ako na walang alam sa nangyayari dahil ayokong masira ang kagustuhan nilang surpresahin ako. Isang magarbong boutique ang napuntahan namin at naupo na lang ako sa isang tabi habang namimili sila ng mga amerikana at dress. Agad naman nilang binili ang mga napili at iniutos sa saleslady na ilagay ang mga kahon sa kotse kaya magkasunod si Grant at ang tauhan ng boutique. "Alexa, may isa pa kaming bibilhin, ayos lang ba sayo?" tanong niya sa akin at tumango naman ako. Hinayaan ko na lang siyang gawin ang mga bagay na dapat niyang gawin. Naisip kong gusto na rin nilang paalisin muna ako sa bahay para magawa ang lahat ng preparasyon na dapat nilang gawin. Sa isang bahay kami nagpunta at sa tabi nito ay may bakery. Naka-display doon ang ilang disensyo ng cake. "Alexa, samahan mo na muna si Marga diyan sa loob ng kotse," bulong sa akin ni Rion at tumango ako. Tahimik lang kami sa loob dahil mas inatupag ni Marga ang paggamit ng kanyang cellphone. Ilang sandali lang ay nagsalita si Marga. "Tita, tingin mo, okay kaya na ganito ang make-up ko sa kasal mo?" tanong niya sa akin at pinakita ang isang litrato ng babae na may makapal na make-up at may makikinang na abubot ang buhok nto. "Bagay sa'yo iyan dahil maputi ka naman," sagot ko sa kanya at narinig ko na lang ang pagsara ng pinto sa likod ng kotse. Talagang magkakakontsaba sila dahil alam kong kinausap lang ako ni Marga para hindi ko makita ang paglalagay nila ng cake sa likod ng sasakyan. "May dadaanan pala akong isang dating kaibigan," sambit ni Rion kay Grant at tumango lang siya sa kanyang asawa. Tinawagan ni Rion ang sinasabi niyang kaibigan at sinabing hintayin na lang siya sa tapat ng bahay para sunduin namin siya. Ilang oras lang ay nahinto kami sa isang bahay at may binabaeng nakatayo doon kasama ang dalawang babaeng may buhat na mga kahon. Batid ko, isa itong make-up artist. Natatawa ako at kasabay nito ay ang kaba, tuloy na tuloy na ang kasal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD