"Hindi ka ba magso-sorry?" tanong ko habang nakahalukipkip at nakadiretso ang tingin sa daan.
"For what?" parang wala lang na sagot niya kaya napanganga ako sabay tingin sa kanya. Tumawa siya. "That's your fault. Ikaw ang umalis. Binalikan kita pero wala ka na."
"Wow!" sarkastiko na sigaw ko. "Wow, talaga! Iniwan mo ko nang sobrang tagal tapos tingin mo hihintayin pa kita do'n?!"
"Yes, of course. Hindi naman kita pwedeng iwanan talaga do'n."
"Edi wow."
"Dito na tayo magpalipas ng gabi." Huminto siya sa isang magarang hotel.
Inayos ko ang sarili bago bumaba. Saka na ko magdadamdam kapag kaya ko na. Kahit nasa labas kami ngayon, boss ko pa rin naman siya.
Kaya kalmahan mo lang, Ariel.
"Ano pang ginagawa mo diyan? Let's go to our room." Mostra niya.
Our room? Natauhan ako at mabilis na sumunod sa kanya.
"Anong our room?"
"Kwarto natin."
"I know. Kaya ko ring mag-english. What I mean is what do you mean by our room?"
"Malakas ang ulan kaya isang room na lang ang vacant. Don't worry. You are safe with me."
Para kong napuwing sa pagtitig sa kanya sabay tango at nganga nang mapunta na sa utak ko ang sinabi niya.
"You can't make babies nga pala," natauhan na bulong ko habang tumatango-tango. "Why? Wala akong sinasabi," mabilis na sagot ko sa pagtingin niya.
Kung makatingin kulang na lang ay lamunin niya ko ng buo.
"Ako sa kama." Doon siya dumiretso at binagsak na ang sarili sa kama. "You can sleep on the couch." Turo niya pa.
Napaka-gentleman talaga.
"I'm still your boss. Kaya dapat dito ako, right?" Mapang-asar niyang tinapik 'yung kutson saka tumawa pahiga.
Nagtitimpi na lang ako pero konting-konti na lang at bibingo na itong isdang 'to.
Masama ang loob kong naupo sa couch. Sobrang liit lang ng room, hindi ganitong itsura ang inaasahan ko kanina. Mukhang pinagpilian na lang ito dahil fully booked na ang buong hotel.
Suminghap ako ng hangin habang iniikot ang tingin sa paligid. Kasing laki lang ito ng kwarto ko sa bahay. Nasa gitna rin ang kama, may maliit na smart tv, maliit na couch na dalawang dipa lang ang pagitan sa kama at cr sa gilid. Sigurado kong maliit lang din 'yon.
Hindi ako makakatulog nito. Hindi ko maiwasang tingnan si Sebastian na nagce-cellphone ngayon, seryoso ang mukha at white shirt na lang ang suot. Buti pa siya maraming baong damit. Ako ito at naka-blouse pa rin at skirt.
Ngayon ko lang naisipang tanggalin ang suot kong heels. Ang sakit sa paa. Tuwing tumatagal ang mga 'to sa paa ko, naninibago kong tumapak sa lupa. 'Yung pakiramdam na parang may hinahanap ang mga paa mo. Gano'n ang feeling.
"Pwede bang sa akin na lang 'yang kumot?" kibo ko at sumulyap naman siya.
"No."
"Ang damot." Tumingin ulit siya, nakataas ang isang kilay. "Fine, hihingi na lang ako sa room service."
"I already did but they don't have," sabat niya. "Nilalamig ka ba? Pwede mong hiramin 'tong jacket ko if you want." Ngumiti siya.
Wala na kong magagawa kaysa lamigin, tinanggap ko na lang 'yon at sinuot. Malaki siya kaya abot hanggang tuhod ko ang jacket niyang pinahiram.
"Gusto ko mang ibigay 'tong kumot sa'yo kaso ayokong lamigin."
"Oo na, okay na ko." Hinawi ko 'yung heels ko sa ibaba bago humiga sa couch.
Bigla akong naging komportable dahil sa jacket niya. Ang init sa pakiramdam.
"Gusto mong manuod ng TV?"
"You should go to sleep, Ariel. Maaga pa tayo bukas." Binaba niya na ang cellphone sa side table at saka pinatay ang dalawang ilaw na maliit sa tabi niya.
Dumilim ang paligid. Natulala ako habang nakikiramdam. Somewhat, totoo nga. Wala akong nararamdamang kaba sa presensya ni Sebastian. Ako pa itong tingin nang tingin sa kanya. 'Yung ginawa niya kanina, ang astig no'n. Kahit na nanghihinayang ako sa mga perang naglipadan kanina.
'Yung mga braso niya, sobrang lalaki na para bang kapag nagtago ako sa mga 'yon ay walang makakahawak sa akin kahit isang hibla ng buhok ko. 'Yung seryoso niyang mukha na nagpatibok ng puso ko nang sobrang bilis. Dub. Dub. Dub. Sobrang bilis talaga na dahilan para biglang lumiwanag 'yung buong paligid. Parang may isang ilaw na nasa likuran niya no'n at binibigyan siya ng liwanag.
"Bakit tinititigan mo ko?" Biglang mulat niya.
Tumagilid kaagad ako. "Hindi, ah." Lumakas na naman ang t***k ng puso ko.
"Kung may masama kang iniisip. 'Wag ka na lang mag-isip." Tumiyaya siya at tumitig sa kesame pagkasulyap ko. "Hindi ko 'yon maibigay kay Vanessa, sa'yo pa?" Sumulyap siya sa akin na iniwasan ko. "Matulog ka na." Tumalikod siya sa akin kaya naman napangiti ako.
"Ang dumi ng isip mo," pahabol na sabi ko, nagbibiro.
"Boss mo kaya ako." Umupo siya. "Hindi ka dapat nagsasalita ng ganyan sa akin. I can fire you."
"Sige nga," nakangisi na sabi ko sabay upo rin paharap sa kanya.
"Don't dare me." Ngumisi rin siya, nakikipaglaban sa pang-aasar ko.
"Okay, sir. Aalis na ko. Maghanap ka na ng bago mo." Kunyari akong tumayo. "Nasa akin na ang phone saka wallet ko kaya pwede na kitang iwan ngayon." Tinukod ko ang dalawang kamay ko sa tuhod ko at pinagpantay ang mga mukha namin. Ngumisi ko, 'yung mapang-asar talaga para makaganti ko. Hindi ako nagbibiro, 'no! Iiwan ko talaga siya para makaganti sa pang-iiwan niya sa akin.
"Okay. Isara mo na lang ang pinto kapag nakaalis ka na."
Napakurap-kurap ako. "Hindi ka natatakot na mag-resign talaga ako?!" bulalas ko. "Aba, Mr. Sebastian! Wala ka ng mahahanap na katulad ko. Nag-iisa lang ako sa mundo."
"I know."
"Alam mo naman pala, e."
"Ms. Cruz, matulog ka na lang kasi. Alam ko rin namang hindi ka aalis sa trabaho."
"Huh!" Napanganga ko habang nagpapamewang. "Aalis ako, 'no! Kaya ko!"
"No, you can't." Nakangisi siyang umiling-iling.
"Ang yabang mo naman," pikon na sabi ko. "Alam mo maraming boss sa mundo—" "Pero wala ka ng mahahanap na kasing gwapo ko," easy niyang sagot.
"Sebastian, alam mo.." Mas lumapit ako sa mukha niya para bumulong nang mahinang-mahina. "Siguro noong nagkapaa ka, naumpog nang malakas 'yang ulo mo, 'no? Kailangan ko na bang magpa-schedule sa pinakamagaling na doctor para diyan?"
"Masyado ka na yatang komportable."
Malakas akong napasigaw nang pagpalitin niya ang pwesto naming dalawa. Ako ngayon ang mas nilapitan niya ng mukha habang nakadagan siya sa akin.
"Akala mo matatakot mo ko? Nagulat lang ako," papahina na sabi ko, umiiwas na ng tingin.
Ang gwapo niya sa malapitan. Sobrang bango at Ariel, gising! You can't fall for him. Niligtas ka lang niya kanina. Ano naman? Kasalanan niya rin naman kung bakit ka nandoon sa inn na 'yon. Iniwan ka niya sa tabing dagat na parang asong gala.
Pero kinupkop niya rin ako na parang prinsesa.
Hindi! Hindi! Umiling-iling ako para magising sa katotohanan.
"Umalis ka na. Panalo ka na, okay?" ilang na sabi ko kasabay ng pagtulak sa dibdib niya.
"No, I don't," he answered weakly. Napatingin na ko sa mga mata niyang unti-unting nagiging blue. Noon ko lang din namalayan na papalapit na rin nang papalapit ang kanyang labi. I blocked his lip with my finger.
"Anong ginagawa mo?"
Hindi siya sumagot. Hinawi niya ang darili ko at inilapat ang labi niya sa labi ko. Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ko siya maitulak hanggang sa hindi ko mamalayan ang paghalik ko pabalik sa kanya.
His kiss was intense but soft. 'Yung tipong nakakawala sa sarili. He pushed me up on the pillow as his tongue continued to enter my mouth. Hindi ko alam ang gagawin. Noah and I never done this before. Masyadong madiin ang halik niya at 'yung mga kamay niya.
Nagtama ang mga mata namin nang hingal siyang umalis sa pagkakahalik. And suddenly, his eyes began to brown again. Parang bigla siyang nalito at tumayo na parang ako itong nanghila sa kanya.
Tinignan niya ko nang matalim kaya nataranta ako at napatago sa kumot.
"Ikaw na diyan. Ako na sa couch," mahina niyang sagot at agarang lumipat. Humiga siya at tumalikod sa akin.
Sobrang lakas ng t***k ng puso ko. Ramdam ko pa rin hanggang ngayon 'yung labi niya sa labi ko. Parang gusto ko pa.
"Baliw," bulong ko sa sarili sabay tanggal ng pagkakahawak sa labi ko.
Pumwesto ako nang nakaharap sa kanya. Siguradong siya ang giginawin ngayon. Nakasuot na nga sa akin ang jacket niya tapos nasa akin na rin ngayon 'yung kumot.
Hindi ako mapakali kaya tumayo na ko. Malakas kong hinila ang buong kumot at inilipat kay Sebastian. Tulog na tulog na siya ngayon. Ang gwapo. Nakakainis, tapos hinalikan pa ko.
Mukhang kailangan ko na talagang mag-resign para sa safety ng puso ko.
Hindi ko naman pinagkakaila na dati pa man ay attractive na siyang tingnan para sa akin. At ngayon, mas lumalala pa.
"Ma'am Ariel."
"Y-yes?" Nabalik ako sa ulirat sa pagtapik ng isang baguhan.
"Sorry po kung itatanong ko 'to. Pero may problema po ba kayo? Halos ilang araw na rin po kayong ganyan. Bigla na lang tumutulala. Hindi po kaya kayo matanggal niyan ni President?"
Napabuntong hininga na lang ako. Mula noong gabi na 'yon. Totoo ngang lagi na lang akong natutulala. Parang sirang plaka na play nang play sa utak ko 'yung nangyari noong gabi na 'yon. Lalo na 'yung malalambot niyang labi.
Pero siya, ayan. Parang may amnesia. Wala lang sa kanya 'yon. Natitignan niya ko nang diretso, hindi katulad ko na madalas mautal sa pananalita at bukod sa lahat ay puro bukang bibig niya pa rin 'yung pagpapabagsak sa boyfriend ni Vanessa.
Nasisiraan na yata ako ng bait.
"Ariel."
"Hala, lutang ka, girl?" Napatingin ako kay Hazel. "Ano bang iniisip mo? Sumama ka nga sa amin pero mukhang nasa trabaho 'yang utak mo."
"Uminom kaya tayo ngayon?" suggest ko agad. "Libre ko."
"Wow!" Na-excite agad silang tatlo.
"Ako na." Napaharap ako sa lalaking nagsalita. Nabobosesan ko siya.
"Ay, oo nga pala! Nakalimutan kong ipakilala sa inyo 'tong kapatid ko. Si Dan."
Siya... Nagkita na naman kami...
"Klarize, bakit ngayon mo lang siya pinakilala sa amin?!" angal ni Hazel.
"Kakauwi niya lang galing states. Doon siya nag-aral."
"Wow, sayang si Ariel na lang ang single sa atin." Tinignan nila ko. "Single ka rin ba, Dan?" Balik nila kay Dan na nakangiti ngayon sa akin.
"Nagkita ulit tayo. Destiny na ba 'to?" biro niya, hindi na pinapansin ang nakapaligid sa amin.
"Tamang-tama, single 'yang si Ariel."
"Klarize, 'wag ka nga. Pati kapatid mo nirereto mo sa akin."
"Bakit naman hindi? Friend kung si Kapatid na ang magiging jowa mo. Ayos lang. Boto ko sa'yo." Kumindat siya sa akin at napangiti naman ako kay Dan.
Ito na siguro 'yon. Kaya siguro ako naa-attract kay Sebastian kasi kulang ako sa lovelife. Ito na siguro ang tamang pagkakataon para lumandi ulit.