Chapter 13

2146 Words
"Anong sinabi ko?" tanong ko sa kanya at nagulat siya sa tanong ko dahil sa napatakip siya ng kanyang bibig. Alam kong may nililihim siya sa akin nang mga sandaling iyon. "Ah, hayaan mo na," pag-iiba niya ng usapan pero hindi na naalis sa akin ang sagot niya dahil sa kagustuhan kong maghanap ng sagot. Kabado ako sa kung ano ang pwede niyang sabihin sa akin pero hindi niya magawa, dahil sa ideya na masasaktan ako sa sasabihin niya. "May dapat ba akong malaman?" tanong ko sa kanya at napansin kong kinuyom niya ang kaliwanag kamay niya at yumuko siya. Hindi ko alam kung dapat ko bang pagkatiwalaan si Denise dahil sa pabago - bago ng kanyang emosyon simula pa kanina. Simula sa pag-iyak niya ay madaling nagbago ang nasa isip niya. "Naguguluhan kasi ako. Si Genro, pakiramdam ko, may alam siya sa nangyari sayo!" napalakas ang boses niya ng sabihin iyon ay hiningal. Nailabas niya siguro ang talagang gusto niyang sabihin. "Paano mo nasabi?" tanong ko at kinuha niya sa kanyang bag ang cellphone tapos ay may hinahanap ito. Hinigpitan niya ang kapit dito bago muling nagsalita. "Ilang araw bago ka nalipat sa Batangas, napapansin ko sa'yo, nagkakausap kayo sa text pero napapansin ko, tuwing uwian na, hindi ka niya sinusundo, hindi kagaya ng bago siy magpunta sa seminar," sabi niya sa akin at dinampot ko ang voice recorder sa lamesa at iniabot ko sa kanya ang isang kapareha ng earphone tapos sabay namin pinakinggan ito. Hinawakan ni Denise ang kamay ko at umiling siya. "Iyan din ang sinabi niya sa interview pero hindi totoo iyan," sabi niya sa akin ng matapos kami. "Kung totoo ang sinasabi mo, bakit iniiba niya ang kwento sa akin?" tanong ko sa kanya. Hindi ko na alam kung ano ang dapat kong pagkatiwalaan dahil sa pagdating niya. Gusto ko na lang paalisin si Denise pero may kumokontra sa akin. "Hindi ko alam. Basta, ang mapapayo ko sayo, huwag mong pagkatiwalaan ang lalaking iyon!" marahas niyang sabi at hinawakan ang kamay ko ng mahigpit. Inalis ko ang kamay niya dahil nasasaktan na ako sa ginawa niya. "S-Sorry. Natatakot lang ako para sayo," bulong niya atlumayo ng kaunti sa akin. Sandaling natahimik si Denise habang ako ay nag-iisip kung bakit ginagawa iyon ni Genro. May kung anong bulong na kailangan kong pagkatiwalaan si Denise. Pero nakakapagtaka, kung may kinalaman si Genro sa nangyari sa akin bakit kailangan pang magsinungaling? Hindi ko na alam kung sino ang dapat kong pagkatiwalaan, maliban sa sarili ko. Pinatong niya ang kanyang cellphone sa lamesa at tumingin sa akin. "Gusto kong i-record natin ang usapan natin ngayon," sabi niya sa akin at nagpalipat - lipat ang tingin ko sa kanya at sa cellphone dahil sa suwestiyon niya. Akmang hahawakan niya ang kamay ko ng iniiwas ko ito at tumayo saka lumayo sa kanya. "Para saan at ginagawa mo ito? Anong mapapala mo?" tanong ko at nanglaki ang kanyang mga mata. Suminghot siya at nagbabadyang iiyak muli pero ngumiti lang siya sa akin bago nagsalita. "Alexa, huwag kang matakot. Gusto kitang tulungan," sambit niya sa akin pero umiling ako. Masyado ng magulo ang isip ko dahil hindi tugma ang kwento niya sa sinabi sa akin ni Genro. "Huwag na. Ayoko! May dahilan siguro kaya gano'n ang ginawa ni Genro," mahina kong sabi sa kanya. Kung pwede lang na matulog na ako para kinabukasan ay makalimutan ko na ang nalaman ko ngyon ay gagawin ko pero may nagbubulong sa akin na bigyan ko si Denise ng atensyon. "Anong dahilan, Alexa? Dahil may parte siya sa nangyari sayo at takot pagbayaran ang kasalanan niya? Pag - isipan mong mabuti, Alexa." Tumayo na siya saka nilagay sa tainga niya ang cellphone pero agad niya din itong inalis saka binaling ang tingin sa akin. May bahid ng awa sa kanyang mga mukha pero agad na naman itong nagbago sa loob lang ng ilang swgundo. "Kung ano man iyong tinatago ni Genro, hindi dapat siya naglilihim sayo, Kahit masaktan ka, dapat handa siya doon," dagdag niya sa akin at muling umiyak. Nakaramdam ako ng kurot dahil sa nakita ko na naman siyang malungkot. Binitawan niya ang kanyang cellphone at nilabas ang isang piraso ng papel. Iniabot niya ito sa akin at nanginginig ang kamay ko ng kunin iyon. Kinakabahan ako sa kung ano ang nakasulat doon. Pero tinanggihan ko iyon dahil sa hindi pa ako handa. Pakiramdam ko ay may malaking lihim si Genro at alam ni Denise iyon. "Sige, hindi na kita pipilitin . Kung may kailangan ka, huwag kang magdalawang - isip na tawagan ako," sabi niya sa akin at pinunasan ang kanyang luha at pinakalma ang sarili. Kinuha niya ang kanyang cellphone dahil tumunog ito at may tinawagan siya. "Hindi pa siya handa," sabi niya sa kausap at sunod-sunod ang kanyang pagtango. Tinago niya na ang kanyang cellphone at aktong lalabas. Doon muli sumagi sa isip ko ang ilan sa mga tanong ko sa sarili ko. "Sandali!" sabi ko sa kanya at hinablot ko ang kanyang bag saka hinanap ang papel na hawak niya. Isa pala iyong larawan ng lukot na isang papel. Nakasulat doon ang aking pangalan na parang dugo ang ginamit pangsulat. Sa tabi nito, may isang kamay, may sugat sa hintuturo nito na parang doon galing ang pinangsulat. "Ano ibig sabihin nito?" tanong ko sa kanya at kinuha niya ang kamay ko tapos ay hinila ako pabalik sa lamesa. Naging seryoso ang kanyang itsura at nakaramdam ako ng kaba sa maaari niyang sabihin. Pinindot niya muli ang kanyang camera at nakatutok ito sa aming dalawa. Tumikhim siya at humarap sa lente nito. "Ako si Denise at kasama ko ngayon ang biktima, si Alexa," sabi niya pa at tumingin sa akin. May pagkainis ang kanyang reaksyon ng tanghali na iyon. "Natagpuan iyan sa tabi ng isang biktima," sabi niya sa akin habang nakatingin ako doon. Nilapit ko ang aking mata. May tattoo sa kanyang pulsuhan. May kutob ako na kilala ko ang tattoo na iyon. "Yung tattoo niya, pamilyar. Sino ba ang taong ito?" tanong ko sa kanya at tumango siya. Mas lumapit pa siya sa akin na parang may gustong itanong. "Ano pa ba ang napapansin mo?" tanong niya at may isa pa siyang nilabas n papel. Isasng kwarto ito na kagaya ng sa tinutuluyan namin. Sobrang gulo nito na parang may nanghalukay. "Alam mo naman ang sitwasyon ng isip ko, bakit itatanong mo pa iyan sa akin?" tanong ko na naging sagot ko na rin sa kanya. Bumungisngis siya dahil sa sinabi ko. "Alexa, balang - araw matatandaan mo rin ang lahat," sabi niya sa akin at natulala ako sa sinabi niyang iyon. May kinalaman kaya si Genro dito, ayon sa sinasabi ni Denise at bakit pakiramdam ko, may tinatago si siya sa akin. Hindi ko binanggit kay Denise na naka-record ang usapan namin. Pinakinggan ko iyon at naiwan akong gulong-gulo ang isip ko. Paulit-ulirv Nagtungo ako sa aming kwarto at hinalukat ang ilan sa mga gamit ni Genro. Sa drawer niya, may mg papel na na loob pero mga assignment iyon ng mga batang estudynte niya. Marahan kong hinawakan ang mga iyon dahil kagaya ng pagkakasulat sa papel, kagaya iyon ng sulat kamay ni Genro. "Kamusta naman ang pagbabasa mo? May naaalala ka na ba?" tanong niya sa akin. Kinagat ko ang ibabang labi ko bago sumagot. "Wala pa rin," kabado kong sagot sa kanya at nagbuga siya ng hangin tapos ay umupo sa harap ko at kinuha ang kamay ko. "Hayaan mo at gagaling ka rin," sabi niya at tumango ako. May nililihim siya sa akin pero gusto niya akong gumaling. Ginawaan ko na lang siya ng kape at nagpahinga ng kaunti bago nag-asikaso ng kakainin namin. "Saan galing 'tong menudo?" tanong niya at agad akong tumalima sa pagsagot. "Sa kapitbahay," sagot ko sa kanya pero nagulat na lang ako ng itapon niya iyon sa basurahan. "Anong ginagawa mo?" tanong ko sa kanya habang naghuhugas na ng kanyang kamay. "Alexa, huwag kang basta tatanggap ng pagkain sa di mo kilala. Alam mong delikado ang buhay mo, diba?" marahan na sabi niya sa akin at naisip kong tama naman siya doon. "Doon na lang muna ako sa kwarto," sabi ko sa kanya at nagtungo na doon. Pinakinggan ko sa voice recorder ang usapan namin ni Denise. Naisip ko, ako lang dapat ang makaalam nito kaya inilipat ko sa aking cellphone ang file na iyon at nag-send ako sa sarili kong email. Pagkatapos ay binura ko na sa device na ito. Nagsulat rin ako sa journal ko ng salitang 'email' at pati ang email-address ko. Huminga akong malalim pagkatapos kong gawin iyon. Sana ay hindi malaman ni Genro na pinagdududahan namin siya ni Denise. Narinig ko na ang yabag ni Genro kaya agad kong tinago ang journal at lumapit na sa pintuan para salubungin siya. "Tara na, nagugutom na ako," sabi niya sa akin at magkasabay kami maghapunan. "Kailangan ko na siguro mag-aral muli kung paano magluto," sabi ko sa kanya at ngumiti naman siya sa akin na parang isang bata. Pritong ulam na naman kasi ang kakainin namin ng gabing iyon. "Miss ko na nga din ang luto mo," sagot niya at nakaramdam ako ng saya sa puso ng sabihin niya iyon. "Ano ba sa mga niluto ko ang paborito mo?" muli kong tanong at parang nag-isip pa siya ng isasagot niya. "Halos lahat naman kasi ng niluluto mo, masarap. Kaya wala akong masabi na may paborito ako," sagot niya at nagtawanan na lang kaming dalawa. "Manood tayo ng movie bago matulog. Yung paborito nating dalawa," sabi niya at tumango naman ako. Pagkatapos kumain, ako na ang naglinis ng pinagkainan habang nasa banyo siya at naliligo. Wala akong ideya kung ano ang paborito kong oalabas, ang pagkain na gusto ko, o mga putahe na alam kong lutuin. Nag-search na lang ako sa isang streaming sites at naghanap ng mga pagkain na madaling lutuin. "Talagang sineryoso mo yung kanina? Gusto mo talagang magluto?" nagulat ako sa biglang pagtatanong ni Genro. Nasa likod ko na pala siya. Nagpupunas ng towel sa basang buhok. Naghahanda na papasok si Genro nang natapos kong pakinggan ang voice recorder. Wala akong nabanggit sa dokumentong iyon tungkol sa mga magulang ko. Naisip ko kung mayroon ba akong kapatid o magulang? "Isa lang ba ang na-record ko?" tanong ko sa kanya at tumango siya habang paulit - ulit siyang nagtatali kaya lumapit na ako sa kanya at ako na ang gumawa nito. "Natatandaan mo kung paano magtali ng necktie?" gulat na tanong sa akin ni Genro at kahit ako ay nagtataka dahil marunong ako magtali noon. "Siguro, nasanay na akong gawin ito sayo noon tuwing umaga," sagot ko at ngumiti siya sa akin. Nakatayo lang ako sa tabi niya habang inaayos ang kanyang gamit. "Dinalaw ba ko ng magulang ko sa hospital?" tanong ko sa kanya. Napahinto siya sandali pero agad siyang nagpatuloy sa paglalakad. Humarap siya sa akin bago tuluyan isara ang pinto. Wala na naman akong nakuha na sagot galing sa kanya. Bumugtong-hininga na lang ako. Tiningnan ko na lang muli ang social media account ko at may ilang nag-message sa akin ngunit hindi ko kilala ang mga taong ito, kaya binasa ko lang ang mga mensahe nila pero wala akong sinagot kahit isa. Nang tingnan ko naman ang emails ko, nakita ko doon ang isang mensahe galing sa akin. Pinakinggan ko ito at nagulat ako sa natuklasan ko. May kausap akong isang babae na Denise ang pangalan. Matapos ang pagtatalo namin ay matagal na katahimikan ang narinig ko kaya hindi ko na tinapos pakinggan ito. Hinanap ko sa aking social media account ang babaeng tinutukoy ko doon pero dahil pangalan niya lang ang alam ko, nahirapan akong matunton siya. Agad akong tumayo at nagtungo sa kusina para maghanap ng dyaryo. Dahil isa siyang pulis, sigurado akong mababanggit ang pangalan niya sa mga balita doon. Pero nabigo pa rin ako dahil ang mga balitang nandoon ay tungkol lang sa mga nangyayari sa Batangas. Wala kahit isang pag-uulat galing sa Maynila. Huminga akong malalim dahil sa kawalan ng pag-asa. Paano ko mahahanap ang babaeng ito? Wala siyang iniwan na pagkakakilanlan ni Denise kaya nanglumo ako kung paano ko siya muling makakausap. Hindi ko rin alam kung saang himpilan ko siya hahanapin. Sumuko na ako sa paghahanap. Tiningnan ko sa photo album kung may mahahanap ba akong kahit katiting na impormasyon. Napangiti ako ng makita ko sa isang litrato ng mga iniregalo sa amin noong engagement party. May isang regalo doon na galing kay Denise. Napangiti ako at biglang tumulo ang aking mga luha dahil totoo ang babae sa narinig ko. May awa pa rin ang Diyos sa akin dahil sa nakaligtas ako sa nangbugbog sa akin at ngayon, binigyan ako ng pag-asa para mahanap si Denise. Muli kong pinakinggan ang pag-uusap namin at nalaman ko na ako mismo ang nagbura ng record na iyon para mailihin kay Genro ang pag-uusap namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD