CHAPTER 6

1708 Words
"Kailangan po ng project na 'to ang approval niyo. By next month, sisimulan na nila ang construction." Tinignan ko siya na kanina pa tahimik na nakatingin lang sa akin. "At ito po, sir. Ito 'yung list ng bagong labas nating product. Nandito na rin po 'yung evaluation ng mga user natin–" "Anong oras ka umuuwi, Ms. Cruz?" "Po?" Napatingin ako sa kanya habang nakaturo pa rin sa papel. Hindi siya sumagot pero hindi niya pa rin inaalis ang tingin sa mukha ko. Nakakailang na. "Five thirty po." "Five thirty." Bumaling siya ng tingin sa relo niyang suot at tumango-tango. "Pero madalas po akong nago-overtime. Mga eight na kong lumalabas minsan." Ngumiti ako nang gulat niya kong tinignan. "Marami po kasi kayong pinapagawa sa akin." "I see." "So, balik po tayo sa mga files. Itong isa po–" "Tinatamad ako. Lumabas na muna tayo ng office." Bigla siyang tumayo at nagsuot ng jacket. "P-pero, sir.." utal kong sabi. "Kailangan na 'to ngayon," pagtuloy kong bulong nang lumabas na siya. "Ariel, ano pa bang ginagawa mo diyan? Hindi mo ba narinig ang sinabi ko? Let's go out," ma-awtoridad niyang sabi habang nakabukas sa pinto. "Yes, sir. Ayan na po." Mabilis kong sunod. "Good afternoon, sir." Yuko ni Ms. Lea. "Sir, pinabi–" Pinigilan siya ni Sebastian gamit ang pagmostra ng kamay. Dumiretso siya ng lakad kaya napangiti na lang ako nang alanganin kay Ms. Lea habang sumusunod kay Sebastian. Hinintay niya ko bago pindutin ang button sa elevator. "Anong ginagawa mo?" "Tinatawagan ko po si Simon para hintayin tayo sa labas." "Hindi na kailangan. Tayong dalawa lang ang lalabas ngayon," seryoso niyang sabi habang pumapasok sa elevator. "Ano raw?" bulong ko. Sinundan ko siya at takang tinignan na pumipindot ngayon sa button. "Ahm, regarding po pala kay–" "Didn't I already tell you? Don't use po on me." Lumapit siyang lalo na ikinalunok ko. "Okay, sir. Sorry, gumagalang lang kasi ko dahil nasa office tayo." "So?" Tinaasan niya ko ng kilay. "Boss kita?" "Pero mas matanda kang tingnan kaysa sa akin." He smirked. Napanganga naman ako. "Bastos 'to," inis kong bulong pagkalabas niya. Nakairap akong sumunod papuntang sasakyan. Nagulat ako nang siya ang sumakay sa driver's seat. Mukhang may nangyayari sa kanyang kakaiba. Mamamatay naba siya ngayong araw? "Bakit ba ang bagal mong kumilos? Sakay na." "Ayan na po." Muntik pa kong matisod sa pagsakay. Naabutan ko siyang nakangiti kaya napakunot naman ako ng nuo. May iba kong nararamdaman sa pag-aya niyang 'to. Mukhang may hindi siya gagawing maganda. "Bago ang lahat." Humarap siya sa akin at inakbay ang isang kamay sa ulunan ng upuan ko. "Ano po 'yon? I mean, ano 'yon?" Agaran kong pagbago dahil sa paniningkit niya. "May gusto kong papirmahan sa'yo." Ngumiti siya at may kinuhang folder sa likuran. "Ano naman 'to?" Binuksan ko 'yon pagkaabot niya. "Dahil gusto mong paghirapan ang pagkuha mula sa akin ng company at mga ari-arian ko. Naisip kong gawan ka ng kontrata." "Ba-bakit kailangan kitang samahan sa bucket list mo?" "Natural, you are my secretary." "Oo nga, pero wala 'to sa job description ko." "That's why I need your signature here and here." "Ano pa 'tong isa?!" "Para sa libing ko. Na nangangako kang kahit na anong mangyari, bibigyan mo ko ng magandang libing." "Wow, ha? Tanggap na tanggap mo na." "Ano bang hindi ko dapat tanggapin? Lagi kitang sinusundan sa bahay ni Vanessa. Ayaw niya na talaga sa akin." "Bakit mo kasi ko sinusundan?" "I can see your efforts, Ms. Cruz. But–" "Anong effort? Wala pa kong effort doon." Ngumiti lang siya at tinignan ako na para bang namamangha. "Kung sasamahan ko ng effort. Ipapa-kidnapped ko na 'yon para ipunta sa'yo. Sapilitan," proud kong sabi. "That's why I like you, Ariel. Kakaiba kang mag-isip kung minsan." Tumawa siya at pinaandar na ang sasakyan. "Gusto mo ba?" alangan kong tanong. "What?" "Na ipa-kidnapped ko na lang siya para sa'yo." Nakatawa siyang umiling. "Hindi na kailangan. Samahan mo na lang akong tapusin 'yan at magiging masaya na ko sa buhay ko." "Payag ka ng mamatay?" "May choice pa ba ko?" "Meron." Napayuko ako. "Kung iniisip mong sumusuko na ko sa plano natin. Hindi." Sumulyap siya sa akin nang nakangiti. "Pababagsakin pa rin natin 'yung kumpanya niya. Isasama natin si Vanessa." "Galit ka na sa kanya?" "Nope, hindi ko kayang magalit sa kanya. But it's your plan." Napabuga ko ng hangin. "Fine, pipirma na ko." "Good." "Walang bawian, ha?" "Of course, ikaw lang naman ang pinagkakatiwalaan ko sa lahat." Napangiti ako nang marinig 'yon. Masarap din pala sa feeling na kahit sinusumpa ko siya, pinagkakatiwalaan niya ko. "Do you trust me too?" "S-syempre naman." "Then let's do it." Ngumiti siya at bigla na lang in-open 'yung itaas ng kotse. Pinatakbo niya na 'to na akala mo siya F1 driver. "Sebastian, magdahan-dahan ka! Oh! Oh! Stoplight!!!" "Aabot tayo." Kalmado lang siya. "Ako yata ang unang mamamatay!!" "You said, you trust me, right?" Mukhang tuwang-tuwa pa siya. "Oo nga! Pero 'wag namang ganito!" takot kong sigaw. "Bakit tinanggal mo?!" Turo ko sa isang kamay niyang itinaas sa hangin. "Relax. Trust me." Kinuha niya 'yung kaliwang kamay ko at itinaas sa ere. Napupuwing na ko sa hangin, sobrang bilis namin at itong puso ko, aatakihin na yata sa sobrang kaba. "May truck!!" Napapikit ako at nagseryoso naman siya. Tumingin siya sa kanang side mirror at akala mo laru-laro lang sa kanya ang lahat. Nilusot niya 'tong kotse kahit pa masikip na ang daan kaya hindi ko na maiwasang mapakapit sa balikat niya habang tinatago ang mukha. Maya-maya pa, naramdaman ko ang pag-ayos ng hangin. Sumilip ako at nakita siyang nakangiti habang nagmamaneho. Ang gwapong isda. Nasayang lang sa maling babae. "Okay ka na? Nandito na tayo." Nag-park siya sa isang gilid. Malapit kami ngayon sa dagat. "Baba na. Diyan tayo kakain." Natauhan ako nang muli siyang ngumiti. Bumilis ang t***k ng puso ko habang umaalis sa pagkakakapit sa kanya. "Hindi ka ba natatakot dito?" biro kong bulong habang papasok kami. Isa itong seafood restaurant at kitang-kita mo mula sa isang salamin kung paano niluluto 'yung mga isda, crab at lobster. "Bakit ako matatakot? Tao ko." Ngumisi siya at naupo sa isang pwesto. "Anong kakainin mo?" Bumuga siya ng hangin at tinignan ako. "Bakit? Nagtatanong lang." "Nakakain na ko dito at meron silang masarap na beef." "Edi wow," bulong ko. Siya ang umorder para sa aming dalawa. "Gusto mo bang lumipat tayo do'n?" Turo niya sa labas ng restaurant kung saan tanaw mo ang karagatan. "Hindi na. Gusto mo ba?" "Yup." Tumayo siya agad. "Bakit tinanong mo pa ko? Gusto mo pala." "Dahil nabasa ko sa isang libro na dapat unang tinatanong ang mga babae dahil choosy kayo." Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya. Dumungaw agad ako sa dagat at nilanghap ang sariwang hangin. "Saan 'yung bahay mo diyan?" masaya kong tanong. "Bahay?" Tinaasan niya ko ng kilay. "Oo, diyan sa ilalim," mahina kong sagot sabay turo. "Wala kaming bahay." "Ngek! Ano 'yon? Palaboy-laboy lang kayo?" "Para sa aming malayo sa kaharian, oo. Minsan sumisilong kami sa mga tagong kweba kung sa'n umaabot din ang tubig dagat." "Wow, ngayon ka lang nagsalita ng ganyan kahaba tungkol sa'yo." "I need to keep my image, Ms. Cruz." "Teka nga!" Wala sa kamalayan kong hinawakan siya sa braso. Ang tigas. Napapisil ako bago mamalayang nakatingin na siya sa kamay ko. "Bakit ba pabago-bago tawag mo sa'kin? Kung Ms. Cruz, Ms. Cruz na lang. Kung Ariel, Ariel." "Then, Ariel." "'Yan mas okay." "Pwede mo na lang din akong tawaging Sebastian o Seb." "Seb?" "'Yan talaga ang pangalan ko sa ilalim. Seb," ulit niya. "So, dinugtungan mo lang?" "Si Vanessa... Mas maganda raw ang Sebastian, mas formal pakinggan kaysa sa Seb." "Talaga palang masunurin ka, 'no?" "Kay Vanessa. I can do anything for her." "Kitang-kita nga, e. Pinagpalit mo ba naman 'yung buntot mo para sa kanya." Ito na ba 'yung part kung saan pwede ko siyang interview-hin? Napangiti tuloy ako. "So.." Pinakiramdaman ko muna siya. Tumikhim ako sabay pasimple siyang pinagmasdan na ngayon ay nakatanaw sa dagat. "Saan ba kayo nagkakilala ni Vanessa mo?" "Sa dagat?" Tinawanan niya ko. "Ang funny mo palang kausap minsan, 'no? Ituloy mo lang 'yan." "Saan pa ba dapat? May buntot ako no'n, Ariel." Mapang-asar pa rin ang mukha niya. "Kaya ka iniiwan, e. Kapangit mong ka-bonding." Kunyari akong umirap. "Dali na... Saan nga?" "Sa dagat nga." "Paano?" "Secret," bulong niya sa mukha ko at lumakad na papunta sa table. Nandoon na rin 'yung waiter, hinihintay na kami. Nang matapos akong kumain. Binaba niya ulit 'yung folder. Sapilitan niyang pinabasa 'yon kahit ayoko. Ang haba-haba kasi. Nakakaantok, eh, siya rin naman ang masusunod. "So, what do you think?" Sinulyapan ko siya bago isara 'yung folder. Kunyari na lang binasa ko. "Okay lang. Sasamahan kita. Crinossed out ko na 'yung racing kasi ginawa mo naman na 'yon kanina." "No!" Inagaw niya sa akin 'yon. "Hoy, Sebastian. Hindi na ulit ako sasama sa'yo kapag nagpatakbo ka ulit nang gano'n kabilis," walang galang kong banta. "Edi manuod ka lang sa gilid." Para siyang batang nagtatampo at muling sinusulat sa ibabaw ng bura 'yung binura ko. "Sa sobrang dami niyan baka hindi ka na umabot." "Sa tingin mo?" Nagbibiro lang ako. Masyado namang seryoso 'to. Tinanguan ko na lang baka sa kaling bawasan niya. "Edi pipili na muna ko ng pinakagusto ko talagang subukan." "Sebastian, ikaw ba talaga 'yan?" "Huh?" Napatingin siya sa akin. "I mean, sa tatlong taon kong naging secretary mo. Kilalang-kilala na kita. Pero nitong bigla ka na lang mamamatay kamo. Bigla ka na lang nag-iiba." "What do you mean?" "Alam kong hindi mo pa nilalabas 'yung totoong ikaw." Mas lumapit ako sa lamesa. "Marami kong librong nakita sa office, sa bahay mo at sa sasakyan. How to be perfect? How to be a good boyfriend? Be a good man... Teka? Ano pa ba? Iisa-isahin ko pa ba para lang ilabas mo 'yung totoong ikaw?" Nginitian ko siya. "This is me, Ariel." Seryoso siyang sumandal. "Okay, sige. Baka lang kasi gusto mong magpakatotoo kahit minsan lang. Don't worry, hindi naman ako judgemental. At kung natatakot ka, okay, fine. Hindi kita pipilitin. Pero.." Huminto ako at nginitian siya. "Malapit ka na lang din namang mamatay. Enjoy yourself, Seb."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD