Chapter 6

2200 Words
Padabog na pumasok si Alexa sa kanyang bahay at hindi niya na napansin na sinundan pala siya ni Spiel. Narinig niya na lang ang pagtunog ng sasakyan nito kaya napasilip siya sa bintana sa pag-iisip na si Genro ang dumating. Nanatili na lang akong nakaupo. Marahan kumatok si Spiel pero nakatulala lang ako sa pinto kaya kusa nang pinapasok ni Spiel ang kanyang sarili tapos ay umupo sa tabi ko. "Ano bang problema at ayaw mong humingi ng tulong kay Roger?" tanong ni Spiel sa akin. Napayuko na lang ako at nag-iisip ng pwedeng sabihin para itago ang totoo kong nararamdaman. "Ayoko lang pag-usapan ako ng mga tao," iyon lang ang tangi kong sinagot sa kanya at bumugtong-hininga siya. "Alexa, normal na ang pag-usapan ka ng mga tao. Wala ka nang magagawa," sabi niyasa akin at kinagat ko ang ibaba kong labi. Alam kong nababasa ako ni Spiel. Nilamukos ang aking mukha gamit ang aking kamay dahil hindi ko na alam kung ano ang iisipin ko. Bago pa ako magsalita muii ay inunahan na ako ni Spiel. "May bakanteng posisyon sa himpilan nila sa Batangas," mahinang sabi sa akin ni Spiel at nakaramdam ako ng kung anong saya sa kalooban k dahil sa pag-asang mahahanap ko ang asawa ko. Pero alam kong hindi papayag si Papa kung mapalayo ako sa kanya. "Pero, hindi ba ang sabi mo ay ayaw nilang manghimasok ako sa mga kasong hinahawakan nila?" tanong ko sa kanya dahil hindi pa rin ako makapaniwala sa sinabi niya. Gusto kong sampalin ang sarili ko pero kinurot ko na lang ang sarili ko dahil baka nanaginip lang ako. "Yung lalaking kausap ni Roger kanina ay ang Police General. Naaalala mo ba na sa Batangas kayo nakatira noon?" tanong sa akin ni Spiel pero umiling lang ako. Ilan sa mga memorya ko noon ay nakalimutan ko na, simula ng pitong taong gulang ako. "Naging katrabaho ng ni Roger ang lalaking iyon kaya naman nakahanap siya agad ng paraan para matupad ang gusto mo," sabi sa akin ni Spiel at hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. "Ang ibig mong sabihin ay alam ni Papa na gusto kong ma-assign sa lugar na iyon tapos ay pinayagan niya akong malayo sa kanya?" tanong k at tumango naman si Spiel sa akin. Nilahad ko ang aking kamay sa kanya bilang pagpapasalamat. Gano'n rin ang kanyang ginawa at hinigpitan pa ang kapit niya s akin. "Huwag kang mag-alala at mahahanap mo rin si Genro. Kung noon ay ikaw ang nahanap niya, ngayon, ikaw ang magliligtas sa kanya. Nga pala, abisuhan mo na si Denise kung gusto niyang sumama sayo doon," sabi sa akin ni Spiel at tumayo na siya para umalis sa aking bahay. Hindi na ako nakapagpaalam sa kanya dahil sa labis na pagtataka sa huling sinabi niya. Iniligtas ako noon ni Genro? Inilabas ko ang aking cellphone para magpasalamat kay Papa dahil sa ginawa niyang pagtulong sa akin. Hindi pa rin ako makapaniwala pero kay Spielna galing ito at alam kong hindi siya nagbibiro ng sabihin niya iyon sa akin. "Hello, Papa?" tanong ko at narinig kong tumikhim siya habang naghihintay ng sasabihin ko. "Papa, salamat sa tulong mo," sabi ko sa kanya at kahit ilihim sa akin ni Papa ang emosyon niya, alam kong nakangiti siya sa kabilang linya. "Huwag kang magpasalamat dahil trabaho ang pinunta mo doon," malamig niyang sabi kaya napakagat na lang ako sa aking labi dahil sa tinatago kong paghalakhak. "Okay, Papa. Kailan ako lilipat ng himpilan?" "Kung gusto mo ay bukas na bukas rin," "Sige po, Papa. Salamat muli sa tulong niyo," sagot ko sa kanya at sunod ko naman tinawagan ay si Denise. Alam kong biglaan at may posibilidad na hindi siya pumayag dahil walang mag-aalaga ng kanyang mga anak pero nagbabaka-sakali pa rin ako na papayag siya. "Hello, Denise?" tanong ko sa kanya nang makailang nag-ring sa kabilang linya. "Yes, Ma'am?" magalang niyangtanong sa akin. "Naabisuhan ka na ba para bukas?" tanong ko sa kanya at ramdam ko sa kanyang boses na wala pa siyang ideya sa paglipat ko bukas. Naisip ko tuloy na mahihirapan ako sa paglipat ko pero para sa paghahanap kosa aking kasintahan ay walang puwang sa akin ang salitang iyon. "Para saan po? Ang sabi lang po kasi sa akin ni Sir Spiel ay magbabakasyon po kayo sa Batangas," sagot sa akin ni Denise at doon ko napagtanto na mag-isa lang talaga akong pupunta doon. "Sige at ikaw na muna ang bahala sa lahat. Sigurado naman ako na kaya mong punan ang lahat ng tungkulin ko," sabi ko sa kanya at tinapos ko na ang pag-uusap namin. Agad akong nagtungo sa kwarto namin ni Genro para mag-impake ng mga damit at gusto kong magtungo agad doon. Alam kong may bahay-bakasyunan kami sa Batangas at naisip kong doon na muna tumuloy. Muling bumalik sa isip ko ang sinabi ni Spiel na iniligtas ako ni Genro noon pero wala talaga akong maaalala. Marami pa akong kailangan gawin pagdating ko doon kaya kailangan bago sumapit ang gabi ay kailangan kong makarating agad doon. Kaya nang matapos akong mag-impake ay agad akong bumiyahe ptungo doon. Ilang oras rin ang naubos sa akin dahil sa paghihintay sa bus para mapuno iyon tapos ay dalawang tricycle. Madilim na nang makarating ako doon. Pagpasok ko sa bahay ay malinis naman ito dahil habang nasa byahe ako, kinausap ko na ang aming caretaker na linis ito dahil parating ako. Nilapag ko ang dala kong bag sa sofa at nagtungo agad sa kusina para maghanap ng maaari kong lutuin panghapunan. Dahil sa pagod, matapos kong kumain ay naglinis ako ng katawan at agad nang nakatulog. Kinabukasan, pagdating ko sa himpilan nila, sa akin natuon ang atensyon ng lahat dahil sa paninibago nila. Kahit sa himpilan namin mangyari ito, kuryosidad ang papasok sa isip ng lahat. "Good morning," bati ko sa pulis na nasa entrance. Tumindig siya sa aking harapan at tinitigan ako mula ulo hanggang paa. "Saan ko matatagpuan ang opisina ni General Morell?" tanong ko sa kanya at tumingin siya sa loob ng himpilan at naglakad. Sinundan ko siya at siya ang kumatok sa pinto tapos ay nagsabi na may naghahanap sa kanya. Pumasok ako sa lob at nakita kong nagkakape si General Morell pero nagbago ang awra niya ng makita ako. "Iwanan mo na kami," utos nito sa pulis at ngumiti ako bilang pagsasalamat. Nakatitig pa rin ako sa lalaking nasa harapan ko at narinig ko ang pagsara ng pinto. "Please sit down, hija." Nilahad niya ang kanyang kamay. Agad naman akong tumalima sa utos niya at umupo na nasa harapan ng kanyang lamesa. "Pasensya ka na nung nakaraang araw. Hindi ko alam na anak ka pala ni Roger. Mabuti na lang ay naka-leave ang isa sa mga tauhan ko at nagkaroon ka ng posisyon dito." Sumimsim siya sa baso ng kape niya at tumingin sa akin. "Walang anuman," sagot ko at ngumiti lang sa kanya. Ginala ko ang aking mata sa loob ng kanyang kwarto ng ilang segundo. Wala naman itong pinagkaiba sa opisina ni Papa kaya hindi na ako namangha sa disenyo nito. "Tatapusin ko lang ang pag-inom ko ng kape at ako mismo ang maghahatid sayo sa bago mong opisina at ipapakilala rin kita sa lahat. Sigurado akong mas magugustuhan mo dito kaysa sa magulong opisina sa Maynila," masayang sabi sa akin ni General Morell at nakailang pag-inom pa siya sa kanyang kape tapos ay inayos ang kanyang uniporme bago tumayo. "Tara?" pag-aaya nito sa akin at agad akong tumalima. Tahimik sa lugar na iyon at alam ko kung bakit niya nasabi na mas magugustuhan ko doon. Alam kong wala masyadong trabaho sa probinsya dahil tahimik ang mga tao dito at pinapairal nila ang kapayapaan. Unang pinuntahan namin ay ang opisina para sa departamento ng mga patrolman. Tatlong tao lang ang nandoon dahil ang iba ay nasa mga lugar kung saan sila ini-assign. Ang opisina ng CSG, Crime Laboratory at CIDG ang mga pinakita niya sa akin dahil iyon lang ang madalas na nagkakaroon ng trabaho sa kanilang himpilan. "Dito nagtatrabaho noon si Roger," bungad niya sa akin ng marating namin ang opisina PNP-AKG. Mabilis na tumayo ang mga tao doon tapos ay sumaludo sa kanya. "Everyone, this is Police Lieutenant Alexa Roxas. Ang papalit kay Marieta pansamantala." Sumaludo sila sa akin at gano'n rin ang aking ginawa. "Oh siya at maiwan ko na muna kayo dahil marami pa akong gagawin. Pakisamahan niyo ng maayos si Alexa," sabi nito sa mga tauhan niya at umalis na siya sa tabi ko. Pumasok na ako ng tuluyan sa loob at agad kong nakit ang isang bakanteng upuan. Alam kong doon na ang aking pwesto pero mas mabuti na rin na sila ang magpatuloy sa akin. Magulo rin naman ang lamesa na iyon, masasabi kong ginawa nilang tambakan ng mga gamit nila. "Halika, Ma'am Alexa. Doon sa bakanteng lamesa ang pwesto mo. Aayusin ko lang sandali," sabi sa akin ng isang lalaki at hindi pa siya nagpapakilala. Base sa tsapa niya ay isa siyang Police Staff. Tinulungan ko na ang lalaki sa paglilinis at lumapit na rin ang iilan sa amin para kunin ang mga gamit nila doon. Nang matapos kami, binuksan ng lalaki ang lumang desktop computer doon para malaman kung gumagana pa. "Dahil unang araw mo, pwede mo muna basahin ang mga naiwan na kaso ni Marieta," sabi sa akin ng isang pulis at nagpakilalang si Shiela. Tumango naman ako sa kanya tapos ay pumunta siya sa kanyang table. Nasa unahan ito ng table ko, may kinuha siyang isang organizer sa ilalim ng table niya saka dinala sa akin. "Iyan ang mga naiwan niya," sabi niya at ngumiti. Sa pagkakaalam ko ay isang kaso lang ang hahawakan ko dito, ang paghahanap kay Genro pero mukhang magiging permanente ako dahil sa dami ng laman na papel ng kahon na iyon. Isa-isa kong binasa ang mga iyon at karamihan ay kidnapping ang kaso. Isang lugar lang rin ang pinangyarihan pero kahit isa sa mga nawala ay hindi pa nahahanap. Dahil sa pagbabasa ay nakaligtaan ko na ang oras. Kung hindi pa ako tatawagin ng ilan sa mga bago kong katrabaho ay hindi ko pa mamalayan ang oras. "Dahil bago ka lang dito, sagot ko na ang pagkain mo," sabi sa akin ni Shiela at hinintay ako sa tapat ng pintuan. Mabilis naman akong lumakad papunta sa kanya. "Maraming salamat," sabi o sa kanya at sinundan ko siya palabas ng opisina. Hindi ko pa naman kabisado ang lugar na iyon kaya kailangan ko talagang sumunod sa kanya. Kagaya ng normal na canteen, maraming mga pulis ang kumakain doon. "Masarap ang mga pagkain dito, sariwa at laging bagong luto," sabi sa akin ni Shiela at tanging ngiti lang ang nasagot ko sa kanya. Nasa pila na kami para sa sabaw dahil alam kong masarap ang Lomi nila dito. Nang mapalingon ang taong nasa unahan ko ay tinitgan niya ako ng matagal. "Bagong salta ka?" tanong niya sa akin at tumango ako kahit nagulat sa tanong niya. Isa siguro siya sa mga taong kilala ang lahat ng kapulisan dahil alam niyang bago lang ako. Mabilis kong tinapos ang aking pagkain dahil gusto kong mabasa ang lahat ng kaso ngayong araw para bukas ay malaman ko na ang una kong lulutasin. Nang matapos ang oras ng trabaho ay biglang sumagi sa isip ko na puntahan ang lugar ng pinangyarihan. Malayo iyon sa tutuluyan ko pero wala naman mawawala kung pupuntahan ko lang ito. "Alexa! Sumabay ka na sa amin," pag-aaya sa akin ni Shieia at wala na akng nagawa kung hindi ang sumunod sa kanila dahil kinapitan niya na ang braso ko at hinila ako palabas ng opisina. "Dito sa amin ay may sasakyan na nagiging service para masigurong ligtas ang bawat isa," sabi niya sa akin habang naglalakad kami sa hallway. "Shiela, tingnan mo kasama mo parang natatakot sa ginagawa mo," sabi ng isang babae at umirap lang si Shiela. Nang makarating na kami sa parking lot ay nakita ko ang iilan sa mga tao na naghihintay na sa sasakyan. "Saang barangay ka nakatira?" tanong ni Shiela sa akin bilang pamatay oras dahil sa paghihintay. "Sa Malitlit," sagot ko sa kanya at nakita kong nagningning ang kanyang mga mata dahil sa sinagot ko. "Naku, taga-doon rin ako," sagot niya sa akin at ilang sandali pa, dumating na ang sasakyan at isa-isa na kaming sumakay. Nasa pinakadulo ako katabi si Shiela dahil pinauna nila ang mga pulis na malapit lang ang babaan. Pinagmamasdan ko lang ang tanawin kahit wala na akong masyadong makita dahil nag-aagaw na ang araw at gabi ng mga sandaling iyon. Napansin kong kulang sa poste ang mga daan dito. Marahil ay walang pondo ang bayan kaya gano'n pero nakakapagtaka dahil kaunti ang krimen sa kanila. "Wala masyadong mga poste sa daan, ano?" usal ko kay Shiela at natigilan siya sa pagpindot ng kanyang cellphone. "Oo, kaya inaabisuhan namin ang mga tao na kapag madilim na ay huwag ng lalabas ng kanilang bahay para maiwasan nila ang kapahamakan," sagot niya at tumango ako. Kung sa Maynila, hindi nila masyadong pinapansin ang paaalala ng kapwa ko mga pulis pero dito, sumusunod sa batas ang mga tao at tingin ko, ang mga dayo lang ang madalas sumuway sa mga pagpapaaalala nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD