CHAPTER 8

1562 Words
"Ay, hindi yata tayo napansin." Ngiti lang ang sinagot ko sa kanya. Dismayado pa rin ang mukha niya habang sinusundan ng tingin si Sebastian. "Dito mo siya nakilala?" Bumaling sa akin ng tingin si Natalie. "Oo?" Bakit parang interesado na naman siya? "Tara, sundan natin siya. Ayain nating mag-lunch." Inayos niya muna ang palda niyang suot bago ako hinila papunta sa direksyon ni Sebastian. "'Wag na, busy siya. Tayong dalawa na lang." Nagpabigat ako. "Bakit naman? Walang busy-busy. Minsan lang, e." Muli niya kong hinila. Baka mamaya sungitan kami ni Sebastian. Hindi pa naman niya ko pinapansin mula kagabi. Agad kaming napansin ni Sebastian. Tinignan niya ko nang nakakunot ang nuo saka tinignan nang nakangiti si Natalie. "Hi," malanding bati ni Natalie na ikinatingin ko agad sa kanya. "Hindi mo ba kami napansin? Tinawag kita," dugtong niya pa na may kasamang palo sa braso nito. Napaubo ko. Kabang-kaba lalo na't may mga nakatingin. "Sorry, hindi ko kayo napansin. Busy kasi ko." "It's fine, basta sumama ka sa aming mag-lunch." Sa kanya na kumapit si Natalie. "Tara?" Tinanggal ni Sebastian ang braso niya. "Busy ko. Maybe next time." "Ohh? Sayang naman." Ngumuso siya. Nakakainis, nagpapa-cute ba siya kay Sebastian? Kasi hindi bagay. "So.." Napatingin kami sa nagsalita, maiksi pero medyo may pagkamayabang. Mula sa malayo rinig na ang mga takong niyang umaapak sa tiles. "I see. Hindi mo na pala ko kailangan." Ngisi ni Vanessa saka tinignan mula ulo hanggang paa si Natalie. "Bago mo?" Turo niya kaya napahawak na ko sa nuo. "Sino siya?" Nagtanong pa nga! Anong gagawin natin, Sebastian?! Ikaw ang may kasalanan nito! "Why are you here?" medyo masungit na tanong ni Sebastian kaya nahimasmasan ako at tinignan siya. Bakit parang hindi niya gustong makita ngayon si Vanessa? "I thought you needed me pero mukhang hindi naman na pala." Muli niyang tinignan si Natalie. Maganda at disenteng tingnan si Natalie kaya hindi na ko nagtataka kung nagseselos ngayon si Vanessa. Magkadugo naman sila, e. Alam niyo 'yon? Parehas na b***h, nakakairita at masarap ipatapon sa outerspace. Napalayo ako nang konti noong abutan ko ang tingin ni Sebastian sa akin. May gusto siyang ipahiwatig sa akin pero hindi ko maintindihan. "Aalis na ko." Umirap si Vanessa. Hinawakan agad ni Sebastian ang braso niya at walang kibong hinila palayo sa amin. Patay na ko ngayon. Pakiramdam ko talaga masisigang ako sa sobrang init na usapan. "Sino ba 'yon? Hinatak siya ng boyfriend mo. Hindi ka man lang magre-react?" "Sanay na ko." Ngumiti na lang ako. "Hay, galit ka pa rin ba sa akin? Hindi niya ko katulad ha!" nakaturo niyang sabi na mahina kong tinawanan. "Hindi nga kayo magkatulad kasi palihim kang gumalaw," inis kong bulong sabay ngiti nang mabaling na ko ng tingin sa kanya. "Busy talaga ko. Next time na lang. Baka pagalitan pa ko ng boss ko. Bye," tuloy-tuloy na sabi ko. Tumakbo na agad ako para hindi na siya makahabol. Nakakainis, parang malas yata ang araw na 'to. Hindi kami natuloy umalis ni Sebastian dahil bigla na lang siyang nawala. Mukhang nagkabalikan na sila. Saan na ko ngayon uuwi? "Buti naman nakasama ka sa amin ngayon. Lagi ka na lang busy." "Iba 'to, e. Masyadong hardworking. Wala pa namang asawa't anak." Tinawanan ko lang sila habang nagsasalin ako ng beer sa baso. "Kailan ka ba mag-aasawa?" tanong ni Klarize. "Naku, 'wag kang mag-aasawa. 'Wag mo silang pakinggan. Mas masarap 'yung ganyan lang wala kang iniintindi," maagap namang sabat ni Gina. "Ang tanong niyo dapat kasi kay Ariel ay kung naka-move on na ba siya.." Napatingin ako kay Hazel. Natahimik naman 'yung dalawa at titingin-tingin na lang sa akin. "Balita ko magpapakasal na sila. Naka-move on ka na ba?" Tinignan niya ko. Inubos ko muna 'yung laman ng isang baso bago sumagot. Ngumiti ako at mahinahong nagsalita. "To be honest, ayos naman na ko. Naka-move on na ko kay Noah... Pero sa ginawa nila, hindi pa." "Hay, hayaan mo na sila. Makakahanap ka rin." Tinapik ako ni Klarize. "Ang masama nga, twenty seven na ko pero wala pa rin akong mapalit kay Noah. Wala ba kayong kakilala diyan?" "Gusto mo 'yung pinsan ng asawa ko? Gwapo rin 'yon. Pero syempre mas gwapo 'yung asawa ko." "Ayos 'yon. Anong trabaho?" mabilis kong tanong sabay puppy eyes kay Gina. "'Yon lang, wala." "Eto, magrereto na lang pahihirapan pa 'tong isa. Edi si Ariel pa ang bumuhay do'n!" "Eh, bakit? Maganda naman 'yung work niya.. 'Di ba?" sabi niya sabay harap sa akin. Alangan akong napangiti habang tumatango. Muli akong uminom at napatingin kay Hazel na nakatulala sa akin. "May kakilala ko," bigla niyang saad. Tinanguan ko siya na magpatuloy. "Kaso mas matanda siya sa'yo ng dalawang taon. Bestfriend ko." "Okay?" "Kaso crush ko 'yon dati noong wala pa kong boyfriend," biglang bawi niya kaya napangiwi ako. "Pero kung magugustuhan ka niya. Pwede kitang ireto." "Hazel, pagkatapos mong sabihing crush mo kay Ariel tapos irereto mo. Para kang tanga. Aayaw na niyan si Ariel." "Gwapo 'yon. Gusto niyong makita?" Tuwang-tuwa niyang hinugot agad sa bulsa ang cellphone niya. Sumubo na lang ako ng karne, hindi na interesado dahil crush niya pala dati. Baka mag-away lang kami. Naisipan kong lumakad muna sa park para magpababa ng kinain. Masarap din palang makasama sa mga gano'n. Ngayon na lang ulit ako nagka-oras dahil puro utos si Sebastian. "Teka?! Saan nga pala ko uuwi?!" Tumigil ako sa paglakad habang nag-iisip. "Ayokong makaistorbo. Baka mamaya nandoon sila." "Ate, ate!" Kalabit sa akin ng isang batang babae. May hawak siyang mga rose habang nakataas at inaalok ako. "Magkano?" "Sa'yo na po." "Sa akin na?" Napakunot ako ng nuo nang bigla na lang siyang tumakbo pagkaabot sa akin. "Sinong may bigay?" Mabilis na umikot ang tingin ko sa paligid. Walang nakatingin dito. "One, two, three, four, five," bilang ko sa rose. "Magbibigay hindi naman magpapakita. Ano kaya 'yon?" "Ariel, tama ba?" Tinignan ko siya na may hawak ngayong dalawang soda. "Oo?" Naningkit ang mga mata ko. "Kilala ba kita?" "Dan." "Done?" Tumawa siya. "Kako, Dan ang pangalan ko. Lagi mo na lang inuulit." "Ahhh!!" Napanganga ko. "Hindi pa rin kita matandaan," mabilis na seryoso kong sabi. Napangiwi siya sabay pabirong pikit. "Ako 'yung muntik mo ng masagasaan last time." "And so? Napilayan ba kita?" "Ang taray mo naman." Inayos ko agad ang mukha ko sabay wagayway ng kamay. "Mali ka ng intindi." "Para sa'yo." "A-ano... Lagi kasi kong namamali sa pagda-drive kaya natanong ko 'yon.." Nahihiya kong kinuha 'yon. "Salamat." "Grabe ka naman. Ibig sabihin hindi lang pala ako 'yung napatay mo." "Patay?!" Nanlaki ang mata ko sabay layo. "Patay na patay sa'yo." Tinawanan niya ang reaksyon ko. "Banat 'yon. Masyado ka namang seryoso." "Paano mo pala ko nakilala?" Tumuro siya kaya napatingin din ako sa sarili ko. "Ang ganda mo diyan sa ID." "Kanina mo pa ko binobola. Hindi mo ko mapapasakay diyan." "Pero nagustuhan mo ba 'yung roses?" "Ikaw?" Tumango siya. "Bakit binigyan mo ko nito? Oh! Sa'yo na ulit." Abot ko na ikinagulat niya. "P-para sa'yo 'to." "Hindi ako nagpapaligaw sa kung saan-saan lang. Sa ganda kong 'to. Nililigawan ako sa bahay." "Okay? So, pwede kitang ligawan sa bahay niyo?" "Tigilan mo nga ako. Ni hindi nga kita kilala diyan, e." "Dan nga." "Done, done na rin tayo. Bye!" Kumaway ako bago sumakay sa kotse. Natawa ko sa itsura niya. Impernes, gwapo na rin 'yon, Ariel. Tapos inayawan mo pa? But no! Hindi ka magpapaligaw sa kalsada lang. Kung type niya talaga ako at kung kami talaga. Magkikita at magkikita pa ulit kami. "Bye, Dan!" sigaw ko bago siya businahan. Ngumiti naman siya at sinundan ako ng tingin. Sa sariling bahay ko, ako umuwi. Sumaldak agad ako sa kama sabay higa dahil sa pagod at dahil na rin sa dami ng nainom ko. Hindi naman ako lasing, sakto lang. Nakauwi pa nga ako, e. "Ano na kayang nangyari kay Seb? Nagpaloko na naman siya sa Vanessa na 'yon." Napaupo ako habang naiinis. "Bakit kasi isang babae lang ang pwede niyong mahalin?! Parang tanga!" Binagsak ko ulit ang katawan ko sa kama. Tumitig lang ako sa kesame habang iniisip siya. Hindi talaga siya deserve ni Vanessa. 'Yung gano'ng lalaki kay Sebastian, dapat pinahahalagahan at nirerespeto. FLASHBACK "Bakit umiiyak ka diyan?" Tinignan ko siya na masungit na nakatingin ngayon sa akin. "Tayo, Ms. Cruz," madiing utos niya. Niloko ako ng mga taong importante sa akin. Sobrang sakit na kahit pa pagtawanan nila kong lahat dito na parang batang umiiyak ay ayos lang. "'Wag mong hintayin na bilangan pa kita." Pinilit kong tumayo habang nagpupunas ng luha. "Tell me. What happened?" "N-nothing, sir." "Nothing?" Umirap siya na para bang nagtitimpi. "Say that if I haven't seen you like that." Tinuro niya 'yung mukha ko at inabutan ako ng panyo. END OF FLASHBACK Tulad ng sabi niya sa akin noon. If they treat you like a toy, treat them like one too. Pero sa sarili niya, hindi niya kayang i-apply. Tuloy-tuloy akong lumakad habang nakangiti papasok sa building. Wala pa si Sebastian kaya nagka-oras pa kong magkapagkape. Pagdating niya, hindi ko maiwasang mag-alala dahil sa mukha niyang matamlay. "Anong nangyari sa'yo?" Lumapit agad ako at inayos ang suot niyang tie. "Don't ask." Hindi niya na ko pinatapos ayusin ang tie niya. Pumasok siya ng nakayuko sa office niya at bigla na lang sinara 'yung pinto nang sobrang lakas. Napapikit ako. Mukhang hindi maganda 'yung kinalabasan ng pagkikita nila kahapon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD