Chapter 37

2005 Words
"Hindi ba delikado ang gagawin ko?" tanong sa akin ni Sharmaine, ang reporter na inimbitahan ko kagabi para sabihin na magpapaunlak ng interview ang isang serial killer. "Hindi, kasama mo naman ako at walang gagalaw sayo," sagot ko sa kanya at huminga siya ng malalim. Muli niyang binasa ang kanyang notebook kung saan nakalista ang mga bagay na gusto niyang itanong. Isang estudyante pa lang si Sharmaine pero nabigyan na siya ng pagkakataon na makapagtrabaho sa isang tv network. Si Denise ang nagbigay ng impormasyon sa akin kung paano makakausap si Sharmaine. Sinuguro ko rin na hindi malalaman ng mga pulis kung nasaan ang lokasyon namin kapalit ng interview ni Tito Aero. "Maiwan na muna kita at aayusin ko alng ang gagamitin niyong pwesto para sa interview," sabi ko sa kanya at tumayo na ako. Umalis ako sa sala at nagtungo sa kusina para sabihan sila Tita Genesis na kailangan nilang umakyat sa itaas dahil hindi pwedeng malaman ni Sharmaine na nandito siya. Umalis na kaninang umaga sila Tita Rion papunta sa Cebu bago pa man dumating si Sharmaine at ang naiwan na lang dito ay si Genro, Eva, TIta Genesis at Tito Aero. Matapos kong ayusin ang kwarto kung saan kakausapin si Tito Aero ng isang reporter ay pinapasok ko na si Sharmaine. Umupo sa isang silya si Tito Aero kasunod silang lahat at pumuwesto naman ako sa likod ng camera. Pumasok na rin si Sharmaine at kitang - kita ko sa reaskyon ng kanyang mukha ang kaba pero bilang isang propesyonal na reporter ay hindi dapat siya matakot. Bumati muna si Sharmaine kay Tito Aero bilang pagtanggal ng tensyon sa kanilang dalawa. "Umpisahan na po natin," magalng na sabi ni Sharmaine at tumikhim naman si Tito Aero. "Ayon sa pagsasaliksik na ginawa ko, sariling mga kadugo mo ang una mong biktima, anong mga bagay ang gusto mong makuha sa kanila at bakit mo ginawa iyon?" "Wala akong bagay na gustong makuha sa kanila pero.. pero ng ginawa ko iyon, nakarinig ako ng isang bulong sa aking isipan na kailangan kong gawin iyon. Nang nagawa ko silang patayin, doon ako nakaramdam na buo ang sarili ko at nakuntento ako sa di ko malaman na dahilan," sagot niya at umupo siya ng pa-dekwatro at gumagalaw - galaw ang kanyang kamay habang nakalaylay ito sa sandalan ng upuan. "Contentment. Iyon ang dahilan kung bakit mo sila pinatay?" "Oo, tama. Iyon ang dahilan. Hindi dahil galit ako sa kanila dahil sa ginawa nila sa aking Ina pero dahil gusto kong ma-kontrol sila. Sa pamamagitan ng ginawa ko, pakiramdam ko ay palagi ko na silang kasama dahil isang tropeo kung magagawa ko iyon sa kanila," sagot ni Tito at huminga siya ng malalim. "Matapos kong gawin iyon, mas lalo akong naakit dahil nagsimula na akong makakita ng mga laman-loob, iba't-ibang parte ng katawan ng tao," dagdag pa ni Tito Aero. Nakaramdam ako ng hilakbot sa sinabi nyang iyon. "Kailan mo naisip na gusto mong gawin iyon? Ang ibig kong sabihin, bigla ka na lang ba nakaisip na gusto mo silang patayin?" seryosong tanong ni Sharmaine at nilagay ang kanyang kanang kamay sa bibig. "Hindi. Pinag-isipan kong mabuti iyon. Ilang gabi akong hindi natulog kung paano ko isasagawa ang lahat ng hindi ako nahuhuli," sagot ni Tito Aero at kalmadong - kalmado pa rin siya kahit mabibigat na ang tanong sa kanya. "Base sa panglabas niyong anyo, isa kayong tao na hindi aakalain na kayang gawin ang isang krimen. Hindi ba sumagit sa isip niyo na mali ang bagay na ginagawa niyo?" "Lagi kong iniisip na mali ang bagay na iyon pero iniisip ko, ang taong biktima ko ay isang bagay lang, walang halaga. Sa ganoong ideya, mas mapapadali akong gawin ang bagay na gusto ko." Tumikhim si Sharmaine at halata sa kanya ang takot dahil nakita kong namutla siya sa sagot ni Tito Aero sa kanya. Pinatay ko na muna ang camera at kumuha ako ng isang basong tubig para ibigay iyon kay Sharmaine. Butil-butil na ng pawis ang kanyang mukha kahit tutok sa kanilang dalawa ang electric fan. "Ayos ka lang ba?" tanong ko kay Sharmaine at binalik niya na sa akin ang baso ng tubig at sumenyas na pwede na kami muling magsalita. Tumitig siya sa kanyang notebook habang nanginginig ang kanyang kamay. "Gaano katagal pinagplanuhan ang unang pagpatay? Lahat ba ng ginawa mo ay kalkulado mo talaga?" "Ang ginawa ko sa tao gusto kong patayin noong una, iyon lang ang plano pero magkakasama kasi sa isang lugar kaya ang mga sumunod, bwala na sa plano iyon pero dahil labis akong nasiyahan sa ginagawa ko, tinapos ko silang lahat." "Papaano mo sinagawa ang pagpatay?" tanong ni Sharmaine. Huminga ng malalim si Tito Aero at tumingin sa akin pero tumango lang ako para sabihin na kailangan niyang sagutin ang tanong na iyon. "Mahigit dalawangpu't taon na ang nakakalipas, sa totoo lang, hindi ko a masyadong matandaan ang ilang detalye sa nagawa ko." "Kung ganoon, ano na lang ang natatandan mo?" "Ang natatandaan ko ay inipon ko ang mga katawan nila, may buhay o wala, sa bahay ni Marc at sinunog ko iyon," sagot ni Tito Aero sa kanya. "Ano ang nakapagpahinto sa'yo para gawin ang pagpatay?" "Simula ng makilala ko ang babaeng mamahalin ko at nagkaroon kami ng anak, doon ko naisip ano na lang ang sasabihin sa akin ng anak ko oras na malaman nya ang ginawa ko?" "Nagsisi ka ba sa huli?" "Yes.Nakaramdam ako ng pagsisisi pero walang katumbas iyon kapag naaalala ko ang saya kapag nakakapatay ako. Nakaramdam rin ako ng takot noong naghiganti ang pamilya ng naging biktima ko," sagot ni Tito Aero at iyon na ang naging hudyat para ilihis ang interview ni Sharmaine sa kasong gusto naming isuwalat. "Anong klaseng paghihiganti?" tanong ni Sharmaine. Humalukipkip ako dahil ako na ang labis na nasasabik sa mga sasabihin ni Tito Aero. "Naging biktima ang aking anak ng kidnapping at si Lucas, ang pamangkin ko ang siyang salarin," tumingin sa akin si Sharmaine dahil hindi niya alam ang tungkol doon. "Noong nalaman mo na na-kidnap siya, anong ginawa mo kay Lukas? Pinatay mo rin ba siya?" "Nagawa kong malaman kung saan dinala ni Lukas ang anak ko, sa isang kubo, sa isang tagong lugar sa Batangas. Pagdating ko doon, hindi si Lukas ang una kong natagpuan," sagot ni Tito Aero at tumingin siya sa akin na parang may masasabi siyang hindi dapat sabihin. "Sino ang nakita mo doon?" tanong ni Sharmaine at halata sa kanyang mukha ang pagkabitin sa salaysay ni Tito Aero. Maski ako ay naghihintay rin ng susunod niyang sasabihin. "May isang babae ang iniwan doon. Isang pulis ang gumawa nito. Habang umiiyak ang babae at humahabol sa kanyang ama, biglang sumulpot si Lukas hawak si Genro, ang aking anak," sagot ni Tito sa kanya. Doon na ako napaluha sa narinig ko. Gusto akong iwanan ng aking ama sa gubat? "Natatandaan mo ba kung sino ang bata at pulis na iyon?" tanong muli ni Sharmaine. Napahawak na lang ako sa aking dibdib dahil sa pagkirot nito. Para akong sinaksak ng isang libong kutsilyo dahil sa katotohanan na nalaman ko. "Oo... Si Alexa Roque ang bata at si Roger ang pulis. Binaril ni Roger si Lukas at sinigurong patay ito. Tapos ay iniwan na doon si Alexa," mahinahon na sagot ni Tito at napaluha na ako ng mga sandaling iyon. Pinatay ko ang camea at lumapit ako kay Sharmaine. Iniabot ko sa kanya ang isang papel na puro tanong tungkol sa sinasabi ni Tito Aero. Binasa niya muna iyon at tumango siya saka ako muling lumapit sa camera para ipagpatuloy ang pagkuha ng video. "Anong nangyari matapos ang nakita mong eksenang iyon?" tanong ni Sharmaine. Nakatingin siya sa papel at parang inaaral ang mga tanong doon. "Matapos iwanan ni Roger si Alexa, bumalik siya at binuhat ang bangkay ni Lukas. Buti nga ay hindi niya ako nakita dahil lalapit na sana ako para tulungan ang anak ko at si Alexa pero agad akong nagtago nang makita ko siyang bumalik," sagot ni Tito Aero. "Alam mo ba kung saan dinala ni Roger ang bangkay?" tanong niya at hindi ito kasama sa listahan pero isa ring mahalagang impormasyon iyon. "Sa isang kubo. Sumunod ang anak ko sa kanya tapos ay si Alexa naman. Narinig ko na lang na nagkakaroon ng sigawan galing sa kubo. Gusto ko ngang sumunod sa kanila dahil baka mapahamak ang anak ko pero nakita kong lumabas doon si Roger," sagot niya at huminga ng malalim. "Nagmamakaawa sa kanya ang anak niya. Nakayakap sa mga hita nito pero tinulak niya ng malakas si Alexa kaya napahiga ito sa damuhan at tumakbo na siya agad," dagdag niya pa. "Anong ginawa mo matapos makita iyon?" Hindi ko akalain na sinubukan pala akong itaboy ng aking Ama. Mabuti na lang ay wala akong masyadong natatandaan sa kung paano ako inaruga ng aking ama. "Alam mo, kahit mamamatay-tao ako, hinding - hindi ko kayang gawin ang bagay na iyon sa aking anak. Hindi kaya ng pagkatao ko ang iwanan ang isang bata sa gitna ng gubat," sagot ni Tito sa kanya. "Ayon sa nabasa kong report ng mga pulis, sinasabi nilang si Genro ang pumatay kay Lukas dahil sa gusto nitong tumakas," sabi ni Sharmaine pero natawa lang si Tito Aero sa tanong na iyon. Seryoso pa rin ang mukha ni Sharmaine at hindi magpapadala sa ginawa ni Tito. "Maniniwala ka ba na ang isang tatlong taon gulang na bata ay makakayang gawin iyon?" tanong ni TIto at tumango lang si Sharmaine. "Pinagtatakpan ng mga pulis na iyan ang kasalanan ni Roger," sagot ni Tito at iyon na ang huling tanong sa inilista ko. Pinatanong na ni Sharmaine ang papel na hawak niya sa maliit na lamesa at pinagsalop ang kanyang kamay. "Huling tanong, bakit mo nasipan na magpaunlak sa isang interview? Handa ka bang pagbayaran ang lahat ng kasalanan mo?" seryosong tanong ni Sharmaine pero umiling muna si Tito Aero bago sumagot. "Ginawa ko ito para linisin ang pangalan ng anak ko. Dahil ngayon, hinahabol siya ng pwersa ng kapulisan dahil pinipilit nila ang isang kaso na hindi ginawa ng anak ko," sagot ni Tito Aero. Hindi niya na sinagot ang huling tanong dahil alam kong hinding-hindi siya magpapahuli sa batas. Simula pa lang ng interview ay sinabihan ko na si Denise na pumunta na siya at kalkulado ko ang oras. Saktong dalawang oras ang tinagal ng interview at tiyak, nasa malapit na si Denise. Hanggang doon na lamang ang naging tnaong ni Sharmaine dahil muli ko ng pinatay ang camera at kinuha sa aking bulsa ang isang malaking panyo para ipiring iyon kay Sharmaine, kagaya ng ginawa ni Denise sa kanya habang nasa byahe siya papunta dito. "Ginawa ko na ang gusto niyo, sana makabalik ako ng matiwasay sa Manila," bulong sa akin ni Sharmaine. Hinawakan ko ang kanyang kamay at inalalyan ko siya palabas. "Huwag kang mag-alala, gusto lang namin na malaman ng lahat ang katotohanan," sagot ko sa kanya. Huminto muna kami sandali at kinuha ko ang camera sa kinalalagyan nito tapos ay nilagay sa aking bulsa. "Papaano ang kopya ng interview ko?" tanong niya sa akin habang naglalakad kami. "Magpapadala ako ng kopya sa istasyon niyo. Umaasa akong hindi mo kami bibiguin at sana, ilabas mo ito sa publiko," sagot ko sa kanya at nakita kong ngumiti siya. "Hindi kita bibiguin pagdating diyan. Malaking scoop iyan at maaaring maging advantage ko iyan para mas makilala ako bilang isang news anchor," sagot ni Sharmaine s akin. Nilabas ko ang aking cellphone at nakita ko doon ang isang text message galing kay Denise. Nasa isang fast food na siya kaya sinakay ko na si Sharmaine sa kotse at tinawag si Genro para ihatid kami sa sinasabing fast food ni Denise. Nang makarating kami doon, binaba ko ng dahan-dahan si Sharmaine at inalis sa kanya ang piring niyang panyo. "Salamat. Sana maaasahan ka namin," sigaw ko kay Sharmaine at nanglaki ang kanyang mata dahil sa nakilala niya ako. "Alexa Roque?" tanong niya at kumaway lang ako tapos ay pinaharurot na ni Genro ang sasakyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD