"Oo na, bibilhan din kita ng hipon. Basta bayaran mo sa akin ha?" pabirong sabi ni Dan sa kabilang linya. Ngumiti siya sa akin at minostrahan akong sandali lang. Habang kausap niya si Klarize. Hindi ko naman maiwasang pasadahan ng tingin ang paligid. Kinakabahan ako dahil sa pagtingin ni Sebastian kanina. Bakit ba kasi gano'n niya ko tingnan? "Oo na, sige na." Napatingin na ko kay Dan nang ibaba niya ang tawag. "Sorry, ha? Ang daming pinabibili ni Klarize. 'Wag na raw akong uuwi kila mama kapag hindi ko binili lahat." "Close talaga kayo, 'no? Nakakainggit. Parang gusto ko rin ng kapatid." "Nako! 'Wag!" OA niyang sagot kaya natawa ko. "Bakit naman?" "Nakaka-stress." Bumaling na siya sa nagtitinda. "Ate, pakidagdagan nga po ng seaweed." "Mahilig ka rin sa seaweed?" nagulat kong