CHAPTER 7

1565 Words
"Bakit dito?" "Bakit?" Taka ko siyang tinignan habang hawak ko ang dalawang maleta ko. "Bawal ba dito? Sabi mo kasi kahit saang room pwede ko." "Oo nga, pero ito 'yung pinakamaliit na kwarto dito. May mas malaki pa sa itaas." "Maliit pa 'to para sa'yo?" bulalas ko sabay tingin sa buong kwarto. Sobrang luwang, kumpleto ang gamit sa loob at bukod sa kama, may couch pa sa isang gilid. Tapos maliit lang 'to para sa kanya? "Doon ka sa itaas." Kinuha niyang bigla ang hawak kong dalawang maleta. "Teka!" Hindi niya ko pinansin at patuloy na umakyat. Huminto kami sa kwarto na katapat ng sa kanya. "Dito ka." Binuksan niya ang pinto kaya napanganga agad ako. Kusang lumakad ang mga paa ko papasok habang tinitignan ang buong lugar. Sobrang luwang at may malaki pang balcony. "Para na kong may isang condo sa laki. Kulang na lang kusina." Turo ko sa isang gilid. "Mas malaki pa kaysa sa kwarto sa ibaba 'tong CR!" Lalo akong napahanga. "Marami kong kailangang asikasuhin. Kaya mo na sigurong mag-ayos." "Sure ka bang patitirahin mo ko dito tapos libre lahat?" Mabilis akong lumapit bago siya lumabas. Huminto naman siya at tinignan ako. "Yes, nasa kontrata 'yon." "Ah, oo nga pala." Tumalikod ako nang duda niya kong tinignan. "Hindi mo ba binasa lahat?" "Binasa." Harap ko. "Ano. . .medyo nakaka-amaze lang haha." Umalis na siya kaya mas nalibot ko pa ang kwarto. Umupo muna ko sa malambot na couch bago tanawin ang labas gamit ang sarili nitong balcony. May mga bulalak ding tanim dito na nakapaikot sa grills. Napakaganda. Para kong nasa sarili kong palasyo. "Magiging akin lahat 'to kapag namatay siya?" Napaisip ako sabay tingin sa pintuan na pinag-alisan niya kanina. "Hay, hindi ko tuloy alam kung anong dapat kong maramdaman no'n. Iiyak ba ko o matutuwa kapag namatay siya? Tsk, bad, Ariel. Syempre, iiyak ka. . .sa tuwa?" Napatawa ko. "Ah, basta. 'Wag na 'wag ka lang mahuhulog sa kanya kahit mabait pa siya sa'yo. Malapit na siyang mamatay at may iba siyang mahal. Nag-iisa lang 'yon kaya 'wag mong sasaktan 'yang sarili mo." Suminghap ako ng hangin bago magpatuloy sa pagtingin sa buong kwarto. Nine na ko ng gabi nayari sa pag-aayos. Konti lang ang gamit kong dala, kaso kasi si Simon. Bigla na lang siyang sumulpot at may mga paperbag na inabot sa akin. Sobrang dami, dress, night gown, shirt, shorts, pants, shoes at make-ups. Bigay daw ni Sebastian. Sa tingin ko tuloy 'yung pagngisi kanina ni Simon. May iba ng meaning. Sa tingin ko, pinag-iisipan na niya kami ng iba. Umalis din siya pagkapanik ng mga gamit. Kahit kailan wala pang pinag-stay nang matagal dito si Seb, ako lang. "Okay, so simulan na natin ang pagluluto." Pinagmasdan ko ang maluwang niyang pantry. Nakakatuwa para kong nasa mall. Isda lang ang kulang. Nagluto ako ng adobong manok, nagustuhan niya 'to noong nakaraan kaya inulit ko. Tapos naggawa rin ako ng cabbage salad para sa side dish. Saka mashed potato para bongga. "Seb, kain na!" sigaw ko. Wala siya kahit saan kaya dali-dali akong pumasok sa kwarto niya. "Asan na 'yon?" Napakunot na ko ng nuo. "Anong ginagawa mo dito?" tanong niya kasabay ng pagbagsak ng mga braso ko. "W-wa-wa-wala kang su-su-suot." "Hindi ba dapat lumalabas ka na ngayon?" Tinaasan niya ko ng kilay. Napatakip ako ng bibig habang tumatakbo palabas ng kwarto niya. "Ang init." Pinaypay ko agad ang mga kamay ko. "Next time, 'wag kang basta-bastang pumapasok sa kwarto ko. Private space ko 'yon at binigyan din naman kita ng sa'yo, 'di ba?" papaupo niyang sabi. Nasira niya yata itong utak ko. Ayaw ng mag-process. Ano ba 'yung nakita ko? Napatapik ako ng mukha na ikinatingin niya. "Next time, Ariel. Kumatok ka muna." "Next time?" hinang-hina kong sabi. "Wala ng next time. Hinding-hindi na ko papasok do'n." Tumawa siya kaya napatingin ako. "Ang pilyo mo, 'no? Nakita ko na lahat ng sa'yo tapos tinatawanan mo lang ako? Dapat nga magalit ka." "Well, I don't care. Wala naman akong dapat itago. Lahat sa akin perfect." Mayabang siyang ngumiti. "Aaiisst.. Ang sarap mong batukan kahit one time lang.." inis kong bulong bago kumuha ng kanin ko. Pagkatapos naming kumain. Bored akong lumusong sa may pool. Sakto lang 'yung lamig ng tubig tapos ang ganda pang magpalutang habang nakatingin sa malaking buwan. "Ahh!" sigaw ko nang may bigla lumusong. "Seb!" Tinawanan niya ko habang nagpupunas ako ng mukha. "Marunong ka palang lumangoy." "Hindi masyado. Lutang-lutang lang." Ginaya niya ko sa pagtingin sa buwan. Pero alam niyo, hindi na ko makapag-concentrate kasi mas maganda 'yung kinang ng buntot niya kaysa sa buwan. "Seb, magagalitin ka ba kapag sirena ka?" "Ha? Anong klaseng tanong 'yan?" "Anong gagawin mo kapag may humawak sa buntot mo?" tanong ko. "Bakit? Hindi ko naman hahawakan. Tinanong ko lang." Pagmamaang-maangan ko habang nakaiwas ng tingin. "Ilulunod ko 'yung hahawak sa buntot ko." Naniningkit ang mga mata niya sa akin. "Edi okay! Ba't ganyan mo kong tingnan?! Hindi ko naman hahawakan!" Lumayo na ko para hindi ako malunod. Langoy aso pa naman 'yung alam ko. Walang-wala ako sa katulad niyang isda. "Nakakatuwa ka talaga, 'no?" "Dinala mo lang yata ako dito para may tinatawanan ka." "Gusto mong hawakan 'yung buntot ko?" Mas lumapit siya sa akin kaya nawala ako sa paglutang. Hinawakan niya ko sa bewang at muling itinaas. Napakapit tuloy ako sa magkabilang balikat niya habang naghahabol ng hininga. "Okay ka lang?" "Sabi ko naman sa'yo hindi ako gano'n kagaling tapos lumapit ka pa! Umalon tuloy!" "Nagagalit ka ba sa akin? This is my pool, my property." "Edi uuwi na lang ako." Binusangutan ko siya. "Nagbibiro lang ako." "Kailan ka pa natutong magbiro?" Taas-baba kong nilapitan siya sa mukha. "'Wa-wag mo kong tingnan nang ganyan," ilang kong reklamo dahil sa pagkabog ng dibdib ko. Seryoso ang mukha niyang nakatitig sa akin. Hindi ko rin naman maalis ang tingin ko dahil sa mga mata niyang napakagandang tingnan. "Mas maganda pala 'yung mga mata mo sa malapitan," wala sa sarili kong bulong. Bigla niya na lang akong binitawan na ikinataranta ko. Kumawag-kawag agad ako sa tubig hanggang sa makarating ako sa gilid. "Napakasama mo!" inis kong sigaw habang humihinga-hinga. Nakatingin lang siya sa akin, seryoso pa rin at akala mo robot na do'n. "Anong nangyayari sa'yo? Mamamatay ka na ba?" tanong ko at bigla na lang siyang tumalikod. "Ang bastos talaga. Kinakausap tapos tatalikod. Hay, kung hindi lang kita boss." Umahon na ko. Nandoon pa rin siya kahit noong nakaligo na ko at nakapagbihis. Hindi siya gumagalaw kaya lumapit na ko. Lumakad ako sa bingit ng pool hanggang sa dulo para tingnan siya. Hindi talaga gumagalaw 'yung mokong. Patay na ba? "Hoy, Seb! 'Wag kang nananakot nang ganyan, ha! Patay ka na ba?!" Bigla siyang dumilat kaya napaupo ako. "Matulog ka na. Bukas pagkayari ng meeting, aalis tayo," parang multo niyang sabi habang umaahon. Nagtakip siya ng tuwalya tapos bigla na lang lumiwanag nang sobrang lakas. Naging paa 'yung buntot niya at lumakad na siya papuntang kwarto. Kung nandito si Mom, sigurado kong tuwang-tuwa na 'yon at baka siya 'yung mailunod ni Seb dahil makulit 'yon, e. Tatanganan niya talaga 'yang buntot ng isdang 'yan. "Hay, sana nandito ka na lang, mom. Sure akong matutulungan mo siya kaysa sa akin." Napailing-iling ako habang tumatayo. Nabasa ulit ako kaya nagbihis ulit ako bago matulog. Nakakapanibagong matulog sa ganito kalaking kwarto, malaking kama at sobrang lambot din na kala mo marshmallow. Pagkagising, naligo agad ako. Gusto ko sanang gamitin 'yung jacuzzi kaso sa sobrang lambot ng kama. Late na kong nagising. Baka mapagalitan pa ko ni Seb. Ang dami kong damit na pamimilian ngayon. Talagang parang naging instant prinsesa ko. May mga alahas pa dito at relong mamahalin. Napili kong isuot 'yung bago niyang binigay. Red short dress saka ko pinarisan nung kulay pula ring heels na bagong bili niya. "Dapat kulot," suggest ko sa sarili kong buhok habang nakatingin sa salamin. Nagkulot ako habang namimili ng necklace na bagay sa suot ko. Pagkatapos ay relong silver naman ang sinuot ko. "Good morning, sir." "Hmm?" Nilingon niya ko habang nakahawak sa isang tasang kape. Bigla na lang siyang umiwas ng tingin kaya napanganga ko. "Bakit ang aga pero ang sungit mo na, sir?" "Let's go." Tumayo siya. He was wearing his typical look. Black suit with good tie. Sumunod na lang ako. Siya ulit ang nag-drive ng kotse at ako ang nasa passenger seat. Pagdating sa office, sobrang seryoso niya na. Hindi niya na ko kinakausap o tinitignan kaya tinuon ko na lang din sa trabaho ang atensyon ko. "Ms. Ariel, may naghahanap po sa inyo sa ibaba." "Sino raw?" Bumaba agad ako pagkasabi ng pangalan niya. 'Yung traydor na b***h na 'yon. Pati ba naman dito pumupunta. Paano na lang kung makita niya si Seb?! "Hi, best!" Kinawayan niya ko at lumapit pabeso sa akin. Nakipagplastikan na lang ako at bumeso rin pabalik. "Anong ginagawa mo dito?" "Wala lang, binisita lang kita kasi hindi mo ko nireplyan. I thought na super busy ka kaya pumunta na lang ako." Oo, busy nga ako. Pwede ka ng umalis. Hay, pwede ko ba 'yong sabihin? Hindi ba parang bastos? Teka, ano naman? Siya nga niloko ko. "Oh? Nandito rin 'yung boyfriend mo." Napalaki na ko ng mga mata. "Sebastian!!" sigaw niya. Mabilis akong napatingin sa paligid na nagulat sa pagsigaw ni Natalie. Takot silang umiwas nang si Seb na ang tumingin sa kanila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD