Chapter 38

2095 Words
"Totoo ba ang sinabi ni Tito Aero?" tanong ko sa kanya habang pabalik kami sa inuupahan nila ng araw na iyon. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nagawa sa akin ni Papa at gusto kong malaman kung ano ang kanyang dahilan. Sigurado akong may dahilan siya para gawin iyon. "Oo, iyon ang katotohanan na gusto naming malaman mo," sagot niya sa akin at nanahimik na ako. Hindi na rin naman siya nagsalita ng mga sandaling iyon. Pagdating namin sa bahay nagtipon - tipon sila sa sala at nakahanda na rin ang mga gamit nila. Pagkakita ko kay Tito Aero ay mahigpit ko siyang niyakap. Naramdaman ko ang gulat niya sa ginawa ko at nang humiwalay ako sa pagkakayakap sa kanya, kita ko pa rin ang gulat niya. "Maraming salamat," sambit ko sa kanya at iyon ang unang pagkakataon na nakita kong naging malambot siyang tao. Magaan na ang pakiramdam ko tuwing nakikita ko siya. "Walang anuman," sagot niya sa akin at tumango ako. Hindi na ako nagsayang pa ng oras ay tinulungan ko na silang umalis sa lugar na iyon. Kailangan na nilang takasan ang batas dahil wala silang kinalaman sa pagkamatay ni Lukas at handa akong hanapin ang ilan sa mga ebidensya sa tahanan namin doon sa Manila. Naghiwalay na kami ng landas pagdating sa kalsada at sumakay na lang ako ng bus pauwi. Dala - dala ko pa rin ang aking bag. Hindi na ako sumama sa kanila dahil gusto ko naman linisin ang pangalan ng aking ama. Oras na lumabas ang balitang iyon, sigurado akong magkakaroon ako ng malaking problema pero handa akong harapin iyon. Hindi ko na rin sinabi kay Genro na gusto kong maghiganti sa kanyang kapatid. Hindi ko kasi malaman ang kanyang dahilan kung bakit niya iyon ginawa sa akin. Pag-uwi ko, agad akong nagpahinga dahil sa pagod na nararamdaman ko. Hindi na ako nagkaroon pa ng oras para magluto, bumili na lang ak sa isang fast food ng makakakain. Nasa kwarto na ako at naisip kong gumawa na ako ng kopya ng interview para ipadala kay Sharmaine. Sa email ko na lang pinasa ang dokumento na iyon at nang matapos ang pagpasa, natulog na ako. Nagising na lang ako dahil sa sunod-sunod na pagtunong ng aking cellphone. Galing iyon sa mga numero na hindi nakarehistro sa aking cellphone. Hindi ko sinagot ang mga iyon dahil alam kong mga reporter ang mga iyon. Nagmadali akong nagtungo sa sala at binuksan ang telenbisyon. Nakapaskil ang larawan ni Tito Aero sa tabi ng nagsasalitang reporter. Nasa ilalim ng litrato niya ang salitang 'Serial Killer'. Kagabi ko lang binigay ang video na iyon pero nabalita na agad ang tungkol doon. "Isang serial killer ang umamin sa kanyang kasalanan makalipas ang dawalampung taon," paunang salita ng reporter. "Bago sa pandinig ng karamihan ang kwento ng lalaking ito. Madalas ay sa mga palabas lang nakikita ang ganitong klaseng krimen." Tumingin ang lalaking reporter sa papel na nasa lamesa tapos ay nalipat ang tingin sa camera. "Normal siyang magsalita, manamit at kumilos. Walang makikita sa panglabas niya na isa siyang mamamatay - tao. Matagal rin siyang nagtago sa batas pero sa unang pagkakataon ay kusa siyang sumuko at inimbitahan sa isang interview si Sharmaine Consuelo, isang intern ng aming istasyon." Naging dalawa na sila sa harapan ng telebisyon ay nakatungkol na ang lalaki habang nakatingin kay Sharmaine. "Nang matanggap ko ang imbitasyon para makausap ang isang serial killer at labis akong natakot pero nangibabaw ang aking propesyon bilang isang tagapagbalita at nagtaka kung ano ang sasabihin niya sa akin." Humarap si Sharmaine sa camera at huminga ng malalim. "Nakakakilabot malaman ang nasa isip ng isang serial killer pero tinatagan ko ang loob ko dahil kaakibat ng aking trabaho ang pagsubok na naranasan ko," pagpapahayag ni Sharmaine at nagbago ang balita kung saan magkaharap si Sharmaine at Tito Aero. Naging putol - putol ang clip ng balitang iyon pero ang mga sinabi ni Tito Aero ay buong-buo pa rin. Natapos ang balita at pinakita ang larawan ng aking ama. Napatingin ako sa aking cellphone dahil may muling tumawag sa akin, si Spiel. Huminga ako ng malaiim bago iyon sinagot. "Anong ginawa mo!" sigaw nito sa akin at napangiwi ako saka nilayo sa aking tainga ang cellphone dahil sa lakas ng kanyang sigaw. Naririnig ko pa rin ang pagsasalita niya sa kabilang linya pero hindi ko na iyon maintindihan. Ilang sandali pa ay natigil iyon at nakita kong patay na ang tawag. May kumatok sa pinto ng bahay at bumungad sa akin ang si Shiela at may kasamang isang pulis na hindi ko na matandaan pa ang pangalan. "Alexa, kailangan mong sumama sa himpilan," sabi nila s akin at tumango ako. Pinapasok ko sila sa bahay at binigyan ng maiinom. "Sandali lang at magbibihis ako," sabi ko kay Shiela at tumango naman siya sa akin. Pagpasok ko sa kwarto ay agad akong nag-ayos ng aking sarili. Malumanay akong sumama sa kanila hanggang sa makarating kami sa himpilan. Punong - puno ng mga reporter ang labas nito kaya kailangan pa akong alalayan nila Shiela papasok doon. Nakakapit ang dalwang pulis sa aking siko habang hinahawi ang mga reporter na humaharang sa amin. Nahirapan sila Shiela na makapasok pero nang makarating kami sa loob ay hindi pa rin nila ako binibitawan. Dinala nila ako sa loob ng opisina ni Spiel at nakita kong may lalaking nakatalikod doon at nakalagay ang kanyang kamay sa bulsa habang si Spiel ay nakaupo at galit na galit ang ekspresyon ng kanyang mukha. Mas lalong dumilim ang itsura niya ng makita ako, pakiramdam ko ay nakita ko na siya noon. May hawig siya sa lalaking nakikita ko noon sa mga photo album at mga kaso na nabasa ko. Natigil ang pag-iisip ko kung sino siya dahil sa mga sunod niyang sinabi sa akin. Natigil ako ng maalala ko kung sino siya. Gusto kong umalis sa kwartong iyon dahil sa presensya niya. Hindi pa ako handa na harapin siya. "Ayaw mo ba akong makita?" tanong nito sa akin at muli akong humarap. Nakatingin na siya sa akin at parang walang pinagbago. "Ikaw ba talaga iyan?" tanong ko at nilahad niya ang kanyang dalawang kamay at ngumiti pero nanatili ako sa kinatatayuan ko ng sandaling iyon. Nakilala ko ang kanyang itsura dahil sa mga litrato niya na nakita ko noong binabasa ko ang kanyang nalutas na kaso. "Hindi mo ba gustong yakapin ang Papa mo?" tanong niya sa akin at siya na ang kusang lumapit. Pero bago niya pa ako madkitan ay isang malakas na suntok ang ginawad ko sa kanya. Napasandal siya sa lamesa ni Spiel. Nang susubukan siyang tulungan nito ay tinaas ni Papa ang kanyang kamay. "Kahit pala may nangyaring masama sayo, hindi ka pa rin nagbabago, malakas ka pa rin," sabi sa akin ni Papa. Pinunasan niya ang kanyang labi ng humarap siya sa akin. "Hindi kita kilala pero alam kong masama kang tao!" sigaw ko sa kanya. Hindi nagbago ang reaksyon ng kanyang mukha at sa tingin ko ay pinipigilan pa niya ang kanyang sarili sa gusto niyang sabihin. Nalipat ang tingin ko kay Spiel ng sandaling iyon dahil hindi ko kayang titigan ang taong gustong mawala ako sa kanyang landas. "Anong kailangan mo at dinala mo ko dito?" tanong ko kay Spiel at doon nagbalik sa realidad ang lahat. Naging isang anino lang si Roger habang nagkakatinginan kami ni Spiel. "Papaano nagkaroon ng koneksyon si Sharmaine at Aero?" galit niyang tanong sa akin at humalukipkip lang ako. "Hindi ko alam. Bakit mo sakin tinatanong iyan? Hindi ko nga kilala si Sharmaine," pagsisinungaling ko sa kanya at tumabi si Roger kay Spiel. Narinig ko na lang na pinapakinggan niya muli ang interview ni Sharmaine kay Aero. "Nandoon pala siya ng ginawa ko iyon," bulong niya at pumikit ako ng mariin. Nagbalik sa isip ko ang mga sinabi ni Tito Aero dahil doon. "Ibig sabihin, inaamin ang kasalanan na ginawa mo? Sabihin mo nga, paano mo nasikmura na gawin ang pag-iwan sa akin?" tanong ko sa kanya at humarap na rin kay Roger. "Hindi ko tinatanggi ang ginawa ko. S katunayan, kaya ako bumalik dito ay apra aminin ang totoo, pero iyang Aero na iyan, kaya niya bang pagdusahan ang kasalanan niya?" seryosong tanong sa akin ni Roger at hindi ako nakasagot sa sinabi niya. Walang magiging laban si Tito Aero sa sinabi niyang iyon dahil sa takot nitong maiwan ang kanyang pamilya. "Tama, hindi ka takot pagbayaran ang kasalanan mo dahil wala kang puso! Nagawa mo nga akong iwanan sa gubat at kung walang nakakita sayo, hindi ka pa talaga aamin!" sagot ko sa kanya at hindi ko na hinintay pa ang sasabihin niya, maging ang dahilan ni Spiel kung bakit niya ako pinatawag doon. Lumabas na ako ng kwartong iyon at paalis sa himpilan para bigyan ng abiso sila Genro tungkol sa biglang paglitaw ng aking Ama. Ginawa ko ang pagbibigay ng babala kay Genro ng makauwi na ako sa bahay. Hindi ko dinala ang aking cellphone sa takot na lagyan ako nila Spiel ng mga gamit para masundan o marinig ang mga gagawin ko. Pagpasok ko sa kwarto, agad akong nagbihis at hinubad ang damit na sinuot ko saka tinapon yon sa basurahan. Mas maigi na mawalan ako ng maisusuot kaysa naman masundan nila ako. Pagkatapos kong magbihis, agad kong tinawagan si Genro. "Hello?" bati niya sa akin. Tumikhim muna ako bago sinabi ang pakay ko. "Alexa, napatawag ka?" tanong nya sa akin. Naririnig ko sa kabilang linya ang pag-uusap nila Tita Genesis at Tito Aero. "Buhay si Roger,"diretso kong sabi sa kanya at pakiramdam ko, nagulat siya sa sinabi ko. Narinig ko ang pagpapaalam niya sa kanyang mga magulang at tumahimik na sa linya niya. "Papaano mo nasabi iyan?" tanong niya sa akin at huminga akong malalim bago nagsalita uli. "Pinatawag ako ni Spiel papunta sa himpilan at nakita kong nandoon siya. Gagawa rin siya ng kanyang sariling pag-amin sa krimen at handa siyang pagbayaran ang lahat ng kasalanan niya. Hinahamon niya rin si Tito Aero na pagdusahan ang krimen na ginawa niya," sagot ko. "Paanong nangyari iyon? Nandoon ako ng ilibing siya at kitang - kita ko na katawan niya ang nasa loob ng kabaong," sagot sa akin ni Genro at napailing na lang ako. "Hindi ko alam, Genro pero mag-iingat kayo diyan dahil ano mang oras, maaari nilang hulihin si Tito Aero," sagot ko sa kanya at ng makita ko sa bintana ang paghinto ng isang sasakyan sa tapat ng bahay at pinatay ko na ang tawag tapos ay nagbigay na lang ako ng mensahe kay Genro na tatawag ako muli sa kanya. Sinilip ko kung sino ang taong iyon at nakita ko si Denise. Nagtaka ako dahil sa pagpunt niya dito at wala naman kaming usapan na mag-uusap kami ngayong araw. Lumabas ako ng kwarto ng marinig ko ang pagkatok niya. Hinarap ko lang siya sa tapat ng pinto at hindi ko pinapasok sa loob. "Bakit ka naparito?" tanong ko sa kanya at sumilip siya ng kaunti sa loob ng bahay tapos ay bumalik rin sa akin ang atensyon niya. "Pinapasabi ni Spiel na magkakaroon ng paghatol ang kaso ni Caprain Roger sa susunod na linggo at gusto niyang pumunta ka dahil isa ka sa mg biktima... at pati na rin si Genro. Pati si Aero ay kasama sa kasong iyon pero alam kong hindi siya pupunta," mahinahon na sinabi sa akin ni Denise. "Susubukan kong hanapin kung nasaan ang lokasyon ng asawa ko dahil kahit ako ay hindi rin alam kung nasaan siya," sagot ko s kanya. "Talaga bang hindi mo alam?" paninigurado niya sa akin at umiling ako. kinuha niya sa bag ang folder at ng tingnan ang laman noon. Ang mga kasulatan na iniimbitahan kami s korte par magbigay ng pahayag. "Salamat. Huwag kang mag-alala at gagawin ko ang lahat para makapunta si Genro dito. Gusto ko na rin matapos ang lahat at magkaroon na ng tahimik na buhay," sagot ko sa kanya at nagpaalam na siya sa akin. Sinundan ko pa ng tingin si Denise hanggang sa makasakay na siya ng kotse at makalayo sa bahay. Napansin kong nakadungaw sa bintana si Jane at ng makita niya ako, agad niyang hinawi ang kurtina at sinara ang bintana. Tama lang ang ginawa niyang iyon para hindi na siya mdamay sa gulo na kinasasangkutan ko. Gusto ko rin naman siyang layuan dahil ayokong may ibang tao p ang madamay. Pumasok na ako sa loob at muli kong binasa ang laman ng folder. Hindi pa tapos ang isang gulo ay nagkakaroon na naman. Mahirap isipin kung ano ang dapat unahin sa lahat ng nangyari.

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD