Chapter 35

2204 Words

"Pwede ba, Genro! Matuto ka namang respetuhin ang aking Ama. Matagal nang patay ang Ama ko tapos nasasabi mo pa iyan?" iritable kong sagot sa kanya at napailing na lang siya sa sinabi ko. "Alam ko iyon, hindi ko nakakalimutan ang bagay na iyan," sagot niya sa akin at alam kong hindi niya talaga iyon nakakalimutan dahil ang araw ng pagkamatay ng aking Ama ay siyang araw kung kailan ako napahamak. Nagkaroon ng katahimikan sa pagitan naming dalawa at walang gustong magsalita pa tungkol sa nasabi niya pero hindi ako nagpapigil dahil sa kagustuhan kong makalakap pa ng ibang impormasyon tungkol doon. "Paano mo nasasabi iyan?" galit kong tanong sa kanya at huminga lang siya ng malalim. Nagdududa pa ako sa sinabi niyang iyon at baka sa aking Ama lang niya tinuturo ang kasalanan na nagawa niya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD