PROLOGUE
"Kailangan mo kong tulungan," saad niya bago diretsong tumingin sa mesa ko. Mabilis akong tumayo dala ang tablet ko para lapitan siya.
"Ano pong kailangan niyo?" tanong ko kahit alam ko naman na kung bakit. Mukhang problemado na naman kasi siya kay Vanessa, ex-girlfriend niya. Kahihiwalay pa lamang nilang dalawa at kahit pa gano'n ay siya na lang yata itong hindi maka-move on.
Sa tatlong taon ko bilang sekretarya niya ay mabilis ko nang nababasa ang mga kinikilos niya bukod doon . . . alam ko rin ang lahat ng sikreto niya. As in, lahat!
His name is Sebastian, walang aplido basta ang pagkakakilanlan niya lang ay Sebastian. Masyado siyang misteryoso sa mata ng karamihan dahil sa angkin niyang charisma at pagkasupladong ugali. Walang kahit sino ang basta-basta na lang nakakatingin sa kanya lalo na sa mga mata niya dahil isang maling tingin mo lang ay kaya niyang gawing miserable ang buhay mo.
Lahat ay takot sa kanya at bakit naman hindi? Siya lang naman ang may-ari ng pinakasikat na super hotel sa buong bansa at hindi lang 'yon, pagmamay-ari niya rin ang maiituring na pinakamalaking kumpanya ngayon sa bansa.
Ako lang ang pinagkakatiwalaan niya dahil wala na siyang itatago pa sa akin. Alam ko na ang lahat sa kanya. Kung sino ba talaga siya o kung saan siya nagmula. Nilakihan niya pa nga ang sahod ko para lang hindi ako magsalita sa iba at hindi lang 'yon, binigyan niya pa ko ng sarili kong kotse na libre. Ang susyal, 'di ba? As if namang kapag nagsumbong ako o nagkalat ng kwento ay may maniniwala.
"Hindi ko na alam ang gagawin. Nauubusan na ko ng idea," pabulong niyang sabi at kunsumidong sumandal sa upuan niya. Mukhang tense na tense talaga siya at nilalaro niya pa ngayon ang mga kamay niya.
Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong sabihin. Hindi ko siya ma-gets.
"Kapag nawala siya nang tuluyan. Mamamatay ako." Bigla siyang tumayo na ikinagulat ko. Kinalampag niya nang malakas ang lamesa at napaatras ako nang tumitig siya nang matalim sa mga mata ko.
"K-kung gano'n... A-ano pong maiitulong ko?" garalgal kong tanong dahil sa nakakatakot niyang mukha.
"Kailangan mo kong tulungan na balikan niya ko. Alam kong mahal niya pa ko at siguro, nagulat lang siya. Hindi ko na dapat sinabi pa sa kanya 'yon." Nababaliw na yata siya. Umiikot-ikot na siya ngayon sa harapan ko habang nakahawak ang magkabilang kamay sa ulo niya.
Bakit kasi sinabi niya? Sinong matinong babae ang hindi magugulat doon? I mean, syempre bukod sa akin. Masyado na kong immune sa ganyang bagay kaya hindi na ko nagulat noong nalaman ko.
Isa siyang merman. Oo, tama kayo ng basa. Si Mr. Sebastian na isang sikat na bilyonaryo ay isang sirena, kalahating tao at kalahating isda.
Hindi ko alam ang buong istorya niya pero isa lang naman ang alam ko. 'Yang Vanessa na 'yan? Ginagamit niya lang naman si Sebastian para sa mga luho niya. Hindi ko nga alam kung totoo bang mahal niya 'tong baliw na 'to.
"Siya ang dahilan kung bakit nandito ako." Humarap siya sa akin pero nakakunot pa rin ang nuo. "Kapag nagmahal siya ng iba. Titigas itong puso ko at unti-unting madudurog na parang buhangin sa dagat."
"Pero..." "Ayoko pang mamatay! Hindi pa ngayon!" Balisa na siya at mukhang ang gusto niya lang ngayon ay pakinggan ko ang mga kabaliwan niya.
"Anong gagawin ko?" parang baliw niyang tanong.
"Relax ka lang. Tatlong araw pa lang naman kayong hiwalay. What's probably can go wrong? Right?"
What's probably can go wrong?
Tatlong araw pa lang silang hiwalay at hindi ako makapaniwalang sa tatlong araw na 'yon ay iba't ibang lalaki rin ang nakakasama niya. Darn it!
Hindi ko kayang huminto kakatingin sa phone ko sa sobrang kaba. Kahit kasi selfish, mayabang at walang pakiramdam 'tong si Sebastian ay totoong minahal niya naman si Vanessa. Paano niyang nagawa 'yon? Nilangoy pa ng lalaking 'to ang karagatan at iniwan ang lahat doon para lang sa kanya.
Lahat naman tayo ay nagugulat, right? Pero bakit kakaiba naman ang pagkagulat nitong si Vanessa?
"Good morning, Sir Sebastian." Kabado kong tayo kasabay ng pagtago ko ng phone sa likuran ko.
Sana ay hindi niya pa nalalaman or else baka kailanganin ko ng humanap ng trabaho.
Nagulat ako nang hindi niya ko pansinin. Tuloy-tuloy lang siya sa paglakad suot ang isang blue na tuxedo with no tie. Nag-second look pa ko para makita kung tama ba ang pagkakakita ko. Lagi kasi siyang naka-itim na tuxedo at maayos na necktie.
Nakakapanghinala lalo na noong sumaldak na lang siya basta sa upuan. Alam niya na kaya?
"Miss Cruz, come here." Ang lamig ng tono niya kaya nag-panic na ko at mabilis na lumapit.
"Sir." Kabado kong ngumiti at napatitig sa mga mata niya. Napaawang ako ng labi sa sobrang gulat.
"You see?" kunsumido niyang tanong at mas nilapit pa ang mukha niya sa akin.
"Anong nangyari?" namamangha kong bulong.
Napakaganda ng kulay blue niyang mga mata. Sa isang tingin mo pa lang ay para ka ng nakatingin sa karagatan.
"You must help me fix it," seryoso niyang utos.
Hindi ko alam kung tatango ba ko o ano... Ano naman kasi ang alam ko doon? Paano ko siya tutulungan sa ganitong sitwasyon? Eh, siya nga lang ang kilala kong merman.
Nahihilo na ko sa pag-ikot niya lagi sa harapan ko. Kung ako lang si Poseidon ay baka binawi ko na ang mga paa niya para maglubay na siya sa paglakad.
Ako ang nakukunsumi sa kanya. Kung hindi lang talaga malaki ang sahod ko ay baka matagal ko na siyang iniwan.
"May balita ka na ba sa kanya?" tanong niya na ikinahinto ko sa pag-iisip. Nakangiti akong umiling nang mabilis at mabuti na lang ay naniwala siya.
*****
"With most of our blue planet covered by water, it's little wonder that, centuries ago, the oceans were believed to hide mysterious creatures including sea serpents and mermaids. Merfolk (mermaids and mermen) are, of course, the marine version of half-human, half-animal legends that have captured the human imagination for ages. (Livescience.com)"
"Mom, nandito na tayo!" tuwang-tuwa kong hiyaw habang hinihila ang damit niya para pabuksan ang bintana.
"Sandali lang." Natatawa niyang pagpapahinto sa akin. Pinatay niya ang radio at pinagbigyan ang gusto ko.
"Excited na po akong makakita ng mermaid!" Hindi ko na mapigilan ang tuwa ko kaya nang ihinto niya ang sasakyan ay bumaba agad ako at tumakbo palapit sa dagat.
I love the sea! I love everything about it, the glittering sight of it and the warm breeze of air.
"Bilisan mo, mom!" nakangiti kong sigaw kasabay ng pagkaway ko mula sa malayo.
"Be careful, sweetie!" nakatawa niyang sigaw pabalik.
As my vision blurred, kasabay din no'n ang pagmulat ng mga mata ko. "Nami-miss na kita, mom," bulong ko sa hangin habang nakatitig sa kesame ng kwarto ko.
Kinuha ko sa gilid ang cellphone ko para makita ang litrato na kasama siya. Ayokong makalimutan ang mukha niya.
Alas-tres pa lang pero alam kong hindi na ko makakatulog ulit kaya bumangon na ko at nagluto ng umagahan.
My name is Ariel Cruz, that's right Ariel like the name of that little mermaid, who exchanges her tails for the love of her life. My Mom is obsessed with them. Lots of research and collections regarding that mystical creatures.
Sigurado ngang magiging masaya siya kung naabutan niya si Sebastian.
"Ano 'yon?" Gulat kong baling ng tingin sa paligid.
Hinawakan ko agad ang kawali at naghintay ng isa pang ingay bago lumakad palabas ng kusina. Dahan-dahan akong lumakad at ngayon ay patuloy din ang kaluskos ng hindi ko malaman.
"Anong ginagawa mo dito?!" sigaw ko.
Muntik ko na siyang mapatay gamit 'tong kawali kung hindi lang siya humarap.
Nakuha niya pang tawanan ako habang tinataas ang mga kamay sa ere. Siya si Noah, my ex-fianće. Niloko niya ko kasama ang best friend kong si Natalie. I trusted the two of them but they ended up cheating on me behind my back and that's hurt.
"Bakit ba bigla ka na lang pumapasok dito?! Alam mo bang muntik na kitang mapatay?" Nagpamewang ako at bumalik naman siya sa paghila ng isang malaking maleta.
Nag-explain lang siya sandali at hindi na rin pinahaba pa ang usapan. Tuloy-tuloy siya sa paglabas ng bahay at yumakap pa bago magpaalam.
"Don't miss me." Ngisi niya at ang sarap niyang upakan ngayon pero ngumiti na lang ako. Baka kasi masaktan lang ang kamay ko kapag inupakan ko siya sa kapal ng mukha niya.
"Who is that?" tanong ni Sebastian. Wait? Sebastian?
Binalikan ko ulit siya ng tingin sa sobrang gulat. Wala pang araw pero nandito siya ngayon sa harapan ng bahay ko.
Ngumiti pa siya ngayon at mukhang naghihintay ng sagot ko.
"Sir, ano pong ginagawa niyo dito?"
"'Di ba sinabihan na kitang 'wag kang magpo kapag kausap mo ko? Mas matanda ka pa ngang tingnan sa akin," mataray niyang sagot at walang paalam na pumasok sa bahay ko.
"Okay, pero bakit ka nga nandito? SIR?" Nilakihan ko siya ng mga mata habang hinaharang. "At ano 'yan?" Tinuro ko ang pananamit niya na ngayon ko lang nakita. Nakasuot siya ngayon ng blue simple shirt, shorts at rubber shoes. Para lang siyang nakapambahay para sa ordinaryong tao.
"I want to give up being a billionaire," parang wala lang na sagot niya kaya napanganga ko. Mahina naman siyang tumawa sa itsura ko at nilihis ako para makapag-ikot sa sala.
Natauhan ako at humabol. "Bakit? Gano'n-gano'n na lang 'yon?" Pangungulit ko.
"I want to free myself, Ariel. You know, if I will be dead in a year or months or days dapat lang na mag-enjoy na ko, right?"
"Ariel?" Hindi talaga ako makapaniwala sa kanya ngayon. So, first name basis na rin kami ngayon? At mukhang desidido siyang iwan na naman ang dati niyang pagkatao. Para ko siyang hindi boss ngayon.
Hindi talaga siya typical na Sebastian.
Ano na naman bang iniisip niya? Hindi siya pwedeng sumuko! Paano na lang ang trabaho ko?!
"Sino bang nagsabing mamamatay ka?" Pagsunod ko ulit sa kanya.
"Alam kong nakita mo na ang mga post niya. There is no doubt that she will-" "Of course, she will come back for you. Don't give up," nabigla kong pagsabat sa sinasabi niya. Tinignan niya ko nang matalim kaya umiwas agad ako ng tingin.
"I'm surprised that you have a boyfriend." Nakaturong pagpansin niya sa picture frame namin ni Noah.
"I don't . . . not anymore," ilang kong sagot sabay kuha ng picture frame at nilagay 'yon kung saan nararapat, sa basurahan.
"I see." Ngumiti lang siya nang sumulyap sa itsura ko.
Inayos ko ang mukha ko at tinignan siya ulit nang seryoso. "Ganyan kang gumalaw ngayon. Ibig sabihin hindi kita boss ngayon?"
"Sinabi ko na sa'yo na titigil na ko. So, yes, I'm not your boss right now," nakangiti niyang sagot kaya walang alinlangan ko siyang tinadyakan sa binti. "Ms. Cruz!" Mukhang nagalit siya.
"Ano?" Kunyaring pagtataray ko. "Bahay ko 'to at hindi kita boss kaya pwede kong gawin ang gusto ko."
"What?!"
"Mataas ang tingin ko sa'yo bilang boss ko pero ngayon? Bagay lang sa'yo 'yan."
"Galit ka ba talaga dahil pababayaan ko na ang kumpanya o dahil binanggit ko ang ex mo?"
"Bakit kasi susuko ka na? Ang tagal mong pinaghirapan 'yon. Hindi madaling mabuhay at maging successful katulad mo pero dahil lang sa Vanessa na 'yon ay susuko ka na?"
"You see? This is me now, Ms. Cruz. I'm started changing and I don't know how long I got! Anong gusto mong gawin ko? Ilaan ang natitirang oras ko sa pakikipag-usap sa mga walang kwentang tao?"
"You know what? You can't just leave us like this." Pakikipagtalo ko.
"Then you should take over," mabilis niyang sagot na ikinagulat ko na kahit sa panaginip ay hindi ko inaakalang kaya niyang sabihin nang ganyan kadali. Para niya lang akong binibigyan ng isang candy.
"Kahit ganito ko. Alam ko kung saan ako lulugar. Hindi ko 'yon pinaghirapan at ayokong sumuko ka na lang. Tutulungan kita para bumalik siya sa'yo."
"Hindi mo na kailangang gawin 'yon. Pinaplano ko ng subukang makabalik sa totoong mundo ko." Mahinahon na siya ngayon at seryoso kong tinitignan.
"Susubukan? Hindi ba muntik ka na dating mamatay noong huli mong subok?"
"Don't worry. If I stay or not, there is no difference. I'm still gonna die." Mapait siyang ngumiti at walang ganang umupo habang tulirong nakatitig sa kawalan.
"Bigyan mo ko ng isang buwan. Tutulungan kita." Seryoso kong pamimilit. Bumaling siya ng tingin sa akin kaya pinilit kong ngitian siya. "One month." Pag-ulit ko.
"Okay, one month."
"Hindi naman matagal 'yon, 'di ba?"
"Mukhang gusto mo talagang pagpaguran ang pagpalit sa posisyon ko..."
"Hindi kita tutulungan para doon. Ayos na kong maging secretary lang basta hindi mo bababaan ang sahod ko," ilang kong sagot sa pagtingin niya. Tumawa naman siya at umiling pa na parang hindi kumbinsido kaya tinalikuran ko na siya at bumalik sa niluluto ko.