"Yeah, I can do that." Mahinhin akong ngumiti nang tingnan niya ko. "Actually, hindi naman na ko gano'ng busy ngayon. Magre-retired na kasi si President."
"That's good," he chuckled.
"So, kita na lang tayo. Bukas," awkward kong ulit habang umaatras na sa paglakad.
"Okay, see you, Ariel."
Dali-dali akong pumasok sa bahay. Naghintay ako ng ilang minuto bago lumabas ulit.
From: President
Where are you?
Maigi kong binasa ang text ni Sebastian. Sa tagal naming magkasama, ngayon lang siya ng text ng tungkol sa akin.
"Ayan na, papunta na," sabi ko sa cellphone ko kahit hindi nakatawag.
From: President
It's already nine, Ariel.
"Papa ko naba siya ngayon?" natatawa kong usal bago pumara ng taxi pauwi sa mansion niya.
Eleven na kong nakauwi dahil sa traffic. Saktong pagpasok ko sa gate ang paglabas naman ni Sebastian sa pinto. Nagulat ako at parang siya rin.
"Saan ka galing?" Nagpamewang siya.
"Naglibot?" alangan na sagot ko dahil sa pagtaas ng kilay niya. Lumapit siya at pinakita sa akin ang relo niya.
"It's already eleven, Ariel."
"Bakit ba inoorasan mo ko? May curfew ba dito?" "Yes," agad na sagot niya. Natigilan ako panandalian. "Sir, hindi dahil sa pumayag akong dito tumira ay sa'yo na ko nang buong-buo. I have a life too," mahinahon kong sagot.
"I'm not forbidding you to have a life of your own. It's just..." Kinagat niya ang labi niya na parang nag-iisip. "What if I die? Tapos wala ka rito. Ano na lang ang mangyayari sa akin?"
"Hindi ba nagiging OA kana?"
"No," madiing sagot niya. "I’m just saying the possibilities. Ayoko pa ring mamatay." Humawak siya sa dibdib niya.
"Okay, sorry po." Yumuko ako. "Pwede na ba kong pumasok? Medyo nadami kasi ko ng inom. Gusto ko ng mahiga. Hehe."
"Okay." Nagmostra siya na pumasok na ko na mabilis kong sinunod.
Pagkapasok, humiga agad ako sa kama. Hindi na ko nagbihis o nagtanggal ng make up. Para na rin kasing umiikot ang paligid.
"Ariel." Hilo akong tumingin sa gawing pintuan. Nakita ko si Sebastian na nakatayo doon at may hawak na tasa. Binaba niya 'yon sa side table ko saka umupo sa gilid ng kama. Napaupo rin ako, sumandal ako sa bed frame para matignan siyang mabuti.
"Papagalitan mo ba ulit ako?"
Wala siyang sinagot. 'Yung mukha niya ang seryoso na para bang may iniisip siyang malalim. Tapos nagulat ako nang biglang magkaroon ng kaliskis ang mga kamay niya.
"Anong nangyayari sa'yo?"
"About Vanessa..." panimula niya. "Ilang araw ko na 'tong pinag-isipan.."
"Ano ba 'yon? Bakit hindi mo masabi? 'Yung totoo, ano bang nangyari noong umalis kayong dalawa?"
"We went to her parents' house." Hindi pa rin siya nakatingin sa akin. "At nandoon din 'yung boyfriend niya."
"Anong nangyari? Nagsuntukan ba kayo?"
"No." Tumawa siya. "Ilang bote ba ang nainom mo?"
"Hindi ako lasing. Nahilo lang ako kakapreno ng taxi kanina." Maagap kong pagtatanggol sa sarili ko. "Okay sige, nakalima ako."
"Bukas na lang kita kakausapin." Tumayo na siya na mabilis kong pinigilan. Maagap kong tinanggal ang kamay ko nang bumalik siya ng tingin sa akin. Tinignan niya ang kamay niyang may konting kaliskis at tinago gamit ang isa niyang kamay. "Bukas na lang."
"Sabi mo pangit 'yang mga kaliskis mo pero para sa akin. Maganda naman." Hinawakan ko ulit 'yung dalawa niyang kamay habang nakatayo siya sa harapan ko. "Be you, Seb. 'Wag mong gawing masyadong perfect ang sarili mo dahil lang 'yon ang gusto niya. Nobody is perfect. Isama mo na 'yung b***h mong girlfriend." Tumawa ko.
Natumba ko sa kama nang bigla niya kong sunggaban ng isang mapusok na halik.
"Bakit ganyan ka, Ariel? Hindi ka ba natatakot sa akin?"
"Hindi, kailangan ko bang matakot?" Muli niya kong hinalikan at yumakap naman ako sa kanyang leeg.
"s**t!" Napamulat agad ako sabay tingin sa orasan. "Four pa lang." Humiga ulit ako. "Anong klaseng panaginip 'yon?!" inis kong angal sa utak ko habang nakasabunot sa buhok ko.
'Yung labi niya, dahil sa paghalik niya sa akin noong nakaraan! Hindi na ko makaahon sa pag-iisip! Konti na lang yata mababaliw na ko!
"Kagigising mo lang pero parang pagod ka na," he laugh while sipping at his coffee. Tahimik lang akong naupo sa katapat niyang pwesto. "Ikaw na ang umubos nito. Mukhang mas kailangan mo." Binaba niya 'yon sa harapan ko. Wala pa rin ako sa katinuan. Ang nakikita ko lang ngayon ay 'yung bakat ng labi niya sa gilid ng tasa. Indirect kiss kapag uminom ako doon.
"Pwede ba kong umabsent?" Nilingon ko siya sabay palumbaba.
"Nope, ngayon na natin sisimulan 'yung bucket list ko. Kailangan kita do'n, remember?"
Mas lalo akong parang tinamad. Lalabas kami. Kaming dalawa lang na parang isang date.
"Ariel, may sakit ka ba?" Lumapit siya at mabilis naman akong umiwas sa kamay niyang ihihipo sa akin. "Anong style 'yan? Marunong ka na ngayong mag-kung fu?" Tinawanan niya ko kaya napababa agad ako ng mga braso.
"'Wag ka kasing lapit nang lapit." Tumakbo ako palayo.
"Aalis na tayo ng seven."
"Oo na!"
Tumatawa siya habang nakatingin sa akin at umiiling.
"Grabe 'yung t***k," hingal na bulong ko.
'Yung labi niya.
"No! No! No!" Sampal ko sa sarili.
Pikit mata akong naligo habang nagko-concentrate. Buong araw akong iiwas ng tingin sa mukha niya lalo na sa labi niya. Tama, hindi ko kailangang pahirapan ang sarili ko.
Pagkabihis, bumaba agad ako nang presentable.
"Bakit nakapang-office ka? I told you~~" Napanganga ako. Wala ng ibang pumapasok sa tainga ko ngayon. May liwanag na naman akong nakikita sa paligid niya. Nakasuot siya ng casual attire, gray long sleeves at jeans. Ngayon ko lang siya nakitang nakagano'n. "Ariel!" Pinitik niya ko sa nuo na ikinagulat ko. Napanganga ko habang nakahawak sa nuo ko.
"Bakit ba ganyan ka ngayong araw?!"
"So-sorry p-po."
"What's happening to you?" matinis niyang tanong.
"W-wala p-po."
"W-wala p-po?" Panggagaya niya.
"Yes, sir. Wala po." Umayos agad ako at ngumiti. "Tara na po sa kotse?" Mostra ko.
"Fix yourself," aniya bago ako lampasan.
The first thing he wrote on the bucket list was boating while fishing. Nakakabaliw, kanina pa ko tinatamad.
"Bakit pa tayo nangisda kung binabalik mo rin sila sa tubig?!" gigil na sabi ko, pinaparinig sa kanya na ngayon ay nagbabalik ulit ng isda sa tubig.
"I just want to try it. That's all."
"Kalahating araw, Seb! Kalahating araw na tayong nakaupo rito sa bangka at nangingisda! Umiitim na nga ako, oh!" Pagpapakita ko sa kanya sa aking balat. Tinawanan niya lang ako at muling nilagay ang pamingwit niya sa tubig. "Nakakaloka ka."
"'Wag ka ng magreklamo. Wala ka pa ngang nahuhuli, e. Unlike me, na nakakasampu na."
"Oo, nakakasampu ka na nga pero nasaan na?!"
"Kapag nakahuli ka kahit isa. Titigil na tayo." Ngumiti siya, naghahamon.
"Game."
"Game."
"Dahil ayoko na. Gagalingan ko na ngayon." Binitawan ko muna ang hawak ko. Itinaas ko ang magkabilang sleeves ko at nginisihan siyang humanda na.
"Good luck."
"Nakita ko 'yon!" Turo ko sa kamay niya.
"Ang alin?"
"Hinawi mo silang lahat! Dinadaya mo ba ko?" Nagpamewang ako sabay tayo. "Oh! Oh!"
"Ariel!" Humawak siya agad habang ako ay patuloy sa paggewang. "'Wag kang malikot!"
"Tulungan mo ko!!" Nanlaki ang mga mata ko nang mahulog ako sa tubig. "Sebastian!!!"
"Kumapit ka."
"Pinulikat yata ako!!! Ang sakit!!" Mahigpit akong humawak sa bangka.
"H-hindi kita matatalon. Magiging buntot 'to."
"Bakit?!"
"Nasa dagat tayo, Ariel!"
"Bakit kasi nag-aya ka dito?!!" Napaubo na ko habang kumakawag lalo sa tubig.
"Hihilahin kita. 'Wag ka kasing malikot!" Hinawakan niya ko nang mahigpit. Tumingin siya sa paligid at kumaway sa isang bangka na medyo malapit sa amin. "Nakikita ba nila tayo?" mahina niyang tanong.
"Hilahin mo na lang ako!"
"Hindi ko kaya matutumba—" Parehas kaming lumubog nang tumagilid ang bangka. Hindi ko maigalaw ang mga paa ko. Parang may batong malaki na nakadagan dito. "Ariel!!"
Hindi ko na kaya...
Hindi na ko makahinga...
"Sebastian..." Pilit kong inabot ang imahe niyang malayo sa akin ngayon. "Haaaa!!! Anong nangyari?!" sigaw ko, kapa-kapa ang buhangin sa paligid ko. "Sebastian?!" Bakit wala siya?
Asan ako? Nataranta ko kaya lalo kong nilingon ang paligid. Para itong maliit na isla, tanaw ko ang kabilang dulo at may ilang puno lang sa gitna.
"Sebastian!!!" malakas na sigaw ko dahil sa kaba.
"Nandito ko. 'Wag kang sigaw nang sigaw."
"Asan ka?!" Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses niya.
"Ayoko ng mangisda sa susunod kasama ka," pagod niyang wika.
Sinubukan kong tumayo para hanapin siya. Mukhang nandoon siya ngayon sa likuran ng malaking bato.
"Aahhh!!" Napapikit ako. "B-bakit wala kang suot?!"
"Ano bang sa tingin mo?! Malamang nasira na kanina!"
"Ba't nagagalit ka?!" angal ko sabay tingin sa kanya at talikod ulit nang makita siyang walang kahit anong suot. "D-dapat kasi . . . pinalagyan mo na lang ng isda 'yung swimming pool mo."
"Thank you, Seb, ha? Thank you at niligtas mo ko," sarkastiko niyang sabi kahit kasalanan niya naman. "Pahiram niyang jacket mo," bigla niyang utos. "Dali na."
"Oo, eto na nga, oh. Tinatanggal ko na." Pagsunod ko sabay abot sa kanya ng jacket habang nakatalikod pa rin ako. "Paano na tayo ngayon?"
"Malamang lalangoy ulit tayo."
"Pero ang layo. Wala nga akong matanaw na kahit ano mula rito."
"Ms. Cruz," seryoso niyang tawag at pumunta sa harapan ko. Hindi ko maiwasang tingnan ang ginawa niya sa jacket ko. Nakaharang 'yon ngayon sa ibabang parte niya. "Dito ang tingin." Itinaas niya ang baba ko. Napalaki ko ng mga mata nang makita ulit 'yung mga labi niya.
"Kailangan nating lumangoy. Nagkakaintindihan ba tayo?"
"Yes, sir." Umiwas ako at inalis ang kamay niyang nasa baba ko.
"Siguradong kapag may ibang nakakita sa akin na walang suot. Iba ang iisipin nila sa akin at hindi 'yon pwede. Kilala akong tao. Hindi pwedeng masira ang image ko sa media."