Chapter 33

2187 Words
Doon kami uli dumaan sa likod ng bahay at pinauna na akong pumasok ni Rion dahil may gagawin pa daw siya at tatawagin na niya ako kung may kailangan siya sa akin. Sumunod na lang ako pero binabantayan ako ni Marga habang papasok sa loob para tingnan kung may mapapansin ba ako. Hindi na lang ako nagpahalata sa kanya at mabilis na ring umakyat. Habang nasa kwarto ay naririnig ko na muli ang mga ingay nila sa labas at kahit gusto kong silipin ang ginagawa nila ay pinigilan k ang sarili ko dahil sa kagustuhan kong surpresahin rin ang sarili ko sa itsura ng venue mamaya. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako at nagising lang dahil sa pagkatok sa pinto. Narinig kong si Marga ang tumawag sa akin para sabihin na kailangan kong maligo. Sumunod naman ako sa kanya pababa at wala ng katao-tao sa baba. Natulala pa ako sa loob ng banyo habang hinihintay kong mapuno ang tubig sa timba. Ilang minuto lang ay ikakasal na ako at hindi pa rin ako makapaniwala. Huminga akong malalim at nagsimulang maligo. Pagkalabas ko at naglakad patungo sa kwarto ay bigla akong hinila ni Marga papunta sa sala. Nakaupo na doon sila Tita Genesis at Tita Rion habang inaayusan ng buhok. Natigil sila dahil sa pagsulpot ko. Nakapatong sa sofa ang mga binili nilang damit at ang sa akin naman ay nakasampay. "Halika na dito at patutuyuin na ang buhok mo," sabi sa akin ng bakla at mabagal akong naglakad papunta sa upuan. Nagkunyari na lang ako na wala akong alam sa nangyayari para hindi ako makasakit. Habang nakaupo, nakikinig lang ako sa pag-uusap nila tungkol sa maaaring mangyari mamaya. Sobrang saya nila dahil sa biglaang pagpapakasal ni Genro pero sa loob-loob ko ay nakakaramdam ako ng kakaiba at hindi maganda. Nagsimula na akong ayusan ng buhok at pakiramdam ko ay punong-puno na ito ng pangpatigas ng buhok. Nauna na sila Tita Genesis at Tita Rion lumabas dahil kukuhanan pa daw ako ng ilang litrato para sa video na gagawin mamaya. Tinulungan na lang ako magbihis ng make-up artist tapos ay inumpisahan na akong lagyan ng make-up sa mukha. Napakarami ko pang kailangan gawin ng sandaling iyon at pakiramdam ko ay naiinip na lang sila sa labas. Nang matapos ay muli akong kinuhaan ng mga litrato at isang mabilis na gawain na lang iyon. Nilagyan na ng belo ang ulo ko at iniabot na sa akin ang bouquet ng bulaklak. Kahit malakas ang tugtugin ng sandaling iyon ay mas nangingibabaw ang t***k ng puso ko. Nakatayo si Genro sa kanan at kulay puti ang suot niyang amerikano. Sobrang maaliwalas ang itsura niya ng mga sandaling 'yon. Maliwanag ng sobra ng gabing iyon dahil punong-puno ng christmas light na iisa lang ang kulay ng ilaw. Lahat sila ay nakatingin sa akin habang naestatwa naman ako sa dulo ng ginawa nilang arko. May mga bulaklak na kulay puti doon na hindi ko alam ang pangalan ng bulaklak. Kahit wala ng ganitong magarbong preparasyon ay ayos lang sa akin. Hindi pa rin ako handa na maikasal dahil sa sobrang biglaan ito. Pero habang nakatayo ako doon, naiisip ko na mas hindi ako handa kung sakaling hindi ko na makikita o makakasama ang lalaking nasa dulo. Dumiretso na ako ng tingin at hindi ko pinansin ang photographer sa harapan ko sa kaliwa at ang wedding organizer naman ay nasa kanan para mandohan ang mga tao. Tumayo sa tabi ko si Rion bilang siya ang maghahatid sa akin papunta sa tapat ng pari dahil wala naman ibang maghahatid sa akin ay pinayagan ko na siya. Dahan-dahan kaming naglakad papalapit kay Genro. Para akong lumulutang sa hangin sa bawat hakbang ko ng sandaling iyon at nang makarating na ako sa tapat ni Genro, nakita kong umiiyak na pala siya. Napangiti ako kasabay ng pagluha ko dahil sa saya kong nararamdaman. Nang matapos ang seremonya namin ng kasal, nagsimula na silang kumain. Hiwalay ang lamesa para sa mga pari at kasama nitong sakristan. Tapos ay isang mahabanglamesa para sa amin. Wala naman inimbitahan na bisita dahil sa kasalukuyan pa ring nagtatago si TIto Aero sa batas. Napansin kong malungkot ang mga mata nila Tita Genesis at Tita Rion ng sandaling iyon kahit nakangiti, kitang - kita ko iyon. Malinaw sa akin na ayaw nilang umalis at gusto pang makasama ang mga anak nila pero dahil sa sitwasyon ay kailangan nilang tiisin. Matapos kumain ang mga pari, make - up artist at ilan pang mga naging parte ng kasal namin ay inayos na nila ang kanilang mga gamit at nagpaalam na dahil ayaw nilang gabihin sa daan. Ang mga upuan naman ay bukas na kukunin dahil kakailanganin pa namin ito. Humiwalay ang mga kasambahay para magkaroon kami ng sariling pagkakataon makapag-usap. "Hindi ako na-surpresa sa biglaang kasal mo," bulong ko kay Genro at napatingin siya sa akin. "Talaga?" "Halatang-halata naman kasi. Sinama pa ko ni Tita Rion para kunin ang cake." "Hindi kasi magaling magtago ng lihim si Tita at Mama." "Pero walang problema sa akin kung surpresa o hindi. Ang importante ay natuloy na ang plano natin," sagot ko sa kanya at hinalikan siya sa pisngi. "Tuloy na ba tayo agad sa honeymoon?" malambing tanong sa kanya pero umiling lang siya sa akin. "Depende kung hindi magkakaroon ng aberya, alam mo naman na ang sitwasyon natin ay limitado lang," sagot niya at kumirot ang puso ko dahil sa sinabi niya. Isang masakit na katotohan at wala akong magawa kung hindi tanggapin ito. "Bukas, sana hindi mo makalimutan ang kasal natin," malungkot niyang sabi sa akin. Hinawakan ko ang kanyang kamay at iniangat ang kanyang mukha. "Sisiguraduhin kong hinding-hindi ko ito makakalimutan," sagot ko sa kanya at pinakita ko ang mga calling cards na tinago ko sa aking dibdib. Natawa na lang siya ng makita kung kanino ang mga iyon. "Kakaiba ka talaga." Binalik ko sa aking dibdib ang mga iyon. "Oras na makita ko muli ang mga ito, hihingiin ko sa kanial ang ko ang kopya ng kasal natin," sagot ko sa kanya. "Hindi pa opisyal ang kasal natin dahil. Hindi pa tapos ang pag-aasikaso ng papeles," sagot niya sa akin at tumango ako. "Ako na ang bahala doon," sagot ko sa kanya at sinimulan na namin ang pagpapalipat ng paro-paro tapos ay naghiwa ng cake at sabay na uminom ng wine. Nakuhaan ang lahat ng ginawa namin ng isang photographer at siya ang pinakahuling umalis sa venue. Pinahatid na lang sa kasambahay ang lalaki dahil wala itong sariling sasakyan. Tumayo si Tito Grant para magbigay ng speech niya ng marinig namin ang pagdating ng sasakyan dahil sabay-sabay kaming lumingon sa bungad ng Hacienda. Nagulat ako sa nakita ko kung sino ang dumating. Si Spiel at Denise. Walang nakagalaw dahil sa pagdating nila pero si Tito Aero agad ang unang nakabawi dahil binuksan ni Denise ang likod ng sasakyan at kinuha ang dalawang malaking regalo. Siya ang sumalubong sa kanila at hinampas niya ang balikat ni Spiel. Nagkatinginan kami ni Genro ng sandaling iyon at hinawakan niya ang aking kamay para iparamdam na hindi dapat ako mag-alala. Napansin ko naman na wala silang ibang kasunod, kung naparito sila para hulihin kami ay dapat marami silang naparito pero kabaliktaran iyon. "Hindi niyo man lang ako inimbita," tugon nito sa amin at iniabot ni Denise ang regalo kay Tito Aero. Tumayo naman si Tita Genesis at nag-utos sa katulong na magdagdag ng upuan para sa kanila. "Sana sinama mo na si Margery," bati ni Tita Genesis sa kanya pero winagayway lang ni Spiel ang kanyang kamay at nilagay iyon sa bulsa. Mapait na ngiti na lang ang sinagot ni Tita Genesis sa kanya. Tumayo sila sa harap ko at ngumiti. "Congratulations," bati nila sa akin. Si Denise ay hinalikan ako sa pisngi at si Spiel naman ay tinapik si Genro sa braso. Umupo na sila sa pwesto para sa kanila at nagsimulang kumain. Hindi na natuloy pa ang talumpati ni Tito Grant dahil sa pagkakamustahan nila. Napansin ko ang pagtitinginan ni Tito Aero at Eva. Habang abala si Spiel at Denise dahil sa sunod-sunod ang tanong ni Tita Genesis sa kanya, palihim na tumayo si Tito Aero at Eva. Nang sinundan ko ang tingin nila, nagtungo sila sa likod ng bahay at ilang sandali lang ay nakita ko ang kaunting liwanag na sigurado akong galing sa sasakyan. Tumakas na sila pero nagtataka ako kung bakit si Eva ang kasama ni Tito Aero para tumakas. Nang lumingon ako kay Genro, doon ko lang napansin na nakatingin pala siya sa akin. "Magbihis na tayo," bulong nito sa akin at sumang-ayon naman ako. Pkiramdam ko ay may kakaibang plano si Eva, Genro at Tito Aero dahil sa biglaang pagdating ni Spiel. "Magbibihis muna kami," sabi ni Genrosa kanila at tumango naman sila sa amin. Pagkapasok kami sa bahay, tinakbo ni Genro ang kwarto niya, sumunod ako sa kanya at nakita kong naglalagay siya ng iilang gamit sa isang backpack. Kinuha niya sa likod ng drawer ang isang baril at binaklas niya ang pader. Bumungad sa akin ang kumpol ng pera at nilagay iyon sa backpack. "Kailangan na namin umalis dito, ilang sandali na lang ay parating na ang mga pulis," sigaw sa akin ni Genro at labis akong nakaramdam ng takot. Sumilip ako sa bintana at natanaw ko ang maliit na ilaw, nagpaapalit-palit ito ng ilaw at alam kong ito na ang kotse ng mga pulis. Hindi ko alam kung papaano makakatakas sila Tita Genesis dahil oras na sunod-sunod silang nawala ay makakakutob na si Spiel. "Kailangan niyo na makakaalis dito, gawaan mo ng paraan para maisama sila Tita Genesis," sabi ko kay Genro habang nakatayo ako sa pinto. Nagkatitigan kami at kagaya ng sinabi niya, para akong isang libro. Nagsuot siya ng sumbrelo at binitbit ang kanyang backpack. Nang nasa kusina na ako, hinintay kong makalabas na muna si Genro sa likod-bahay. Narinig ko na lang ang tunog ng kotse at doon ako huminga ng malalim. Lumabas ako at tinitigan ko sila. Tinawag nila ako pero nagkunyari akong naninibago sa kung nasaan ako. "Sino kayo? Bakit nakasuot ako ng ganito? Nasaan ako?" sunod-sunod kong tanong at lumapit sa akin si Denise. Tinulak ko siya at nagwala ako. Hinawi ko ang mga plato sa lamesa at nadumihan ang damit na suot ko. "Nasaan si Genro?" tanong sa akin ni Spiel pero umiling lang ako at tinulak ko rin siya. "Layuan mo ko!" sigaw ko at nanglaki ang kanyang mga mata tapos ay tumakbo papasok sa bahay. Napalingon ako sa gawi ni Denise at nilapitan ko siya. "Tulungan mo ko! Gusto kong makaalis na dito!" sabi ko sa kanya at hawak ang kanyang mga kamay. Tumango naman siya sa akin at tumalikod para pumunta sa sasakyan nila pero buong lakas kong tinakpan ang kanyang bibig para mawalan siya ng hininga. Nagpupumiglas siya pero nakahanda na ang panyo na hawak ko at diniin ko pa lalo iyon sa kanyang bibig hanggang sa tuluyan siyang mawalan ng malay. Agad akong tumakbo sa pwesto nila Tita Genesis dahil nanonood pa rin sila sa amin. Hinawakan ko ang kanyang kamay at niyakap ko siya. "Umalis na kayo dito, kasunod ni Spiel ang mga pulis at huhulihin nila kayo," sabi ko sa kanya at nagkatinginan ang magkapatid. Hindi na sila nagdalawang - isip at agad na silang umalis doon. Lumapit ako sa isang kasambahay at tinitigan ko siya. "Saktan mo ako at siguraduhin mong mawawalan ako ng malay tapos ay buhatin mo ko asa tabi ni Denise, bago kayo umalis sa lugar na ito," sigaw ko sa kanya pero nakita kong nagdadalawang - isip pa siya sa utos ko. "Gawin mo na!" sigaw ko at bigla niya na lang akong sinapak. Nakaramdam ako ng sakit at nagdilim ang paningin ko. Muli niya akong sinakpak hanggang sa tuluyan akong nanghina at naramdaman ko na lang na hinihila niya ako. Namulat ko pa ng kaunti ang aking mata at nakita kong nasa tapat ko si Denise. Nagising na lang ako na nasa sasakyan na at nakita kong katabi ko si Denise habang si Spiel ang nagmamaneho. "Anong nangyari?" garalgal kong tanong sa kanya at napansin kong nakatingin si Spiel sa salamin para silipin ako. "Na-kidnap ka nila Genro," sabi niya sa akin at tumango ako. Nagkunyari akong nakalimutan ko ang lahat para hindi maghinala sa akin si Spiel. "Bakit nakasuot ako ng wedding gown?" muli kong tanong sa kanya pero wala na akong nakuhang sagot. Nakatitig na lang ako sa kalsada at pinipigilan ko ang sarili ko sa nagbabadya kong pagluha. Dahil nahiwalay sa akin si Genro sa mismong araw ng aming kasal. Isang pangyayari na hinding - hindi ko inaasahan na mararanasan ko. Naikasal ako sa lalaking pinapangarap ko pero hindi ko inaasahan na sandaling oras lang pala iyon. Parang pinaranasan lang sa akin ang saya tapos ay matinding pighati na ang kapalit. Pumikit na lang ako ng mariin at pinaulit-ulit sa isip ko kung gaano ako kasaya kanina habang nangangako sa harapan ng Diyos. Tutuparin ko ang pangako ko kay Genro na sa hirap at ginhawa ay magsasama kami. Kailangan kong magkunyari na nasa panig ako nila Spiel at hahanapin ko kung nasaan si Genro.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD