Halos hindi ako makahigop ng wine sa basong hawak ko ngayon. Wala pa ring tigil ang pagtitinginan sa akin ng mga tao. Lalo pang lumala nang sumama si Sebastian papasok sa hall.
He looks so perfect. Kahit ako, hindi ko maiwasang sulyapan siya lagi.
"Mag-enjoy lang kayo dito," paalam ni Natalie na hinihila na si Noah papunta sa ibang bisita. Agad akong lumapit nang maigi kay Sebastian.
"Bakit nandito ka?" tanong ko.
"To see you?" astig niyang sabi saka ako nginisihan.
Noong umpisa natulala ako. Iniisip kung anong meaning no'n. To see me?
"Paano mo nalamang nandito ko?" Nag-crossed arms ako at medyo may pagkamataray ko siyang tinignan. Kaso hindi ko talaga siya matinag.
Humigop lang siya sa wine na parang walang narinig.
"Private party 'to ng ex ko at bigla ka na lang nagpanggap na boyfriend ko. Hindi ako makapaniwala sa ginawa mo. Tingnan mo sila, mas lalo tuloy nila kong pinagtitinginan."
"Relax. Tinulungan lang naman kita." He grinned. "And besides, they are not looking at you. They were looking at me," mayabang niyang dugtong habang inaayos lalo ang suot niyang necktie.
Kailangan ko bang mag-thank you sa kanya?
Napabuga ko ng hangin habang sinusulyapan ang paligid. Ang dami pa ring nakatingin. Hindi ako sanay sa ganito karaming atensyon. Gusto ko ng umalis ngayon kung hindi lang iba ang iisipin nina Noah at Natalie.
"Ariel, long time no see."
Gulat akong nakipagbeso sa babaeng hindi ko kilala. Ngumiti siya sa akin bago tumingin kay Sebastian. She seemed determined to meet Sebastian. Kaso sorry siya, masungit 'tong isdang 'to. Ni hindi nga siya nito tinitignan. Diretso lang ang tingin ni Sebastian sa malayo na para bang ninanamnam sa bibig niya 'yung iniinom naming wine.
"Sino siya?" hindi niya mapigilang tanong.
Gusto kong itanong 'yon sa kanya. Sino ka? Kilala ba kita? She looks like a model. Wearing a blue glittering long dress with matching diamond necklace. Mas maliit siya sa akin at mas maputi.
"Sorry, ahm, s-si Sebastian." Natauhan kong turo sa katabi ko.
"Hi, Sebastian." Ngumiti siya at nilahad ang kamay kay Sebastian.
"Sir," bulong ko sabay pasimpleng inabot ang laylayan ng suit niya. Nakalahad pa rin 'yung babae kaya nahiya na ko at mas lalong niyanig ang laylayan ni Sebastian. "Hi raw," mahinang ulit ko nang lingonin niya ko.
"Hi." Nakatingin pa rin siya sa akin kaya napapikit ako habang pilit na ngumingiti pabalik sa babae.
"Sor-" Parehas kaming nagulat nang ilagay ni Sebastian ang kamay ko sa nakalahad na kamay ng babaeng lumapit. Muli kong tinignan si Sebastian habang nanlalaki ang mga mata. Nahiya tuloy 'yung babae at alangan nang umalis. "Bakit mo 'yon ginawa?" madiin pero mahina kong tanong.
"Bakit mali ba ang ginawa ko? That's what loyal boyfriend do."
"But you are not my boyfriend."
"Yes, I am." Bigla siyang nagpeke ng ngiti at inakbayan ako.
"Nage-enjoy ba kayo?" nakangiting tanong ni Natalie. Doon siya sa tabi ni Sebastian pumwesto nang magmostra ang photographer.
"Excuse." Seryosong lumayo si Sebastian nang akma siyang hahawakan sa bewang ni Natalie. Lumipat siya sa pwesto ko at pinaglapit kami ni Natalie.
"Allergy siya sa mga babae," nahihiyang paliwanag ko at napasulyap kay Noah na seryoso rin ang mukha.
"Ma'am, Sir, smile."
Umakbay sa akin si Sebastian na ikinatingin ko sa kanya bago ngumiti sa camera.
"Okay, doon naman tayo sa kabila."
"Thank you."
*****
Hindi ako makatulog nang dahil sa appearance ni Sebastian sa party ng dalawa. Pakiramdam ko sobrang special ko dahil sa mga ginawa niya. Para kong umupa ng isang VIP para magpanggap na boyfriend ko. Talagang kinareer niya, wala akong masabi.
Alam niya talaga kung paano magpakilig ng babae at kung paano gumanap bilang boyfriend.
Hindi ko tuloy matanggal ang paghimas ko ngayon sa sariling bewang. Hanggang ngayon nararamdaman ko pa rin 'yung kamay niyang nakakapit. Nakakakilig..
"Nababaliw ka na, Ariel," nanggigigil kong sabi sa sarili habang nakakagat sa kumot kong hawak din ngayon. "Bakit ba kasi siya nandoon?"
Hindi ako nakatulog kaya noong tumunog ang alarm clock ko, naibato ko 'yon sa pader. Para kong multong gumagayak tuloy ngayon at kasalanan 'to ng isdang 'yon.
Ano ba kasing kabaliwan 'yung kagabi? Para kong naging si Cinderella.
"Good morning," nakangiting bati ni Sebastian na nakasandal ngayon sa kotse niya. Napanganga ako, napapaatras sa gulat.
"Bakit nandito ka ulit?"
"For breakfast. Nagustuhan ko 'yung luto mo noong nakaraan."
"Ha? Teka! Pero late na ko!" Nagpabigat ako nang bigla niya kong itulak papasok ulit sa bahay.
"I'm your boss. Paano ka male-late?"
"Isda lang 'yung laman ng ref ko. Gusto mo?" Napangiti ako habang humaharap sa kanya nang tumigil siya sa paglakad.
"Kumakain ka ng isda?"
"Oo naman, tao ko. Hindi sirena."
Bigla siyang tumingin sa katawan niya na ikinatingin ko rin. Pinasadahan niya ng tingin 'yung katawan niya na sinundan ko. Napatigil ako sa bandang baba at mabilis na bumalik ng tingin sa mukha niya.
"Namumula ka, Ms. Cruz."
Napakagat ako ng labi. "Actually, sa tingin ko may karne pa ko diyan," ilang kong sabi para makatakas.
He suddenly laughed. Lalong nag-init ang mukha ko. Ano ba kasing trip niya?
Tahimik akong naghain pagkaluto ko ng adobong manok. Kanina pa siya naghihintay sa may lamesa. Pati dito sa bahay ko inuutus-utusan niya lang ako.
"Ano pa bang kulang, SIR?" Mataray ko siyang tinaasan ng kilay nang tingnan niya ko.
"Nothing." Ngumiti siya, nagpipigil ng tawa.
"One thousand ang bayad gada butil ng kanin. Five thousand naman gada piraso ng manok." Turo ko na ikinatigil niya.
"I'll give you my company, isn't that enough?"
Napalunok ako, nauupo na rin para kumain. "Nagbibiro lang naman po ako."
"You failed to help me, Ms. Cruz." Napatingin ako sa kanya na sumusubo na ngayon. "But because you have a point. I will take your advice and I will take them down." Tumuro siya sa lamesa at mayabang na ngumisi. "I can do that."
Mukhang masyadong determinado talaga 'yung isdang 'to. Sasabayan ko na lang para manatili ako sa trabaho. Tama.
"Okay, anong plano? Kasali ba ko?"
"Of course, you are my secretary. I can't do it without you. Baka nga ikaw ang gumawa ng lahat." Mahina siyang tumawa.
"Masarap ba?" tanong ko.
"Yes."
"Halata, may kanin ka pa sa pisngi." Wala sa kamalayan ko 'yong tinanggal. Nagulat siya pero mas lalo naman ako. Inalis ko agad 'yung kamay ko at kunyari na lang tumawa habang pinapakita 'yung mumo.
Ako ang nag-drive para sa kanya papuntang office. Oh, 'di ba? Secretary na, driver pa. Gusto ko tuloy 'tong ipreno nang malakas. Titingin-tingin pa siya ngayon mula sa center mirror.
"Sir, reminder lang. Meeting mo ngayon kay Mr. Carlos and you are now twenty minutes late." Pagtingin ko sa orasan.
"That's fine," walang pake niyang sagot.
Napabuntong hininga na lang ako at muli ng dineretso ang tingin sa kalsada. Pagdating sa office. Pinasa ko agad sa guard 'yung susi para pagbuksan si Sebastian.
Agad na pumila ang lahat na naabutan niya sa hallway. Matikas siyang lumakad kasunod ako habang nagsisiyuko ang mga empleyado.
"Doon na po tayo dumiretso kay Mr. Carlos. Nagagalit na raw siya sabi ni Ms. Lea sa akin," nag-aalalang sabi ko pagkapasok namin sa elevator.
Sumulyap lang siya sa akin na para bang hindi niya ko narinig. Pinindot niya pa rin 'yung floor ng office niya at doon dumiretso.
"Give me five minutes." 'Yon lang ang sabi niya.
Ano pa nga bang magagawa ko? Edi binagsak ko na lang 'yung bag ko sa isang gilid at umupo muna sa pwesto ko. Ang daming emails. Samantalang kahapon lang ako umabsent.
"Ariel, mabuti na lang nandito ka na." Gulat na pasok ng HR head namin.
"Bakit po, Ma'am Morisette? May kailangan po ba kayo?" Tumayo ako.
"Ahm, w-wala." Taranta niyang winagayway ang kamay niya sa harapan ko. "Ako dapat kasi ang mag-aayos muna diyan if ever na wala ka pa ngayon."
"Eh, si Rea po?"
"Tinanggal siya kahapon ni President."
"Ano?!" Nagulat ako at mabilis na sumulyap sa pwesto ng office ni Sebastian. "Bakit po? Anong nangyari?"
"Nagalit siya kahapong absent ka."
"Po?"
"Hay, kawawa nga si Rea. Napag-initan ni President pero buti na lang nandito ka na. Ayoko pang matanggal." Bigla siyang nagpaalam nang umawang na ang pinto. Tumakbo siya palabas na akala mo ninja.
"Why?" Tinaasan ako ng kilay ni Sebastian.
"W-wala po. Tara na po kay Mr. Carlos?" Pinilit kong umayos habang minomostrahan siyang mauna na sa paglakad.
Ang seryoso niya kapag nandito sa office. Kawawa naman si Rea. Nawalan siya ng trabaho dahil lang sa akin.
"Ayan na po pala si President." Tumayo agad lahat ng tao sa loob ng conference room.
Ma-awtoridad lang na lumakad si Sebastian hanggang sa makaupo sa gitnang pwesto. Ni hindi man lang siya nag-sorry kay Mr. Carlos na isa sa pinakamalaking tao rin dito sa kumpanya.
Naupo ako sa tabi ni Sebastian. Ako ang nag-take note sa lahat ng usapan at sa mga tanong na wala pang sagot. Pagkatapos ng meeting, inasikaso ko 'yung mga files at emails na hindi nagawa kahapon. Gusto kong i-text si Rea kaso natatakot ako. Siguradong galit siya sa akin niyan.
"Ito ba?"
Napatingin ako kay Sebastian na bigla na lang naglalapag ng cellphone sa lamesa ko. Napataas ako ng kilay. Hindi ko siya maintindihan.
"Ang dami niyang kasamang lalaki sa mga picture. Which one?" Tinaasan niya rin ako ng kilay.
Boyfriend pala ni Vanessa ang tinatanong niya. Kapag tungkol kay Vanessa bigla na lang siyang nagiging haggard.
"This one." Turo ko.
Mabagal siyang tumango-tango na para bang umiisip na ngayon kung paano niya 'yon mapapatumba. Biglang nagdilim ang mukha niya, nakakatakot tingnan.
"Give me his details tomorrow."
"But–" "Tomorrow," madiing ulit niya pagkalingon sa akin.
"Yes, sir." Pagpapatalo ko sabay buga ng hangin pagkapasok niya sa office. "Tomorrow?! Sabado kaya bukas. Day off ko dapat." Nakakainis na Vanessa 'yan. Ang sarap niya nang sabunutan.
*****
Eight na kong nakauwi ng bahay. Dapat hihiga na ko ngayon sa kama pero dahil sa kabwisitan ng Vanessa na 'yan. Heto ako ngayon at nagpapainit ng maraming tubig para sa kape mamaya. Marami talaga, kasi sure akong puyatan 'to.
Pagkabihis ko, bumaba ako sandali para magpirito ng fries at mini hotdogs. Nagtimpla na rin ako ng tatlong tasang kape para hindi na ko bababa agad mamaya.
"Kaya natin 'to cells." Pinagtapik ko ang magkabilang palad ko habang nakangiti bago kuhanin ang tray na hinanda ko para mamaya.
Sa totoo lang, noong sinabi kong tutulungan ko siya. Hindi ko naman in-expect na aabusuhin niya ang kabaitan ko. Pwede namang sa lunes na lang 'to.
"Okay, sige. Simulan na natin." Nag-inat-inat ako ng leeg at mga braso bago mag-focus sa screen ng laptop ko.
Seryoso kong nilabanan ang puyat. Kain, inom, kain, inom. At minsan ay tumatayo ako para alugin-alugin ang sarili upang manatiling gising.
Tumingin ako sa orasan nang kusang bumagsak ang baba ko sa lamesa.
"Alas-kwatro na pala. Bwisit. Wala pa kong gaanong nakukuhang info tungkol sa Liam Wang na 'yon."
Hindi ko na namalayan kung anong oras bumigay ang katawan ko sa puyat. Basta ang alam ko lang ngayon ay hindi tumunog ang inalarm ko kagabi!