Genro 12

2230 Words
Nagising ako na katabi ang isang lalaking hindi ko kilala at nang ilibot ko ang aking paningin, nakita ko sa lamesita katabi ng kama ang isang voice recorder, may nakapatong dito na isang papel at nakasulat ang 'Listen, Alexa.' Nanginginig ko itong kinuha at nilagay sa aking ang earphone. Boses ko ito at nang matapos kong pakinggan, tinitigan ko si Genro at yumakap sa kanya. Pakiramdam ko ay ligtas ako kapag siya ang kasama ko. Hindi na ako nakatulog kaya marahan akong binuksan ang drawer at binasa ko na lang ang journal ko. Sulat kamay ko ang nandon at nabasa ko ang ilang pangyayari bago ako humantong sa ganitong kalagayan. Nakaalitan ko ang bago kong katrabaho at Shiela ang pangalan niya. Gusto ko siyang makita para tanungin kung may kinalaman siya sa nangyari sa akin. Nang makita ko siyang gumagalaw at napatingin sa akin, ngumiti ako sa kanya at pinakita ko na hawak ko ang voice recorder. "Good morning! Gising ka na pala. Gusto mo na bang kumain?" tanong niya sa akin at parang normal na umaga lang namin ito. Ngumiti siya sa akin at lumabas na ng kwarto kaya sinundan ko siya papunta sa kusina. Naaamoy ko ang aroma ng kape habang nagsasaing siya. "Tulungan na kita," sabi ko sa kanya at binuksan ko ang refrigerator. Namangha ako sa kumpletong laman nito. Kinuha ko ang lagayan ng itlog at nilapag iyon sa lamesa. "Ang daming laman ng ref pero mag-isa ka lang diba?" tanong ko sa kanya at lumingon siya sa akin at tumango. "Pinupuno ko palagi iyan para kung sakaling babalik ka na dito, hindi ko na kailangan lumabas pa," sagot niya sa akin. Nakaramdam ako ng kaba dahil sa sinabi niya na hindi niya na kailangan lumabas. Nagtatago ba kami dito? Dahil sa death threat na natanggap ko? "Bakit ayaw mong lumabas?" tanong ko sa kanya at kumuha ng isang mangkok para sa itlog. "Ayokong iwanan ka ng mag-isa dito," sagot niya sa akin at napangiti ako sa sagot niyang iyon. "Paano ang trabaho mo?" muli kong tanong sa kanya at humarap siya sa akin matapos niyang magsaing. Ngumiti siya habang papaakad papunta sa akin. "Huwag mo ng intindihin iyon. Ang gawin mo na lang, magpagaling ka at alalahanin mo ang lahat," sagot niya tapos ay nagtungo sa ref para ilabas ang hotdog at bacon. Kasunod nito ay ang mga itlog na binasag ko tapos ay nilagyan niya ng paminta at asin. "Babasahin ko lang muna ang journal ko," sabi ko sa kanya at tumango lang siya sa akin dahil naging abala na siya sa pagluluto. Nagtungo ako sa kwarto at kinuha ang isa pang journal sa drawer. Iba ito dahil may kalumaan na. Binasa ko na lang iyon habang hinihintay ko siyang matapos. Nakita ko ang ilan sa mga kaso na hinawakan ko. Kadalasan ay puro konektado sa carnapping at kidnapping. Bibihira akong magkaroon ng kaso tungkol sa mga droga. Sa lahat ng mga kaso na iyon, lagi kong kasama ang isang babae. Dinala ko sa hapagkainan ang journal at photo album para magtanong kay Genro. Isa-isang nilapag ni Genro ang mga ulam na natapos niya ng lutuin pati ang kape namin. Nilapag ko sa lamesa iyon at hinanap ang litrato ko kasama ang babae. "Puro pala carnapping at kidnapping ang nahawakan kong kaso?" tanong ko kay Genro habang naghihintay na lang kami sa sinaing. Tumango siya at pinapak ang isang hotdog na niluto niya. Napahinto siya sa sinabi ko saka tinitigan ako. Natahimik kaming dalawa at parang mabibingi ako sa sitwasyon. Yung tingin niya sa akin ay parang may kahulugan. "Sino itong babae?" tanong o sa kanya at hinarap ang litrato namin. "Para saan? Denise ang pangalan niya." tanong niya sa akin at pakiramdam ko ay may nasabi akong mali sa kanya dahil kumunot ang kanyang noo. May pumasok na ala-ala sa isip ko ang nabasa ko kanina, ang sinulat ko tungkol kay Shiela. Para kaming nagtatalo sa naaalala kong iyon. May isang boses akong narinig at sinigaw ang pangalan ni Shiela. "Sino si Shiela? May naaalala ako na nagtatalo kami," tanong ko sa kanya at hinubad ang kanyang suot na apron. "Nakausap ko na siya nang nakaraang taon. May alibi siya. Nagsimba siya ng gabing iyon," sagot sa akin ni Genro at napailing ako. "Kung walang kinalaman si Shiela, sino? Gusto kong malaman kung sino ang may gawa sa akin nito," sabi ko sa kanya at tumango siya. "Naiintindihan ko pero mas mabuti kung magpapagaling ka muna. Malay natin, maaalala mo ang totoong nangyari," sabi niya at alam kong tama siya doon sa sinabi niya. Sariwa pa ang sugat ko sa ulo at mas mabuting maghintay ako. Nagulat ako ng tumunog nang rice cooker. Napahawak ako sa aking ulo dahil bigla itong sumakit. Nang pumikit ako, naaalala ko nakaupo sa tiyan ko ang isang babae at hawak ang aking ulo habang iniiuuntog niya ako sa lupa. Bawat paghampas niya ay ramdam na ramdam ko. Blanko ang mukha ng babaeng iyon kaya hindi ko masabi kung si Shiela ba ito. "Tama na!" sigaw ko at nagulat ako ng nasa harapan ko na si Genro hawak ang kaldero ng kanin. Nilapag niya ito at hinawakan ako sa balikat. "Anong nangyayari sayo?" tanong niya at takot na takot ang kanyang mukha. Pakiramdam ko ay nakita ko na sa kung saan ang mukha niya dahil ngayon ko lang ito nakita ng malapitn. "Alexa!" narinig ko n sigaw ng babae at napatingin ako sa paligid pero kaming dalawa lang ni Genro ang nandoon. "May babae! May babae! Tinatawag niya ako!" sigaw ko at niyakap ako ng mahigpit ni Genro. Tumangis ako ng sandaling iyon. Takot na takot ako sa nangyayari sa akin. "Tayo lang dalawa ang nandito," kalmadong sinabi ni Genro at pilit akong pinapakalma. Hingal na hingal ako ng sandaling iyon. Napaupo ako at tumunog ang cellphone ni Genro kaya nagtungo muna siya sa kwarto namin. Hindi ko naririnig ang usapan nila pero sandali lang iyon at bumalik si Genro sa hapagkainan at tiningnan ako bago kumuha ng tubig at binigay sa akin. "Uminom ka na muna tapos ay kakain na tayo." Umiling ako at nagsandok na ng pagkain. Gano'n rin ang ginawa ni Genro pero binalot kami ng katahimikan habang kumakain. Nang matapos, nilapag niya ang gamot sa harapan ko at padabog iyon. "Hindi mo ininom ang gamot mo kagabi," matabang niyang sabi sa akin. Kinuyom ko ang aking kamay at kinuha ko iyon para inumin sa harapan niya. Ilang sandali pa ay gumaan ang pakiramdam ko. "Pasensya ka na," bulong ko pero dahil doon, nawala sa reaksyon niya ang pagkainis. Tumango siya at kinuha ang dyaryo at binasa ito. Abala na siya habang ako ay nakatitig lang sa kanya. "Matanong ko lang, ano ba ang trabaho mo?" tanong ko sa kanya at nag-angat siya ng tingin sa akin. Tiniklop niya ang dyaryo habang nakangiti. "Paano tayo napunta dito?" sunod kong tanong pero tumayo na siya at nagtungo muli sa kwarto at paglabas, may dala na siyang tuwalya at damit. "Isa akong guro," tugon niya. Hinayaan ko na siya at nilinis ko na lang ang pinagkainan namin tapos ay nagtungo sa kwarto. Tiningnan ko na lang muli ang photo album. Sa kalagitnaan ng pagtingin ko sa mga litrato ay pumasok si Genro. "Saan ka nagtuturo?" tanong ko sa kanya habang kumukuha ng uniporme niya. May suot na siyang puting t-shirt at boxer. "Sa Persephone National High School," sagot niya sa akin at nagsuot na ng kanyang pantalon. Hindi na ako nagtanong pa. Hinayaan ko na lang siya sa pag-aasikaso niya dahil baka mahuli pa siya sa pagpasok. Kinuha niya ang kanyang bag tapos ay lumapit sa akin at binuksan ang drawer. May kinuha siyang isang cellphone at may pinindot doon. "Kung may kailangan ka, tawagan mo lang ako. Genro ang pangalan ko diyan," sabi niya sa akin at nilagay ang ilang mga notebook sa bag niya pati wallet at cellphone. "Mamayang alas siyete, nandito na ako," sabi niya sa akin at hinaplos ang aking buhok. Pinagmasdan ko siya palabas ng kwarto at nagsimula na akong kalkalin ang cellphone na binigay niya sa akin. Tanging siya lang ang nasa contact nito at halatang bagong-bago pa ang cellphone na ito. Kakaunti lang ang apps na nandito at wala pang gasgas ang screen nito. Binuksan ko ang isang social media app. Sinubukan kong tingnan kung mayroon ba akong profile sa app na ito pero hindi ko matandaan ang password ko kaya tinigil ko na ang pag-uusisa. Nahiga na lang ako habang nakatingin sa litrato naming dalawa. Napakarami ko pang gustong itanong sa kanya pero alam kong napapagod na siya sa mga tanong ko kahit ilang araw pa lang simula ng gumising ako galing sa pagka-comatose ko. Pinakinggan ko uli ang voice recorder at nilista ko ang mga tanong ko na sasarilinin ko na lang. Nagulat na lang ako ng may kumatok at nang tingnan ko ang oras, tanghali pa lang naman. Umuuwi ba si Genro kapag tanghali? Nagmadali akong puntahan siya. Naisip ko, pwede niyang sagutin ang ilan sa mga tanong ko at sana may makuha akong sagot. Pero nang buksan ko na ang pinto, ibang tao ang nakatayo sa pinto. Hindi si Genro ito. May dala siyang tupperware at nakangiti ng makita ako. "Magandang araw," sabi nito sa akin at iniabot ang dalang pagkain. Kinuha ko ito at ngumiti sa kanya. "Kayo yung bago dito sa lugar natin?" tanong niya at pagtango lang ang nasagot ko. Nakita ko na menudo ang laman ng tupperware na iyon. "O-opo. Sino po sila?" tanong ko at pinagdikit ng babae ang dalawa niyang kamay at tuwang - tuwa sa tanong ko. "Ah, ako pala si Jane. Diyan lang ako nakatira." Tinuro niya ang katabi ng bahay na katapat lang namin. May blue itong gate at puti ang pinturang dilaw. "Salamat dito sa dala mo. Pasensya na, wala akong maibibigay sayo," sabi ko sa kanya at kinaway-kaway niya ang kanyang kamay. "Naku, walang problema. Sige at gusto ko lang makilala ka. Ano nga pala pangalan mo?" tanong niya sa akin at inilhad ang kanyang kamay. "Alexa," sagot ko at nagpaalam na siya. Sinundan ko pa ng tingin ang pagpasok niya sa kanyang bahay. Muli siyang kumaway at sinara na ang pinto ng bahay niya. "Sino iyon?" nagulat ako sa tanong ng isang babae at nang makita ko siya, pamilyar siya dahil nakita ko na siya sa photo album. Siya ang madalas kong kasama. Abala akong nakatingin kay Jane, hindi ko na napansin na dumating ng isa pang babae. "Alexa, okay ka lang ba? Namumutla ka," sabi nito sa akin at hinila ako papasok sa bahay. "Sandali, sino ka ba? Bakit bigla kang pumapasok sa bahay ko?" tanong ko sa kanya. Sinara niya na ang pinto at kinuha ang dala kong menudo tapos ay nilagay to sa lamesa. Kumuha siya ng tubig sa ref at binigyan niya ako ng isang baso. Mabilis naman akong uminom at napatingin sa kanya. Nagbago ang kanyang buhok kumpara sa mahabang buhok nito sa litrato at kita ko sa kanyang mukha ang pagod. Malayong-malayo sa itsura niya sa litrato. Marahil, matagal na ang litrato. Iyon na lang ang siniksik ko sa isip ko pero naisip kong huwag magtiwala kanya dahil sa lagay ko ngayon, hindi ko kilala ang lahat ng tao na lalapit sa akin. "Sino ka ba?" muli kong tanong. "Denise ang pangalan ko, dati mo akong katrabaho," sagot niya. Pinagmasdan niya lang ako hanggang sa napansin kong pinupunasan niya na ang pisngi niya. Lumuluha na pala siya at hindi ko malaman kung bakit. "Hindi mo ba ako natatandaan?" tanong niya at bigla akong niyakap ng mahigpit. Napaangat ang mga kamay ko at pinag-iisipan kung yayakapin ko ba siya o hindi. Napakapit ako sa mga balikat niya at marahan kong inalis ang katawan niya sa akin. "Sorry pero ngayon lang kita nakita," sagot ko sa kanya at bumahid ang gulat sa kanyang mukha. Kahit nakita ko na siya sa litrato ay binaliwala ko iyon. Parang hindi niya alam ang nangyari sa akin. Hinawakan niya ang band-aid sa noo ko pero sa gilid lang ng sugat ang kinapa niya. "Kaya ba hindi ka pinauwi ni Genro sa Manila dahil dito? Nagkaroon ka ng amnesia?" tanong niya sa akin at tumango ako. Mas lumakas ang pag-iyak ni Denise at siya na ngayon ang binigyan ko ng tubig para pakalmahin siya. Mas nag-aalala ako sa kanya ngayon. Hindi ko na nagawa ang balak kong pagtatanong sa kanya dahil sa dami ng kwento niya tungkol sa nakaraan namin. Nalaman kong assistant ko pala si Denise at halos kapatid na ang turing ko sa kanya. "Kung sumama siguro ako sayo, hindi ito mangyayari sayo!" Umiiyak pa rin siya habang nagsasalita at uminom ng tubig. Napakunot ako ng noo sa sinasabi niya. "Hindi kasi ako sumama sayo nung nagtanong ka. Wala akong maiwanan sa mga anak ko," sagot niya sa akin at muli akong niyakap. Nang kumalma na siya, pinakain ko siya at niyaya ko sa loob ng kwarto. Pinarinig ko sa kanya ang unang ni-record ko at sinabi niyang totoo ang lahat nandoon maliban sa isa. "Mag-usap tayo kapag nandito na si Genro, hintayin mo siya mamaya pag-uwi galing sa eskwelahan," sambit ko sa kanya "Ang kwento mo sa akin noon, nag-resign sa pinapasukan na paaralan si Genro dahil sa na-extend ang seminar niya dito sa Batangas," sabi niya at parehas kaming nagtataka dahil hindi sinabi ni Genro sa akin ang impormasyon na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD