Confident akong lumakad papasok sa magara niyang mansion. Dala ang mga pinagpuyatan kong information tungkol kay Mr. Liam Wang.
Kahit sabado ngayon, kinailangan kong maging formal para sa kanya. Nakasuot ako ngayon ng emerald green blouse, black skirt at high heels.
Sobrang ganda ng mansion niya, malinis kahit siya lang ang mag-isang nakatira dito. Totoo! Kahit isa siyang bilyonaryo. Wala siyang tauhan dito sa loob ng pamamahay niya. Hindi ko alam kung paano niya 'to napapanatiling malinis. Basta parang magic.
Kabado kong binasa ulit 'yung mga sinulat ko sa report pagkadaan ko sa glass wall papuntang sala niya. Kinakabahan akong may nalagay na maling info at mawindang siya. Hindi ko dito isinama 'yung tungkol sa naging proposal ni Liam kay Vanessa. Imposible naman kasing madaliin nila 'yung kasal na 'yon. Masyado pang maaga. Siguradong panghihinaan lang ng loob 'yung isdang 'yon.
Napatingin ako sa paligid nang mabasa ko lahat ng naipon kong information. Bakit mukhang tulog pa siya?
"Wow.." Bigla akong nakaramdam ng malamig na hangin na nagpaharap sa akin sa bandang labas. Lumakad muna ko padiretso sa sobrang laki niyang infinity pool sa likuran ng mansion. Naka-connect 'yon sa sala niya kaya paglakad mo sa maliit na espasyo ay para ka na ring lumalakad sa tubig.
Natutuwa ako kaya naman binaba ko muna 'yung hawak ko sa lamesa malapit sa akin. Pumunta ko sa gawing dulo ng pool para tumambay. Mukhang tulog pa naman siya, e. Ayoko namang makaistorbo. Besides, dapat nga day off ko ngayon.
"Ito na lahat?" nakataas kilay niyang tanong.
Napaharap ako. Dismayado ang mukha niya habang nakakunot ang nuo na nakatingin doon ngayon.
Ano bang tingin niya sa akin? Private investigator?
"Yes, sir. 'Yan lang lahat ng nakalap ko tungkol sa kanya."
"Seriously, Ms. Cruz. Halos lahat 'to alam ko na."
"Sir, kung gusto niyo po ng mas maraming info tungkol sa kanya. Pwede po tayong mag-hire ng private investigator. 'Yan lang po kasi 'yung kaya ng powers ko."
"Powers?" Ngumisi siya. "Eh, lahat 'to mukhang sa social media mo lang nakuha." Alam mo naman pala, e. Saan pa ba ko kukuha?
Mabilis kong sinundan ng tingin 'yung folder nang ibagsak niya na lang 'yon sa lamesa. Hindi ako natulog kagabi para lang makuha lahat ng 'yon tapos ganyan lang?
"Ms. Cruz, kung hindi mo pala kaya. Edi sana ikaw na mismo ang kumuha ng sinasabi mong private investigator."
Mukhang mainit ang ulo niya.
"Pero hindi niyo naman po 'yon inutos."
"Three years na kitang secretary. Kailangan ko pa bang iutos lahat sa'yo?" mataray niyang tanong bago uminom sa tasang hawak niya ngayon. Lumakad siya palapit sa akin. Napatingin ako sa mga paa niya nang mabasa 'yon ng tubig. "Ms. Cruz, ikaw ang nagsabing tutulungan mo ko."
"Alam ko, sir. Ako na pong bahala. By monday, bibigyan ko po ulit kayo ng bagong infos." Dismayado akong yumuko, sinusungitan niya pa rin ako kahit nagmamagandang loob na ko. Two days lang ang off ko, pahinga! Pasalamat nga siya at pumapasok ako para lang gawin 'yon.
"Good."
Nayamot ako. Pagkayuko ko, nilampasan ko na siya pero dahil maliit ang daan ng pool, nadulas ako at nasalo niya. Nakakahiya. Nakakahiya. Lumugay ang buhok ko kasabay ng pagyakap niya sa akin palapit sa kanya, nakataas ang isang paa ko at nakatitig ako ngayon sa mga mata niya.
"S-sorry po." Mabilis akong umayos ng tayo.
Hindi naman na siya nagsalita pa. Siya ang unang tumalikod sa amin at pinagpatuloy ang pagkakape niya sa dulo ng pool.
"Aalis na po ako," ulit kong paalam sabay yuko. Hindi niya ko hinarap. Mukhang disappointed talaga siya sa akin ngayon.
Tulad ng plano, humanap ako ng makakatulong sa akin para kumalap ng information tungkol kay Liam Wang. Hindi ko alam kung ano pa bang gusto niyang malaman pero dahil nagsusungit siya, sinusunod ko na lang. Baka mamaya magbago pa ang isip niya tapos ako ang tanggalin.
"Mataas ang expectation ko sa'yo, Ms. Cruz."
Napapikit ako habang nakayuko.
"The information you provided and this one." Madiin niyang tinuro 'yung folder na nasa harapan niya. "Is almost the same."
"Sorry, sir. H-hindi ko alam na hindi pala 'yon magaling."
"I will do it myself." Tumayo siya na ikinabigla ko. Bukod sa puso kong napatalon, pati katawan ko sumama.
"Sorry, sir." Pasimple ko siyang pinagmasdan na lumalabas ngayon ng office niya. Kinabahan ako. "Akala ko katapusan ko na." Napahawak ako sa dibdib ko.
Buong linggo niya kong hindi pinansin. Wala lang naman sa akin 'yon pero hindi ko maiwasang mag-alala. Siguradong nalaman niya na 'yung tungkol sa proposal ni Liam Wang sa Vanessa niyang maharot.
"Bakit ko ba kasi siya prino-problema?" Inis akong sumaldak sa may bench.
Malamig ngayon ang panahon lalo na't magpapasko. Sobrang dami ng christmas lights sa paligid. Itong buong park? Nakakatuwang tingnan sa sobrang liwanag.
"Hi."
"Ako ba?" Pinasadahan ko siya ng tingin. Pwede na rin. May itsura at matangkad.
"Open minded ka ba?"
Napapikit ako bago inis na tumayo.
"Teka, miss!"
Akala ko jowa na. Kailan ba ulit ako magkaka-boyfriend? "'Yung hahawakan 'tong mga kamay ko dahil sa sobrang lamig tapos ipapasok sa jacket niya. Lalakad kami dito at kakain sa gilid-gilid." Nangangarap na naman ako.
Napatingin ako sa kamay kong bigla na lang may humawak. Sobrang laki ng kamay niya kumpara sa akin, sobrang init din.
"Sebastian." Gulat ko siyang tinignan.
"Ang lamig. Sa akin na lang muna 'yung kamay mo," seryoso niyang sabi habang nakatuon pa rin sa daan ang tingin.
Napasampal ako sa sarili ko habang titig na titig sa kamay kong wala namang kahawak ngayon.
"Nababaliw ka na talaga, 'no? Bakit mo naman siya biglang pinagpantasyahan?! ANAK NG—INIT!" gulat kong hiyaw. Tinawanan niya ko at binawi ang nilagay niya kaninang kape sa kamay ko. "S-sir.."
"Hindi ka dapat naglalakad mag-isa sa gabi. Kaya nga binigyan kita ng sasakyan."
"Bakit po kayo nandito?"
"Nag-iisip-isip?" alangan niyang sagot at muling inabot sa akin 'yung kape. Mukhang okay na siya ngayon. Hindi na masungit at tumatawa pa. Tapos pinapansin pa ko! Teka? Hala! Nagde-daydream ba ulit ako?! Gabi na, ah!
"Bakit ikaw? Bakit gabi na nandito ka pa?" bigla niyang balik ng tanong. Umiwas agad ako ng tingin sabay higop sa kape. "Oh! Mainit pa!" Kinuha niya ulit sa akin 'yon.
Ano bang ginagawa mo, Ariel? Nakakahiya ka na!
"Sometimes I think you're crazy." Tinawanan niya ko habang umiiling sa itsura ko ngayon.
"Crazy?"
"Yeah." Maganda siyang ngumiti, bigla na lang akong napatitig at tumibok nang mabilis 'tong puso ko.
"Nababaliw na ko," inis kong bulong. "Mukha ngang baliw na ko." Harap ko sa kanya.
Inihatid niya ko sa bahay pagkainom namin ng kape. Nagtataka na ko sa kanya. Lagi na lang siyang ganito. Minsan masungit siya pero madalas nakaka-inlove siya. I MEAN, mabait! Tama, madalas mabait siya.
Napatango-tango ako habang kunsumidong humihiga sa kama. Sabado kinabukasan kaya naman nakatulog ako nang mahaba. Wala akong planong gawin ngayong araw. Nagkalutkot lang ako sa cellphone ko habang nakikinig sa kanta ni Bruno Mars.
"I'm gonna kick my feet up, then stare at the fan. Turn the TV on, throw my hand in my pants. Nobody's gon' tell me I can't, no!"
Bwisit na Vanessa 'yan. Sino na naman 'tong kasama niya sa litrato? Pinapahirapan ako ng babaeng 'to, e.
"Hay, bahala siya. Siya naman na raw ang bahala." Inis kong binato ang cellphone ko. "I will do it myself," panggagaya kong sabi.
Mas nilakasan ko pa 'yung volume ng speaker ko para lalo akong makapag-relax.
"Today I don't feel like doing anything. I just wanna lay in my bed. Don't feel like picking up my phone, so leave a message at the tone. 'Cause today I swear I'm not doing anything! YEAH!"
Napatingin ako sa cellphone ko nang tumunog 'yon. "Hindi mo ba ko narinig?! Don't feel like picking up my phone, so leave a message at the tone!" ulit kong kanta. "Bwisit! Bakit ayaw mong tumigil? Ahm, hello, sir? Yes po?" gulat kong sagot.
Mabilis akong nagbihis ng formal attire para pumunta sa bahay ni Sebastian. Hindi niya sinabi ang dahilan pero pinapapunta niya na naman ako. Ang hirap ng ganito. Noong may girlfriend naman siya hindi ko 'to naranasan. Mukhang kailangan na talagang bumalik ng bruhang 'yon.
"Ay, kabayo! Ayos ka lang?!" sigaw ko kahit hindi ko pa nabubuksan 'yung bintana ng kotse ko. Dali-dali akong bumaba para tingnan 'yung lalaking muntik ko ng masagasaan. "Ayos ka lang ba?!"
Nakatitig lang siya kaya nag-alala ko.
"N-nakita ko naman hindi ka tumama, 'di ba?! May masakit ba sa'yo?!" Nanlalaki na ang mga mata ko. "Tutulungan kita." Inakbayan ko siya para tulungang tumayo.
"Ayos lang ako. Sorry, hindi ko kasi napansin 'yung stoplight."
"Sorry din. Nagmamadali kasi ko."
"Okay lang." Tumawa siya at binawi na ang kamay niyang inakbay ko sa akin kanina. "Dan."
"Done?"
"Oo, name ko. Dan."
"Ah!" Sinundan ko ng tingin 'yung kamay niyang nilalahad ngayon. "Alis na ko." Mabilis akong sumakay ng kotse.
"Teka, anong pangalan mo?"
"Sorry, nagmamadali ako." Nginitian ko siya bago patakbuhin nang mabilis ulit 'yung kotse.