Chapter 36

2072 Words
"Oo, umpisa pa lang noong nakilala ko si Tita Rion mo, alam ko na," sagot niya sa akin at nawal aang atensyon ko sa kanya dahil nadaanan namin ang lugar kung saan ako nakita matapos akong bugbugin. "Sandali!" sigaw ko at biglang naapakan ni Tito Grant ang preno. Nanglaki ang kanyang mga mata pero hindi ko na iyon pinansin at nagmadali akong bumaba. "Saan ka pupunta!" sigaw niya sa akin pero patakbo akong tumawid at pumasok sa loob ng gubat. May kung anong bumubulong sa akin na magtungo ako sa lugar kung saan nakatayo ang kubo at sinunod ko iyon. Habang naglalakad ako at nakikita ko ang mga parte ng kagubatan, naririnig ko ang sigaw ng isang babae na tinatawag ang pangalan ko. Pamilyar sa akin ang kanyang boses na tila narinig ko na ito noon. Napalingon ako sa isang putol na puno at bigla akong nakaramdam ng sakit ng ulo. Napapikit ako habang nakasandal sa punong iyon. Bumalik sa ala-ala ko ang isang babaeng nakaputi, nasa harapan ko siya at sa tapat ng punong kinatatayuan ko ang nagsilbing harang para sa aming dalawa. Hindi ko makita ang kanyang mukha dahil madilim ang lugar na iyon sa ala-ala ko. Tumakbo palayo sa akin ang babae at sumisigaw na habulin ko siya pero hindi ko magawa. Lumiko siya, sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makita ko ang isang kubo. Nang idilat ko ang aking mga mata, katabi ko na si Tito Grant at pinapanood ako. Kung ano ang ginawa ko sa ala-ala kong iyon ay siyang kinikilos ko rin ngayon. Malinaw na sa akin ang lahat, isang babae talaga ang may gawa nito sa akin. Yumuko ako para makarating sa kabilang parte ng puno at tumayo sa mismong kinatatayuan ng babae sa aking ala-ala. "Ano bang nangyayari sayo? Kailangan na nating umalis dahil gagabihin tayo sa byahe," sabi sa akin ni Tito Grant at humarap siya sa akin. Habang magkapat kami, nakita ko sa kinatatayuan ko ang loob ng kubo. Magulong-magulo ito at parang dinaanan ng bagyo. Hindi ko pinakinggan ang sinasabi ni Tito Grant at pumasok ako sa kubo. Natigil muna ako sa pinto ng kubo at bilang kumirot ang aking ulo. Napaupo na lang ako at muling may bumalik sa isip ko. Nakikita ko si Genro na nakahiga sa kawayang kama at may gapos ang kanyang mga kamay, mayroon rin siyang busal sa bibig. Nakita ko ang sarili ko na lumalapit sa kanya, hanggang sa makaramdam ako ng sakit sa aking batok. Kinapa ko ang parteng iyon ng aking ulo pero alam kong wala namang gagawa sa akin ng bagay na iyon. Nakatayo lang si Tito Grant at hinila niya na ako papalabas ng kubo na iyon. Nagpumiglas ako kaya nahinto siya sa kanyang ginagawa. "May humampas sa akin habang nasa loob ako ng kubo na ito," bulong ko sa kanya at natigil siya sa kanyang ginagawa. Pinagmasdan niya rin ang loob ng kubo at huminga ng malalim. "Umalis na tayo," muli niyang sabi sa akin at mahinahon na siya ng mga sandaling iyon. "Mauna ka na lang at susunod ako sa Pampanga," sagot ko sa kanya at umiling lang siya sa sinabi ko. Lumabas ako ng kubo at naglakad-lakad doon. Pakiramdam ko ay habang naglalakad ako dito, unti-unting babalik ang lahat ng nangyari sa akin nang gabing iyon. Wala ng nagawa pa si Tito Grant at sumunod na lang siya sa akin habang naglilibot ako. Napadpad ako sa isang parte ng gubat kung saan malapit - lapit na ito sa bungad ng gubat. Nakita ko ang sarili ko na nakahiga sa lupa habang may isang babae ang nakapatong sa akin at hinahampas ang aking ulo sa lupa. "Huwag kang umiyak!" narinig kong sigaw ng babae at patuloy siya sa kanyang ginagawa. Nanglalaban ako habang ginagawa niya yon pero hindi pa rin siya nagpapatinag hanggang sa may narinig akong tumawag sa kanya at iyon ang nagpatigil sa kanya. Naglakad muli ako papalabas at naaalala kong naglakad ako ng malayo papalayo doon para humingi ng tulong pero may isang sasakyan na huminto di kalayuan sa kinatatayuan ko at bumaba doon ang babae. "Eva, tama na!" narinig kong mahinang sigaw at panglingon ko, nakita kong hinampas ako ni Eva ng isang malaking bato at iyon na ang katapusan ng aking naaalala. Napasinghap ako at napahawak kay Tito Grant dahil sa nagbalik na s akin ang lahat. Humigpit ang kapit ko sa kanya ng sandaling iyon habang tumatangis dahil sa naranasan ko sa kamay ni Eva. Nasa harapan ko na ang salarin at may lakas pa ng loob na samahan ako pero dahil wala akong naaalala ay hinayaan ko siya. Nang hindi na ako gumagalaw, marahan akong dinala ni Tito Grant sa sasakyan at nagsimula na uli siyang magmaneho. Nang may madaanan kaming nagtitinda ng tubig s kalsada ay binaba ni Tito Grant ang bintana ng kanyang sasakyan at bumili siya ng dalawang bote. Iniabot niya sa akin iyon at agad ko naman ininom para pakalmahin ang sarili ko. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ng sandaling iyon. Galit dahil alam ni Genro ang lahat ng ginawa ng kanyang kapatid sa akin pero kinunsinte niya ito at hinayaan pang makasama ko sa loob ng iisang bubong. "Salamat," sabi ko sa kanya at tumango siya tapos ay nagsimula na muling magmaneho. Kinuyom ko ang aking kamao habang nagpapaulit-ulit ang mga ginawa sa akin ni Eva. "May naaalala ka ba?" tanong ni Grant sa akin pero umiling lang ako. Mas pinili kong hindi sabihin sa kanya ang naaalala ko at kinimkim ko na lang ang lahat. Umiwas na lang ako ng tingin kay Tito Grant nahalata niya naman na ayokong magsalita kaya muli siyang nagpatugtog. Dalawang oras lang ang oras ng byahe namin at paghinto ng sasakyan sa isang bahay, nakita ko agad si Eva at may kausap sa kanyang cellphone. Tumalikod siya ng makita niya kami at narinig kong nagpaalam sa kanyang kausap at nilagay sa kanyang bulsa ang cellphone niya. "Eva!" bati ni Tito Grant sa kanya at hinalikan ito sa pisngi. Huminga akong malalim at pinakalma ang sarili ko. Hindi pa ito ang oras para ipakita sa kanya na may alam ako sa nagawa niya. Kagaya ng nakasanayan ay umirap lang siya sa akin at naglakad na ppasok sa bahay. Ang kapal ng mukha niyang umirap pa sa akin matapos niyang gawin iyon. Kung hindi niya iyon ginawa ay nasa maayos pa ang buhay ko. Kumpleto silang lahat at nakaupo sa isang mahabang lamesa. Naghahanda na sila ng hapunan at masaya naman akong binati nila Tita Genesis at Tita Rion. Ngumiti naman ako sa kanila at nang humarap sa akin si Genro ay niyakap niya ako ng mahigpit. "Mabuti naman ay nakapag-isip ka na ng mabuti," bulong ni Genro sa akin at tumango lang ako. "Halika na dito tiyak na gutom kayo," sabi ni Tita Rion sa akin at inakbayan siya ni Tito Grant tapos ay hinimas ang kanyang tiyan. Sumunod naman kami ni Genro sa kanya at nilagyan niya ng pagkain ang aking plato. Nakaramdam ako ng kilabot ng sandaling iyon kaya isa-isa ko silang tinitigan at nakita kong matalim ang tingin sa akin ni Tito Aero at hindi ko alam kung bakit. Dahil sa ginagawa niya, nailang akng kumain pero pinilit ako ni Genro na kumain ng marami. "Hindiba kayo nasundan dito, Grant?" tanong ni Tito Aero pero sa akin siya nakatingin. Nalipat ang tingin ko kay Tito Grant at umiling lang ito. "Alexa?" tanong niya sa akin at sinamaan ko siya ng tingin. Ngumisi na lang siya ng makita ang reaksyon ko at nalipat ang tingin kay Genro. "Hindi. Magaling kaming magtago, diba?" sagot ko at nalipat ang tingin ko kay Eva. Tumikhim naman si Genro dahil batid kong nararamdaman niya ang hangin sa pagitan naming tatlo. "Tara na," sabi ni Genro sa akin at pilit niya na akong inaalis sa hapagkainan. Hindi naman na ako tumutol dahil naisip kong baka may masabi pa akong hindi maganda at pagmulan iyon ng gulo sa pagitan namin. Umakyat kami sa pangalawang baitang dahil nandoon ang mga kwarto at may apat na silid doon. Pumasok kami sa pangatlong pinto at sinara ng marahan ni Genro. "Anong problema?" tanong nya sa akin at pinaupo ako sa kama. Umiwas ako ng tingin sa kanya dahil sa takot akong sabihin na may natatandaan na ako. "Masama lang ang pakiramdam ko dahil nabunggo ako ng sasakyan kanina bago ako sunduin ni Tito Grant," mahina kong sagot sa kanya at pinakita ko ang isang maliit na pasa sa aking binti. "Bakit ka nasa labas? Alam mong delikado ka diba?" "Nagpunta ako sa himpilan para sabihin ang lahat pero pinigilan ako ni Denise. Pakiramdam ko ay pinagtatakpan niya si Spiel," sagot ko at naramdaman ko ang pagbuga niya ng hangin. "Paano ka nabunggo?" tanong niya at tinitigan ang pasa ko. Huminga akong malalim. "Nawalan lang ako ng balanse habang naglalakad sa kalsada, biglang sumulpot ang motor," sagot ko at tumango siya. Tinitigan ko siya para usisain kung nagdududa ba siya pero nang halikan niya ang pasa ko ay nakampante ako. "Mapahinga ka na muna," sabi niya sa akin at lumabas na ng kwarto. Nahiga na lang ako at nakatitig lang sa kisame. Pinili ko na lang na maging kampante kahit nasa harapan ko na ang tumarantado sa akin. Darating rin ang hustisya at pagbabayaran ni Eva ang ginawa niya sa akin. Habang nagmumuni-muni ako ay pumasok ulit si Genro at dala ang bag ko. Nilapag niya ito sa sahig at tumabi siya sa akin tapos ay niyakap ako. Naamoy ko ang kanyang pabango dahil sa sobrang lapit na namin. "Sana ay matapos na ang lahat at mabigyan na ako ng hustisya," bulong ko sa kanya at yumuko siya. "Hindi ko na alam kung paano pa ang gagawin, ang gusto ko lang rin naman ay ang makasama ka," bulong niya sa akin at mas dinikit niya ang ulo ko sa kanyang leeg. "May naisip akong paraan para mailabas ang katotohanan kahit hindi tayo lumalantad," sabi ko sa kanya at hindi siya tumititig sa akin. "Ano naman iyon?" tanong niya at nakita kong gumalaw ang kanyang adam's apple dahil sa pagsasalita niya. "Sasabihin ko pero kailangan ko ang kooperasyon ni Tito Aero," sagot ko sa kanya at nakuha iyon ang kanyang atensyon. Sinabi ko sa kanya ang plano ko at mukhang sumang-ayon naman siya dahil lumabas siya agad at nagtungo sa kwarto ng kanyang ama. Narinig ko ang pag-uusap nila dahil kabilang kwarto lang naman ang tinutuluyan ng kanyang Ama. Nagkaroon sila ng pagtatalo dahil sumabat si Eva sa usapan. Kontra siya sa sinasabi dahil lang sa hindi niya ako pinagkakatiwalaan. Lumabas ako at nagtungo sa kwarto nila. Kumatok muna ak at pinagbuksan ako ni Tita Genesis at napatingin sila sa aking lahat. "Alexa, may kailangan ka?" tanong nya sa akin at tuluyan na akong pumasok. Alam kong nagtataka sila dahil sa pagsulpot ko bigla. "Mawalang-galang na pero naririnig ko kasi ang usapan niyo," sagot ko sa kanila at tiningnan ko muna ang mga reaksyon ng kanilang mukha para malaman kung interesado sila sa sasabihin ko. "Hindi namin kailangan ng opinyon mo," sabat ni Eva at inawat siya ni Genro. Pumikit ako ng mariin dahil sa nagtitimpi pa rin ako. "Ikaw, ang laki ng galit mo sa akin! Ano ba ang nagawa ko sayo?" tanong ko sa kanya at pumagitna na si Genro sa amin. Nakaharap si Genro sa akin at kitang - kita ko ang matatalim nyang titig. Pinipigilan naman ni Tito Aero si Eva. "Hindi kita mapapagkatiwalaan!" iyon lang ang naging sagot niya sa akin at napahalakhak na lang ako. "Kahit ako, Eva, hindi kita pagkakatiwalaan! Unang kita ko pa lang sayo, mabigat na ang loob ko!" sigaw ko at inwat na ako ni Tita Genesis. Nakita ko ang panglalaki ng kanyang mga mata na tila hindi inaasahan na sasagutin ko siya. "Oh, bakit nanglalaki ang mata mo? Di ka makapaniwala na kaya kitang patulan?" Sarkastiko kong sagot sa kanya at tumalikod na siya matapos kunin ang kanyang gamit at lumabas ng kwarto. Napatingin na lang ako kay Genro hanggang sa marinig ko ang malakas na pagsara ng pinto. Kung inaakala niya na papayag na lang ako sa ginagawa niya ay nagkakamali siya. Lalo pa ngayon na alam ko nang may kasalanan siya sa akin. Pinaliwanag ko sa kanila ang plano ko at naintindihan naman nila iyon. Dagdag pa sa sinabi ko na hindi naman nial ako kailangan pagkatiwalaan pero sa oras na iyon, kami-kami lang rin ang magtutulungan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD