"Salamat, ha? Pumayag kang dumaan dito kahit na labag sa loob mo," mahina na bulong ko kay Sebastian na nakatayo ngayon malapit sa akin. Sobrang tangkad niya talaga, nagmumukha tuloy akong bata sa tabi niya ngayon.
"Ilang kilo?"
"Dalawang kilo lang po." Ngumiti ako sa ale habang nakamostra sa darili at nakatingin sa tahong na kinikilo niya.
"And this one," kibo ni Sebastian, nahihiyang nakaturo sa isang tumpok na seaweeds. "Gusto ko ng seaweeds."
"Oh!" My mouth immediately formed an ‘o’. Natawa ko at tinapik siya. "Akala ko isda ang tinuturo mo," biro ko.
Umirap siya at humagikgik naman ako sa pagtawa.
"Gusto ko nga sana ng isda o kaya 'yung gano'ng kalalaking crab kaso baka—" "Don't say it. Baka iwan na kita dito."
"Ito naman, napakasungit. Hindi ka na mabiro."
"Hindi ako nakikipagbiruan." Seryoso niya na kong inirapan saka nagpamulsa ng mga kamay.
"Hintayin mo kaya ako." Kinuha ko agad sa ale 'yung mga binili namin. "Kasya na ba sa'yo 'to?" Tinaas ko 'yung seaweed sabay ngiti sa kanya nang tingnan niya ko nang matalim. "Napakaseryoso mo."
Hindi siya kumibo, napipikon na yata sa akin. Panay ang iwas niya at ngiwi kapag may tinatagang isda sa gilid-gilid. Gusto kong matawa kaso baka iwan niya talaga ko dito. Ayokong maglakad pauwi.
"Marami ka pa bang bibilhin?"
Sinulyapan ko siya na ngayon ay nakahawak sa mukha at paminsan-minsan ay hinaharangan ang mga mata para hindi makita ang paligid.
"Bakit kasi tingin ka pa do'n ng tingin?"
"Paano akong hindi titingin?! This is crazy! Oh!" Pumikit siya at nasindak sa kutsilyo ng isang mama. Isang taga lang no'n hati agad ang isang isdang sobrang laki.
"Nato-trauma ka na ba?" Pinigilan ko ang ngiti ko. Mali ito pero pakiramdam ko, nagantihan ko na siya sa ilang taong pagpapahirap niya sa akin. "Last na 'to. Gusto ko ng pusit. Okay lang ba?"
"Mauuna na ko."
"Hoy! Teka! Hindi naman 'to isda!" sigaw ko pero ang bilis niya nang lumalakad ngayon. "Ate, pabilisan po ang pagkikilo baka iwanan niya ko." Inabot ko agad ang bayad at kinuha ang supot. Tumakbo ako pahabol kay Sebastian na ngayon ay malapit na sa sasakyan.
"Ang bilis mo." Hingal akong humawak sa pinto ng driver's seat.
"Next time, I'll take you to the market for human flesh."
"Hindi naman ako bumili ng isda, ah! Sungit nito." Lumakad na ko papunta sa likurang pinto. Binuksan ko 'yon at nilagay ang mga binili namin sa isang styro box na binili ko kanina sa daan. "Hoy!" Nanlaki ang mga mata ko nang bigla niyang paandarin ang kotse pagkasara ko ng pinto.
"Sebastian!!!" sigaw ko.
Hindi niya talaga ako binalikan. Samantalang pumayag naman siyang pumunta dito. Kaasar na isda 'yon.
Napilitan tuloy akong lumakad dahil bente pesos na lang ang laman ng bulsa ko. Wala akong cellphone o kahit ano. Nakakainis. Sobrang nakakainis talaga. Gusto kong magwala dahil sa sobrang pagod pero wala rin akong magawa kundi magpahinga at umupo muna sa gilid ng daan.
"Mom." Naalala ko na naman siya dahil sa magagandang alon ngayon ng dagat. "Kung nasaan ka man sana masaya ka. Kahit na wala ako doon." Humarap ako ng pag-upo sa direksyon ng dagat.
Kinalso ko ang dalawang braso ko sa inuupan ko habang pumipikit ako at ninanamnam ang hangin mula sa dagat.
FLASHBACK
"Mom, aalis ka po ulit?" Ngumuso ako para magpa-cute sa kanya. "'Di ba po may bagyo? Natatakot po akong maiwang mag-isa." Yumakap ako sa kanya.
"Be brave, darling. Sandali lang akong mawawala." Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko saka ako binigyan ng isang magandang ngiti. Sinubukan kong maging matapang.
Pinagmasdan ko siyang umalis sa gitna ng sobrang lakas na ulan.
END OF FLASHBACK
"Nami-miss pa rin kita but don't worry dahil hindi na ko iyakin tulad ng dati. I can handle myself now. Big girl na 'yung baby mo, mom. Kahit mahirap nagpapatuloy pa rin ako sa buhay... Kahit mag-isa na lang."
Ayokong umiyak kaya binalik ko sa kahimasmasan ang sarili ko. Nag-inat-inat ako ng katawan bago muling tumayo para lumakad paakyat sa itaas nitong lugar.
Gabi na noong makarating ako sa ituktok. Nakakita ko ng isang inn kaya napatingin ako sa bente pesos na nasa bulsa ko. Ano kayang gagawin ko?
Hindi ito magandang tingnan mula sa labas. Tagilid na ang sign ng hotel at may kumikislap na ring kuryente doon. Pagpasok, sinuyod ko agad ng tingin ang buong inn. I'm not expecting anything great kasi palpak na sa labas.
Sobrang dilim, pula ang mga ilaw nila. May mga kakaibang picture sa magkabilang gilid ng wall na para bang nagpapaatras sa mga paa ko.
Lakas loob akong kumatok sa bintana ng counter. May open na nakalagay pero mata lang ng taong nasa loob ang makikita mo.
"Ahm, hello po? Magkano po ang room rates niyo rito?"
"Ikaw lang mag-isa?" Nakita kong tumaas ang kilay niya. Bigla niyang tinaas ang harang at mukhang hindi pa naniniwala sa akin. Sumulyap siya sa magkabilang gilid saka ako takang tinignan.
"Ako lang po."
"Isa na lang ang bakanteng room ko. Four fifty," medyo masungit niyang sagot.
Napalunok ako, hawak-hawak ang bente pesos kong dala. Ano ba kasing pumasok sa isip ko? Hotel? Bente pesos?!
"Ano na? Kukunin mo ba o hindi?"
Muli akong tumingin sa labas. Malakas na ang ulan kaya hindi ko na malaman ang gagawin.
"Miss!"
"Ahm, h-hindi na po."
"Hay, istorbo." Binaba niya ulit 'yung harang at tinalikuran ako.
Pwede naman siguro kong makisilong dito ngayong gabi, 'di ba? Uupo na lang ako sa isang gilid.
Maya-maya pa, may dumaang dalawang lalaki sa akin at isang babae. Nag-check in sila nang sama-sama. Hindi ako nag-iisip ng masama. Umuulan at hindi lang naman ako ang inabutan dito.
Bwisit kasing isda talaga 'yon. Kapag yumaman ako, ipapakain ko talaga siya sa mga pating.
"Bakit may bebot ka diyan?"
Napatingin ulit ako sa counter na nakabukas ngayon. Nakatingin sa akin 'yung lalaki sa loob na tila ba inuusisa niya ko at ang isa naman ay 'yung kasama kanina ng dalawang pumasok.
"Maganda."
"Kutis mayaman."
"M-makikisilong lang ako sandali. Pagtila rin ng ulan aalis na ko," matapang na sabat ko. Niyakap ko ang sarili ko, nakakailang na kasi 'yung pagtingin nila sa katawan ko. Maling lugar yata 'tong napuntahan ko.
"Naliligaw ka ba, baby?" Baby mo mukha mo.
Lumapit 'yung lalaking kasama ng dalawa kanina kaya tumaas agad ang kilay ko. Dumasog ako sa kabilang dulo ng upuan nang tumabi siya.
"Hindi ako naliligaw. May hinihintay lang ako."
"Boyfriend mo?"
"Asawa." Umirap ako.
"Asawa? Huh?" Tumawa siya at kinindatan ang nasa counter. "Pare, may bakante ka pa diyan?"
"Meron pa."
Akala ko ba isa na lang ang bakante niya.
"Tara, doon mo na hintayin 'yung asawa mo." Kumabog ang dibdib ko. Tatakbo na lang siguro ko sa ulan kapag nagpamulit pa ang isang 'to.
"Okay na ko dito." Pagmamatigas ko.
"Lalamigin ka diyan."
"Wala kang pakialam."
"Doon maiinitan ka."
Umirap ako at humalukipkip.
"Miss Ganda, hindi sa'yo bagay 'yung maghintay dito sa labas," manyak niyang sabi na may kasamang pagtungkod ng dalawang kamay sa hita kong nakalabas sa skirt na suot ko. Hindi ko naiwasang magdilim ang paningin ko. "Tara."
Nginitian ko siya bago binigyan ng uppercut sa may baba.
"Baliw ka ba?!" galit niyang sigaw kaya tumayo na ko.
"Oo, baliw ako kaya 'wag mo kong hinahawakan kung ayaw mo pang mamatay!"
"Okay lang." Mostra niya sa lalaking patawag na sa telepono. Ininat ng lalaking nasa harapan ko ang mga braso niya saka leeg bago ako tawanan. "Type kita. Gusto ko 'yung mga ganyan. Palaban."
"Subukan mo lang lumapit ulit!" Nag-pose ako ng pang professional boxer.
"Palaban, pre," nakatawa niyang sabi sa lalaking nasa counter habang nakaturo sa akin.
"Hay, dalian mo na lang paamuhin 'yan. Ayoko ng gulo dito." Umupo na ulit siya at pinanuod kami.
"Alam mo miss, hindi ako nananakit ng babae kaya 'wag kang matakot. Kung ayaw mo ng libre, babayaran na lang kita. Ngayong gabi lang."
"Anong tingin mo sa akin? Bayarang babae?"
"Ano pa't nandito ka?" Humakbang siya palapit kaya mas tinigasan ko ang katawan ko. Bahala na. Pero hindi! Pwede pa kong umatras at tumakbo palabas. "Babayaran na lang kita. Magkano ba ang gusto mo?" Ngumisi siya at nailagan ang suntok ko. Hinawakan niya nang mahigpit ang braso ko kaya napa-aray ako. Sinubukan ko ring sipain ang pagitan ng hita niya pero nakaiwas din siya.
"Pakawalan mo nga ako!"
"Ang sexy mo rin pala. Para kong nakabingwit ng magandang isda ngayong gabi. Tingnan mo."
"Zack, ano ba 'yan?" tanong ng lalaking kasama niya kanina. Nakaakbay ito sa babaeng kasama niya ring pumasok.
"Bago kong girlfriend."
"Girlfriend?! Ang kapal ng mukha mo!"
"Maganda na, palaban pa."
"Mukhang ayaw niya naman sa'yo. Ako na lang din," malanding sabi ng babae habang ngumunguya ng gum.
"Hindi na, kayo na lang. May bago na kong kalaro." Ngumisi siya at bumaling sa akin. "Tulad ng sabi ko, kahit magkano. Bibilhin kita."
"Sinabi nang hindi ako nabibili!"
"Bitiwan mo siya."
"Sebastian."
"Sino ka naman? Asawa mo?"
"Sebastian, 'wag." Pigil ko nang sakalin niya 'yung lalaki. Napalaki ako ng mga mata habang umaatras. Ganito siya kalakas? Ang laki no'n pero isang braso niya lang na binubuhat ngayon.
"Pwede rin ba kitang bilhin? Kahit magkano.." Mas hinigpitan niya ang hawak sa leeg kaya nagwala na ang lalaki. Tutulong sana 'yung isang kasama niya pero natakot siya sa pagtingin ni Sebastian.
Nakakatakot siyang tingnan. Nakasuot lang siya ngayon ng white polo shirt kaya kitang-kita ang malalaki niyang braso.
"Tumawag kayo ng pulis!"
Binagsak siya ni Sebastian sa sahig. Napangiwi ako nang may butong tumunog. Para 'yong nabali at sakto namang may ininda ang lalaki sa likuran niya.
"Magkano bang dapat ibayad sa katulad mo?" Humugot siya ng wallet at itinapon sa lalaki ang lahat ng laman no'n. Napanganga ako. Ang daming perang nagkalat ngayon sa sahig at naiwang tulala ang mga tao doon habang hinihila na ko ni Sebastian palabas.