PRESENT DAY
Palabas na ko ng office para puntahan sana si Vanessa noong makita ko siya mismo na nasa labas ng building namin. Nakatayo na para bang nagdadalawang isip na pumasok.
Kinalma ko muna ang sarili ko bago siya lapitan. Para siyang girl version ni Sebastian, halos lahat ng lalaki ring dumadaan sa kanya ay napapatingin. Lalo na ngayon, ang hot niyang tingnan with that backless red dress.
"Anong tinitingin-tingin mo diyan?" taas kilay niyang tanong nang makita kong nakahinto sa isang gilid at nakatingin sa kanya.
"Pwede ba tayong mag-usap?" Sinubukan kong ngumiti.
"Kung tungkol 'yan kay Sebastian. No thanks." Mayabang niya kong hinawi. Eh, bakit pa siya nandito sa harapan ng building namin kung talagang wala siyang balak na makita si Sebastian?
"Alam kong sinabi niya na sa'yo 'yung lihim niya–" "Oh, my God! He told you too? He's really disgusting, right?!" Nanlalaking matang humarap siya sa akin na akala mo hindi naging sila ng anim na taon.
Ano bang mali? Nagpakatotoo lang naman sa kanya 'yung isda na 'yon.
What's wrong with that?
He's a merman and I thought when I saw him in my two eyes. 'It's so cool to know that they exist'. Pero sobrang lala naman ng reaksyon niya kumpara sa reaksyon ko. Siguro ganyan talaga ang tamang reaksyon ng ordinaryong tao.
Napangisi ako habang yumuyuko at iniisip kung bakit hindi ako nasiraan ng bait katulad niya. Maybe because my mother is a psycho. Maswerte pa pala kong lumaki sa mga kwentong sirena.
"Hindi mo na ba siya mahal dahil lang do'n?"
"Of course! Duh!! Halimaw siya! At kapag naiisip ko palang na nagkaroon kami ng relasyon–" Huminto siya at maarteng nagpaypay ng mata, kunyari pang iiyak. "Tuwing maiisip ko pa lang siya, nandidiri na ko maski sa sarili ko," suya niyang sagot kaya napaatras na ko.
Sa punto na 'to, mukhang kailangan kong matauhan. Imposible na talagang balikan niya pa si Sebastian. Kaso nangako ako sa kanya.
Should I get him a new girl? O kaya humanap kaya ako ng babae na bayarang pwedeng magpa-plastic surgery para maging kamukha nito? Kainis! I thought this will be easy because of their 6 years relationship but I ended up like a loser. Pinaasa ko lang 'yung isda na 'yon.
"What did she say?" Excited siyang lumapit sa akin pagkapasok ko pa lang sa office niya. Hindi ko alam kung paano 'to sisimulang sabihin.
"Nothing?" kabado kong patanong na sagot habang pasimpleng tinitignan ang reaksyon niya. He just smiled like he know the answer. "Pero kailangan mong magpatuloy. Her new boyfriend is one of your competitors."
Hindi siya nag-react at tulala lang ngayon sa kawalan.
"Wala akong planong saktan ka kaya ko 'yon sinabi but if you really gonna die soon. Why waste it if you can take down his company with your ex-girlfriend?" I suggested. I know it's an evil plan but I don't want him to go. I need this job. He needs to stay!
Nagulat ako noong niyaya niya kong pumunta sa isang VIP club. Hindi ako maka-hindi. Still, he is my boss.
Ang ganda ng lugar at talagang puro mayayaman lang ang nakakapunta dito. Tingnan niyo naman ang mga damit nila sobrang gaganda at ang poporma. Pati na ang kutis nilang lahat pang mayaman.
"Umiinom ka ba, Ariel?" seryosong tanong niya na may kasamang pilit na ngiti nang lingonin niya ko bago maupo sa isang high chair.
"Oo naman," alangan kong sagot habang nakatingin sa suot kong skirt at sa mataas na upuan. Paano ko uupo?
Nilingon niya ko na para bang iniisip kung anong ginagawa ko pa at hindi pa ko nauupo kaya mabilis akong humawak sa mataas ding lamesa.
"You need help?" Tinanggal niya ang suot niyang jacket at biglang hinarang sa hita ko.
Kumusta naman 'yung ginawa niya na 'yon, 'di ba? President at secretary relationship pa ba 'to?
Tatlong taon, sa tatlong taon ko bilang secretary niya. Hindi ko mapigilan ang sarili kong may maramdamang konting crush sa kanya. What I mean is that, hindi ko siya pinangarap na maging boyfriend or something. Ano lang... Hay, kasi naman. Sa akin lang siya mabait sa office. Ni minsan hindi niya pa ko nahiyawan nang sobra na katulad ng ginagawa niya sa iba kong ka-co-worker. Kaya nga 'yung iba nagdududa na sa aming dalawa.
Pero wala, I know my place. Secretary niya lang ako at si Vanessa naman, siya ang totoong nagmamay-ari ng puso at isip ni Sebastian. Siya lang. Napakaswerteng babae kaso tanga lang.
Hindi ko namalayan na nakakarami na siya. Tingin nang tingin sa akin ang tigalagay ng whiskey dahil hanggang ngayon ay puno pa rin ang baso ko. Hindi ako gaanong umiinom. Itinigil ko na ang kalokohan na 'to mula noong nasobrahan ako at na-hospital kakainom dahil sa hinayupak kong ex-fiance.
"Ms. Cruz," tawag niya sa akin na nilingon ko. "Anong pangalan ng bago niyang boyfriend?" Lasing na siya at tatawa-tawa pa ngayon. "Mas gwapo ba 'yon? Mas mayaman?" dugtong niya at muling uminom.
Buntong hininga lang ang pinakawalan ko habang nilalaro ang basong nasa harapan ko. Sa sobrang tapang nito, natutunaw agad ang yelo na nakalagay sa baso. Hindi, mukhang naiinip lang ako at kanina pa ang yelo dito.
Nagpalumbaba ako at muling pinanuod si Sebastian na walang tigil na ang bibig. Ngayon lang kami nagkaharap sa inuman. Akalain niyo 'yon? Umiinom din pala kapag nasasaktan ang isang merman.
"Six years! Six!" Mostra niya sa mga kamay niya. "Hanggang buhay pa ko. Hindi ko siya kayang kalimutan pero bakit siya? Dahil ba pwede kayong magmahal ng kahit ilan?"
"Siguro," sagot ko at tumawa naman siya nang may kapaitan. "Siguro, oo. Siguro, mali ka lang ng minahal."
Tumigil siya sa sinabi ko at muling lumagok ng alak.
"No, siguro tama ka." Ngumiti siya sa akin hawak ang baso niya.
"Lahat naman ayaw sa kanya. Ikaw lang 'tong pinagsisiksikan ang sarili sa babaeng hindi ka totoong minahal."
"No, Ms. Cruz. No. Big no."
"Lasing ka na, Sir Sebastian. Tara na?"
"Hindi ako lasing," biglang pagseseryoso niyang sabi. "Dapat kasi hindi ako natakot. Mahal ko siya . . . sobra-sobra."
"Sir, tama na." Ngiti ko at kinuha sa kamay niya ang baso. Kinuha ko ang black card niya sa wallet ko at pinambayad sa mga ininom namin.
Tulala na lang siya ngayon habang nakaalalay naman ako sa bewang niya at hinihintay na maging okay ang p*****t.
"She wants to marry and have kids but I can't."
Napatitig ako sa malungkot niyang mga mata.
"You see, Ariel? Ako talaga ang may kasalanan. Not her. So don't blame her."
"Okay," pagpapatalo kong sagot at inalalayan na siyang lumakad.
"Alam mo ba kung bakit ako natatakot na magpakasal sa kanya?"
"Sige lang, magkwento ka lang pero sana lang magpagaan ka naman," hirap kong sagot.
"Natatakot akong maging katulad ko 'yung magiging anak namin. I can't ignore the fact that even though I have legs—still I'm a merman."
Binagsak ko siya sa passenger seat. Dapat kasi hindi ko pinauwi si Simon, driver niya. Ako pa tuloy ang kailangang maghatid sa isdang 'to. Gabing-gabi na.
Bigla siyang tumawa na para bang baliw kaya natigilan ako sa paglalagay ng seat belt sa kanya. Nailang ako at mabilis munang umalis sa pagkakadukwang.
"Sebastian, pwede bang iayos mo na 'yang sarili mo?" walang galang kong tanong. Alas-onse na tapos iuuwi ko pa siya tapos magco-commute pa ko pauwi sa bahay ko dahil iniwan namin 'yung kotse ko sa office.
"Okay."
Umiwas agad ako at hinintay siyang malagyan ako ng seat belt bago tapikin ang sarili kong nuo.
"Bwisit, talaga. Hindi mo na ko ulit mapapasamang uminom sa labas! Kahit magkano pa ang ibayad mo sa akin!" tuloy-tuloy kong reklamo habang tinatanggal ang kinabit niya sa aking seat belt at dumudukwang sa pwesto niya para kabitan siya.
"Don't temp me, Ariel." Kinilabutan ako sa malambing niyang tono. "Hindi 'yan gagana sa akin. Maybe isa rin 'yan sa dahilan kaya pinagpalit niya ko."
"Jusko, Sebastian. Gwapo ka pero hindi kita pinagnanasaan ngayon. Gusto ko lang na matulog na pagkahatid sa'yo."
"But you are right."
"Oo naman, asa kang pinagnanasaan kita." Napalunok ako nang matitigan ang mahahaba niyang pilik mata, seryosong mga mata, matangos na ilong na hindi kalakihan at ang mapupula niyang labi bago ituon ang sarili sa kalsada.
"Maybe I should not waste my time like this. Pagbabayarin ko kung sino man ang umagaw sa kanya."
"Okay, no comment," napahiya kong bulong sa sarili ko habang umaayos na para mag-drive.
"Siguro kapag napabagsak ko 'yon at makita niyang walang sino mang makakapantay sa akin. Maybe she will comeback. Alam kong nalilito lang siya at galit sa ngayon kaya kailangan kong maghintay sa pagbabalik niya sa akin."
"Hay, nababaliw ka na talaga pero tutulungan kita."
"Of course, you should. I'm still your boss and you are mine."
Ano? Kunot nuo akong bumaling sa kanya na nakangisi ngayon sa akin at mabilis akong napapreno nang makita ang stop light.
"Anong pinagsasasabi mo?" Dinapuan ko ulit siya ng tingin kaso tulog na siya. Mukhang nahilo sa pagkakapreno ko.
Inumaga na ko sa pag-uwi ng bahay. Nakakainis na parang pagkahiga ko pa lang sa kama ay saktong pagtunog na ng alarm ko para gumayak na papasok ng office.
Kahit gaano kakapal na foundation sa mukha ang ilagay ko. Halatang haggard pa rin ako at puyat.
Binaba ko agad ang tangan kong salamin nang makita si Sebastian na paparating na. Napaka-aga niya. Daig pa hindi naglasing kagabi. Mukhang ako lang itong napagod.
"Good morning, sir," bati ko.
He's wearing his usual suit today with a fine tie. Napa-yes ako. Tamang-tama lang ang pagbili ko ng contact lens para sa kanya.
"Yes, Ms. Cruz?" Nilingon niya ko pagkapasok ko sa office niya.
"Binilan kita kanina nito. Pwede mo 'tong gamitin para hindi mahalata 'yang mata mo."
Tinaasan niya ko ng kilay na akala mo bago lang sa lupa. 'Wag mo sabihing hindi ka familiar sa contact lens? Uupakan na kita kahit boss kita. Teka? Dapat pala ginawa ko 'yon kahapon. Baka sakaling natauhan siya sa paghahabol sa babae na 'yon.
Ang unfair naman kasi nila. Bakit isa lang ang pwede nilang mahalin? Paano nga kung hindi nag-work, 'di ba? Hindi naman lahat pinapalad na mabiyayaan ng isang magandang love story.
"Color brown ang pinili ko tulad ng dating kulay ng mga mata mo."
"My real eyes are blue," seryoso niyang sagot na may pagkamasungit ngayong araw. "But thank you."
*****
'Bakit?! Bakit ko ba kasi inaccept 'yung invitation nila? Katangahan 'to, katangahan.'
Hindi ako makapaniwalang pinagpalit ko ang isang araw ko sa trabaho para lang makapunta dito.
Sinubukan kong kumalma kahit pa masyado na ang panginginig ng buong katawan ko. Tinignan ko sila habang nakapeke ng ngiti na unti-unting nawala dahil sa masasaya nilang pagtawa at pagpapakita sa lahat na mahal nila ang isa't isa.
Napaatras ako. Parang gusto ko nang umuwi. Hindi ko pa rin pala kaya. It still breaks my heart na makita silang magkasama.
Napakagandang tingnan ni Natalie sa suot niyang expensive Chanel dress with matching red tall heels. Ito ang unang pagkakataon na makita kong tumingin nang ganyan si Noah sa isang babae. He never stared at me the way he's looking now at Nathalie. Siguro mas maganda talaga siya sa akin. Wala talaga akong laban sa kanya.
Parang dinudurog ang puso ko lalo na noong masayang mag-cheers ang lahat para sa kanila. It was their celebration after all. Hindi ko tuloy maiwasang isipin kung bakit ba ko pumunta dito. Paulit-ulit ko na lang sinisisi ang sarili ko kung bakit nandito ko ngayon.
"Umalis ka na. Wala ka bang kahihiyan para sa sarili mo? Pinagtitinginan ka na ng marami." Tinignan ko 'yung biglang bumulong sa likuran ng tainga ko. It was Janet, one of my good friends in college. Tinapik niya ko sa balikat at awang nginitian bago ko lampasan.
Tama siya. Kailangan ko na nga sigurong umuwi na lang. Niloko pa rin nila kong dalawa at hindi nila deserves ang appearance ko dito para magbigay ng blessing sa parating na kasal nila.
"Si Ariel ba 'yon?"
"Why she's here?"
"Ang lakas ng loob niyang magpakita dito! Haha!"
Umalis na ko agad nang may marinig na pagbubulungan tungkol sa akin. I hate myself for letting this happen. Ginagawa kong tanga ang sarili ko.
"Hey! Ariel?" mahinhin niyang sabi at hinuli ang kamay ko. Hindi ko alam kung anong reaksyon ang ipapakita ko kay Natalie.
I really hate her for cheating on me. She's my only best friend and considered family. She's always at the top but still, she chooses my boyfriend!
Tinignan ko lang ang mga kamay namin.
"Don't go, please? Masaya kong pumunta ang nag-iisang best friend ko dito." "Best friend?" Napangiti ako nang mapait.
"Bakit bigla ka na lang umalis, Ariel?" Dumating din si Noah. Wala na talaga kong kawala ngayon.
Pinilit ko na lang na ngumiti bago bawiin ang kamay ko kay Natalie. Pinagkapit ko ang sariling mga kamay ko para hindi nila mapansin ang panginginig. Matapang ka, Ariel. Kaya ka nga nandito, hindi ba?
"Sorry for keep you waiting." Kilala ko ang boses na 'yon.
Mabilis akong lumingon sa tagliran ko nang kapitan ako ng isang gwapong isda. Nag-second look pa ko dahil kay Natalie na nakatitig lang ngayon sa mukha niya. Bakit siya nandito? Magkakilala ba silang dalawa?
"Nainip ka ba?" Hindi na ko makapagsalita lalo na noong lingonin niya ko habang nakangiti nang napagkagwapo. Totoo ba 'to? Nananaginip lang ba ko? "Next time, bigyan mo ko ng exact address, darling." Lalo niya kong hinapit sa tagliran at nilapit sa kanya bago sila tingnang dalawa.
"At sino ka naman?" takang tanong ni Noah na titingin-tingin lang ngayon sa akin.
"Sorry, hindi ako nakapagpakilala. Sebastian, I'm Ariel's boyfriend." Nilahad niya agad ang kamay niya.
Pakisampal nga ako.